Chapter 21

3702 Words
Nagising si Stefano nang mapansing may nakayakap sa kaniya. Mag-aalala na sana siya nang makitang si Bela iyon. Kinurot niya ang paa niya at napaaray sa sakit. Hindi siya nananaginip. Maingat na pinahiga niya ito nang maayos at kinumutan. Napangiti siya at saka lumabas ng kuwarto. Naalala niya ang pinagagawa niya at sobra siyang nahihiya. Huminga siya nang malalim at lumabas ng bahay nila Bela at umupo sa hagdan. “Hindi ka makatulog?” Napalingon siya at kaagad ding napatayo nang makita ang ama ng asawa niya—si Infernu Rasgild. Binigyan siya nito ng sigarilyo kaya mabilis niyang tinanggap iyon. “Huwag kang maingay sa asawa mo ha at sa asawa ko,” banta nito. Tumango naman siya at napangiti rito. “Okay ka na ba?” tanong nito. Tumango naman siya. “Pasensya na po kayo kanina kung nakagawa man ako ng hindi maganda,” aniya rito. Tumango lamang si Infernu. “Wala iyon hijo, mas malala pa nga ako sa ‘yo kung susumahin,” anito. Tumango-tango lamang si Stefano. Alam niya kung gaano ito kadelikado ang kaharap niya. Para itong legend sa orga nila. “Hindi ko alam kung sasaya ba ako sa ginawa ng anak ko o hindi. Kaso wala akong magawa eh. Alam mo kasi ano iyan eh, batas niya ang nasusunod. Kahit anong pangaral ang gawin namin hindi nakikinig. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil in-spoiled ko at mana sa ‘kin ang ugali. Mabait naman ‘yan kung tulog,” kuwento nito. Natawa naman si Stefano. “Unang nobya mo ang anak ko?” tanong nito. Alanaganing napatango naman siya. “That’s rare! Ikaw lang yata ang mafia boss na walang dumi sa katawan. Maganda iyan at malaki ang pagpapahalaga mo sa kababaehan. Nakahinga rin ako kahit papaano at hindi naman pala kung ano lang ang naging asawa niya,” anito. “Thanks to my mother. Malaki po ang utang na loob ko sa ina ko at malaki rin ang pagpapahalaga sa kaniya bilang babae. Hindi po ako nalihis nang daan dahil sa kaniya. Pero ganoon pa man, hindi pa rin nu’n mababago ang katotohanang hindi ako mabuting tao. Masamang tao pa rin ako,” wika nito. “Ako rin naman. Kahit pa sabihin mo na ayaw mo kung ipinanganak ka para maging tagapagmana ng mafia wala kang magagawa. Hanggang isang araw magigising ka na lang na nasasanay ka na sa ganoong klaseng buhay. Naging normal na lang ang lahat sa ‘yo. Alam ko kung ano ang pinagdadanaan mo. Hanapan mo iyan nang paraan para malusutan dahil kung hindi maiipit ka,” anito. Tumango naman si Stefano. “Kumikilos naman ako, sumakto lang talaga na gusto na akong iwan ng anak niyo. Kung kailan nakakapag-isip ako nang maayos kasama siya ginulo niya na naman ang buhay ko,” wika nito. “Matigas talaga ang ulo ng babaeng ‘yan. Hindi ko na ako magtataka. Hindi ko nga alam kung paano ka niya napapayag na pakasalan siya. Akala ko nga hindi na iyan makakapag-asawa,” anito. Stefano smiled at Infernu’s statement. “She’s that worse?” tanong niya. “Oo, masama talaga ang ugali. Pero mapagmahal naman kahit papaano. Kaso ayun nga, masiyadong independent at hindi showy kaya kinatatakutan pa ‘yan. Matigas ang ulo at talagang palaban. Hindi iyan takot sa kung anong klaseng away. Minsan nga napapaisip ako kung iyan ba talaga ang gusto nilang gawin sa buhay. Palagi nilang sinasabi na oo raw. Pero alam ko, kung may paraan lang sana na maialis ko sila sa ganoon sigurado akong ikatutuwa nila iyon. Iyang mga anak ko, kahit alam nilang delikado basta para sa pamilya natin hindi nag-aalinlangan,” nakangiting sambit ni Infernu. “Kita ko naman po,” sagot niya. “Kaya huwag na huwag kang susuko. I’ve been there, just when things begin to turn away from your favor, always remember that...that way is never yours in the first place. If it’s yours, it flows in you freely. You’re not forcing anything to happen. It’s making you happy even if it’s difficult,” wika nito. “Thank you,” aniya rito. “Stefano?” Napalingon naman siya at napangiti nang makita ang nag-aalalang mukha ni Bela. “You woke up,” ani Stefano at napatayo. Nilapitan naman siya ni Bela. “Dad?” “Nakipag-usap lang ako sa kaniya, namamahay siya,” sagot ng ama niya at tinapik ang balikat ni Stefano saka nakangiting umalis. “Bela,” aniya rito. “Akala ko umalis ka na,” sambit nito at tumalikod. Bumalik sila sa kuwarto at humiga na ang asawa niya habang nakatalikod sa kaniya. Inilapit naman niya ang katawan dito at niyakap ito nang mahigpit. Napapikit naman si Bela at sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam. Aminin man niya o hindi, talagang na-miss niya nang sobra ang asawa. Ang mainit nitong yakap na parang gusto na lang niyang matulog. “I’m glad you’re not pushing me away now,” bulong niya rito. “I’m tired,” sagot ni Bela. “I’m sorry, I just can’t let you leave like that,” ani Stefano. “I know, but always know that having each other will only create more problems. Mas mahihirapan ka at mas mahihirapan din ako. Alam kong gusto mo akong makasama, ganoon din naman ako. Pero hindi pa umaayon ang panahon sa ‘tin. Paano ba natin ilalaban ‘to kung mismong sitwasiyon ang pumipilit sa ’ting mahiwalay?” tanong ni Bela. “I’m finding a way to solve this. Nakausap ko na ang head ng triad. Matagal ng may usapan ang dalawang crime groups. Napagkasunduan na walang mangko-cross kung sakali dahil makaiba naman ang bawat organisasyon. Nakakapareho lang sa gawain. Ang naging problema lang ay dahil open ang country natin. Halos kalahati ay dominated na nila, at ang kalahati naman ay dominated pa ng orga natin. May isang miyembro na gustong pasukin at pinipiling huwag sundin ang usapan para sa kapakanan ng pansariling interes. Handang magkagulo mapunta lang sa kaniya ang karapatang mag-operate sa bandang teritoryo natin. Hindi ako papayag siyempre. Magkakagulo talaga kapag nangyari iyon. Kung papayag ako, para ko na ring sinasabi na sakupin na pati ibang teritoryo niyo,” saad nito. “Alam mo ang mas nagpapahirap sa ’kin? Dahil mismong ama ko ang nagpresenta sa kanila na gawin iyon. Alam niyang mahihirapan ako. Kaya hindi ko rin nilalabas ang tungkol sa atin dahil natatakot akong idamay ka niya. Gusto kitang ipagsigawan, pero hindi puwede dahil madadamay ka. Wala siyang pakialam kung ano pa ang katayuan mo. Ang importante sa kaniya ay posisyon at kapangyarihan. Wala na siyang pakialam sa ‘kin, Bela. Ang mama ko na lan ang meron ako. Hindi puwedeng mawala siya sa ’kin dahil dito kaya napapanghinaan ako ng loob,” dagdag nito. Ramdam niya ang lungkot sa boses nito. “Inakala ng iba na kapag nagsanib puwersa tayo ay lalong lalaki at titibay ang organisasyon pero hindi nila naiintindihan. Kapag magkasama tayo magiging mas madali ang lahat para sa kanila. Pagpaplanuhaan nila kung paano tayo maaalis sa landas nila nang sabay. Ang mga ka-cosa natin, hindi tayo sasamahan hanggang dulo dahil una pa lang anay na silang maituturing sa council. Naghihintay lang ng magandang pagkakataon na masira tayo, saka ulit kikilos. Kung ang puntirya nila ay tayong dalawa, mahihirapan tayo. Naiintindihan ko kung bakit ka lumalayo sa ‘kin, dahil gulo lang ang dala ko sa ‘yo, pero gusto ko lang din maintindihan mo ang sitwasyon,” wika nito. “Panan kaya kung patayin natin ang ama mo?” saad niya. Natigilan naman si Stefano kaya natawa si Bela. “Iyan naman ang ama mo ang tinik talaga. Ginagawang problema ang hindi naman dapat. Ang sitwasyon nating dalawa, dapat nga eh paborado sa ‘tin kaso naging dahilan pa para mahirapan tayo. Iyang ama mo ang umpisa ng problemang ‘to,” paliwanag niya. “He is, kung bakit nga siya pa na naging ama ko eh,” saad nito. “Bakit hindi na siya makakabalik sa posisyon niya?” tanong ni Bela sa asawa. “Marami na siyang nilabag na bawal sa commandments. Dapat lang na tanggalin siya dahil baka hindi na naisalba ang pamilya namin kung siya pa rin ang nagma-manage. Wala naman iyong pakialam sa mga tauhan niya. Lahat kung ituring niya ay kaniyang puppet,” sagot nito. “Napag-alaman kong tinutulungan siya ni, Tere. Kaya pala malaki ang galit sa ‘kin ng babae mo dahil ako ang tumapos sa buhay ng kambal niya,” aniya. “I know, she’s always been so insecure with you ever since. Hinahayaan ko lang siya na makalapit sa ’kin kahit na alam ko kung ano ang pinagagawa niya para mamanipula ko ang plano nila. Nalalaman ko ang schedules at kung anu-ano pa kapag nalalasing ko siya,” anito. “What?” Kunot na kunot ang kaniyang noon at hinarap ang asawa. “Don’t worry, walang nangyayari sa ‘min. Kahit halik hindi ako nagpapahalik. I’m committed. I’m a one-woman man. Hindi ako playboy,” sambit nito. “Defensive ka naman masiyado,” aniya rito. Ngumiti lamang si Stefano at niyakap siya. “Hindi mo na ba ako iiwan ngayon?” tanong niya rito. Tinitigan naman siya ni Bela at nakabusangot na tumango. “Kailangan lang nating umakto na hiwalay na tayo kapag nandiyan ang mga kasama natin. Hindi puwedeng malaman nila at okay tayo at magkasama,” dagdag pa nito. “Sa umaga lan ha, sa gabi gusto ko magkasama tayo,” saad ni Stefano na sinang-ayunan naman ni Bela. Nagkayapan sila nang mahigpit at parehong nakahinga nang maluwag nang maramdaman ang kaginhawaan at klaro na kung ano ang nangyayari. Kinabukasan ay separate ways na sila. Dumeritso na si Bela sa mansiyon niya at nagkunwaring galing jogging saka dumeritso sa kusina at nakikain. “Gutom na gutom ka yata?” ani Ryx. Tumango naman siya. “Oo, malayo ang tinakbo ko,” sagot niya. “Oo nga, mukhang malayo ang kina mama niya eh,” wika ni Doding. Kamuntik pa siyang mabilaukan sa sinabi ni Doding. “Sus! Nagsinungaling pa, alam naming umuwi ka. Kunwari pa eh. Nagkita siguro kayo ni, Stefano at iba ang awra mo today. Parang may nadiligang bulaklak kagabi ah,” pahapyaw ni Ryx. Napaikot naman niya ang kaniyang mata. “In your dreams,” aniya at kumain na. “Mukhang mali tayo diyan,” ani Doding. Natawa naman si Bela at kumain na lamang. “Wala ba akong schedule ngayon, Prazi?” tanong niya. “Kailangan niyong bumalik sa council para sa peace treaty na pinag-usapan niyo. Umabot sa kanila na report ang pakatapos nu’ng meeting ay nagpatayan kayo ng taga kabilang grupo,” saad nito. “Kaninong grupo?” “Kay Stefano, pinadala niya iyon para ipapatay ako,” sambit ni Prazi. “What?” aniya at napailing. Kung hindi lang niya alam. Sigurado siyang lalo silang masisira ni Stefano kung sakali. Baka sinugod na niya ito ngayon pero she knows better. Hindi iyon gagawin ng asawa niya. paniguradong cover up ang pangalan niya para sa personal intentions ni Tere. Isang araw kung mag-abot man ang landas nila. Sisiguradohin niya na pagsisishan nitong sinubukan nitong sirain siya. Ipapatikim niya ang galit na hidi niya pa natitikman noon. “Okay, pupunta ako,” aniya nagmadali na. Nagsuot lamang siya ng jeans at simpleng puting damit at nagsapatos. Para lang siyang papuntang mag-jogging. Umalis na sila ni Prazi at dumeritso sa location. Siya lang mag-isa at tanging baril lang ang kaniyang bitbit. Napatingin pa ang mga tauhan ng kung sinong pontio pilato nang makita siya. May nagkusang iginiya siya sa daan at tinatrato na parang reyna. Dumaan muna siya sa metal detector at tinanggalan ng bala ang baril niya saka pumasok na sa loob. Nakapalibot sa oval shaped table ang mga kasama niya. Halos hindi na nga magkasiya ang iba sa sobrang laki ng kani-kanilang katawan. Hinahanap ng mata niya si Stefano subalit hindi niya ito mahanap. Nagsimula na ang meeting nila nang dumating ang asawa niya at pareho lang na tahimik. “Monti at Rasgild, sa loob ng ilang taon ngayon lang ulit nagkaproblema sa mga shipment. Naiintindihan ko na iyon kayo, pero natatakot na ang ibang kasamahan natin na madamay. Ano ba ang plano niyong dalawa? Pabalikbalik lang tayo rito at sinasayang niyo ang oras ng mga miyembro para lang intindihin kayo. Pagkatapos nitong usap na ‘to baka pagkauwi niyo may mamatay na naman,” wika ng kasama nila. “Pasensiya na, hindi na mauulit ‘yon,” sagot ni Bela. “Ganoon naman palagi,” komento ng isa pa niyang kasama. Hindi na niya masisisi kung ganoon kai dahil talagang hindi sila mapaglapit noon. “Yea, hindi na mauulit,” sabat naman ni Stefano. “Aasahan namin ‘yan,” anila. Pakatapos ng meeting nila ay inasikaso na rin ni Bela ang mga accounts na hindi pa rin nababayaran. Wala na siyang pakialam sa mga rason nila at maski siya ay nawawalan na ng pasensiya. “Mr. Monti arranged a special meeting for you two later,” wika ni Prazi. Napakunot noo naman siya at natawa. “He’s really something, what do you think?” tanong niya rito. Tumango naman ito at dumeritso na silang umuwi. Wala namang ibang gagawin si Bela at ngayon lang yata siya nakapagpahinga nang maayos. Nu’ng mga nakaraan ay talagang pagod na pagod siya sa dami ng kailangan niyang gawin. Mamayang hapon pa siya aalis para puntahan si Stefano sa opisina nito. Naghanda na lamang siya saka umidlip saglit. Nagising na lang siya nang gisingin siya ni Prazi at umalis na sila. Habang nasa biyahe nga ay iniisip na niya kung ano ang pag-uusapan nilang mag-asawa. Paniguradong mga plano na naman pero an katotohanan ay tsa-tsansing lang ito. She smiled secretly and shake her head. Huminto sila sa isang napakalaking building at sa harap ay may nakalay na Monti Corporation. Pumasok na sila at kaagad na sumakay ng lift papunta sa opisina nito. Paglabas nga nila ay sakto ring siyang paglabas ni Tere sa room ni Stefano. Kaagad na bumangis ang mukha nito at nilapitan siya. “What are you doing here?” galit nitong tanong. Tiningnan niya lang ito at dinaanan. Galit na hinawakan naman nito ang kamay niya kaya sa pagharap nilang dalawa ay dumapo ang palad niya sa mukha nito. “Let go of my hand,” matigas niyang saad. Nanlaki naman ang mata ni Tere sa ginawa niya at nakahawak lang ito sa mukhang napuruhan. “Bakit kayo nandito ha? Hindi niyo lugarar ‘to,” gigil nitong sambit. Sinamapal naman ito ulit ni Bela gamit ang back hand niya. Mas masakit iyon at mas madiin ang tama. “Ah!” sigaw nito at galit na sinugod si Bela. Hindi naman umapela si Prazi at dumeritso na sa pagkatok sa opisina ni Stefano. “Papatayin kita,” ani Tere at nakipagpalitan ito ng suntok sa kaniya. Gumilid si Bela kaya dumaan lang ang suntok nito. Nginitian niya ang babae at sinipa ito sa tiyan saka inapakan ang paa niya dahilan para mahirapan itong umalis at napaigik sa sakit nang pag-apak niya. “What are you doing to my guest, Tere?” galit na sambit ni Stefano at galit na tiningnan siya saka sinampal. “S-Stefano,” anito at tila hindi nagustuhan ang ginawa ng lalaki. Umiiyak na dinuro niya si Bela. “Siya ang naunang nanakit sa ‘kin. Alam mo kung ano ang pinagagagawa niya ‘di ba? Ba’t mo ba siya hinahayaang saktan ako, huh? Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa niya, huh? Nakalimutan mo na ba?” singhal nito sa kaniya. Kinunutan lang ito ni Stefano at huminga siya nang malalim. “Huwag mong kakalimutn kung ano ang trabaho mo rito, Tere. You are not my personal adviser, not my secretary, nothing. This one here, is the boss of the Rasgild’s Clan. They’re on the same level as my family’s clan. Is that how you show them respect?” singhal ni Stefano. Napapiksi naman si Tere at napapikit, Mali rin naman talaga niya. “Pero nagawa ko lang ‘yon dahil inuudyok niya akong magalit,” reklamo nito at napabusangot. “How disrespectful, kung ayaw niyo sa ‘kin dito sana sinabi niyo. Hindi ko na rin sana sinayang ang oras ko rito sa inyo. Marami pa akong gagawin,” wika ni Bela at akmang aalis nang hawakan ni Stefano ang kamay niya. “Don’t mind her, this way pelase.” Nakangiting wika ni Stefano at iginiya na ang asawa papasok sa room nito. “Prazi,” bilin niya sa assistant. Ngumiti naman ito at tumango. Akamang susunod si Tere nang harangan ito ni Prazi. “Ayaw mo naman sigurong gawin kong pagpa-practice-an ang mukha mo gamit ang kamao ko ‘di ba?” asik nito. Galit at gusto siyang paalisin. Nginitian lamang ito ni Prazi. “Hindi mo nga maayos-ayos ang make-up mo umaakto ka pang parang kung sino. Ang laki ng ulo mo’t hindi ka na nahihiya sa boss mo. Hindi mo siya basta utosan o ano pa man, boss mo siya,” gigil na pangaral ni Prazi. “Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko dahil wala ka naman sa posisyon ko. Ano na lang kung may gawing masama si Bela kay, Stefano? We both know kung gaano ka walang kuwenta iyang amo mo. She’s a scheming woman na walang ibang ginawa kung hindi ang magpapansin,” sambit nito. Ramdam na ramdam niya ang ka-bitter-an nito. “Sa inyong dalawa, you’re the one who sounded bitter. Ba’t mo pinapahid sa amo ko?” sabat ni Prazi. “Pareho lang kayo mga walang kwenta!” galit nitong sambit. Sinubukan siya nitong paalisin pero hindi nito kaya dahil hindi rin naman biro ang katawan ni Prazi. Nginitian niya lang ito. “Lalabas na lang ang muscles mo sa pisngi hindi mo pa ako mapapaalis dito,” tudyo nito sa kaniya. “Stefano! You must be careful! May planong hindi maganda ang babaeng ‘yan,” sigaw niya. Nalayo naman ang katawan ng mag-asawa nang marinig ang sigaw ni Tere sa labas. “This b***h,” ani Bela at inis na lumabas. “Hayaan mo ako,” aniya kay Stefano at hinila ito palayo sa pinto. “Ano ba talaga ang gusto mo ha?” galit niyang tanong dito. “Ang gusto ko ay mawala ka na sa landas namin. Wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang gumawa ng away,” sigaw nitong sagot. Natawa naman nang pagak si Bela. “Sa tingin mo ba talaga pumunta ako rito para makipag-away, huh?” aniya. “Ano pa ba? Tatakutin mo na naman si Stefano. Ako ang harapin mo, ngayon mo ipakita sa ‘kin ang angas mo. Mafia queen? Nangangraap ka yata nang gising. Hirap na hirap ka ngang patumbahin isa sa mga kalaban mo,” anito at tila iniinis pa siya. “Kung alam ko lang na hindi ka natatakot sa mata lang na padala ko eh ‘di sana buong katawan ang pina-deliver ko sa inyo,” aniya. Kita naman niya ang galit na mukha ni Tere “How dare you?” singhal nito. “How dare you?” ulit naman ni Bela. Napasandal naman si Stefano sa hamba ng pintuan at tiningnan ang dalawa na nag-aaway. Ayaw niyang madamay sa galit ni Bela kaya minabuti niyang maging audience na lang muna. Naubos na rin ang pasensya niya rito kaya bayad na rin iyon sa pagiging pasaway nito sa kaniya. Napaatras si Bela nang tumama sa tiyan niya ang suntok nito. Magaling din ito sa hand to hand combat. Para itong baliw habang nakangisi sa kaniya. “Akala mo ba talaga madali akong kalabanin?” asik nito. “Mahirap ba? Hindi naman. Hindi nga ako pinagapapawisan oh,” ani Bela at lalo pa itong iniinis. “b***h!” anito at kaagad na sinugod na naman siya. Gumilid siya at sinipa ito nang malakas. Dumeritso ito sa trash can at napasigaw nang mapasok ang ulo niya roon. “Free facial,” ani Bela at napailing na lamang. “Tere, umalis ka na,” ani Stefano. “No!” matigas nitong sambit. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakakalbo ang babaeng ‘to at hindi ito lumalabas ng opisina,” galit nitong sambit at sinuod na naman si Bela. Mabilis lang naman at nakadapa na ito sa sahig at napaungol sa sakit. Nauna kasing bumagsak ang tuhod nito. “Akala ko ba kaya mo? Ba’t ka naman lumuluhod diyan?” aniya rito at tinawanan ito. Napatingin naman si Tere kay Stefano sa gilid na nakatingin lang sa kanila. “No! Hindi ako papayag na basta-basta mo na lang na i-bully si Stefano. Porket ba Rasgild ka? Sa tingin mo hindi kita kaya, ha?” singhal nito sa kaniya. “Tumayo ka muna bago ka magtapang-tapangan,” sagot naman ni Bela at napairap. “Rinding-rindi na ako sa boses mo. Huwag mo na akong bigyan ng dahilan na bugbugin ka dahil nabibwesit na talag ako sa ‘yo. Pinipigilan ko ang sarili kong makasakit dahil kawawa kapag nagkataon,” aniya at akmang tatalikuran na ito nang sumigaw ito at sumugod sa kaniya. Hindi pa man ito nakalapit ay humalik na sa sahig dahil sa pagsipa niya. “Ugh!” anito at nawalan ng malay. “Hindi ako nagkulang ng paalala sa ‘yo,” ani Bela. Pumasok na siya ulit at inilingan naman ni Stefano si Prazi. “Hayaan mo siya, I’ll call the clinic,” ani Stefano. “Paano mo natiis na pakisamahan ang ganoong klase ng tao? Kung sa ‘kin iyon nagtatrabaho? Sisiguradohin kong hindi na iyon makakakita ng araw kinabukasan. Ang ingay-ingay at sobrang arte,” komento niya at nawala na siya sa mood. Ngumiti lamang si Stefano at hinila siya para makaupo ito sa kandungan niya. Napalunok naman si Bela at napakurap-kurap. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Nahihiya siya pero gustong-gusto niya naman. Hawak-hawak ni Stefano ang chin niya at ilang saglit pa ay sinakop na nito ang kaniyang labi. Wala na siyang nagawa at hinayaan na ito. Na-miss niya rin naman ang asawa niya. Alam niyang wala silang pag-uusapan pero pumunta pa rin siya dahil maglalandian sila. Napangiti naman siya at sinagot ang makapugtong hiningang halik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD