Naghintay pa sila ng ilang minuto bago nakarating si Garu. “I’ll be dead sa sobrang kupad mong kumilos,” galit na saad ni Hades at padabog na sumakay ng kotse. Sumunod naman si Elinor at wala silang imikan. Mukhang galit si Hades at tahimik lang ito. Hindi rin maipinta ang mukha. Pagdating nga nila sa mansiyon ay kaagad na nilapitan si Elinor ni Duday at pinaupo sa living room. “Kumusta ang pakiramdam mo?” usisa nito. Hindi naman nakasagot kaagad ang dalaga at nakasunod lang ang tingin kay Hades na umaakyat. Hindi niya pa rin maiwasang mag-alala at dumudugo pa rin ang sugat nito sa likod. Tiningnan niya si Duday at sinagot. “O-Okay lang ako.” “Alam mo bang halos liparin niya kanina ang hagdan para sundan ka? Ano ka ba naman kasi Elinor? Bakit ka lumapit sa sasakyang iyon? Buti na lang

