“Alam na nila kung ano ang pakay mo. May ibang natutuwa may iba naman na hindi,” ani Garu kay Hades na malayo ang tingin. Nakapamulsa ito at nakatingin sa labas ng terasa. “Kapag nalaman ng pamilya mong bumalik ka sa underground drug syndicate paniguradong malilintikan ka. Nag-warning na sila sa ‘yo Hades. Huwag na huwag kang pumasok sa drug syndicate dahil komplikado at baka ikapahamak mo pa,” dagdag nito. Huminga lamang nang malalim ang binata at hinarap siya. “I know what I am doing Garu. Hindi ako papasok sa business na ganito kung hindi ko alam paano lumabas,” sagot niya. Kita naman ang pagtutol sa mukha ng matanda. “Hindi magandang ideya ang naiisip mo Hades. Nahuhulog ka na ba kay, Elinor at handa mong isugal ang buhay mo?” tanong niya rito. Kaagad na napahalakhak naman si Hades

