Nagising na lamang si Bela na parang hinahalukay ang tiyan niya sa sobrang sama ng kaniyang pakiramdam. Halos halikan niya na lang ang lavatory. “Are you okay?” Kagigising lang ni Stefano. Nagising ito dahil wala na sa tabi niya ang asawa. Patuloy pa rin ito sa pagsuka at hinang-hina na ang katawan. “I’m not,” galit ito pero walang lakas kaya hinaplos na lamang ni Stefano ang likod nito. Nagmumog na siya at huminga nang malalim. Inalalayan naman siya ni Stefano na makatayo nang maayos at bumalik sa kuwarto nila. Humiga siya roon at napapikit. “Let’s go to the doctor. Baka ano na ang nangyari sa ‘yo,” saad nito. Natigilan naman si Bela. “But I’m healthy. I’m sure of that. Hindi ako nagpapabaya sa katawan ko,” sambit niya. “Mas maiging magpa-check-up na lang tayo para maagapan agad ku

