“Ahhh!” sigaw nito at mabilis na pinunasan ang kaniyang mukha. Nagulat naman si Stefano sa ginawa ang asawa niya. “Sigurado kang wala kang nilagay sa soup? Bakit parang takot na takot ka?” tanong ni Stefano kay Tere. Alanganin naman itong sumagot. “N-Nagmagandang loob na nga ako sa inyo, tapos pinaghihinalaan niyo pa ang kabutihan ko?” anito at parang maiiyak pa. Huminga naman nang malalim si Stefano. “Bela,” aniya rito. Kinuha naman ni Bela ang soup at iniumang iyon kay Tere. “B-Bakit?” kinakabahang tanong nito. “Kung talagang wala kang nilagay na lason diyan, inumin mo muna,” aniya rito. “S-Sandali lang, pinaghihinalaan niyo pa rin ako? Kung alam ko lang nag anito ang aasahan ko pagdating dito sana hindi na lang ako pumunta. Ang sasama ng ugali niyo. Akon a nga ‘tong nagmamagandn

