“Feeling ko kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto mong makaiskor sa ‘kin,” wika ni Bela habang nakatingin sa asawa. Ilang sandali pa ay humalakhak si Stefano. Napabusangot naman siya. “Bakit? Ayaw mo ba?” tanong niya pa sa asawa. Lalo namang natawa si Stefano. “You’re too blunt. You’re speaking your mind. Too risky to do,” sagot nito. “Bakit? Nagsasawa ka na sa ‘kin?” inis nitong tanong. Here she goes. Niyakap siya ni Stefano. “Naisip ko lang kasi pareho tayong busog. Magpatunaw muna tayo saka tayo aariba,” anito. Natahimik naman si Bela. Tiningnan ito ni Stefano at napangiti. Niyakap niya nang mahigpit at hinalikan sa noo. Namumula ito. “Mahiyain ka pala,” he commented. Tinampal naman ni Bela ang kaniyang balikat. Kinabukasan nga ay maaga silang gumayak para mag snorkeling. Ilang ora

