Nakaupo lamang ang binata sa round chair at nakatingin sa lalaking kaharap niya. May ginagawa silang transaksiyon tungkol sa na-smuggle na mga baril. Nakahawak ang kamay sa baba niya at tila kinikilatis ang lalaking kaharap. “Twenty-five million,” saad ni Hades. Kaagad na humalakhak naman ang lalaki sa harapan niya na tila tuwang-tuwa pa sa narinig. “Joke ba ‘yan? Hindi ko alam na marunong pa lang mag-joke ang isang demonyo,” wika niya. Hindi naman ngumiti si Hades at tiningnan lamang ito nang seryoso. “Iba ako mag-joke, natutuwa lang ako kapag may namamatay sa harap ko,” sagot niya rito. Kaagad na nawala naman ang ngiti sa labi ni Mr. Lee at natahimik. Mukhang hindi yata nasiyahan sa sinabi ni Hades. Umiling ang binata at nginitian siya. “Too bad, is it? Bakit hindi ka na ngumingiti s

