Ilang saglit pa pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila kaagad.
“May pupuntahan lang ako saglit, mauna na kayo,” wika ni Mando. Tumango naman si Lin. Naglakad na sila ni Stefano sa daan. Nasa unahan pa ang taxi.
“Wala kang sasakyan?” tanong ni Stefano.
“Meron, hindi pa naibalik. Nabangga ko nu’ng nakaraan eh,” sagot nito.
Habang naglalakad nga ay binigyan siya ni Lin ng sigarilyo. Tinanggap naman iyon ni Stefano. Nakatingin lang siya sa paligid at halos club itong mga nadadaanan nila.
“Baka nakakalimutan mong binili kita kay, Long. Bakit ba ang ilap mo sa ‘kin? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako sexy?” tanong nito saka humithit ng sigarilyo.
“You’re not my type,” sagot niya. Natigilan naman ito at natawa nang pagak sa sagot niya.
“Ganito na ako kaganda ayaw mo pa rin sa ‘kin? Ako na nga ‘tong humahain sa ‘yo ayaw mo pang tukain. Choosy ka masiyado,” reklamo nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Mas maganda pa rin ang babaeng siyang hinahabol,” ani Stefano.
“Sus! Walang Maria Clara rito no,” wika nito.
“Meron sa ‘min,” sagot naman ni Stefano.
“You know what? Nakkaainis ka na. Masiyado kang pakipot,” inis na sambit nito.
“Ginastusan kita ng pera dahil akala ko may mapapala ako sa ‘yo wala naman pala. Siguro supot ka,” tudyo nito.
Ngumiti naman si Stefano.
“Hinahamon mo ba ako?” aniya rito.
“What do you think?” malagkit na tinitigan siya ni Lin.
“Wala naman akong kailangang patunayan sa ‘yo kaya wala akong pakialam,” sagot niya at nakapamulsang naglakad.
“Pasasaan pa’t lalambot ka rin sa ‘kin. Para kang balat ng baka. Pakunat nang pakunat katagalan, pero kulang lang sa laga, lumalambot din,” ani Lin.
Kumunot naman ang noo ni Stefano.
“Ang gwapo ko naman para ihambing mo sa baka. Don’t worry, sasabak ako sa laban para kapag nanalo ako babayaran ko ang gastos mo sa ‘kin,” sambit nito.
“Hindi naman pera ang kailangan ko eh,” ani Lin.
“Isang gabi lang, bayad na bayad ka na,” dagdag nito.
“Keep that to yourself,” sabat ni Stefano at natawa.
Galit na tiningnan naman siya ni Lin.
“Masiyado kang pakipot. Pasalamat ka guwapo ka,” wika nito.
“Magpasalamat ka na lang at wala rito ang asawa ko,” anito.
Kumunot naman ang noo ni Lin.
“M-May asawa ka?” gulat nitong tanong.
Tumango naman siya.
“And you wouldn’t want to mess with her,” sagot niya rito at napangiti.
“Ba’t hindi mo siya papuntahin dito? Tingnan lang natin kung kaya niya ako. Mukhang ang taas ng tingin mo sa kaniya eh,” wika nito.
Natigilan naman si Stefano at napailing.
“See? Takot ka. Takot ka ba na baka may gawin akong hindi maganda sa kaniya?” asik nito.
“No, once you get to know her, you’ll just wish you never met her at all,” sambit niya at pumara na ng taxi. Sumakay naman na sila.
“Amazona ba ang asawa mo kaya takot ka?” gigil na tanong ni Lin.
“Nope, but you’ll see. If time will allow at mag-abot ang landas niyong dalawa malalaman mo. Hindi ko maipaliwanag sa ‘yo eh dahil tutunog akong sinungaling. But yes, she’s not easy to deal with. She’s a badass,” aniya rito.
“Kung badass ‘yan, bakit hindi ka niya makuha-kuha rito?” inis na tanong ni Lin.
Nginitian lamang siya ni Stefano.
“It’s a secret,” sagot niya.
Napairap na lamang ang babae sa sagot niya. Inis na inis siya. Kaya naman pala hindi pumapatol sa kaniya dahil may asawa ito.
“Siguro naman mas maganda at mas sexy ako kaysa asawa mo. Halos lahat ng mga matataas na opisyal sa underground gustong-gusto ako. Lahat gagawin para makipagsiping lang ako sa kanila,” proud nitong wika.
“Kapag nakita mo na siya, ikaw na ang bahalang maghusga. For me, my wife is my world. Lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang babe nasa kaniya na lahat. She’s perfect,” nakangiting aniya.
“Baliw ka pala eh, hindi ka ba natatakot na baka makakita siya ng iba habang wala ka? Hindi ka natatakot na habang ikaw nag-aagaw buhay rito siya naman nagpapakasasa sa ibang b***t?” tanong ni Lin.
Umiling naman si Stefano.
“Kapag nakilala mo siya paniguradong isang tingin niya lang, alam na alam mo na hindi siya ganiyang klase ng babae. She’s just too high for any men to climb. Ako nga, hirap gumawa ng hagdan maabot lang siya eh,” sagot ni Stefano.
Naikuyom naman ni Lin ang kamay niya. Gusto niyang makita ang babaeng ito. Gusto niyang patunayan kay Stefano na mas angat siya kaysa babaeng tinutukoy nito.
Huminto na sila sa malaking hall at nagbayad na sa taxi. Pumasok na sila sa loob at may ipinakita lang na ticket si Lin sa guwardiya.
“Dito tayo,” wika ni Lin at hinila na siya papunta sa gitna. Habang nakatingin nga sa nag-aaway sa ring. Tahimik lang niyang pinag-aaralan ang mga pasikot-sikot sa loob. Napahinga siya nang malalim nang maalala ang asawa. Hindi naman puwedeng umalis siya dahil paniguradong bantay sarado siya. Kaya nga hawak siya ngayon ni Lin Rou.
Nakatuon lang ang tingin niya sa ring nang ipakilala na ang dalawang bagong sasalang.
“Babae naman ngayon ang kumakalaban,” ani Lin. Halatang interesado sa pinapanood sa harap.
Napaayos sa kaniyang pagkakaupo si Stefano nang pumasok ang babaeng matangkad at payat na nakasuot ng mask. Nakasuot ng sports bra at jersy shorts. Napalunok naman siya at tutok na tutok sa laban.
“You know her?” tanong ni Stefano rito.
“Bago yata ‘yan ah,” komento ni Lin.
Tumunog na ang bell hudyat ng pagsimula ng laban. Ilang sandali pa nga ay isang sipa lang nito at na-head lock na ang kalaban. Hiyawan naman sila.
“Wow!” ani Stefano at napapalakpak pa.
“Sus! Kayang-kaya ko naman ‘yan. Tingnan mo nga iyang kalaban niya sobrang payat,” wika ni Lin. Natawa lamang si Stefano.
“May CR ba rito?” tanong niya sa dalaga.
“Meron, ayon oh sa kaliwa. Pasok ka lang du’n,” sagot nito.
Tumango naman siya at tumayo. Kaagad namang hinawakan ni Lin ang kamay niya.
“What?” aniya rito.
“Samahan na kita, hindi ka pa sanay sa pasikot-sikot dito. Isa pa, maraming mga basagulero riyan baka ma-trip-an ka,” sambit nito.
“Huwag na, kaya ko naman eh,” sagot niya at umalis na. Wala na rin namang nagawa pa si Lin.
Habang naglalakad nga ay kita niya ang pamatay tingin ng mga lalaking nadadaanan niya. Siguro dahil ibang lahi siya kaya ganoon na lang ang tingin nila sa kaniya. Pumasok na siya sa loob ng banyo at umihi. Nang matapos ay lumabas at naghugas ng kamay. Pabalik na siya nang marinig ang malakas na lagabog sa unahan at may humihingi ng tulong.
Ayaw na sana niyang makialam pero pagdaan niya ay takot na takot ang babae at niyayakap ang sarili.
“Help,” umiiyak nitong saad.
Nilapitan naman niya ito at hinila ang lalaking nakayapos sa dalaga at hinila ang buhok nito saka basta na lang na inumpog sa pader.
Umiiyak na lumapit naman ang dalaga sa kaniya at napahawak sa laylayan ng kaniyang damit. Ilang saglit pa ay niyakap siya nito.
“Xiexie,” wika nito.
Napatingin siya sa babae at parang may kung anong kumabog sa dibdib niya. Napakapamilyar ng hitsura nito.
“Mei Lei!”
Sabay silang napalingon nang makita ang babaeng sa tingin ni Stefano ay kaedad lang niya. Galit ang mukha at mabilis silang nilapitan.
“What did you do to my sister?” tanong nito.
Napatingin naman si Stefano sa dalaga at kinikilala pa ito lalo. Napakapamilyar talaga ng itsura nito.
“Jiejie, buyao shengqi,” mahinang wika nito. (Sister, don’t get angry)
“Shenme?” (What)
“Zhege nanren gangcai bangzhule wo. Na bian nage nanren Chadian qiangjianle wo,” sagot nito at umiiyak na itinuro ang lalaking walay malay sa sahig. (This man helped me just now. That man there almost raped.)
“Yuchun de! Shouwei!” sigaw nito. Ilang sandali pa ay may limang lalaki namang lumapit sa kanila at kinuha ang nakahigang lalaki. Tiningnan naman siya ng dalaga at tipid na nginitian.
“Lao dage, xiexie,” sambit nito at sumama na sa babaeng kararating lang din. Mukhang personal guard ng ate nito.
“Thank you for saving my sister,” seryosong wika nito.
“Wala ‘yon,” sagot niya. Natigilan naman siya at tiningnan ang babae.
“It’s fine, nakakaintindi ako,” sagot nito. Tumango naman si Stefano.
“I owe my sister’s life to you, if you need anything, don’t hesitate to call me. I’m Ying An Long. My father is the law here. I’ll made sure that man will get the punishment he deserves. As for you, just tell me anything you want. Susuklian ko ang kabutihan mo sa kaniya,” saad nito.
“It’s fine, okay lang. Kahit sino naman siguro gagawin iyon,” sagot niya.
Natawa naman ito.
“Hindi mo ba nakikita? Maraming tao pero ikaw lang ang tumulong sa kaniya. So, I don’t take no for an answer. Ayaw kong magkautang na loob sa ibang tao,” sagot nito.
Hindi naman makasagot si Stefano.
“Here’s my card, if you need my help just call me,” saad nito. Tumango na lamang siya at tinanggap na iyon saka umalis na.
Pabalik na siya sa kaniyang kinauupuan nang mahagip ng tingin ang babaeng nakipag-away kanina. Malayo ang tingin nito at hindi pinapansin ang kasama nitong dada nang dada. Napangiti na lamang si Stefano nang maalala si Bela. Kailangan niyang magmadali. Sigurado siyang nag-aalala na ang asawa niya sa kaniya.
“Kaunting tiis lang mahal, babalik ako kaagad,” saad niya. Napatingin siya sa card at napangiti nang pagak.
“Titig na titig ka sa babae kanina ah?” sambit ni Lin sa kaniya nang makabalik siya sa upuan.
“I find her amusing,” sagot niya rito.
“Tsk.”
“Pinapatawag ka ni, Mr. Long, tara na. Kanina pa iyon naghihintay,” wika nito.
Naikuyom naman ni Stefano ang kaniyang kamao.
“Okay,” sagot niya at umalis na sila. Sumakay sila ng elevator paakyat. Ilang sandali pa ay bumukas iyon sa ika-pitong palapag. Pumasok sila sa isang kuwarto at kaagad na bumungad ang matandang si Long. Long lang ang apelyido pero pandak ito sa personal at malaki ang tiyan. Panot ang ulo at singkit na singkit ang mata.
“Monti!” anito at tumayo.
Napalingon naman si Lin Rou kay Stefano.
“Ta shi yige Monti?” tanong nito sa matanda. Tumawa naman ito.
“Oo, Lin. Siya anak Monti na mafia. Anak traydor kaya traydor din lalaki na ito,” saad nito at humalakhak.
“Usap kami muna, labas ka Lin,” sambit nito. Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod. Naiwan si Stefano at Long.
“Ako kita sa ‘yo kanina tulong akin anak. Kita ko oportunidad na maganda. Pakasal ka sa kaniya, at laya ka na,” sambit nito.
Natawa naman nang pagak si Stefano.
“Alam mo na kung ano ang magiging sagot ko riyan. You don’t have to ask me a lot of times,” sagot niya rito.
“Siya punta rito maya. Gusto ko usap kayo masinsinan. Ikaw gusto niya, kita ko mata niya. Pag-isipan mong maigi, Stefano. Anak ko mabait, mayaman, at magaling negosyo. Hawak niya negosyo ko kalahati, lahat maunlad,” sambit nito at halatang nagmamalaki.
“Mukha ba akong walang pera? Kung susumahin mas mayaman pa ako kaysa sa ‘yo. Kung nagkataong wala ako rito at kinalaban mo ako pakakainin kita ng bala,” nakangiting wika niya.
Kita naman niyang nagpipigil ito sa galit.
“Ikaw bobo talaga, ‘di isip mabuti, ‘la utak. Ako na ‘to mabait sa ‘yo. Offer ko pa anak ko pero ayaw mo. Grabe ka bobo,” sambit nito.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang anak nitong si Ying An.
“Pa,” sambit nito.
“Ito sinasabi ko sa ’yo. Gusto ko kasal kayo. Alam ko malakas ka sa organisasyon niyo. Ikaw kilalang mafia. Sanib-puwersa tayo walang makakatalo sa ‘tin. Kahit sama pa Rasgild,” wika nito.
Natigilan naman si Stefano.
“Alam ko laki away niyo. Abot sa ‘kin eh. Gusto mo patayin natin? Tulong ako kamit mo pinakataas na antas sa organisasyon niyo,” dagdag pa nito.
Napailing na lamang si Stefano.
“Pag-isipan mo ang gusto ni, Papa. Iniisip niya lang ang makabubuti sa pamilya natin. Alam kong naghihintay na ang ama mo na makauwi ka. Kapag naikasal ka sa ‘kin lalong lalaki ang connection natin. Maraming negosyong puwede na nating hawakan. Tutulungan kitang makamit ang mga hindi mo pa nakakamit noon,” sabat ni Ying An.
Natawa naman si Stefano at mag-ama nga ang dalawa. Tila hindi naman maintindihan ng mga ito ang kaniyang ekspresiyon.
“No,” aniya at tumayo na.
“Ikaw tigas ulo talaga,” inis na wika ni Long.
“Stefano,” ani Ying An.
“I’m married,” sagot niya. Halatang hindi binibigyan ng importansiya ang kausap.
“Iyan lang ba ang pinoproblema mo? I can bring your wife here. I’ll console her with money. Lahat naman yata ng babae ngayon mabilis lang kumbinsihin gamit ang pera,” saad ng dalaga. Natawa naman si Stefano.
“You think you can do that to her? Eh walan-wala nga iyang yaman niyo sa pamilya niya. I didn’t even dare to cross her before dahil sa galing niya,” aniya.
“Really? You think highly of her. Kilala ba namin siya?” tanong ni Ying An.
Tiningnan niya ang mag-ama at napabuga na lamang ng hangin.
“Kung ako sa inyo, pakakawalan niyo na ako bago pa siya makatunog sa ginawa niyo,” sambit niya. Kumunot naman ang noo ni Ying An.
“She’s a police woman? Come on, hindi kami takot sa police. Sila ang takot sa ‘min,” nagmamalaking saad nito. Natawa pa ang ama nito sa kaniya.
“She’s the current head of the Rasgild Clan,” derikta niyang sagot. Natigilan naman ang dalawa at hindi na nagsalita pa ulit. Napailing na lamang si Stefano.
“Kung wala kayong ibang sasabihin aalis na ako,” saad niya at lumabas na. Wala na yatang planong magsalita ang dalawa.
“Pagsisisihan mo ito,” galit na wika ni Long. Wala naman siyang pakialam. Paglaabs niya ay nakatayo ang si Lin at nakasandal sa pader habang nakapikit ang mata.
“Tara na,” aya niya rito.
Tiningnan siya nito at tumango. Pareho silang nagulat nang palibutan sila ng mga tauhan ni Long.
“Bitbitin niyo ‘yan papunta sa ring. Iharap niyo kay, Aladdin,” wika nito. Napupumiglas si Stefano subalit hindi niya magawa dahil hawak-hawak siya ng mga tauhan nito at mahigpit iyon.
“S-Sandali! Boss naman, alam mo naman na baguhan lang si Steven. Hindi puwede at baka ikamatay niya. Kilalang street fighter si Aladdin. Siya ang champion ilang taon na ang nakararaan. Huwag kayong padalos-dalos,” sambit ni Lin.
Kumunot naman ang noo ni Long.
“Sabihan mo announcer, kung sino talo ay patayin,” galit nitong wika. Hindi na nakaimik pa si Lin sa desisyon ng matanda at napamura na lamang. Bumukas ulit ang pinto at lumabas na rin si Ying An. Matalas ang titig nito kay Lin Rou.
“Kaya ka nag-aalangan dahil sa babaeng ito hindi ba? Nagsisinungaling ka lang kanina sa loob. Akala ko pa naman mataas ang standards mo sa babae. Sa isang pakarat ka lang pala madadala.”
“Ano’ng sabi mo?” sabat ni Lin.
Tinikwasan naman siya ng kilay ni Ying An.
“Bakit? Galit ka? Totoo naman ang sinasabi ko. Pota ka rin naman eh. Ginagamit mo ang katawan mo pambayad utang,” malditang saad nito.
Ilang beses na huminga nang malalim si Lin at napatingin kay Stefano.
“Hindi ba’t gusto mo siya? Papayag kang bugbogin siya ni, Aladdin?” asik ni Lin.
Hindi naman makapasalita ang dalaga at mukhang gulat na gulat sa sinabi nito.
Kaagad din namang nakabawi.
“That’s his punishment for going against my father. Hindi lang ‘yan, may kasunod pa,” nakangiting saad nito at umalis na.
Hinila na rin sila ng mga tauhan ni Long. Pagdating nga nila sa loob ng arena ay malakas na itinulak si Stefano sa loob ng octagon. Lumakas naman ang hiyawan ng mga tao. Napangiwi si Stefano nang makita ang lalaking sobrang laki ng katawan. Ito ang tinutukoy nilang Aladdin.
“Steven!” sigaw ni Lin.
Napalingon siya rito at nakitang hawak-hawak ito ng dalawang lalaki at may nakatuong baril sa tagiliran ng dalaga. Nakangiti pa ang dalawa at sinenyasan siyang patayin ang babae kung matalo siya.
Hinarap niya ang dambuhala sa kaniyang harapan at napalunok.
“f**k!” aniya at ginalaw-galaw ang kaniyang balikat.
Nang papunta na ito sa kaniya ay mabilis siyang umilag at tumakbo papunta sa kabila. Hiyawan naman ang mga tao.
“Shelata! Shelata!”
Papunta naman na sa kaniya ito ulit kaya tumakbo na naman siya papunta sa kabila. Galit na galit si Aladdin at ganoon din ang mga nanonood.
“Tang-ina naman ‘yan eh! Patayin mo na agad. Nakakainip ka na!”
Napalingon siya sa gilid at nanlalaki ang matang nakita ang asawa niya. Galit at itinaas ang middle finger sa kaniya.
“Ano pa ang hinihintay mo ha? Puruhan mo na agad,” anito. Napangiti naman siya at nabuhayan ng dugo. Nilinon niya si Aladdin at ilang sandali pa ay bulagta siya sa sahig. Ni hindi man lang niya natunugan ang paglapit nito dahil focus siya sa asawa niya. Napangiti pa siya bago nawalan ng malay.
“Putragis!” wika ni Bela.
Akmang aapakan pa ni Aladdin ang ulo ng asawa kaya mabilis na umakyat siya at hinila ang paanito nang buong lakas saka pinaupo s agilid. Bumuka ang mat anito at nginitian siya.
“Tang-ina mo ah!” inis niyang saad dito at tumayo na saka hinarap ang dambuhala.
Lalong lumakas ang sigawan sa loob.
“Gusto mo ring mamatay?” nakanising tanong nito sa kaniya.
Kumunot naman ang noo ni Bela at sinenyasan itong lumapit.
Hindi pa nga ito lumalapit ay tinakbo na niya ang pagitan nila at hinawakan ang balikat nito saka inumpog ang kaniyang ulo. Pinompyang ang magkabilang tenga kaya napaatras ito at napahawak sa ring.
Tinakbo niya ulit at pinuntirya naman ang itlog nito. Sa sobrang sakit siguro ay malakas siya nitong natulak kaya napaubo pa siya ng dugo sa lakas ng impact ng pakakabagsak niya.
“Ugh!” ungol niya. Napatingin siya kay Stefano na wala pa ring malay.
“Gagong ‘to,” aniya at tumayo.
Nilusob na naman niya si Aladdin at gigil na pinagsusuntok ang mukha nito.
“Kapag na-comatose ang asawa ko humanda ka sa ’kin,” galit niyang wika at hinawakan ang kamay nito. Tumayo siya at basta na lang na hinila iyon at rinig na rinig ang paglagatok ng mga butong nabali. Halos marindi na siya sa lakas ng hiyawan.
Todo siaw naman si Aladdin sa sakit. Inapakan niya ang leeg nito at hirap na hirap itong huminga.
“Laki lang naman pala ang meron ka. Wrestler ka siguro noon no?” aniya rito.
Nagmamakaawang tiningnan naman siya nito. Tumunog na ang bell hudyat na panalo na siya. Lumapit ang referee at itinaas ang kaniyang kamay.
Akmang lalapitan na sana niya ang asawa nang may babaeng nag-aalalang nilapitan anga sawa niya’t umiyak pa. Parang may kung anong puwersa na naman ang pumipilit sa kaniyang utak para bugbugin ito. Handa na siya nang lapitan siya ni Stella.
“Girl, hirap na hirap akong makapasok dito kaya huwag mong sayangin. Kapag gagawa ka ng eksena ngayon katapusan na nating tatlo. Damay ang hubby mo,” kinakabahang sambit nito.
Napapikit na lamang siya at huminga nang malalim.
“Fine!”
Nilapitan niya ang asawa na ngayon ay nagkamalay na. Ngumiti naman ang katabi nitong babae sa kaniya.
“Thank you, thank you sa pagpasok kanina. Kung hindi mo ginawa bak—”
“Jowa mo ‘yan?” tanong niya rito. Ngumiti lamang si Lin at mukhang kinilig pa s akaniyang tanong. Gusto na niyang boldyakan ang mukha nito.
Kaagad na napaiwas naman ng tingin si Stefano at paniguradong mapapatay na siya ng asawa.
“Huwag mo ng sagutin,” aniya.
“Huh?”
Nilapitan ni Bela ang asawa at tinitigan ito nang sobrang lamig. Ramdam ni Stefano na humihinga pa man siya ay pinapatay na siya nito sa kaniyan panaginip.
“Sumunod ako dahil akala ko napaano ka na. Mukhang siyang-siya ka sa babaeng ‘to ah. Humanda ka sa ‘kin kapag nakauwi na tayo,” aniya rito at tinapik ang balikat ng asawa. Nginitian niya pa nang matamis kaya lalong kinabahan si Stefano.
“Kita tayo sa Jiang Station mamayang madaling-araw,” mahinang wika nito. Sakton sila lang dalawa ang nakarinig.
Tumayo na si Bela at hinarap si Lin. Nakikipagsukatan siya ng tingin dito bago nginitian nang matabang.
“Ang yabang nu’n ah,” reklamo ni Lin.
“Pst! Shh, huwag na kasi maraming satsat,” saway niya rito. Kapag narinig iyon ng asawa niya paniguradong lalo siyang mapapatay nito.