Chapter 28

2654 Words
Kagat-kagat ni Stefano ang labi niya habang nag-iisip nang malalim. Hindi niya alam kung saan ang Jiang Station. Ayaw naman niyang magtanong kay Lin dahil paniguradong kukulitin na naman siya nito. Baka nga hindi pa siya samahan. “Oh? Steven? Ang lalim yata nang iniisip mo,” sambit ni Mando na kapapasok lang. Napangiti naman siya rito at napakamot sa kaniyang ulo. “Bakit? May problema ka ba?” tanong nito. “Alam mo ba kung saan ang Jiang Station?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Oo naman, bakit?” “Puwede mo ba akong samahan du’n? Puwede ba na sa ’ting dalawa na lang? Huwag mo ng sabihin kay, Lin,” aniya rito. Umaasa siyang papayag ito kaya napangiti siya nang kaagad itong tumango. “Oo naman, ano ka ba? Kailan ba?” usisa nito. “Mamayang madaling araw sana,” sagot niya. Kumunot naman ang noo nito. Nilpaitan siya ni Mando at mahina ang boses na nagtanong. “Ano ang gagawin mo roon sa madaling araw? May kikitain ka ba?” tanong nito. Tumango naman siya. “Importanteng tao,” sagot niya. Kita niyang tila nagtataka ito kaya tinapik niya ito sa balikat. “Hindi iyon illegal o ano pa man. Kailangan ko lang talagang pumunta roon at baka mapatay ako nang wala sa oras,” sambit niya. Natawa naman si Mando. “Jowa mo siguro no? Ano? May naging jowa ka na agad dito? Hindi nga pwedeng malaman iyan ni, Lin at malalagot tayo. Alam mo naman ‘yan, halatang patay na patay sa ‘yo,” wika pa nito. “I don’t care about her. I care for my life,” seryosong saad niya. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig,” natatawang wika nito at napailing. Pumunta na sila sa hapag at nagsimulang kumain. “Balita ko kanina ay tulog ka. Buti may tumulong. Grabe naman ang babaeng iyon napakatapang. Wala pang nakatalo kay Aladdin. Halos lahat takot sa kaniya dahil sa laking tao niya,” wika ni Mando. “Sinuwerte lang ‘yon,” sabat ni Lin at napairap pa. “Hindi iyon swerte dahil buhay niya nakataya roon. Talagang magaling talaga siguro,” giit ni Mando. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga at ininguso si Stefano na tahimik na kumakain. Umubo naman nang peke si Mando. “H-Huwag mong masamain ang nasabi ko ha, Steven,” sambit nito. Napalingon naman si Stefano sa kanila. “Huh?” Tila wala itong ideya. Mukhang sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip ay wala na ang utak nito sa kasalukuyan. “Tinatanong niya kung masarap ba ang pagkain?” ani Mando sa kaniya. Ngumiti naman nang pilit si Stefano at tumango. “Oo, masarap,” aniya. Napailing na lamang ang dalawa. Mukha ngang may sariling mundo na itong si Stefano. “Ganoon ba kalakas ang impact ng suntok ni, Aladdin sa ‘yo at mukhang nag-i-space out ka?” sambit ni Lin. Ngumiti lamang si Stefano. “Hindi kasi agad ako nakalingon eh. Kung nakalingon lang ako nunca namang hahayaan ko siyang masaktan ako,” wika nito. “Kilala mo ba iyong babaeng tumulong sa kaniya, Lin? Kakaiba iyon ah. Parang special iyon. kararating lang ba rito? Paano iyon napunta rito?” usisa ni Mando. “Hindi ko alam, wala akong mapatanungan eh. Iyong may hawak sa kaniya masiyadong istrikta at hindi malapitan. Sinubukan kong kausapin kanina pinanlisikan ba naman ako ng mata. Eh kung pinanlisikan ko pabalik baka pagtawanan ako’t mawala na ‘tong mata ko,” sagot ng dalaga. Natawa naman si Mando. “Mukhang may plano kayong umalis mamaya ah,” saad ni Lin. Hlataang nangingilatis. “Oo, jogging kami mamaya. Gusto mong sumama?” sagot ni Mando. Natigilan naman si Stefano. Akala niya’y ilalaglag na siya nito eh. “No,” mabilis na sagot ni Lin. “Bakit naman? Sige na, sumama ka na,” giit ni Mando. Pinanlakihan naman ito ng mat ani Stefano pero tumawa lang ito. “Ayaw mo nu’n lalo kang magiging sexy?” dagdag pa nito. Inis na tiningnan naman silang dalawa ni Lin. “Ano ba sa ayaw ko ang hindi niyo maintindihan? May sleeping routine ako. Hindi ako puwedeng madisturbo. Kapag nadisturbo ang pagtulog ko sisiguradohin kong mapaparusahan ko kayo,” saad nito. Tumahimik na rin ang dalawa. Ilang sandali pa ay lumabas na muna sila at naiwan sa loob si Lin. May importante raw kasi itong gagawin. “Tang-ina mo ah. Paano kung pumayag iyon?” asik ni Stefano. Natawa naman si Mando. “Relax, ganoon kasi dapat ang gawin mo sa kaniya. Reverse psychology ba. Kapag naunahan tayong imbitahan siya baka hindi na tayo makaalis. Iba kasi ang utak ng babaeng ‘yan,” wika ni Mando. Napatango-tango naman si Stefano. Binigyan siya ni Mando ng sigarilyo kaya tinanggap niya iyon. “Paano ka napunta rito, Mando?” tanong niya rito. Humithit muna ito bago sumagot. “Kailangan,” tipid nitong saad. “What do you mean?” “Kailangan kong pumunta rito para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko,” aniya. “Kasama ko si Lin matagal na. Wala kaming relasyon ha para klaro lang,” depensa nito. Wala namang may paki roon. “Pareho kaming sugo ng Police rito,” sambit nito. Kumunot naman ang noo ni Stefano. “Police ka?” “Oo, hindi halata no? Police ako na naghahanap ng ebidensiya para maipit si Long. Wala naman akong mahanap sa sobrang tagal na dahil mahirap lusotan ang matandang iyon. Halos mag dalawang taon na akong nakatira rito. Hindi makauwi sa amin, at hindi ko mayakap ang aking mga anak. Miss na miss ko na rin ang asawa ko,” seryoso nitong sambit. “Nahihirapan ka bang umalis?” usisa niya. Tumango naman ito. “Kapag umalis ako, ibibigay ang proyektong ‘to sa iba. Mawawalan ng saysay ang pagtitiis ko rito. Hindi ko makukuha ang promotion ko. Nangako na ako sa pamilya ko. Once nakuha ko ang promotion, magbabakasyon kami sa ibang bansa.” Puno ng pag-asa ang boses nito. “Anong ebidensiya ba ang kailangan mo?” tanong niya rito. “Lahat, lahat ng puwedeng magdiin kay, Long. Lahat para matapos na ang paghari-harian niya sa lugar na ‘to. Ang dami na niyang pinapatay at pinatay. Hindi ko kayang sikmurain ang way of living dito pero wala naman akong magagawa. Magiging kahina-hinala ang buhay ko kung sakaling magkamali lang ako ket isang beses,” kuwento nito. “So, Lin’s a policewoman?” tanong ni Stefano. “Oo, gaya ko gusto na rin niyang umuwi. Wala naman kasing nakakatuwa sa lugar na ‘to. Puro lang sugal at kung ano-ano pang kasiraan ang meron dito. Tingnan mo nga ang lansangan ang daming nakatulala. Sobrang lango sa droga,” sagot nito. Tumango naman si Stefano. Kapag nalaman nitong wala siyang pinagkaiba kay Long ay baka magalit ito sa kaniya’t unahin pa siya. Humithit na lamang siya ng sigarilyo. “Eh ikaw?” tanong nito. Ilang segundo lang bago siya nagkuwento. “Dahil sa ama ko kaya napunta ako rito. Gahaman iyon sa pera. Ginawa akong pambayad,” aniya. Natigilan naman si Mando. “May ganoon talagang magulang. Hindi nag-iisip na tumatanda na sila. Imbis na magbago lalong naging demonyo. Pasensiya ka na sa sinabi ko ha. Talagang nakakangalit ang ganiyan. Ama rin kasi ako, kaya sobrang nakakagalit ang ganiyan,” wika nito. Napangiti naman si Stefano. “Ang totoo, may kakayahan naman akong humindi. May kakayahan akong lumaban pero hindi ko ginawa. Pero pumayag pa rin akong pumunta sa lungga ni, Long dahil hinahanap ko ang kapatid kong babae. She was just seven years old when she was kidnapped by his men,” aniya rito. Kumunot naman ang noo ni Mando. “Naalala ko ‘yan. Kaso case closed na. Akala ko ay okay na ‘yan?” sambit nito. Natawa naman nang pagak si Stefano. “It’s far from being okay. Alam kong buhay pa siya. Alam kong makikita ko pa siya. naghihintay ang mama ko sa kaniya,” malungkot niyang wika. “Ano nga apelyido mo? Saka nationality. Ang alam ko may ampon iyang si Long eh. Babae ba ang kapatid mo?” usisa nito. Tumango naman siya. “Mga ilang taon na kaya ang kapatid mo ngayon?” “She’s eighteen now,” sagot niya. Mando snapped his fingers. “I’m half-Sicilian,” sagot niya rito. Napaisip naman si Mando. “Hayaan mo, susubukan kong itanong iyan sa mga kasama ko. Kasi iyong ampon nila mga nasa ganiyang edad na rin eh at hindi Chinese,” wika nito. Kumunot naman ang noo ni Stefano. “I actually met them earlier,” aniya rito. Tinapik naman ni Mando ang balikat niya. “Pre, baka iyon ang kapatid mo. Wala ka bang naramdamang kakaiba?” usisa nito. “She felt familiar,” sagot niya rito. “Kapag natulungan mo ako sa kapatid ko, Mando. Kung hindi pa tapos ang mission mo, tutulungan kita. Ibibigay ko lahat ng kailangan mo para makauwi ka na rin sa pamilya mo,” seryosong aniya. Kita naman niyang napangiti ito sa kaniyang sinabi. Walang ibang salita kung hindi tawa lang at malayo ang tingin. “Matagal na akong nawalan ng pag-asa, Steven. Masiyadong mahirap pasukin ang lungga niya. Mahihirapan akong makakuha ng polidong ebidensiya. Ano ba ang magagawa ng mga kuha kong litrato eh wala namang naagrabyado sa mga iyon. Masiyado kasing malinis iyang si Long,” saad nito. “Kilala mo ba si Stefano Monti?” tanong niya rito. Natigilan naman ito. “Iyong isa rin criminal?” anito at napailing. “Ewan ko ba sa mundong ‘to, lalong dumarami ang mga tarantado,” sambit nito. Natawa naman si Stefano. “So, you knew him?” tanong niya ulit dito. “Oo, pero hindi na ginugulo ng gobyerno. Matagal na ring gumagawa ng kababalaghan iyan sa bansa namin. Wala na nga yatang ibang ginawa iyan kung hindi ang paramihin ang mga adik,” sagot nito. Napalunok naman si Stefano. Hindi yata siya nasiyahan sa narinig. “Is he a bad man?” tanong niya ulit. “Sa klase ng pamumuhay meron siya oo naman. Hindi na lang namin pinapakialaman kahit alam namin dahil corrupt halos ng mga politiko. Ginawang backer ng mga tang-inang iyon,” galit nitong saad. “What if sabihin ko sa ‘yong ako si Stefano Monti?” aniya rito. Natigilan naman si Mando. Seryosong tiningnan ni Stefano si Mando at natawa. Tinapik niya ang balikat ni Mando. “I-Ikaw si Stefano Monti?” kinakabahang tanong nito. “Yes, I’m public enemy number one,” aniya at nginitian ito. Hindi naman nakakibo si Mando. “Sa bansang iyon magkalaban tayo, pero dito, asahan mong kaibigan mo ako, Mando. I will help you solve your mission here,” wika nito. Napalunok naman ito. “K-Kung kaya mo, bakit ka pa nagpapakaalipin dito?” tanong nito at umiwas ng tingin sa kaniya. “Dahil nga sa kadahilanang gusto kong hanapin ang kapatid ko. Gusto ko ring pigilan si Long na ma-infiltrate ang lugar na ‘yon dahil paniguradong magkakagulo lalo. Magiging komplikado ang lahat. Kung sakaling matalo ako ay paniguradong lalong dadami ang krimen,” wika niya. “I know I’m not a friend. Kalaban mo ako, I understand. But in order to get out of here, we need to help each other. Pagdating ng panahon na mag-abot ang landas natin, gawin mo pa rin ang trabaho mo. Here, I am no one,” paliwanag niya. Tumango naman si Mando. Kita ang ka desperadohan sa mata nito. “I was once a loyal government worker. Pero ang kapalit nu’n ay ang pagpapabaya nila sa ‘min dito. Sa katunayan ay hindi na namin saklaw ‘to. Sa pang-unawa ko ay kaya nila ako pinadala rito para hindi ako makialam sa mga ginagawa niya roon sa bansa natin. Hindi ako makahindi dahil kapalit nu’n ay ang mabuting buhay para sa pamilya ko. Kaya ang ginagawa ko na lang ay pag-igihan ang aking trabaho, para kung sakaling makakuha ako ng ebidensiya ay may panghahawakan akong tama nga ako,” wika nito. “Don’t worry, you will,” ani Stefano. “Ano ba ‘yang pinag-uusapan niyo? Ang seryoso ah,” saad ni Lin na kalalabas lang ng kuwarto niya. Napalingon naman siya rito. “Makano ba ang binayad mo kay, Long para bilhin ako?” tanong niya rito. “Bakit? Makikipagsiping ka na sa ‘kin?” nakangiting sagot nito. Napangiwi naman ang dalawang lalaki. “Dream on,” ani Stefano. “Tsk, ten thousand lang,” sagot nito. “I’ll triple the price kapag nakaalis na tayo rito,” sambit ni Stefano. “Sus! Kung makipagsiping ka lang sana sa ‘kin hindi mo na poproblemahin ‘yan,” sagot nito. Hindi na nagsalita pa si Stefano dahil kung anu-ano na naman ang sasabihin nito mamaya. Kinabukasan nga ay maaga silang umalis ni Mando. Sumakay ng train papunta sa station at nang makalabas ay tumawid sa daan na malapit sa tulay. May bench doon at may nakaupong naka-hooded jacket. “Iyan na ang jowa mo?” tanong ni Mando sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. Nilapitan niya iyon at niyakap mula sa likuran. Sa gulat naman ni Bela ay nahila niya ang braso nito at binalibag. Napaungol naman si Stefano sa sakit. Hinila pa ni Bela ang braso niya kaya kamuntik ng mabali. “My love! A-Ako ‘to!” nagmamadali niyang sambit. Natigilan naman si Bela at napailing. Bumalik siya sa kaniyang pagkakaupo at natigilan nang mapansin ang lalaking kasama ni Stefano. Nakanganga pa sa gulat. Sumenyas siyang lumapit ito sa kanila at sumunod naman. “May sigrilyo ka?” tanong nito kay Mando. Nagmamadaling kumuha naman ito saka sinindihan pa iyon. “Grabe!” ani Stefano at inayos-ayos pa ang balikat niyang napuruhan. “Ito na ang girlfriend mo?” usisa ni Mando sa kaniya. Umiling naman si Stefano. “She’s my wife, Bela Rasgild,” sagot niya rito. “Ha?” gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala. “M-Mag-asawa kayo?” “Bakit? May inaasawa ba ‘tong gagong ‘to rito?” tanong niya kay Mando. Mabilis na hinawakan naman siya ni Stefano. “Baby, he’s an undercover-police,” saad ni Stefano. “What?” “H-Hello Miss Rasgild,” wika ni Mando. Nanginginig pa ang kamay. Sino ba naman ang hindi matatakot eh ang tapang ng tingin nito. Wala man lang kangiti-ngiti sa mukha at parang anytime ay aawayin na sila. Umupo naman sila at nagpaalam na muna saglit si Mando para bumili ng kape nila. “Psst!” tawag ni Bela sa kaniya. “Huwag kang magkakamaling tumawag ng kasama o mag-inform ng intel mo. May nilagay akong chip sa katawan mo. Isang pindot ko lang at magpipira-piraso ka talaga,” banta niya rito. Napalunok naman si Mando at tumango. “You really have something on his body?” tanong ni Stefano sa kaniya. Napaikot naman ni Bela ang kaniyang mata. “Siyempre wala, ano ba ang akala mo sa ‘kin agent?” sagot niya rito. Natawa naman si Stefano. “Gosh!” anito at napahinga nang malalim. “Nasaan na iyong babaeng kasama mo?” tanong niya rito. “Si Lin?” “Wow! So, first name basis na kayo kaagad? Hindi pa umabot ng buwan close na agad kayo?” aniya rito. Nahirapan namang magpaliwanag si Stefano. “Sandali nga, what the heck are you doing here? I already told you na after one-month saka mo ako puntahan,” aniya rito. Napabusangot naman si Bela. “Mamamatay ako kaaalala sa ‘yo,” tipid nitong sambit. Napangiti naman si Stefano at hinawakan ang balikat ng asawa. “I missed you so much too. Sana sa hotel tayo nag-meet hindi rito. Hindi tayo makalabing-labing niyan,” ani Stefano. Natampal naman ni Bela ang noo nito pero hindi napigilan ang sarili na kiligin. “Bawi na lang sa next life,” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD