Chapter 29

3281 Words
Stefano held her and hugged her tight. “I missed you so much,” mahinahong sambit nito. Hinayaan na lang din ni Bela at miss na miss na rin niya ito. “I’m sorry I came here unannounced. Hindi ko sinunod ang bilin mo. Hindi ko talaga kayang tumunganga lang doon. I know something happened to you, kaya sumunod na ako. Nagpatulong ako kay, Stella,” aniya. “Paano ka napunta sa underground? Talagang nakikipagpatayan ka pa,” nag-aalalang saad ni Stefano. “Kailangan, alangan namang magkapota ako sa mga aso ni, Long. Siyempre gagawa ako ng ibang paraan,” sagot niya. Huminga naman nang malalim si Stefano. “May inutusan na ako na mag-imbestiga sa kapatid mo. They have leads na. I’m sure one of these days ay matutunton na siya. Makikita mo na ang kapatid mo,” nakangiting wika ni Bela. “You’re the only one who made me feel like nothing. Para bang ako pa ang babae sa ‘ting dalawa. Hindi ko pa nga nagagawa, nangalahati ka na,” busangot na saad ni Stefano. “Ang baba yata ng tingin mo sa ’ming mga babae ah,” reklamo ni Bela. “Of course not! I’m so proud of you, Bela. Naisip ko lang kasi na sobrang galing mo. Lahat nagagawan mo ng paraan. Dapat ako ang pumoprotekta sa ‘yo pero ngayon nabaliktad na yata,” ani Stefano. “Tsk, kahit naman gusto mo akong protektahan hahayaan kita kahit pa kaya ko. Pero siyempre hindi ako maghihintay no, siyempre poprotektahan ko rin ang sarili ko. Sanay na ako, Stefano. hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko noon pa man. Saka ikaw kaya ang nagbibigay ng sakit ng ulo ko noon,” inis na sambit ni Bela. “Kaya ka naman nagpipigil kasi in love ka sa ‘kin,” ani Bela. Natawa naman si Stefano. Halatang kinikilig. “Buti naman alam mo,” aniya. Napaikot na lamang ni Bela ang kaniyang mata. “Kailangan ko pang makakuha ng matinding ebidensiya sa mga kagaguhan ni, Long at ibigay sa gobyerno nila rito. Sa ganoong paraan ko lang matulungan si Mando. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila ni, Lin. Sila ang kumupkop sa ’kin dito nu’ng itinapon ako ng hukluban na ‘yon. Buhay pa ba ang ama ko?” tanong niya sa asawa. “Bad news nga, ayun nagbakasiyon sa ibang bansa. Sarap talagang gulgulan ng ama mo,” aniya rito. Natawa naman si Stefano. “Hayaan mo na, he’ll face whatever punishment he will have after this. Sisiguradohin kong may paglalagyan siya sa ‘kin,” aniya. “What if ampon ka talaga?” usisa ni Bela sa kaniya. Napailing naman si Stefano. “Ampon o hindi, kung pareho namang walang presence sa buhay ko’t walang kuwenta mas mayaos na ring ako na lang. Kami na lang ng kapatid ko at nanay ko,” sagot niya. “Don’t worry, sisiguradohin kong makikita mo ang kapatid mo,” ani Bela. “Thanks, my love,” saad nito. Tumango naman si Bela. Akmang maghahalikan na sana sila nang dumating si Mando at ibinigay ang kanilang kape. Inis na tiningnan naman ni Stefano ang kabigan at sinimangutan. Wala namang ideya si Mando kaya nginitian niya lang ito. “Kaya pala kahit anong akit ni, Lin sa ‘yo hindi ka nadadala dahil sobrang ganda pala ng asawa mo, Stefano. Ang ganda-ganda mo po ma’am,” ani Mando habang sumisimsim ng kape niya. Napangiti naman si Bela. “Baka puwede niyo akong dalhin du’n. Gusto ko lang kumustahin ang babaeng tinutukoy niyo,” nakangiting aniya. Pinanlakihan naman ni Stefano ng mata si Mando. “Opo, puwede,” sagot nito. Kung wala lang si Bela kanina niya pa ito itinapon sa ilalim ng tulay. Naghahanap talaga ng away. “Hindi mo alam ang ginagawa mo,” mahinang wika niya kay Mando. “Ha? Mukha namang mabait ang asawa mo eh,” anito. Napailing na lamang si Stefano. “Gago ka ba? Hindi mo ba nakikitang nagiging sarcastic lang siya?” sagot nito. Natigilan naman si Mando. “Mas matapang pa ‘yan kaysa sa ‘kin. Kita mo kanina? Kahit asawa niya ako hindi siya nag-aalangang balian ako ng buto,” ani Stefano. Napalunok naman si Mando at alanganing nginitian si Bela. “Mukhang importante ang pinag-uusapan niyo ah? Nag-uusap ba kayo kung anong palusot ang sasabihin sa ‘kin?” nakangiting tanong ni Bela. Napalunok naman si Mando. “Hindi ko yata kayang magtagal dito. Una na akong umuwi,” mahinang sambit ni Mando. Hinawakan naman ni Stefano ang balikat niya. “Ito naman, para ka namang hindi kaibigan. Lalo akong malalagot kung kami lang dalawa,” sagot ni Stefano at hindi na siya pinaalis pa. “N-Naku! Hindi, mabait itong asawa mo,” ani Mando at alanganing tumawa. Tumikwas naman ang kilay ni Bela at isinawalang bahala na lang. Alam niya kasing nagti-team up ang dalawa. “Ano na ang plano mo?” tanong ni Bela sa asawa. “Hindi tayo puwedeng magtagal dito,” dagdag pa nito. “Naghahanap pa ako ng perfect timing para makakilos,” sagot ni Stefano. “Kapag may balita na sa kapatid mo, sasabihan kita agad. Kita na lang tayo roon sa underground,” ani Bela. “Makikipag-away ka ulit?” nag-aaalang tanong ni Stefano sa kaniya. “Alangan namang hindi. Pumasok ako rito bilang street fighter, hindi para makipagharutan,” sagot niya sa asawa. Napakamot naman si Stefano sa leeg niya. “Masiyadong delikado. Hindi puwedeng makikipaglaban ka palagi,” sambit nito. “Baka nga mabalian na ako rito. Halos araw-araw marami ang gusto akong makalaban. Mabilisan nga ang malaking pera kapalit naman ang buhay ko,” reklamo niya. “Hayaan mo, hinihintay ko na lang din naman ang mga tauhan ko na makakita ng saktong posisyon para lusubin ang mansyon ni, Long,” seryosong sagot ni Stefano. “What do you mean?” “Everything is calculated, Bela. Hinihintay ko na lang ang hudyat na kumilos kami. I infiltrated his security inside his mansion. Mas mabilis kung doon ko siya mismo huhulihin. Hindi puwedeng sa labas at marami ang makakatunog. Kung meron mang lugar na wala siyang kalaban-laban, iyon ay ang sarili niyang bahay. Sa utak niya iyon ang safe place niya dahil napapalibutan siya ng security niya pero doon siya nagkakamali. Unti-unti ng nauubos ang mga tauhan niya at pumalit ang akin,” nakangiting sambit niya. “May dinala kang mga tauhan dito?” takang tanong ni Bela. “Of course! Mga pinagkakatiwalaan ko. Alam ko namang mahihirapan ako lalo pa at hindi ko ito teritoryo kaya kailangan kong makasiguradong hindi masasayang ang pagsuko ko sa kaniya.” “Hindi ko naisip iyan ha, but good job,” saad ni Bela. “May inutusan na rin akong kumuha ng mga importanteng impomasiyon niya. Mga dokumento at kung anu-ano pang ebidensiya sa mga kawalanghiyaan niya. And when I gathered it all, ibibigay ko ‘yon sa ‘yo, Mando. Ikaw na ang bahala sa kaniya pagkatapos,” seryosong wika ni Stefano. “Huh?” Tila hindi pa makapaniwala si Mando sa narinig. “I’ll do everything to help you. Just like how you help me. Sinabi ko na ‘yon sa ‘yo ‘di ba? tutulungan kita,” nakangiting wika ni Stefano. Tumango naman si Mando tila ba may nabuhay sa kaniyang loob. “K-Kahit ano, kung may kailangan kayo rito sabihin niyo lang sa ‘kin. Gagawin ko rin ang lahat para matulungan kayo pabalik,” sagot nito. “Huwag mo kaming huhulihin pagbalik namin ah. Huwag mo ring ipagkalat ang mukha ko kung sakali dahil nanananggal ako ng mata,” bilin ni Bela. Tumango-tango naman si Bela. “Mando? Steven?” napalingon sila nang makita si Lin Rou. Kunot na kunot ang noo at tila galit. Napatayo naman si Bela at hinarap ang babae. Nilapitan pa nito si Stefano at hinawakan ang kamay. “Bakit kayo nandito? Bakit kayo nakikipag-usap sa kaniya?” galit nitong tanong sa dalawa. Tumikwas naman ang kilay ni Bela nang makita ang hawak nito sa kaniyang asawa. Mabilis na lumayo naman si Stefano. Kita naman niya na tila nasaktan ang babae. “Ikaw babae, masiyado pang maaga para manlandi ka ng taong may asawa na,” galit nitong sambit. “L-Lin,” sabat ni Mando. “Isa ka pa, Mando. Ikaw dapat ang nagga-guide kay. Steven. Miss, hindi sila interesado sa ‘yo, kaya umalis ka na,” anito. Natawa naman nang pagak si Bela sa narinig mula rito. “Alam mong may asawa na siya?” tanong ni Bela at tinutukoy ang kaniyang asawa. “Oo, at ako iyon kaya kung ayaw mong maskatan matuto kang lumugar,” wika nito. Huminga nang malalim si Bela at tinitigan ang asawa. Kita niyang hindi ito mapakali at para bang matatae sa hindi maipaliwanag na ekspresyon. “Lin ka—” “Shut up!” singhal nito sa asawa niya. Para namang may kung anong sumabog sa utak ni Bela. “Fine! Stop it,” saway niya rito. Kita niyang tila naguluhan pa si Lin Rou. “Who are you para sigawan si Stefano?” singhal niya rito. Talagang lumalabas ang pagka demonyita niya kapag nakikitang ini-easy-easy ang asawa niya. “Pakialam mo? Asawa ko siya. Kaya ikaw, layu-layuan mo ang asawa ko,” gigil nitong sambit. Galit na tiningnan naman ni Bela ang asawa na paulit-ulit na umayaw. “Ikaw ha? Sino ka ba?” galit na sigaw ni Lin Rou sa kaniya. “Mukhang hindi yata ako kilala ng bobong ‘yan ah. Sabihin mo sa kaniya Stefano kung sino ako,” gigil na saad ni Bela. Ang mga mata nito ay nanlilisik at para bang anytime ay handa na ring manuklaw. Hindi niya talaga kayang makitang galit ito. “Lin, stop it. She’s my wife, Bela Rasgild,” sabay ni Stefano. “What?” Tila hindi ito makapaniwala habang nakatingin kay Bela. “I-Ikaw ang asawa niya?” Tinitigan naman ito ni Bela nang mariin at tinanguhan. “I am, may problema ka yata eh,” sagot niya. Ilang sandali pa ay natawa naman si Lin. Halos hindi na ito makahinga. “Huwag ka ngang magbiro sa ‘kin. Kilala ko si Bela Rasgild. Hindi ikaw ‘yon,” wika nito. Napaikot naman ni Bela ang mata niya. “Wala naman akong pakialam sa ‘yo. At lalong wala ka namang alam sa buhay ko kaya bahala ka kung ano ang isipin mo,” aniya at uminom na ulit sa kape niya. Napatingin naman si Lin sa dalawang lalaki na tahimik lang sa gilid. In that moment alam niyang nagsasabi ang mga ito nang totoo. “Why now?” tanong ni Lin. “Why not?” sagot naman ni Bela. “Baka nakalimutan mong kasal lang kayo sa papel. Oo nga’t may anak na kayo pero hindi ibig sabihin nu’n na puwede mo na siyang balewalain,” anito. Kumunot naman ang noo ni Bela. “Ano ba ‘yang pinagsasabi niya?” “What the hell are you talking about?” sabat ni Stefano kay Lin. Natigilan naman si Lin at napatingin sa kanilang dalawa. “Wala kayong anak?” tanong nito. “Oh God!” ani Bela at napailing na lamang. “Akala ko...” “Akala mo lang ‘yon. Tara na, huwag ka ng mag-iskandalo rito,” ani Mando at akmang hihilahin na siya nang magmatigas ito. “No! Mas mabuti nga at wala silang anak. Para naman madali lang sa ‘kin na aga—” Hindi na iyon natuloy ng dalaga nang basta na lang na tumama ang paa ni bela sa mukha niya’t nanilim ang kaniyang paninin. Ilang sandali pa ay napalunok si Mando at Stefano nang makitang nakahandusay na si Lin sa damuhan. “Sabi na eh, ayaw kasi makinig,” mahinang wika ni Mando at inalalayan na si Lin na makahiga sa bakanteng bench sa gilid. “Una na kami ha, tawag lang ako ng taxi,” sambit ni Mando. Tumango naman kaagad si Stefano. Ayaw niyang tingnan ang asawa dahil paniguradong galit pa rin ito. Wala talaga itong sinasayang na oras. Kung gusto niyang manuntok, walang sabi-sabing nanununtok agad. Nang makaalis na ang dalawa ay tumabi naman si Stefano sa asawa. “Alam mo namang hindi ako nagloko ‘di ba? Hindi ko gagawin ‘yon sa ‘yo,” malambing na wika ni Stefano. Tiningnan lang siya ni Bela at kinunutan ng noo. “You sound so defensive,” wika niya rito. Natahimik naman kaagad si Stefano at itinaas ang kaniyang hinlalaki. “You really know how to make me speechless,” sagot nito at huminga nang malalim. “Pagkatapos ng kaguluhang ‘to, I promise you na magbabakasiyon tayo. Let’s build a family na. Gusto ko ng magkaanak,” sambit ni Stefano. “Exercise ka lagi, hina ng sperm mo. Hindi makalangoy sa egg cell ko,” sagot ni Bela. Natigilan naman si Stefano at niyakap ang asawa. “Pakiramdam ko nananaginip pa rin ako ngayon,” mahinahong sambit niya. “Gusto mo bang boldyakan kita para magising ka?” sagot niya rito. “Come on, love. You’re so hot,” busangot niyang saad. Natawa lamang si Bela at niyakap pabalik ang asawa. “I missed you so much, Stefano. Kaya sinundan kita rito dahil ayaw kong nahihirapan ka. Kung mahirapan ka man maigi na ‘yong tayong dalawa. Nang sa ganoon ay may magawa man lang ako. Hindi puwedeng ikaw lang mag-isa ang haharap sa problema mo. May magagawa naman ako kaya tutulungan kita sa abot ng makakaya ko,” seryosong saad ni Bela. “Paano na ang conflict doon sa ‘tin?” tanong nito. “Don’t worry, nandoon naman si Prazi eh. Hindi niya pababayaan ang org. Binilin ko na rin sa kaniya na huwag mag-atubiling tawagan ako kung sakaling kailanganin niya ang tulong ko,” sambit ni Bela. Tumango naman ang asawa niya. “And huwag kang magalit kung dinetain ko si Tere. I can’t let her get away. Baka may magawa na naman siyang kabulastugan na magpapahamak sa ‘tin. Kailangan kong makasigurado. Siya lang naman ang nakikita kong mole sa org. Kung hindi dahil sa ‘yo matagal ko ng hinatid iyon kay kamatayan,” malditang sambit niya. Ngumiti lang naman si Stefano sa kaniya. “Kahit ano pa ang desisyon mo, I trust you. Alam ko namang pinag-iisipan mo nang mabuti iyan bago mo gawin. You’re just too capable. Pakiramdam ko nga katabi kita na isang praying mantis samantalang ako isang langgam lang,” wika ito. “Ang taas naman ng tingin mo sa ‘kin,” ani Bela. “Hindi ako mamomroblema sa ilang bilyong losing ko noon sa negosyo kung hindi dahil sa ‘yo. kaya I look up to you a lot,” sambit ni Stefano. Malayo ang tingin ni Bela at sumimsim ng kape. “Maybe this is our destiny. Ang mga kuya ko, kailangang bumaba sa posisyon para sa pamilya nila. Mga asawa nila mga ordinaryong tao lang naman. Ayaw ko ring makitang malalagay sa alanganin ang buhay ng mga anak nila. I love them. As much as my dad wants to take over the org again, kasi naman. Hindi pa naman siya patay pero kahit kanino na napunta ang posisyon ng mafia don ng clan namin. It was just too challenging. Ako na lang ang natirang walang sariling pamilya, ayaw ko na rin bumalik si dad sa magulong buhay na ‘yon. I know how much he cherished my mom, at okay na ako roon. It’s worth the sacrifice kung kapalit naman nu’n ay ang kaligayahan nila. Isa pa, I found happiness here, I found love in you. Pareho tayong nasa posisyon, kaya alam kong hindi mahirap para sa ‘tin na magpalaki ng anak kung sakali,” saad niya. Tumango naman si Stefano. “I want to be man enough to be there for you. Pero pakiramdam ko, ikaw ‘tong nagpapakalalaki para sa ‘kin,” natatawang sambit ni Stefano. Bela stared at him. “Halos lahat ng lalaki nasasaktan ang ego kapag ganoon. The norm is always there. The inequality. Kapagka babae kasi standard na iyong dapat nasa bahay ka lang. Men should provide and protect. Kaso hindi ako ganoon, even though I’m a woman, I still want to love you the same. I want to protect you too. May kakayahan naman ako so, why not? Ito ang tatandaan mo, Stefano. Kapag nagmahal ako, nagmamahal talaga ako at totoo iyon. Hindi ko ginagawang biro ang mga bagay na mapapahiya ang sarili ko kung sakali. Hindi ako tumatanggap ng NO. Rejection is not my option. Kung kailangan kong pumtay ng tao para isalba ang dignidad ko, I will do it. Ganoon ako kabaliw sa validation. Pero noon lang ‘yon. Nagbago na ako,” mahinang sambit nito. Napangiti naman si Stefano. “Talaga?” “Pero sa susunod na kapag nakaalis na tayo. Sa ngayon, hindi na muna. Tuloy muna ang pagka-toxic ko’t balasubas,” bawi niya. Stefano just kiss the top of her head and heaved a deep sigh. “You’re the strongest woman I know. You don’t need other peoples’ validation. Pero sa klase ng hanap-buhay meron tayo, kailangan natin ‘yon dahil saka lang tayo tatratuhin nang tama kapag nirerespito ka. Kapag mataas ang antas mo. Just by speaking, nananaas ang balahibo ko. Pakiramdam ko ang banal banal kong tao,” anito. Natawa naman si Bela at hinawakan ang kamay ng asawa. “Pagkatapos nito, hinga naman tayo sa kasalanan. Nakakasulasok ang ganoon. Parang gusto kong mag-swimming na muna. Ubos na ubos ang pasensya ko lately. Nakakapagod, dumagdag pa iyang Lin na ‘yan. ‘Pag may babae pang lumapit sa ‘yot puputok na ‘tong ugat ko sa selos sisiguradohin kong matutulog siyang six feet under,” banta ni Bela sa kaniya. “Itatabi pa kita. Alam kong hindi mo ako niloloko, pero huwag mo akong bigyan ng dahilan na magselos dahil kahit may bomba pang nakaatang sa bibig mo ako mismo ang magpapaputok nu’n. Ket pa asawa kita, may paglalagyan ka pa rin sa ‘kin,” dagdag nito. Stefano isn’t afraid of her threats. Hindi lang talaga siya sanay na may taong handang umalalay sa kaniya. Taong nag-aalala sa kaniya. He’s not a nobody too. Kilala siya at isa siyang magaling na mamumuno. “Kaya kong bumali ng leeg ng malandi para sa ‘yo,” wika ni Stefano. “Talaga?” paninigurado ni Bela. “Oo naman, easy peasy,” sagot nito. “Tara nga, punta tayo roon sa place mo. Baliin mo ang leeg ng Lin na ‘yon,” ani Bela. Kita ang gigil sa mukha nito. Hinila pa siya nito patayo. Nakangiting hinila naman niya ito pabalik at sumandal sa balikat. “My love, today we choose peace,” mahinahong saad niya. Napangiti laang naman si Bela. Kahit kailan talaga itong asawa niya. “Okay, sabi mo eh,” sagot niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Ilang sandali pa ay tumunog ang kaniyang cellhone. “Yes?” “Bela, kailangan niyo ng umalis. Mukhang pinapasundan kayo ng anak ni, Mr. Long. Hindi puwedeng malaman niya ang relasyon niyong dalawa. Lalo kayong mahihirapan,” wika ni Ryx sa kabilang linya. “Okay.” Tiningnan niya ang asawa at huminga nang malalim. “I have to go. Marami pa akong gagawin. Kita na lang tayo ulit soon. Mag-iingat ka. Mukhang pinapasubaybayan ka ng anak ni, Long. Kapag ako napuno talaga’t magiging short siya sa ’kin balang araw. I love you, papatayin kita kapag may ginawa kang kagaguhan behind my back,” banta niya rito at mabilis na umalis. Naiwan naman si Stefano na nakangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD