“Bela, gusto kang makita ni, Mr. Long. Mukhang nakarating na sa kaniya ang balita tungkol sa pagpatay mo kay, Aladdin. Ginalingan mo kasi masiyado,” wika ni Stella.
“That’s the goal,” sagot niya.
“What’s next? Nakapasok ka na rito. I’m sure you have something in your mind,” saad ni Stella.
“Kailangan kong makapasok sa opisina niya. I’m sure marami siyang tinatago roon. Hindi puwedeng patagalin ko pa ‘to. Kung may mga gusto siyang ipagawa, susubukan ko na lang gawin nang sa ganoon makakuha ako ng access,” aniya.
“Paano kung malaman niya?”
“No, kailangan kong mag-ingat. Hindi lang doble kung hindi triple. Nababagot na ako rito. Kailangan ako ni, Prazi. Hindi ako puwedeng magtagal. Lalo kaming mahihirapan kung hindi agad kami kikilos. I’m sure, Stefano is doing the best he can,” wika niya.
Tumango naman si Stella.
Kinabukasan nga ay maaga silang umalis. Habang naglalakad nga sa hallway ay pansin niya ang mga lalaking nakatingin sa kaniya. Halata ang admirasyon sa kaniya pero wala siyang pakialam. Binuksan ng security ang pinto at pumasok na sila sa loob ni Stella. Natigilan sila pareho nang pigilan sila ng dalawang lalaki sa isa pang pinto.
“What?” tanong ni Stella sa dalawa.
“Siya lang ang papasok,” sagot nu’ng isa. Tinutukoy nito si Bela.
“But—”
“It’s fine, Stella,” ani Bela at pumasok na.
Nakita niya si Long na nakaupo lang at nakangiti nang malapad. Tila siyang-siya na makita siya.
“Beli byotipol,” sambit nito at nilapitan siya. Inalalayan pa iya nitong makaupo.
“What do you want?” tanong niya rito.
Ngumiti naman ito at umupo sa kaharap niyang upuan. Hindi mapuknit ang ngiti sa labi at halatang gutong-gusto siya.
“Ako kita laban mo, galing ka masiyado. Sayang ganda kung laban ka ulit. May offel ako sa ‘yo,” sanbit nito.
Napakunot-noo naman si Bela.
“Ako bigay sa ‘yo dami pela. Gusto mo ba?” tanong nito.
Halatang umaasa na papayag siya.
“How much?” tanong niya rito.
Ngumiti naman ito at malagkit siyang tinitigan.
“Kahit magkano, ako bigay. Pasalapin mo lang ang buhay ko,” sagot nito.
Natawa naman nang pagak si Bela.
“No thanks, okay lang sa ‘kin makipabugbogan sa ring,” saad niya.
Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Long.
“Ikaw ayaw pela ko? Malaki bigay ko sa ‘yo. Ikaw masaya sa ‘kin sakali. Tulong ko lin pamilya mo,” dagda pa nito.
Umiling naman si Bela.
“Hindi ko ibebenta ang sarili ko sa pera. Kung hayok ako sa pera hindi na ako pupunta rito para makipagpatayan. Magpapakapota na lang sana ako sa labas,” sambit niya at tumayo na.
“Saan ka punta?” tanong ni Long.
“Kung wala ka ng ibang sasabihin, alis na ako,” sagot niya rito.
“Sandali! Usap muna tayo. Hindi naman kita madaliin. Stay ka lang sa ‘kin. Sama ka mga tlansaksyon ko. Bigay kita malami pela. Hintayin ko na maging leady ka na sa akin,” nakangiti nitong sambit.
Natigilan naman si Bela.
“Talaga? Hindi mo ako pipilitin sa gusto mo?” paninigurado niya rito.
Tumango-tango naman ito. Mukhang hulog na hulog talaga sa kaniya ang matanda.
“Pelo ayaw ko tlaydol, pinapatay ko. Gusto ako, ako lang. Ako hintay sa ’yo pelo dapat ako lang,” wika nito.
Ngumiti naman si Bela at nilapitan ito.
“Bibigyan mo ba ako ng magandang buhay?” tanong niya rito. Tumango naman ito nang paulit-ulit.
“Ano pangalan mo?” tanong nito.
“Belinda,” sagot niya rito.
“Belinda, beli byotipol name,” komento nito at ngumiti pa. Napamura naman si Bela sa utak niya. Kung hindi lang importante nunkang ngingitian niya ito pabalik. Baka nga sa pagkasura ay binaluktot na niya ito.
“May pera ka ba riyan?” tanong niya rito.
“Oo naman, ala ploblema sa ‘kin pela. Magkano ba gusto mo?” sagot nito.
“Kung magkano ibibigay mo,” sagot niya rito.
Pumunta naman ito sa drawer niya at may kinuhang isang bundle na pera.
“Ito pauna pa lang, next time sabihin mo lang sa akin. Bigay ko malami. Dalhin kita mga mamahalin shop, shopping kita,” sambit pa niyo. Kunwari naman ay tuwang-tuwa si Bela.
“Okay,” aniya at tinanggap na ang pera.
“Alis na ako,” aniya rito.
“Yakap muna ako,” saad nito. Natigilan naman si Bela.
Para bang hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Ni hind inga siya mahawakan nila Ryx tapos itong tukmol ay yayakap pa sa kaniya. Nakangiting hinarap niya si Long at nginisihan.
“Okay,” aniya at siya na mismo ang yumakap dito. Sinigurado niyang hindi madampi ang boobs niya sa dibdib nito at baka masuka siya.
Nanlaki ang kaniyang mata at mabilis na hinila ang kamay nitong dumakot sa kaniyang puwet at pinilipit iyon.
“Alay! Alay!” sigaw nito.
Nanlaki ang mata ni Bela sa galit habang nakatingin sa kaniya.
“Alay! Higpit hawak mo. Baka bali kamay ko,” naiiyak nitong sambit.
Natauhan naman si Bela at alanganing nginitian ang matanda.
“S-Sorry, hindi ko sinasadya. Nagulat lang talaga ako,” aniya rito at inalalayan itong makaupo. Parang nawalan naman ng lakas ang matanda.
“Okay lang, kasalanan ko naman eh. Alam ko ikaw galing kalate, hindi ako nag-isip,” saad nito.
“Buti naman,” malditang aniya.
“Ha?”
“I mean buti na lang hindi ka napuruhan. Paano kung hindi lang bali ang nagawa ko sa kamay mo? Paano na?” aniya rito at kunwari sobrang concern pa.
“I’m okay, it’s my fault,” wika nito. Pasimpleng natuwa naman si Bela. kung hindi niya lang kailangan ng mga ebidensiya baka kanina niya pa ito binalian ng leeg.
“Dad?”
Sabay silang napalingon nang makita ang babaeng kapapasok lang. Masama ang tingin sa kaniya at basta pa siyang tinulak nang makalapit ito.
“What happened?” tanong nito sa ama niya at sinamaan ng tingin ulit si Bela.
“Hindi ka ba nag-iisip? Ano ba ang ginawa mo sa ama ko?” singhal nito sa kaniya.
Yumuko lang si Bela para ipakitang takot siya rito.
“Ying An, wala kasalanan Belinda. Kasalanan ko,” sabat ng ama niya at iwinaksi pa ito. Lalo namang nabwesit ang anak niyang babae.
Napangiti naman si Bela.
“Ano na naman ‘to, Pa?” inis na tanong ni Ying An.
Huminga lamang nang malalim ang ama niya at seryosong tiningnan siya at inilingan.
“Hindi kita pinakialaman sa mga gusto mo, huwag mo lin ako pakialaman,” sagot lang nito.
Bad mood na itong lumabas. Naiwan naman silang dalawa ni Bela.
Nilapitan siya nito at malakas na sinampal. Napahawak naman si Bela sa mukha niya sa sobrang gulat.
“That’s for seducing my father, b***h! Wala na ba talagang ibang tatanggap sa ’yo at ama ko naman ang pinuntirya mo ha?” galit nitong wika.
Sinalubong ni Bela ang tingin nito at nakipagtagisan siya rito. Natawa naman nang pagak si Ying An.
“Ang tapang mo ah,” anito. Itinulak pa siya nito kaya napaatras siya.
“Ano ba ang ipinagmamalaki mo ha? Marunong kang lumaban? I do too. Akala mo kung sino ka ah. Baka nakakalimutan mong ama ko ang kinakalantari mo. Magalit man siya sa ‘kin ay mawawala rin. Ikaw, gawan lang kita ng kuwento siguradong patay ka,” matigas nitong sambit.
Natawa naman si Bela.
“Oh tapos?”
Kumunot ang noo ni Ying An. Tila hindi inasahan ang isasagot niya.
“Sumasabat ka pa,” anito at akmang sasampalin na naman siya nang mabilis na hawakan niya ang pulso nito at buong lakas na tinampal ang bibig nito gamit ang sarili niyang kamay.
“Ay!”
Natumba pa ito sa lakas ng impact sa bibig niya.
“Slut!” sigaw nito at binato pa siya ng vase sa ibabaw ng round table. Tumama naman iyon sa braso niya kaya naubos na ang papipigil niya’t hinila ang paa nito dahilan para tumama ang ulo nito sa paa ng roud table.
“f**k!” mura ni Ying An at nagpupumiglas.
Nang makawala ay kaagad siyang sinugod. Tinamaan siya sa likod ng sipa nito kaya napatid siya papunta sa isa pang mesa. Buti na lang hindi tumama ang tiyan niya sa glass. Galit na nilingon niya ito at nagpalitan sila ng suntok. Nasapol niya ang mukha nito at hinila ang buhok.
“Ah!” sigaw ni Ying An sa sakit.
“Ano ang akala mo sa ’kin ha? Tatahimik lang ako?” aniya rito at buong lakas na hinawakan ang mukha nito. Pilit naman nitong inaabot ang kaniyang mukha rin. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hirap na hirap ito. Napaungol si Bela nang tamaan siya ng sipa nito.
Sinipa niya rin pabalik ang babae kaya napaluhod ito sa sahig. Pansin niya ang ingay na pabukas ng pinto kaya mabilis na ipinagpalit niya ang posisyon nilang dalawa saka nagsisigaw.
“Help!”
Kita niya ang panlalaki ng mata nito sa kaniyang ginawa. Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang galit na galit na mukha ni Long. Nilapitan sila nito at hinila ang anak niya saka sinampal nang malakas. Hindi ito makapagsalita sa sobrang lakas ng tama.
“Al you okay?” nag-aalalang tanong ni Long kay bela.
Umiiyak na umiling naman si Bela.
“You b***h!” singhal nito na lalong ikinagalit ni Long.
“Stop it, Ying An! Kaya ayaw kong malaman mo ‘to eh. Siyado kang pakialamela. Sabi ko na sa ‘yo pabayaan mo ako. Hindi kita kailangan dito. Sinila mo na nga ang ibang tlansaksyon ko, nakialam ka pa lito,” galit nitong saad.
“Pa, ano ba? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang walang magandang hatid sa ‘yo ang babaeng ‘yan ha? Nakita mo naman kanina ‘di ba?” galit na wika ni Ying An.
Nagtago naman si Bela sa likuran ni Long na akala mo ay sobrang nakakaawa. Mabilis na hinawakan naman siya ni Long at nginitian nang tipid.
“Ikaw hindi na muna hawak negosyo ko. Habilin muna iyon kay, Yun Fei. Belinda, ikaw tlaining na rin hawak negosyo,” wika ni Long.
“Ha?” malumanay na sambit ni Bela.
“Pa!” galit na sigaw ni Ying An. Napaluha na nga ito sa galit sa ama niya.
“Kung ano man ang mangyari sa ‘yo, pagsisisihan mo. Don’t tell me I didn’t warn you. Iyang babaeng ‘yan ang magdadala ng kamalasan sa ‘yo.”
Lumapit naman si Long sa anak niya.
“Banned ka sa lahat ng lugar kung nasaan si Belinda,” sambit nito.
“What? So pinipili mo siya kaysa sa ‘kin? Hindi mo siya lubusang kilala. Ni hindi mo nga alam kung ano ang pagkatao niya eh. Kakikilala mo lang sa kaniya tapos ipagpapalit mo ako kaagad sa kaniya? Ako ang anak mo rito,” gigil na sabat ni Ying An.
“Kung talagang anak kita, tatanggapin mo kung ano desisyon ko. Desisyon ko maging masaya, kung tutol ka, hindi kita kailangan,” sagot ng ama niya.
Natawa na lamang nang pagak si Ying An sa narinig mula sa ama. Sinamaan niya ng tingin si Belinda na nagpapa-victim sa gilid. Umiiyak pa ito kunwari.
“We’re not done yet. Kung kaya mong paikutin ang ama ko, hindi ako. Kahit saan ka pa, makikita rin kita. Hintay ka lang,” banta nito sa kaniya. Pasimpleng nginitian lang ito ni Bela.
Galit na umalis naman si Ying An.
“Al you okay?” tanong ni Long sa kaniya.
Humikbi lamang si Bela at ipinakita ang kalmot ni Ying An kanina.
Huminga lamang nang malalim si Long.
“Pasensiyahan mo na, ganoon talaga siya sa lahat na babae kasama ko,” saad nito.
Huminga nang malalim si Bela at kinuha ang pera saka ibinigay pabalik kay Long. Kita niyang tila nagtataka ito.
“Kaya kong makipag-away sa loob ng ring mabuhay lang ako nang walang may galit sa ‘kin. Itong pera na ‘to, alam kong ito ang dahilan kaya galit ang anak mo. Ibabalik ko sa ’yo ’to at kalimutan na natin ang usapan natin,” ani Bela at kunwaring malungkot na tumayo.
“Wait!” pigil sa kaniya ni Long.
“Hindi ko naman ginusto na magustuhan mo ako eh. Sa ginawa mo, lalo lang akong pag-iinitan ni, Ying An. Paano naman ang katahimikan ng buhay ko? Kita mo naman kanina ‘di ba? wala akong laban sa anak mo. Magaling siya sa martial arts. Marami siyang tauhan. Sino ba naman ako? Kung sakaling may gawin siyang masama sa ‘kin hindi kaya ng sidekick ko ang bala ng baril. Ayaw ko pang mamatay, Long. Kung sa kamay ng anak mo ako matatapos, salamat na lang. Gusto ko pang mabuhay,” litanya niya. Ipinakita niyang galit siya, malungkot, at takot.
“Kakausapin ko siya ulit. Kung gusto mo, sama ka akin mansiyon,” wika nito.
Umiling naman si Bela.
“Ito ang dahilan kaya hindi ako kaagad pumayag sa gusto mo. Ayaw ko ng magulong buhay. Sinabi mo sa kaniya na magti-training ako sa negosyo. Lalo lang niyang iisiping pera lang ang habol ko sa ‘yo. Tama naman siya, kapalit ng pagsama ko sa ‘yo ay ang malaking halaga ng pera. Hindi ko naman maitatanggi iyon. Pero ikaw mismo ang nag-offer sa ‘kin. Alam mong hindi kita inakit. Hindi ako ganoon, iakw ang nagpatawag sa ‘kin. Ngayong may issue na sa ‘min ng anak mo, paniguradong mawawala na ang balanse ng buhay ko. Please, huwag na lang nating ituloy ang usapan,” aniya.
“Pelo—”
Suminghot si Bela at tinitigan ang matanda. Gusto na niyang masuka.
“Alam kong mahirap lang ako, baguhan lang ako sa lugar na ‘to. Wala akong alam maliban sa pakikipag-away pero mahal ko ang sarili ko. Okay na sa ‘kin ang mamalimos huwag lang malagay sa panganib ang buhay ko,” aniya at malungkot na tumalikod.
Hindi na rin siya napigilan pa ni Long. Paglabas nga niya ay kaagad siyang napatakip sa kaniyang bibig. Nilapitan naman siya ni Stella na kanina pa pala hindi mapakali sa gilid na naghihintay sa kaniya.
“Bakit? Ano ang nangyari?”
“Saan ang restroom?” tanong niya rito.
Itinuro naman iyon kaagad ni Stella. Patakbong pumasok naman siya sa loob ng restroom.
Sumuka siya nang sumuka roon hanggang sa mawalan ng lakas ang kaniyang katawan.
“What happened?” nag-aalalang tanong ni Stella sa kaniya.
“I’ll tell you when we get home,” sagot niya rito.
Umalis na nga sila at pagdating ay naghihintay lang si Stella na magkuwento.
“That old fart! Buti natiis kong huwag masuka sa harap niya,” aniya at napabuga.
“Bakit?”
“In-offer-an ba naman ako ng malaking pera para maging sidechick niya,” sagot niya.
Tawang-tawa naman si Stella.
“Wait, bakit ang dami mong kalmot? Ikaw ba ang may gawa sa mukha nu’ng anak niya? Girl, putok ang labi at pulang-pula ang mukha. Gulo-gulo pa ang buhok,” saad nito.
Natawa naman si Bela.
“Of course! Sinigurado kong mas malala pa ang aabutin ng mukha niya kaysa sa ‘kin,” aniya at inayos ang kaniyang buhok na sobrang gulo rin.
“Naghilahan kayo ng buhok?”
Tumango naman si Bela at kumuha ng bulak saka inilagay sa kaniyang ilong. May dugo kasi roon.
“Buti na lang at nadala sa actingan ko ang Long na ‘yon. Kailangan ko na yatang sakyan ang katarantaduhan niya para maisagawa na lahat ng kailangan. Sabi niya ititira niya ako sa mansion niya,” kuwento niya.
“Wow! That’s a lot easier,” komento ni Stella.
“Yea, kaya nagpa-hard to get ako kanina para naman isipin niyang sobrang banal ko para hayaan niya lang,” wika niya. Tawang-tawa naman si Stella.
“Eh paano kung gusto niyang maka-score sa ‘yo kung sakali?” usisa nito.
Kamuntik na naman siyang masuka. Naiisip niya pa lang grabe na ang kaniyang pandidiri.
“Baka mapatay ko na siya, bahala na kung mapahamak ako sa misyon ang importante mapatay ko siya,” gigil niyang wika. Inis na tiningnan niya si Stella na hindi magkamayaw sa pagtawa.
“Tuwang-tuwa ka naman,” aniya at inirapan ito.
Natigilan naman si Stella at tipid siyang nginitian.
“Ito naman, hindi naman ikaw ang pinagtatawanan ko. Siyempre ang punggok na ‘yon naman,” anito.
Huminga nang malalim si Bela.
“Lalong kailangan nating mag-ingat dahil pinag-iinitan ako ngayon ng anak niya. Hindi iyon papayag na magtagumpay ako lalo pa at inaway ko siya. Ganoon din ang ugali ko. Hindi ako mapapakali kapag hindi ako nakapaghiganti,” saad niya.
“Ano? Gusto mo pa-salvage natin?” usisa ni Stella.
“Kung pwede lang eh. Kaso mahihirapan tayo lalo pa at sa kanila ang teritoryong ‘to. Iinisin ko pa ‘yon lalo. Hindi talaga mawala sa utak ko ang pagsampal niya sa ‘kin eh. Tang-ina siya,” inis niyang sambit.
“Alam mo naisip ko lang, kung kailangan isalba ni, Stefano ang kapatid niya pwede niya namang ipag-utos na lang ‘di ba?”
Napaikot na lamang ni Bela ang kaniyang mata.
“Siya nga mismo hirap mamukhaan ang kapatid niya, ano na lang ang mga tauhan niya? Kung sakali nagkamali at nahuli ni, Long? Eh ‘di mas malaki ang problema. Gamitin mo minsan iyang utak mo. Puro ka kasi s**o eh,” reklamo ni Bela.
“Problema mo sa s**o ko?” anito.
“Nakakainis! Sumisilip, hindi tuloy ako makapag-concentrate. Paano kung luluwa bigla?” asik niya rito.
Natawa naman si Stella.
“Wait, huwag mong sabihing natu-turn on ka sa kaseksihan ko?” anito.
Natameme naman si Bela at parang mas naiinis na siya rito kaysa kay Ying An.
“Saglit lang,” wika ni Bela. Tumayo ito at pumasok sa kaniyang kuwarto. Paglabas niya ay may bitbit na itong baril at itinuon kay Stella.
“H-Hey!” anito at nagmamadaling tumakbo palabas.
“Kung anu-ano iyang naiisip mo. May s**o rin naman ako, bwesit na ‘to,” aniya at padabog na umupo sa couch. Napahawak siya sa ulo niya at kumikirot iyon.
“Ngayon lang yata ako dinalaw ng sakit sa ulo ah. This b***h,” reklamo niya.
Makalipas nga ang ilang oras at bumalik na si Stella. Malapad ang ngiti at may dalang pagkain.
“Kain ka na, your highness,” wika nito at naghain ng pagkain.
Nawala na ang kaniyang inis nang makitang nakasuot na ito ng jacket.
“Good idea,” aniya rito. Bumusangot naman si Stella.
“Gusto ko pang mabuhay no,” sambit nito.
“Dapat lang, marami pa tayong gagawin.”
“Sasabihin mo ba sa asawa mo tungkol sa offer ni, Long?” usisa nito. Umiling naman siya.
“Mas gusto ko iyong magkagulatan kami,” sagot niya.
“Wala ka talagang ka-sweet sweet sa katawan mo no? Paniguradong aatakehin asawa mo sa ‘yo. Ang tapang-tapang nu’n pero kung tratuhin mo parang kami lang. Wala ka talagang sinasanto,” komento ni Stella.
“Sino ba ‘yang santo na ‘yan?” tanong niya rito.
“Ewan ko sa ‘yo, wala ka ng pag-asa,” wika ni Stella at kumain na. Nagkibit-balikat lang naman si Bela.
Kinabukasan nga ay maaga siyang pinuntahan ng tauhan ni Long. Binigyan siya ng black card at biniling bumili ng formal na damit at may pupuntahan sila. Susunduin kamo siya nito.
“OMG! Bela, baka naman. I’m so tired of wearing the same clothes na. I don’t even have a decent bag. I need some heels and new makeups too,” busangot na saad ni Stella.
“You want one? Bakit hindi ka bumili? You have a lot of money,” sagot niya rito. Stella pouted at her.
“Please Bela, gamitin na natin ‘yang pera ni, Long,” she pleaded.
“Fine!” sagot niya at nagbihis na sila saka umalis. May malalaking malls naman ng mga luxury items kaya dumeritso na sila roon. Hindi naman siya maselan sa mga gamit pero ano pa ba ang silbi ng pera niya kung hindi niya ibibili ng mga mamahalin.
Pumara na sila ng taxi at nagpahatid sa mall. Pumasok sila sa isang kilalang luxury brand at kaagad na nawili naman si Stella. Mas marami pa nga itong napili kaysa kaniya.
“If I were you, bumili ka ng mga mamahalin jewelry. I’m sure that old fat geezer won’t mind,” saad ni Bela kay Stella.
“Can I?”
Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa.
“Why not? Malaki ang masi-save mo. Investment din ‘yan,” aniya.
“Oh my gosh!” Impit ang tili nito at namili pa ng mga bags.
Nakaupo lang si Bela at tumitingin sa nakahilerang mga damit na ipinapakita ng staff.
“Nandito na rin pala ang gold-digger. Ang saya mo naman no? Masarap bang gumastos ng perang hindi sa ‘yo? Talagang nagdala ka pa ng kaibigan no? Sa bagay, wala namang pagkakaiba ang dalawang linta. Parehong mahilig sumipsip,” pahaging ni Ying An sa kaniya.
Umupo ito sa gilid niya at nagmamadaling lumapit naman ang manager ng store.
“Everything that she picked is mine,” sambit nito at tinikwasan siya ng kilay.
Natawa naman si Bela. Wala naman siyang paki dahil ayaw niya rin naman ang mga ‘yon. Isa pa, gusto niyang si Stella na guamstos lahat para kahit papaano ay may patutunguhan naman ang perang galing sa masama ni Long. Stella won’t mind.
“Hindi mo afford ang mga gamit dito, kaya tama lang na akuin ko para hindi ka mapahiya,” sambit nito. Nagkibit-balikat naman si Bela at nginitian ang dalaga. Kita niyang tila nabwesit ito sa pagngiti niya.
“Masiyado na bang desperada ang buls amo para pati ama kong matanda na hindi mo pinalampas? Tell me, magkano ba ang kailangan mo? I will give it to you,” matigas nitong wika.
Tinitigan naman niya ito at seryosong sinagot.
“You can’t afford me,” nakangiting saad niya.
Ying An fisted her fingers. Gigil na gigil na siya sa mukha ni Bela.
“Maganda ka nga, pero paniuradong ang baho na ng p********e mo. Pumapayag kang maging sidechick kapalit ng pera, kawawa ka naman,” wika nito. Talagang iniinis siya.
Kalmado niya lang iyong tiningnan.
“Kung kawawa ako, hindi muna sana ako binibigyan ng pansin ngayon. Masiyado bang malakas ang appeal ko’t hindi mo mapigilan ang sarili mo na awayin ako? I appreciate the effort, but it lacks and you failed. Hindi ako takot sa mga banta mo. Lalong hindi ako nasasaktan. Alam mo kung bakit?”
Kumunot naman ang noo ni Ying An sa kaniya.
“Dahil maganda ako,” dagdag niya at tinawanan ito.
“w***e!”
“So? Ang w***e na ‘to ay siyang nagpapaikot ngayon sa mundo ng ama mo. So don’t do anything stupid again dahil hindi moa lam kung ano ang kaya kong gawin,” malamig niyang wika.
“What? You’re going to scheme against me again?” galit nitong saad.
“Not just a scheme. Sa susunod gagawa pa ako ng ibang paraan para tuluyan ka ng itaboy ng ama mo. Everything that you own will be mine. Mine alone, Ying An,” nakangiting aniya.
Akmang sasampalin na siya nito nang masalag niya ang kamay nito at padaskol na binitiwan.
“Nasanay ka na yatan manampal sa ‘kin. Nakalimutan mo yatang may kamay rin ako,” aniya rito at sinampal ito.
“b***h!” gigil nitong wika.
“Huwag kang pakampante sa sitwasyon mo. Kahit anong pagpapanggap mo, lalabas at lalabas ang amoy mo. Malalaman din ng ama ko kung anong kalseng tao ka. You’re a fraud!” sigaw nito sa kaniya.
“Real ka na niyan?” asik niya rito at tianwanan nang nakakainsulto. Galit na napatayo naman ito.
“What’s happening here?”
Kinuha ni Bela ang tea na hinanda ng staff kanina at ininom iyon nnag basta na lang iyong itinapon ni Ying An sa mukha niya.
“How dare you?” galit na wika ni Stella at hinila si Ying An at sinakyan ito saka pinagsasampal. Nagsabunutan ang dalawa. Napatingin si Bela sa damit niya sa bandang dibdib at pinunasan ng wet tissue.
Kaagad na lumapit naman ang security at pinaghiwalay ang dalawa. Prenteng nakaupo lang si Bela at napailing. Kahit saan nga yata ay mag-aaway sila palagi ni Ying An. Sumakto lang ngayon na nandito si Stella.
“How dare you?”
“I’ll surely kill you!” sigaw ni Ying An kay Stella. Halos ayaw pang magpaawat ng dalawa kaya. hirap na hirap ang security na pigilan sila.
“You’re not going to listen to me? I’m Long’s daughter. You wouldn’t afford messing with me! This woman here has no money,” sigaw ni Ying An.
“Excuse me? I have my black card here,” proud na sagot ni Stella at ipinakita iyon.
“What the hell? Where did you get that?” galit na sambit ni Ying An.
“Paki mo? Hindi mo na business na alamin kung saan galing ‘to no. Masiyado kang pakialamera. You’re lucky enough that we’re in a public place. Kung sumakto pa na nasa walang ibang tao tayo, talagang malilintikan ka sa ‘kin,” gigil na sambit ni Stella.
“Are you threatening me?” sigaw ni Ying An.
“Girl, hindi lang iyan threat. I’m inviting you trouble. Kung pagbibigyan mo lang ako, punta tayo kaagad sa bakanteng lote at hindi ako magkakaroon ng peace of mind hangga’t hindi kita napupuruhan.”
Hindi naman makapaniwala si Ying An. This is the second time na may kumontra sa kaniya. lahat ng kababehan rito kilala siya at takot siyang banggain. But these two were not.