Kinabukasan ay maagang nagising si Bela. Tulog na tulog pa si Stefano. Hindi ba naman siya tinigilan kaya ang nangyari ay tulog na tulog pa rin ito. Napagod siguro. Maingat na bumangon siya at hinalikan ito sa pisngi saka dumeritso sa bathroom para maligo at mag-ayos.
Bumaba na siya at nakita si Aquila at Doding na nagluluto.
“Good morning, mukhang nagkakatuwaan kayo ah,” komento niya rito.
“Good morning, ate,” wika ni Aquila. Makikita ang saya sa mukha nito. Ngumiti naman siya rito.
“Aba’y itong batang ‘to ay gustong mapaturo kung paano magluto. Hindi pa raw siya nakahawak ng sandok,” wika ni Doding.
“Hindi ka ba tinuruan ni, Ying An noon?” usisa niya rito. Umiling naman ito.
“Bahay at school lang ako. Bawal akong makialam sa gawaing bahay dahil ano pa raw ang silbi ng mga katulong namin kung kikilos ako,” sagot nito. Kita niya ang lungkot sa mukha nito.
“Puwede kang magpaturo kay, Doding. Kung may mga gusto kang gawin o subukan huwag kang mahihiya na magsabi. Gagawin natin,” aniya rito.
“Talaga ate?” anito at halatang excited.
“Oo naman, may mga gusto ka pa bang gawin?” tanong niya rito.
Tumango naman ito.
“Gusto ko pong mag-aral ng culinary,” sambit nito.
“Go, we’ll support you,” nakangiting sagot niya rito. Niyakap naman siya ng dalaga. Tuwang-tuwa ito. Parang may kung ano namang humaplos sa puso niya.
“Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakababatang kapatid na babae.” Sa isip niya.
“Saglit na lang ‘to ate, kakain na tayo,” ani Aquila.
“Take your time,” nakangiting aniya at umupo lang. Nakatingin lang siya sa dalawa na siyang-siya sa ginagawa. Napakapino ng kilos ni Aquila.
“Aquila, maayos ka namang tinatrato roon sa kanila ‘di ba? Wala naman silang ginawang masama sa ‘yo?” usisa niya rito.
Malungkot na ngumiti naman ito at umupo sa tabi niya.
“Nasanay na rin po akong mag-isa. Alam ko naman na hindi nila ako mamahalin na parang tunay nilang kapamilya. Anak daw ako ng traydor. Sanay na ako na ako lang. Lumalapit lang naman sila sa ‘kin dahil kailangan nila ako sa negosyo nila,” anito.
“Hindi ka ba tinatrato nang maayos ni, Ying An?” tanong niya rito.
“Hindi ko masasabing maayos iyon. Kasi kada may magawa akong mali kahit gaano pa kaliit palagi niyang pinagbabantaan ang buhay ko. Lagi niya akong pinapagalitan, minsan sinasaktan din. Nu’ng minsan nga na galit na galit siya dahil sa business niyang hindi nagtagumpay eh sa ‘kin niya binunton lahat ng galit. Wala naman akong magagawa kung hindi ang umiyak na lang. Walang tutulong sa ’kin du’n. Saka sa tagal ng panahon nawalan na rin ako ng pag-asa na balikan ni, Kuya. Si papa kasi, wala namang pakialam. Hinayaan niya ako noon,” kuwento nito.
“Gusto mo bawian natin iyong Ying An na ‘yon?” aniya rito.
“Naku! Ate, huwag na. Ayaw kong mapahamak pa kayo. Okay na rin na nakalayo na tayo. Bahala na ang mga police sa kanila,” sagot nito.
Tinitigan naman siya ni Bela at alanganing napangiti.
“Sa bagay, wala naman tayong magagawa sa ngayon dahil tapos na. Pero pangako ko sa ’yo babawian ko ang bruhang iyon kapag nag-abot ang landas namin. Ipaghihiganti kita,” matigas niyang saad.
Natawa naman si Aquila.
“Sama mo ako kapag hawak mo na siya,” malambing nitong sambit. Napangisi naman si Bela. Natigilan si Aquila.
“Nakakatakot naman ‘yang ngiti mo Bela,” sabat ni Doding.
“Naku! Huwag kang matakot Aquila ha. Ganiyan lang talaga ako kapag masaya,” aniya sa dalaga. Tumango naman ito.
“Hindi ka ba tinuruan ni, Ying An na pahawakin ng baril? O kaya ni, Long? Nabalitaan ko kasi na kaya ka nila in-adpot para ipakasal sa kasosyo niyang sabog,” wika niya rito.
“Tama po kayo, maliban sa pinasok nila ako sa isang martial arts school wala na. Pinapa-focus nila ako palagi sa acads. Gusto nila na mataas parati ang rank ko at huwag silang mapahiya. Nu’ng minsang bumaba ang grade ko ng isang point lang galit na galit si Ate. Sinampal niya ako nang ilang beses. Naaalala ko pa, nilagnat ako nu’n dahil sa lakas ng sampal niya. Walang tumulong sa ‘kin dahil takot sila. Buti na lang may mabait na katulong doon, siya iyong nag-alaga sa ‘kin,” sambit nito.
Napaiwas naman ng tingin si Bela.
“Ayaw ko ng magtanong. Napukaw ko pa yata ang trauma mo. Hayaan mo, may pagsisidlan talaga sa ‘kin ‘yang bwesit na ‘yan,” inis niyang sambit. Napangiti naman si Aquila.
“Huwag kang mag-alala ate, hindi naman ako nalulungkot kapag naalala iyon. Sinanay ko na lang ang sarili ko na mag-exist sa ganoong household. Sinanay ko na ang sarili ko sa sakit na kahit siguro saksakin ako wala na lang sa ‘kin ang sakit. Hindi ko na iyon halos maramdaman. Namamanhid na ako. Simula nu’ng napunta ako sa kanila ni minsan hindi ko na maramdaman ang saya. Ultimo nga kakainin ko kalkulado. Lahat may limit. Kaya sobrang saya ko na kinuha ako ni, kuya. Ilang taon ko siyang hinintay at hindi niya ako binigo. Wala namang problema sa ’kin kung natagalan, ang importante ay hindi ako nabulok sa lugar na ‘yon.”
Hinaplos ni Bela ang kaniyang buhok at nginitian ito nang tipid.
“Para sa ’kin mas mahihirapan ako kung mentally challenged ako. Lalo na kung araw-araw. Kaya kong salagin ang bala sa kahit saang parte ng katawan ko, pero ang usapang mental, hindi ako sigurado. Lumaki ako sa pamilyang sobrang tigasin at matapang, pero sensitibo. Mommy taught me how to be an empath. Pero hindi ko ‘yon, binibigay sa lahat. Pinipili ko, dahil hindi ako paniwalain. Lahat ng sinasabi sa ’kin ng mga tao, questionable iyon at tinitimbang ko palagi bago ko bigyan ng reaksiyon. May trust issue ako, dahil ayaw kong magkamali. Ayaw kong magsisi sa huli,” saad niya.
“Mas okay na rin ate na ganoon, pinoprotektahan mo lang ang sarili mo sa mga may masasamang intentions,” sagot ni Aquila.
Tumango naman siya at nginitian ito.
“Mukhang interesting ang topic niyo ah.”
Napalingon sila at nakita si Stefano na nakapamulsang pumasok ng kusina. Umupo ito sa tabi ng asawa at kumain na rin. Nagkakatuwaan sila habang nagkukuwento nang kung ano-ano si Doding.
Bandang alas-diyes nga nang umaga ay umalis na sila papunta sa mental hospital kung saan naka-confine ang in ani Stefano. Pansin nito ang pananabik sa mata ng kapatid niya.
Pagdating nila ay kaagad silang binata ng doctor at pinapsok na sa loob.
“Kumusta na sioya?” tanong ni Stefano habang nakatingin sa ina niyang nakaupo lang sa loob ng kuwarto nito.
“Mas mapapabilis ang paggaling niya dahil nakakausap ko na siya nang maayos minsan. Sinasagot niya rin ang mga tanon ko. Pero hindi pa rin maaalis ang lungkot sa mga mata niya. Hindi na rin siya nagwawala,” sagot ng doctor.
“Mabuti naman po,” aniya.
Binuksna ng doctor ang kuwrato at pinapasok na sila.
“Mama,” tawag ni Stefano rito.
Lumingon naman ito at napakalaki ng ngiti. Nilapitan ang kaniyang anak at niyakap nang mahigpit.
“Sabi ko nan ga ba, pupunta ka. Alam kong babalik ka, kaya naghintay ako,” wika nito. Marahang hinaplos naman ni Stefano ang buhok ng ina.
“Mama, may kasama ako. Alam kong maiging amsaya ka kapag nakita mo siya,” sambit ni Stefano.
“Sino? May asawa ka na ba?” tanong nito.
Tumango naman siya at tinawag si bela. Pumasok si Bela at kaaagd na nagmano rito. Naktitig lang s akaniya ang in ani Stefano. Kitang-kita sa mga mat anito ang saya.
“Hija, salamat at pinakasalan mo ang anak ko. Mabait ang anak ko, hindi siya salbahe. Mabait na anak at mapagmahal,” nakangiting sambit nito.
“Kapag p[o makalabas na kayo rito, shopping po tayo. Punta tayo sa dagat at mag-swimming tayo,” ani Bela.
Tuamno-tango naman ito at ngumiti nang matamis.
“May isa ka pang bisita ma,” mahinahong wika ni Stefano. Kumunot namna ang noo ng in anito.
“Sino?” tanong nito.
“Come in,” ani Stefano.
Parang nag-slow motion naman ang paningin ng ina ni Stefano nang masilayan ang mukha ng isa pang bisita. Nakatyo lang ito at nakatitig kay Aquila. Ilang saglit pa ay nagsipatakan ang luha s amga mat anito. anoon din naman si Aquila. Umiiyak na nilapitan niya ito at hinayaan itong haplusin ang buo niyang mukha.
“A-Aquila...” anito at naninginig ang kamay na hinaplos ang anak. Humihikbi naman si Aquila at hianwkana ang kamay ng ina.
“Mama,” smabit niya.
“Ikaw nga, ikaw nga ang anak ko,” umiiyak na sambit nito at niyakap nang mahigpit si Aquila.
“Anak ko, hindi ko alam na buhay ka pa. Hindi ko alam na darating ang araw na magkikita pa tayo. Patawarin mo ako anak kung wala akong nagawa noon. Hirao na hirap pa ko, wala kaming ibang malapitan ng kuya mo. Walang tutulong sa ‘min dahil walang pakialam ang ama mo. Ang walang hiya mong ama!” galit nitogn saad.
Niyakap naman ito pabalik ng dalaga at hinayaan na ang srailin humagulgol sa sakit.
“Ma,” aniya lang at napasinghot.
“Patawarin mo ako anak. Sobrang nalugmok ako sa pakawala mo. Babawi ako,” anito.
“Magpagaling po kayo ma, maghihintay ako sa ‘yo. Miss na miss na po kita. Hindi ako natutulog nang hidni nagdadasal na sana magkita n atayo ulit. Dinig ng Diyos ang hiling ko,” umiiyak nitong wika.
“Oo, oo sisikapin kong gumaling kaagad. Babalik ako at babawi ako sa ‘yo anak. Babawi ako,” saad n in anito.
“Babawi ako s ainyong dalaw ang kuya mo babawi ako, babawi ako.”
Natahimik sila. Mukhang sinusumpong ito. Hindi ito mapakali at para bang takot na takot na gumitgit kay Stefano.
“Mama,” nag-aalalang wika ni Aquila.
“They’re here, nandito na sila. Kukunin na naman nila ang baby ko, ang mga anak ko,” umiiyak na wika ng ina nila.
Nagtinginan naman si Stefano at Aquila. Kitang-kita ang lungkot sa kanilang mukha.
“Magtago na kayo, magtago kayo. Kapag nakita nila kayo hindi kayo bubuhayin. Sige na,” galit na wika ng ina nila.
“Bakit hindi kayo nagtatago? Magtago na kayo,” giit nito. Nangangalit ang ngipin na para bang galit na galit talaga. Hindi nagsasalita si Stefano at hinayaan lang ito. Kita ni Bela na bumakat ang kuko nito sa braso ni Stefano pero ininda niya iyon.
Binitiwan lang sniya ang braso ng anak nang lapitan siya ng dalawan nurse at inalalayang makahiga sa kama nito at tinurukan ng pampakalma. Kitang-kita nila kung gaano pumasag ang ina hanggang sa nakatulog ito.
Huminga siya nang malalim at napailing.
“Sana gumaling na si mama,” malungkot na wika ni Aquila.
“She will,” sagot ni Stefano.
“Kuya, pwede kaya na pansamantalang dito muna ako? Gusto kong bantayan si mama. Baka sakaling makatulong na nandito ako. Baka gumaling siya agad,” wika ni Aquila.
“Are you sure?”
Tumango naman si Aquila.
“Gusto kong samahan si mama. Hindi rin naman ako makakatulog sa bahay. Hindi ko kayang makaramdam ng antok knowing na hirap na hirap si mama rito. Gusto ko siyang samahan. Baka maalala niya ako ulit. Baka gagaling siya kaagad kapa kasama niya ako,” sambit nito.
Kita naman ang pag-aalangan sa mukha ni Stefano subalit wala ring nagawa.
“Sige, pero huwag kang lalabas mag-isa at delikado. Baka nasa paligid lang si Long. Magpapdala ako rito ng bantay. May private doctor naman dito si mama at pinatayo ko rin ‘tong bahay na ‘to rito sa loob ng facility para kay mama. Puwede ka munang ma-stay rito. Kung may mga kailangan ka huwa na huwga kang mag-atubiling sabihan ako,” aniya rito.
Nakangiting tumango naman si Aquila. Kinausap pa muna nila nag doctor at nang ma-grant ang request ay umuwi na muna sila. Tinulungan na rin ni Bela si Aquila at hinatid din nila kaagad pabalik sa facility.
“I’ve already arranged some bodyguards for you here. They’re my trusted men. Alam kong hidni ka nila pababayaan. If you need anything don’t hesitate to call me,” bilin ni Stefano rito. Tumango naman si Aquila at kumaway na sa kanila. Nagpaalam na rin sila at bumalik na sa kanilang bahay.