"Elinor." Napatanga ang dalaga nang makita si Garu. May pagmamadali sa mukha nito. "Kailangan na nating umalis," aniya. Kumunot naman ang kaniyang noo. "Mang Garu si Hades ay hindi pa bumabalik," mahinang saad niya. Pansin niya rin ang pagtingin ng mga kasamahan niya sa kaniya. "Sige na, susunod din siya. Kailangan mo ng umalis ngayon at masiyadong delikado," wika nito. Kahit na alangan ay sumunod na lamang siya rito. Tumayo na siya at akmang aalis nang magsalita ang Ate niya. "Saan ka pupunta?" usisa nito. Tiningnan niya lang ito at hindi na sinagot. Sumunod na siya kay Garu palabas at mukhang iba itong dinadaanan nila. "Mang Garu, bakit po tayo rito dumaan?" tanong niya at tila kanina pa nakamasid sa dinadaanan nila ang matanda. "Nanganganib ang buhay mo," mahinang saad nito. Kumu

