Chapter 6

1163 Words
“Miss Elise,” kinakabahang kinuha ni Meldy ang attention ng bata. “That’s not a good joke.” Sabi pa niya lalo’t naghuhurumintado ang puso niya sa kaba. “I’m not joking mama.” ‘Lagot na!’ Ang sabi pa ni Meldy sa isipan niya. Nang bumaling siya ulit kay Eliot, napansin niya na tinignan siya ni Eliot mula ulo hanggang paa. Naituwid tuloy niya ang likuran niyang bumagsak kanina pa. Tumayo si Eliot mula sa pagkakaupo sa kama kaya mas lalong kinabahan si Meldy. Nakapameywang naman si Elise sa harapan ng papa niya. Ang mga pawis ni Meldy sa ulo niya ay nag-uunahan sa pagtulo. Kahit nga ang singit niya ay pinagpawisan na rin. Tumigil si Eliot sa harapan niya. Si Meldy ay nasa tsinelas na lang ang tingin. Gustuhin man niya makipagtitigan sa amo niya, hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob. ‘Huwag ka humarap Meldy. Bubugahan ka ng apoy niyan.’ Chant niya sa utak niya. ‘Huwag kang titingin kahit pa gwapo siya. Remember, muntik ka na niyang ipakulong.’ “Look at me,” napatalon sa gulat si Meldy dahil sa baritong boses ni Eliot. ‘Kasasabi ko lang na huwang tumingin e.’ Naiiyak na aniya sa sarili. Nang tumingin si Meldy sa mukha ni Eliot, napansin niya agad ang mga titig na naman ni Eliot na hindi niya matukoy kung simpleng nakatingin lang ba o ano. Napalunok si Meldy ng magkasunod na beses. At nakita niya ang pagkagat ni Eliot sa labi nito dahilan kung bakit pasimpleng inipit ni Meldy ang hita niyang nagri-react sa binata. ‘s**t! Bakit naman kasi ang gwapo?’ Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Eliot sabay baling kay Elise. “I need to go now princess, dito ka nalang muna kay mama ah?” Nanlaki ang mata ni Meldy ng marinig ang sinabi ni Eliot na mama. ‘WHAT? MAMA? ANO?!’ Mga nasa utak niya. Ngumuso naman si Elise at tumango. “Okay po papa. Mama will take care of me ‘cause she’s so strong.” Tumingin ulit si Eliot kay Meldy. “Okay. I think your mama is strong nga.” Sabi pa nito na hindi tinatanggal ang titig kay Meldy. ‘Nababaliw na siya! NABABALIW NA SIYA!’ Mga gustong ipagsigawan ni Meldy na hindi niya magawa. Hindi na nga niya marinig ang kapaligiran dahil ang lakas ng t***k ng puso niya. Nang makalabas si Eliot sa kwarto ni Elise, agad na ininom ni Meldy ang juice na hawak niya. “Mama, that’s my juice!” Reklamo ni Elise. “Ay sorry anak! I mean Miss Elise!” Nadulas pa siya. Nasapo ni Meldy ang mukha niya habang si Elise ay ngiting ngiti at naglalambing na yumakap sa tiyan niya. “Mama, sorry kay papa. He’s strict sometimes but he’s really kind. And don’t worry mama, papa will not marry his girlfriend.” Hilaw na ngumiti si Meldy sa alaga niya. Ang totoo ay nababaliw na rin ang utak niya at hindi niya ma-explain bakit siya na wala naman sanang pakialam kay Eliot Santisas noon ay heto at sobrang attracted na sa kaniya. Idagdag pa ang mga demand ni Elise kay Eliot na may kinalaman sa kaniya. Matapos mapakain ni Meldy si Elise, agad na niya itong binihisan ng school uniform at hinatid sa school. Pagkabalik niya ng bahay, siya naman ang agad ang naligo para mag-aral. Habang nasa banyo siya, hindi mapigilan ni Meldy na alalahanin si Eliot. Kasama na ang mukha nito kanina na sobrang lapit lang sa kaniya. “Bakit ang gwapo niya?” mga nasa utak ni Meldy. Noon, tanda pa niya na ang ilan sa kababaihan na bumibili sa tinadahan na binabantayan niya na ang laging topic ay si Eliot. Tapos ang lagi niyang sinasabi ay, “hindi naman sobrang gwapo ni Eliot.” Ngayon na harap-harapan na niyang nakikita, nagkamali siya. Nagmamadali siyang naligo dahil natatakot siya na baka saan pa mapadpad ang daliri niya sa pago-overthink niya kay Eliot. Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. Namilog ang mata niya nang makita si Eliot sa labas ng pinto ng kwarto niya na agad tumalikod ng makita siya. “The door was made to have your privacy. I don’t understand why you left it open.” Napalunok si Meldy at naalala na sa pagmamadali niya kanina ay naiwan niyang bukas ang pinto ng kwarto niya. “Sorry sir,” kabadong sabi niya. “After you get dressed, puntahan mo ‘ko sa office ko.” Tumango si Meldy at agad na sinirado ag pinto ng kwarto ng makita na umalis na si Eliot. Napahawak siya sa dibdib niya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “Ayan kasi Meldy! Tanga! Tanga!” Kastigo niya sa sarili niya. Agad siyang nagbihis ng damit niya at kahit na wala pang suklay ang buhok e nagmamadali na siyang pumunta sa office ni Eliot. Kumunot ang noo ni Mr. Sy nang makita ang ayos ni Meldy. “Hindi ka pwedeng pumasok sa opisina kung buhaghag ang buhok mo.” Natigilan siya. Hindi niya alam na bawal pala. “Look at the other maids, mahigpit ang batas na dapat maayos ang buhok niyo habang naglilibot sa bahay. Maliban sa hindi pa tuyo ang buhok mo, wala pang suklay.” Napahiya si Meldy sa sinabi ni Mr. Sy. Malayo ang chamber niya sa office ni Eliot, kung babalik pa siya e mas lalo pa siyang matatagalan. Kinuha ni Mr. Sy ang kamay niya at dinala siya sa isang guest room. “Ayusin mo ang buhok mo.” Sabi nito nang ilapit siya sa vanity area. Napatango nalang si Meldy at humingi ng pasensya. Wala pa ring emotion ang mukha ni Mr. Sy na nakatingin sa kaniya. Pinapanood niya si Meldy na inaayos ang buhok nito at ng na-bun na niya ang buhok niya, humarap na siya kay Mr. Sy. Si Mr. Sy ay ka-edad lang ni Eliot. But everybody calls him Mr. Sy while Eliot calls him, Marcelo. “Ayos na po Mr. Sy,” Napabuntong si Mr. Sy at lumapit sa vanity area kung nasaan siya. Kumuha ito ng konti gel para ayusin ang ilang baby hair ni Meldy na hindi naayos. Habang inaayos niya ang buhok ni Meldy, si Meldy naman ay standby lang, at hindi gumagalaw. Walang reaction, nakatayo lang. Sa hamba ng pintuan, naroon si Eliot, nakakrus ang kamay at salubong ang kilay habang nakatingin sa kanilang dalawa. “What are you two doing?” Doon pa kinabahan si Meldy ng makita niya si Eliot na masamang nakatingin sa kaniya. Si Mr. Sy naman ay nagbow ng konti. “I’m just fixing the strand of her hair, sir.” Tumingin si Eliot kay Meldy at siya naman ay kunwaring hindi nakikita si Eliot which is impossible dahil ramdam niya kung paano siya hagurin ni Eliot gamit lang ang paninitig. ‘Hindi na ako magtataka kung aatakihin ako ng cardiac arrest dahil sa kaniya.’ Bulong ni Meldy na narinig ni Mr. Sy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD