“May crush ka ba sa kaniya?” walang emotion na tanong ni Eliot sa kaniya. Nanlaki ang mata ni Meldy at lumingon kay Mr. Sy na siya ring nakatitig sa kaniya at tila ba inaabangan ang maaari niyang isagot.
Hindi alam ni Meldy kung sasagot ba siya ng oo o wala.
‘Kung sabihin kong wala akong gusto kay Mr. Sy baka isipin ni Mr. Sy na hindi siya attractive at masaktan ko pa ang feelings niya, kung sasabihin ko naman na oo, magsisinungaling lang ako at baka iba pa ang isipin niya.’
Nakagat ni Meldy ang pang ibabang labi niya.
“Whatever. If you’re done there, come to my office now.” Sabi ni Eliot at umalis.
Ramdam ni Meldy na nakatitig si Mr. Sy sa kaniya kaya hindi na niya ito nilingon pa at nagmamadali ng sumunod kay Eliot.
Pagkapasok niya sa office, agad niyang nakita si Eliot na nasa table at may kinukuhang isang folder. Nagtaka siya lalo na nang tumingin si Eliot sa kaniya sabay bigay no’ng Folder.
“There are pictures there ng mga lalaking kalbo. Can you take a look baka sa sakaling isa siya diyan?”
“S-Sige po sir,” sabi ni Meldy at nagmamadali niyang tinignan ang loob ng folder kung may makita ba siya.
Isa isa niyang yung tinitigan hoping na may makikilala siya pero naubos nalang niya ang lahat ng pictures ay wala pa rin.
“Sir, wala po.”
Kumunot ang noo ni Eliot.
“Sigurado ka ba?”
Tumango si Meldy. “Opo sir. Sigurado po ako.”
Kinuha ni Eliot ang folder na binigay niya.
“Itong dalawang lalaking ito, nakita sila malapit sa warehouse. Sigurado ka bang hindi ang isa sa kanila?”
Umiling si Meldy. “Hindi po sila sir. Iyong lalaking kalbo po na yun ay maganda po ang mukha at medyo matangos ang ilong. Actually, gwapo yun.”
Sinamaan siya ng tingin ni Eliot lalo na no’ng bahagyang ngumiti si Meldy na tila ba kinikilig.
“Hindi tayo naglalaro dito Meldy.”
“Ay sorry po sir,” sabi niya at mahinang tinampal ang labi.
‘Bakit ba ang sungit niya lagi?’ natanong nalang niya ang sarili niya.
Napatingin naman si Meldy sa ilang pictures na nakalatag sa lamesa ni Eliot. Padala iyon ng photographer kanina, pictures mula sa event na naganap no’ng nakaraang buwan. May isang picture doon na nakakuha ng attention niya.
“Teka sir,” sabi ni Meldy.
Kinuha niya iyong picture mula sa isang event gatherings kung saan ang mga mayayamang tao gaya ni Eliot ay nagtitipon kagaya sa Met Gala Ball ng mga artista. Kumunot ang noo ni Meldy ng makita sa picture na iyon ang lalaking kalbo noon.
“Sir, ito po ang lalaki na yun.”
Kumunot ang noo ni Eliot. “Akala ko ba kalbo? A-At sigurado ka ba?”
Tumango si Meldy tapos nanlalaki ang matang tumingin sa kaniya. “Tatlong taon na po ang lumipas sir. Maraming pwedeng magbago sa tatlong yun.”
Napasinghap si Eliot ng mapagtanto ang ibig sabihin ni Meldy.
Kinuha niya ang picture na hawak ng dalaga. Picture iyon ni Eliot, at nasa iisang table siya kasama ng mga kilalang tao. Sa background, may ilang bodyguards na nahagip. At isa sa bodyguard na yun ay ang kidnapper ni Elise.
‘But this person is a bodyguard,’ takang sabi ni Eliot sa sarili niya.
Napasinghap siya ng may napagtanto.
“Kung ganoon, isa sa mga taong dumalo sa event no’ng party ang mastermind sa pagpadakip sa anak ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. Naging seryoso na rin ang mukha ni Meldy, hindi niya aakalain na ganito kalaki ang problema na kinakaharap nila.
Agad tinawagan ni Eliot si Mr. Sy na nasa labas ng opisina at standby lang.
“Pumasok ka Marcelo.”
Nagmamadaling pumasok si Mr. Sy sa opisina ni Eliot at napansin niya kaagad ang bigat sa paligid. Alam niyang may hindi magandang nangyayari dahil sa seryosong mukha ng dalawa.
“Kaninong bodyguard ito, Marcelo? Natatandaan mo ba?” kumunot ang noo ni Mr. Sy dahil hindi niya alam kung kaninong bodyguard ang nasa picture.
“No sir. Mahigit isang daan kayong prominenteng tao ang dumalo sa event last month. Kaya maraming bodyguards ang naroon.”
Tumingin si Mr. Sy kay Meldy. “Sigurado ka bang ito?”
Tumango si Meldy. “Opo sir. Malinaw pa po sa isipan ko ang mukha niya.”
“But this person has a hair.”
Mahaba ang buhok no’ng lalaki. Hanggang balikat na kung kaya sa larawan ay nakatali na ang buhok no’ng lalaking kalbo noon.
“Marcelo, tama si Meldy. 3 years ago nangyari ang krimen. I think pinahaba niya ng sadya ang buhok niya para hindi siya makilala ni Elise.”
Natahimik si Mr. Sy at tumitig ulit sa larawan.
“Kung ganoon sir, maaaring may mastermind sa krimen na naganap at ang mastermind ng lahat ng ito ay nakasalamuha pa natin sa party.”
Tumango si Eliot. “At isa rin siyang mayamang negosyante gaya ko. Mahihirapan tayong ilabas sa publiko ang larawang iyan, baka makawala pa ang target natin. Hindi pwedeng malaman ng taong nag-utos padakpin ang anak ko na may lead na tayo kung sino ang kumidnap kay Elise.”
Naiintindihan ni Meldy ang nangyayari. Kung kikilos sila ngayon at maging pabaya, baka idespatsa ng mastermind ang kalbong lalaki noon na isa sa kumidnap kay Elise 3 years ago.
“Kung ganoon po sir, ang mastermind na po ang pakay natin?”
Tumango si Eliot.
“Obviously yes. Kita mo naman, hindi money for ransom pala ang pakay nila noon. Iba.” Nakita ni Meldy na nanginginig na sa galit si Eliot.
“Isa marahil sa kalaban mo sa negosyo sir ang nag-utos sa mga demonyong yun para dakpin si Miss Elise.” Sabi ni Mr. Sy.
Natakot si Meldy sa nakita. Galit na galit si Eliot dahil all this time, akala niya, simpleng kidnapping lang ang nagaganap.
Hindi niya aakalain na may nag-utos pala sa mga lalaking yun para dakpin ang anak niya.
“Marcelo, magpadala ka ng mga imbitasyon sa lahat ng mga dumalo sa party na ‘yan. Papalapitin natin ang gagong yun sa ‘kin.”
Kinabahan si Meldy. Tumingin siya kay Mr. Sy na agad lumapit kay Eliot.
“Sir, I don’t think it’s a right idea. Walang kasiguraduhan na pupunta ang mastermind sa krimen kasama ang bodyguard na yun. If I were the mastermind, magdadala ako ng ibang bodyguards na hindi makikilala ni Miss Elise.”
Kumuyom ang kamao ni Eliot.
“Kung payag kayo, hayaan niyong ang Sy Family ang siyang mag organisa ng party. Next week na ang Golden anniversary ni grandpa, we have a reason para mag-organisa ng event.”
Napatingin si Eliot kay Mr. Sy.
“I will talk my dad about this. I’m sure papayag sila sa magiging plano mo.”
Kumunot naman ang noo ni Meldy na nakikinig. Hindi siya makapaniwala na pamilya ni Mr. Sy ang mago-organisa ng party para sa mga mayayaman at kilalang mga tao. Dahil ano lang ba si Mr. Sy. Isa lang naman hamak na butler.
Tumingin si Mr. Sy kay Meldy at tinaasan siya ng kilay.
“Based on your look, you’re looking down on me. Tama ba ako?” nanlaki ang mata ni Meldy dahil hindi naman niya sinasabi ang nasa utak niya.
“My Family is well known in producing high quality of fabric all over the world. Hindi sa pagmamayabang but we’re earning billions monthly.”
“W-Wala naman akong sinasabi na ang butler—" natigilan siya at parang lumuwa ang mata sa gulat. “WHAT? Billions? Pero hindi ba butler ka ni sir Eliot?”
“And so? Bawal ba maging butler ang tagapagmanang gaya ko?”
Napalunok si Meldy at biglang kinilabutan sa narinig. Tumingin siya kay Eliot na ngayon ay tinaasan siya ng kilay. Hindi na niya sukat akalain kung gaano kahalimaw ang dalawa sa harapan niya.
Si Eliot pa lang, nangangatog na binti niya, ngayon, pati pala ang butler nito at hindi rin basta-basta.