“Sir, wine po?” offer ni Meldy sa mga bodyguards ng guest sa party. Nakasuot siya ngayon ng pangmaid at naging mapagmatyag sa paligid.
“May nakita ka na ba?” tanong ni Eliot na nasa stage, kasama ni Marcel Sy—ang ama ni Marcelo.
Gamit ang earpiece device, nakakapag-usap si Eliot at Meldy kahit na malayo sila sa isa’t-isa.
“Wala pa po sir,” sagot ni Meldy na kanina pa naiinis. Akala niya kasi ay magsusuot siya ng isang cocktail dress at makihalubilo sa mga mayayamang tao. Hindi naman niya aakalain na isa pala siya sa maid na mag-aasikaso sa mga guests.
“Bakit busangot ang mukha mo?”
“Wala po sir. Masaya po ako,” pabalang na sagot niya kay Eliot.
“Isang wine please,” agad na tumalima si Meldy at nagmamadaling pumunta sa isa pang guest at inabutan niya ng wine.
“Isang champagne!”
“Ako rin,”
“One glass please!”
Hindi na niya malaman kung sino ang una niyang pupuntahan. Nagpapadyak na lang siya sa paa niya sa inis.
Tumingin siya kay Eliot na nasa stage na kanina pa siya pinagmamasdan.
“Sir, pwede break konti? Hehe.”
Tumingin si Eliot sa kabilang banda sabay sabing, “hindi pwede.”
‘Grr!!’ she growled habang nakatingin sa amo niyang gusto na niyang balatan ng buhay.
“Ah excuse me,” napatingin si Meldy sa tumawag sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang magandang babae. Nagulat rin ang babae ng makita siya.
“B-Bakit po ma’am?”
“Ahm—can I have this wine?” sabi nito sabay kuha ng wine sa pabilog na tray na hawak ni Meldy.
“O-Opo,” nauutal na sabi niya.
Ngumiti ang babae sa kaniya bago tuluyang umalis. “Wow. Grabe ang ganda niya.”
“Anong ginagawa mo?”
Napatalon si Meldy sa gulat ng bigla na namang nagsalita si Eliot.
Bored na bored na siya sa stage, wala na siyang ibang ginawa kun’di panoorin si Meldy na naglilibot sa venue habang inaabutan ang lahat ng alak.
“Bakit ganiyan ka maglakad?” tanong niya ng makitang parang pato ito maglakad buhat sa pagod na ang mga hita.
‘Jusko! Pati paglalakad ko issue sa kaniya?’ kunot noong tanong ni Meldy sa sarili niya.
“May binubulong ka?”
“W-Wala po sir. Hehe. Bakit? May kailangan po kayo?”
“Tss…”
Napaawang ang labi ni Meldy sa narinig mula kay Eliot.
‘Ang sungit!’ komento ni Meldy sabay lihim na umirap.
Tumaas naman ang sulok sa labi ni Eliot ng makita niya ang dalaga na kumikibot ang labi habang nagsimula na namang maglibot sa paligid.
‘Ano na naman kayang binubulong niya?’ nagtatakang tanong niya sa sarili.
“You looked so happy, hijo.” Napatingin siya kay Marcel—ama ng butler niyang si Marcelo.
“Balita ko kay Marcelo ay gusto ni Elise ang bago niyong maid.”
Tumango si Eliot. “Tinatawag nga ni Elise na mama, tito.” Natawa si Marcel at napailing.
“Naghahanap na ng mama si Elise. Kailan ka magpapakasal?” hindi makasagot si Eliot. Ang totoo ay hinanap ulit ng mata niya si Meldy kahit na ilang segundo pa lang itong nawala sa paningin niya.
Inaaliw niya ang sarili niya kanina pa sa paninitig sa bagong nanny ng anak niya. Natutuwa siya sa bawat reaction ni Meldy lalo’t gusto nitong magreklamo sa kaniya pero hindi niya magawa.
Ngunit kumunot bigla ang noo niya ng makita ang dalaga na mukhang nasasangkot na naman sa isang kaguluhan.
“Excuse me po tito.” Sabi niya at malalaki ang hakbang na umalis sa stage para lumapit kay Meldy na nasa gitna ng crowd.
HABANG busy si Meldy kakareklamo sa boss niyang ayaw man lang siyang pagpahingahin kahit 5 minutes, bigla siyang tinawag ng isang businessman na malaki ang tiyan at pandak.
“Bakit po sir? Gusto niyo pa ng wine?” alok niya.
“You’re new here? Batang bata mo pa ah?” nakangising sabi no’ng businessman at pinasadahan pa niya ang labi niya ng dila.
Nabastusan si Meldy sa ginawa no’ng lalaki.
“Aalis na po ako sir,” sabi niya pero bago pa siya nakatalikod, mabilis dinakma no’ng lalaki ang dibdb niya na ikinalaki ng mata ni Meldy.
Agad na kinuha ni Meldy ang isang bote ng wine at hinampas iyon sa ulo ng lalaki dahilan kung bakit napatingin ang lahat sa kaniya.
“s**t! Ahhhhh! Ang sakit!” Sigaw no’ng lalaki habang hawak ang ulo niya at may dugo ng lumabas mula doon.
Kinabahan si Meldy dahil hindi niya naman intention gumawa ng gulo. Pero talagang nagulat siya at nabastos na bigla nalang dinakma ang dibdb niya.
‘Patay ako nito! Lagot na!’ Mga sigaw niya sa isipan niya. Nangangatog na ang binti niya at hindi na niya alam anong gagawin. ‘Sa kulungan na ba ang bagsak ko nito?’
Gusto nalang niya umiyak.
“Magbabayad kang babae ka!” sigaw no’ng lalaki. Kinuha niya ang bote ng alak at balak sanang hampasin si Meldy sa ulo ng biglang dumating si Eliot.
“Anong kaguluhan ito?”
Nanlaki ang mata ni Meldy. ‘S-Sir E-Eliot?’ ani ng isipan niya lalo na nang maramdaman ang presensya ni Eliot sa likuran niya.
Agad siyang tinuro no’ng lalaki.
“Mr. Santisas, ang babaeng yan! Hinampas niya ‘ko ng bote ng alak! Tignan mo, may dugo!”
Namumutla na si Meldy at agad siyang lumingon kay Eliot. “S-Sir, h-hindi ko po sinasadya. B-Binastos niya po kasi ako e.”
“Binastos? Sinungaling ka. Hindi kita binastos.” Tumingin ang lalaki kay Eliot. “I demand to fire that wench, Mr. Santisas. Masiyado niyang tinapakan ang dignidad ko. Mukhang hindi niya alam nasaan siya at hindi niya nilulugar ang pobreng ugaling niya.”
Nakagat ni Meldy ang labi niya lalo’t kita niya na walang magsasalita sa nangyari kanina para ipagtanggol siya.
“Talaga ba?” nakangising sabi ni Eliot.
Tumingin si Meldy kay Eliot at naabutan niya itong taimtim na namang nakatitig sa kaniya.
Kumuha si Eliot ng dalawang bote ng alak at nakatitig pa rin kay Meldy. “Isang bote ng alak ay hindi sapat bilang kabayaran sa pangbabastos na ginawa niya.”
Napalunok si Meldy at biglang nabuhayan sa sinabi ni Eliot sa kaniya.
“Mr. Santisas! What is this? Hindi mo ba pinapaniwalaan ang salita ko?”
Lumapit si Eliot sa kaniya at madilim ang mukhang nakatitig sa lalaking nangbastos kay Meldy.
“M-Mr. Santisas, that lowly wench—"
“Lowly wench?” galit na ulit ni Eliot sa salita niya. Napalunok na iyong lalaki, kinakabahan na siya sa kinatatayuan niya.
“That lowly wench is my daughter’s favorite lady. You call her lowly wench?” matutunugan ang galit sa boses ni Eliot.
Ang lakas ng t***k ng puso ni Meldy. Pero hindi niya maikakaila na masaya siya na heto at pino-protektahan siya ni Eliot.
“Meldy,” agad siyang tumalima ng tawagin siya ni Eliot.
“The next time that someone harassed you, hampasin mo gaya nito.” Napasigaw ang lahat ng biglang hamapasin ni Eliot ang ulo ng lalaking yun ng dalawang bote dahilan kung bakit nawalan ito ng malay.
Tumalikod si Eliot at bumalik sa kaniya. Tumigil ito sa harapan niya at lumapit ang mukha nito sa tenga ni Meldy sabay bulong. “No one should mess with my daughter’s only mama.”
Mga bulong ni Eliot dahilan kung bakit muntik ng kapusin si Meldy ng hininga.