Chapter 9

1195 Words
Nasa harapan si Meldy ng isang malaking salamin sa loob ng CR ng mga Sy. Hindi pa rin tumigil ang puso niya kakatibok. Pakiramdam niya kanina ay para na siyang hihimtayin. Ni hindi nga rin mawala sa utak niya ang mga sinabi ni Eliot sa kaniya. “Ano ba Meldy, umayos ka nga. Amo mo siya at may girlfriend na siyang gusto niyang pakasalan.” ‘No one should mess with my daughter’s only mama’ Namula na naman si Meldy at binasa na naman niya ang mukha niya ng tubig. Huminga muna siya ng malalim saka niya sinuot pabalik ang earpiece device. Paglabas niya ng banyo, nakita niya agad si Mr. Sy na nakakrus ang kamay sa dibdib at tila ba inaabangan siya. Bahagya siyang tumango dito at lumapit sa table saka kumuha ulit ng alak para maglibot na naman. Napatingin si Meldy sa labas ng venue at may napansin pa siyang mga bodyguards doon na tingin niya ay mga driver ng mga guests sa party. Kumunot ang noo niya at lalabas na sana ng harangan siya ni Mr. Sy. “Where are you going?” “Sa labas po sir. M-May mga tao pa po kasi sa labas.” “Your job is to find Miss Elise’s kidnapper. Hindi maglakwatsa.” Nagbaba ng tingin si Meldy dahil natutunugan na naman niya na galit si Mr. Sy sa kaniya. ‘Nagalit ba ito dahil sa ginawa ko kanina?’ napapatanong tuloy siya sa sarili niya. “Sorry po sir,” sabi niya at babalik na sana sa loob ng may mahagip ang mata sa labas malapit sa isang puting limousine. “Sir,” nanlalaki ang mata niya nang makita ang lalaking hinahanap nila. Agad siyang naglakad palabas at kahit na sinisigawan na siya ni Mr. Sy ay hindi pa rin siya nagpapigil. Nakita niya ang lalaking kalbo noon na nakikipagtawanan sa ibang mga bodyguards. Hinawakan ni Mr. Sy ang kamay niya. “Ano ba? Hindi ka ba marunong makinig? Gagawa ka na naman ba ng gulo?” Binawi ni Meldy ang kamay niya at nilapitan ang mga lalaking yun. “Mga kuya, champagne po?” offer niya ng nakangiti. “Uy, iyon oh! Kanina pa ako nauuhaw e.” Sabi no’ng ibang bodyguards. Ngumiti naman si Meldy bilang tugon. “Katulong ka ng mga Sy, miss? Sayang ang ganda mo pa naman.” Manyak na saad no’ng kalbo noon na hindi naalala si Meldy. ‘Bakit ba naglipana ang mga manyak sa party na ito?’ tanong niya sa sarili. Pero ngumiti pa rin siya sa target niya at lumapit pa ng husto. “Bakit? Kaya mo ba ako gawing reyna?” Naramdaman niya na pinatakan ng haIik no’ng lalaki ang leeg niya. Hindi nagreact si Meldy, nagkunwari pa siyang in game siya sa kamanyakan nito kahit na kating kati na ang kamay niyang manuntok. Si Mr. Sy ay hindi na kumilos. Alam na niya ang nangyayari. Dumistansya siya ng konti at naging alerto. “Naku Joel, mukhang game si miss sexy ah!” Sigaw no’ng isang bodyguard. “Kung ganoon, Joel ang pangalan niya?” saad ni Eliot na nakikinig mula sa earpiece device. “Pwedeng gamitin ang kotse ko miss,” sabi ni Joel. “Paliligayahin kita doon.” Ngumisi si Meldy at lumapit pa kay Joel at puno ng lande ang boses habang sinasabing, “ayaw mo ng may thrill? Puro puno ang nasa unahan ng villa na ito.” Ngumisi si Joel. “Palaban. I like it.” Sabi niya. Agad niyang inakbayan si Meldy at naglakad sila palayo sa venue ng mga Sy. Nagtatawanan naman ang ibang bodyguards. “Balitaan mo kami mamaya Joel! Jackpot ka ah!” Sigaw pa nila. Hindi kalayuan sa venue ay may Mangrove trees lalo’t high end ang property ng mga Sy. Lihim na nakasunod si Marcelo habang si Eliot ay agad na tinawagan ang mga tauhan niya. Inabot si Meldy at Joel ng limang minuto bago makapasok sa Mangrove area. Pero nagulat si Meldy ng bigla siyang itulak ni Joel dahilan kung bakit tumama ang likuran niya sa puno. Napadaing siya sa sakit. “Akala mo hindi ko alam?” natatawang sabi ni Joel. Napamura naman si Eliot na naririnig ang lahat. “Lumabas ka na Marcelo Sy.” Sabi ni Joel na alam na sinusundan sila kanina. Kung hindi niya napansin si Marcelo na nakasunod sa kanila, hindi niya maaalala na ang babaeng kasama niya ngayon ay ang babaeng nagligtas kay Elise 3 years ago. Lumabas si Mr. Sy sa pinagtataguan niya para harapin si Joel. “Ang loyal na aso ni Eliot Santisas.” Natatawang sabi ni Joel. “Huwag ka ng umasa na makakalabas ka pa dito ng ligtas.” Walang emotion na saad ni Mr. Sy. “Mas maganda kung idadamay ko nalang kayong dalawa sa kamalasan sa buhay ko.” Agad na sinugod ni Joel si Mr. Sy pero madaling naiiwasan ni Marcelo ang mga suntok at sipa niya. Magaling si Mr. Sy makipaglaban dahil pumasok ito sa isang training noon sa kampo noong kabataan niya. Kaya tinatawanan lang niya si Joel, tila ba iniinis lalo’t kahit isang suntok ay walang tumama. Hindi nagtagal, bumunot na si Joel ng baril na agad nasipa ni Mr. Sy kaya nahulog ito sa lupa. Isang malakas na suntok naman ang sunod binitawan ni Marcelo dahilan kung bakit tumilapon si Joel sa lupa. Pero ng akmang lalapitan ni Mr. Sy si Joel para sana suntukin ulit, bigla siyang nasaksak nito ng patalim na siyang hindi niya napansin. Si Meldy naman na sandaling nawalan ng malay ay nakita kung paano naglaban ang dalawa. “Meldy! Nasaan kayo?!” si Eliot na hindi alam kung saan sila banda pumasok sa Mangrove Park. “Sir,” hindi natuloy ni Meldy ang sasabihing ng makita niya si Mr. Sy na nasaksak ng patalim. Agad na siyang tumakbo dahilan kung bakit nalaglag ang earpiece device sa tenga niya lalo’t nakita niyang hinugot ni Joel ang patalim mula sa katawan ni Mr. Sy para saksakin ulit ito sa dibdib. Bago pa man yun magawa ni Joel, mabilis siyang nasipa ni Meldy sa likuran. Bago siya nawalan ng balanse, isang roundhouse kick ang binigay ni Meldy sa kamay niyang may hawak na patalim dahilan kung bakit tumilapon ito sa kung saan. Sumigaw si Joel sa sakit. “AAAAAHHHH! HAYOP KA!” Hindi siya inintindi ni Meldy dahil si Mr. Sy ang agad niyang inasikaso. Tinignan ni Meldy kung may dala bang baril si Joel, nakahinga siya ng malalim ng makitawang wala na. “Naaalala kita. Ikaw yung babaeng pakialamera noon! Hanggang ngayon, peste ka pa rin!” Sabi ni Joel na hawak pa rin ang kamay niyang sinipa ni Meldy kanina. “Humanda kang babae ka! Papatayin kita—" imbes lalapitan na sila ni Joel, bigla itong napatigil buhat sa isang putok ng baril. “MELDY!” Sigaw ni Eliot na kakarating lang. Nagulat ang lahat nang makita nila si Joel na dilat ang mata at may butas na ang noo habang nakabulagta sa lupa. Napasigaw si Meldy sa gulat at iyong mga pulis na kasama ni Eliot ay agad na tumakbo para hanapin kung sino ang possibleng bumaril kay Joel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD