“Mama! I was waiting for you to come home!” Masayang sinalubong ni Elise si Meldy nang makapasok ito sa bahay. Sinubukan niyang ngumiti kahit na kakagaling lang niya sa isang hindi kaaya-ayang pangyayari.
“Hello Miss Elise,”
“Are you tired, mama?” tanong ng bata ng mapansin niya na wala sa mood si Meldy.
Bago pa man siya makasagot, biglang dumating si Eliot at binuhat si Elise. “Your mama is tired. Can we let her rest for awhile, baby?”
Napatingin si Meldy kay Eliot. Kung hindi lang niya nasaksihan kanina ang nangyari kay Joel ay baka kinilig na siya sa sinabi ng amo niya.
“Okay.” Napipilitang sabi ni Elise. “Pwede tayo lapit kay mama, papa? I want to give her a goodnight kiss.”
Tumango si Eliot. Lumapit sila kay Meldy at si Meldy naman ay labis ang pamumula lalo nang makita na sobrang lapit lang ng mukha nila ni Eliot sa isa’t-isa.
“Goodnight, mama.” Sabi ni Elise ng nakangiti.
“G-Goodnight, Miss Elise.” Namumulang sabi niya.
Nagkatitigan sila ni Eliot at para na naman siyang napapaso sa mga titig nito kaya nag-iwas nalang siya ng tingin.
“Matulog ka na.” Matigas na saad ni Eliot. Tumango naman si Meldy at agad na nagtungo sa chamber niya para makapagpalit ng damit. May mantsa pa ng dugo ang suot niya galing kay Joel.
First time niyang makakita ng tao na pinatay sa harapan niya. Hindi siya agad nakakilos kanina. Kung hindi siya itinayo ni Eliot ay baka nanigas na siya doon sa lupa.
Naligo siya kaagad. Pagkatapos niyang magbihis, bigla may kumtok sa pinto ng kwarto niya.
“Sir,” gulat na sabi niya ng makita niya si Eliot.
Nakaligo at nakapagpalit na rin ito ng damit pero naaasiwa siya dahil ang suot nitong polo ay nakabukas. Hindi nakalock ang butones.
‘Ang gwapo ni Eliot sa get up niya.’
“I am here to thank you.”
Napabaling si Meldy sa kaniya. Hindi niya alam bakit ito nagpapasalamat.
“Thank you for saving my daughter 3 years ago.”
Napatango si Meldy. Naalala niya na sinabi ni Joel kanina na niligtas niya si Elise noon, at hula niya ay narinig yun ni Eliot.
“Ayos lang po yun sir. Masaya rin ako na nailigtas ko si Miss Elise noon.”
Nagbago ang expression sa mukha ni Eliot. “Kung tutuusin, ako ang may utang pala sa’yo. Wala akong karapatan na ikulong ka dito at gawin ang mga ipinagawa ko. That’s why I am here to ask for your help. Can you stay as Elise’s nanny and help us to para mahuli ang mga kidnappers niya?”
Naalala ni Meldy ang nangyari kanina. Her answer is no, ayaw niyang malagay ulit sa ganoong sitwasyon. Pero napatingin siya sa hallyway, at nakita niya doon si Elise na inosenteng nakatingin sa kaniya.
May dala itong unan at teddy bear nito.
“Miss Elise!” Nanlalaki ang mata ni Meldy ng makita niya ang anak ni Eliot.
Ngumiti si Elise at tumakbo palapit sa kanila ng papa niya. Ultimo si Eliot ay hindi rin nakakilos. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Elise.
“Why are you here, Elise?” tanong ni Eliot.
Tumingin si Elise kay Meldy. “I want to sleep with mama, papa.”
Nanlaki ang mata ni Meldy.
“Pero ako ang tatabi sayo mamaya and I told you to wait for me in your room. Bakit hindi ka nakinig?”
Humaba ang nguso ni Elise at yumakap sa binti ni Meldy.
“But I wanted to sleep beside mama. If you want papa, sleep ka rin tabi namin ni mama,”
Nasamid si Meldy sa laway niya at napaubo. Hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni Elise.
Kung kanina, maayos na sila ni Eliot. Ngayon ay sinamaan na naman siya ni Eliot ng tingin.
“What? Ayaw mo ‘kong katabi?” tanong ni Eliot sa kaniya na tila ba ay nainsulto sa biglaang pag-ubo ni Meldy.
Namilog ang mata ni Meldy at agad na umiling. “Wala akong sinasabi sir,” kinakabahang aniya.
“Bakit ganoon ang reaction mo? Nakakadiri ba akong katabi?”
‘Saan ba niya nakukuha ang ideyang iyan?’ nalilito ng tanong ni Meldy sa sarili niya.
Agad siyang umiling sa harapan ni Eliot. “Wala naman akong sinasabi na ganoon sir e. Hindi ko naman sinasabi na ayaw kitang katabi.” Depensa ni Meldy sa sarili niya.
“So gusto mo akong katabi?”
“Gusto!” Sagot ni Meldy tapos nanlaki ang mata niya nang may marealize. ‘Teka, parang may mali!’ Aniya sa isipan niya.
“I mean ano sir….”
“Well if you insist. Wait me here, kukuha lang ako ng unan,” sabi ni Eliot at bumaling kay Elise.
“You stay here with mama, okay? Babalik si papa.”
Tumingin muna si Eliot kay Meldy saka tuluyang umalis. Si Meldy naman ay nanlalaki ang mata at tila pino-proseso kung ano ang nangyari sa usapan nila ni Eliot.
Tinuro niya ang sarili niya. “What? Insist? Ako nag-insist?”
“Mama, papa will be back. Don’t worry.” Sabi ni Elise
Napakurap-kurap si Meldy. Hindi niya alam kung anong nangyari. Bakit ang naging dating e siya ang may gusto na matulog ang dalawa sa kwarto niya?
“Mama, I like your room. It so small.” Natutuwang sabi ni Elise na tumakbo na sa loob ng kwarto at nagtatalon sa kama ni Meldy.
Hindi alam ni Meldy kung compliment ba ang sinasabi ni Elise o hindi.
Tumingin siya sa kama niya, hindi yun kalakihan pero alam niyang kakasya silang tatlo doon ni Eliot. Pero kahit na siguro, hindi pa rin niya maintindihan bakit tatabi si Eliot sa kaniya.
Hindi alam ni Meldy kung makakatulog ba siya o hindi ngayong gabi.
“Mama, dito ako sa gitna ah?” natutuwang sabi ni Elise.
Alanganing ngumiti si Meldy at tumango.
Maya-maya pa, dumating si Eliot na may dalang unan. Hindi na talaga mapirmi si Meldy sa kinauupuan niya. Feeling niya ay gusto nalang niyang malusaw ora-mismo.
“I want to make it clear. Dito ako matutulog dahil gusto kong makatabi ang anak ko.” Sabi ni Eliot na salubong pa ang kilay.
“Ah—oo, hehe.. alam ko po sir.” Sabi niya at nag-iwas ng tingin.
Maya-maya pa ay nakita niya si Eliot na hinuhubad nito ang pang-itaas na damit.
“Hala! B-Bakit po kayo n-naghuhubad?”
Kumunot ang noo ni Eliot.
“That’s how papa sleep mama.” Si Elise ang sumagot.
Nanlaki ang mata ni Meldy. “Hindi ko alam!” Sabi niya.
“Bakit? Dapat ko bang ipaalam sayo?” sabi ni Eliot.
Natigilan si Meldy at napaupo sa kama. ‘Ano bang temptasyon ito?’ Umiiyak na sigaw niya sa utak niya.