Parang patay na nakahiga sa kama si Meldy habang naghagikgikan sa tabi niya si Elise at Eliot. Ang gusto lang naman sana niya ay matulog ng matiwasay na mukhang malabo ng mangyari.
“Are you okay, mama?” tanong ni Elise at nilingon siya. Pilit na ngumiti si Meldy lalo’t ramdam niya na tinignan rin siya ni Eliot.
“Why are you sweating?”
Agad napahawak si Meldy sa noo niya, at naramdaman na may pawis nga siya doon. Tumingin siya kay Eliot na nakatitig pa rin sa kaniya. Napalunok si Meldy at pilit na ituon ang attention kay Elise.
“A-Ayos lang p-po ako M-Miss Elise. Mainit po kasi kaya p-pinagpawisan ako.” Nauutal na aniya.
Kumibot ang labi ni Elise at lumingon sa papa niya. “Gusto mo ba papa makatabi rin si mama? Si mama nalang sa gitna natin.”
Agad na napatayo si Meldy sa sinabi ni Elise. Nanlalaki ang mata niya na animo’y nakarinig siya ng isang masamang balita. “A-Ano, C-CR lang m-muna ako.” Aniya at nagmamadaling tumakbo sa banyo.
Mahinang natawa si Eliot sa reaction niya at bumaling sa anak niya.
“You’re so naughty, baby.” Natatawang sabi ni Eliot kay Elise.
Lumabi si Elise at yumakap sa kaniya. “You don’t like her, papa?”
Napatingin si Eliot sa banyo kung saan pumasok si Meldy.
“You know that she’s not your real mom, right?”
Mahinang tumango si Elise. “I know but I really like her to be my mom.”
Napabuntong hininga si Eliot at niyakap ang anak niya. “If you like her then I like her too.”
Tumingin si Elise sa kaniya. “Really? Is she a good person to you?”
Tumango si Eliot at ngumiti. “Yeah because she saved you.”
“Then hihiwalayan mo na ang girlfriend mo?”
“At bakit nasama ang girlfriend ko dito?”
“I don’t like your girlfriend papa. Anyway, it’s fine. I know mama will make your heart beats like crazy.”
Natawa si Eliot sa sinabi ni Elise at hinaIikan ito sa noo. “You need to sleep now. It’s pretty late.”
Tumango si Elise at pumikit. Si Meldy naman na nasa loob ng banyo ay ilang beses nang binasa ang mukha para lang magising siya sa katotohanan na katabi niya ang amo niyang masungit at may kasamaan ang ugali.
“Hindi ito oras Meldy para kiligin. Kaya lang tumabi sa’yo si sir ay dahil sa request ng anak niya.”
Naghilamos pa siya ulit bago niya punasan ang mukha niya. Tumalikod siya at lumabas na, only to find out na tulog na si Elise at si Eliot ay nasa sofa, nakahilig ang kamay sa sandalan at nakatingin sa kaniya.
Pakiramdam ni Meldy sa mga oras na ito ay parang ang sarap bumalik sa loob ng banyo at magtago ulit.
“Come here,” ulot ni Eliot kaya walang nagawa si Meldy kun’di ang maglakad palapit kay Eliot na nakatitig pa rin sa kaniya.
Pinagpapawisan siya ulit. Idagdag pa ang mga binti niya na nangangatog at parang anytime ay mawawalan siya ng lakas.
“Kanina, I asked you a question. May I know kung ano ang sagot mo?”
Biglang sumeryoso ang mukha ni Meldy. Naalala niya na tinanong nga siya ni Eliot kanina kung payag ba siyang manatili pa bilang nanny ni Elise.
Bumigat ang pakiramdam ni Meldy ng makita niya ang bata na mahimbing ng natutulog. Mula ng tumuntong siya sa mansion ni Eliot, mama na ang laging tinatawag ni Elise sa kaniya.
Kung ipagpilitan niya ng umalis at tumigil bilang nanny, alam niyang masasaktan niya si Elise.
“Ang dali pong mahalin ng anak ninyo sir,” sabi ni Meldy na siyang nakatitig pa rin kay Elise na kama.
“Kung aalis po ako, alam ko pong masasaktan siya. Alam ko pong iiyak siya. At hindi maatim ng puso ko makita na umiiyak si Miss Elise.” Bumaling siya kay Eliot na nakatitig sa mukha niya.
“Hangga’t hindi pa po nahuhuli ang mga kidnappers niya, mananatili po akong nanny ni Miss Elise.”
Parang nakahinga ng maluwag si Eliot sa narinig. He can’t afford to lose Meldy, ang tanging radar para mabigyan ng hustisya ang anak niya.
Tumayo si Eliot at nilahad ang kamay niya sa harapan ng dalaga.
“Thank you. As a father, malaki ang utang na loob ko sa’yo.” Tinignan ni Meldy ang kamay ni Eliot na nakalahad sa kaniya.
Tinanggap niya ito at ngumiti. “Thank you din po pala kanina sir at niligtas niyo ako sa lalaking nambastos sa akin.”
Kumunot ang noo ni Eliot. “I do wonder now kung ano ako sa utak mo. Do you think I am a petty person at bias?”
Bumagsak ang balikat ni Meldy dahil may miscommunication na naman sa kanila ng sir niya. “Hindi talaga pwede na hindi niya ako sungitan noh?” bulong bulong niya.
“Anyway, kailangan kong umalis.” Sabi ni Eliot.
“Saan po kayo pupunta sir?”
“Kay Marcelo.”
Napatango si Meldy. Bago sila umuwi kanina, ay nasa maayos naman ang condition ni Mr. Sy.
“Ikaw na muna bahala sa anak ko. Please call me kung may hindi magandang nangyari,” sabi nito.
Tumango si Meldy. Nang makaalis si Eliot, agad na lumapit si Meldy kay Elise at kinumutan ito. Tumabi siya sa bata at niyakap niya ito hanggang sa pati siya ay hinihila na rin ng antok.
SA KABILANG BANDA, nakaupo si Eliot sa sofa sa hospital room ni Mr. Sy.
“Ayos lang po sa inyo sir na nandito kayo? Baka po sumpungin si Miss Elise ng bangungot niya.”
“Ayaw mo bang bisitahin kita?”
Agad na umiling si Mr. Sy. “Hindi po ganoon ang ibig kong sabihin. It’s just rare na naiiwan mo na si Miss Elise sa gabi na hindi mo ginagawa dati.
Napailing si Eliot at kahit siya ay namamangha. “Mag-uumaga na at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tawag.”
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
“I told the maid to watch Meldy’s room. Gusto kong tawagan nila ako kung marinig nilang binangungot si Elise but mag aalas singko na ng umaga ay wala pa rin akong natatanggap na tawag.”
Kumunot ang noo ni Mr. Sy.
“Does it mean sir, hindi siya sinumpong ngayong gabi?” gulat na tanong ni Mr. Sy.
Tumayo si Eliot. It was just a hypothesis on his part. Gusto niyang malaman kung ano ang epekto ni Meldy sa buhay ng anak niya.
First time niyang makita na may magustuhan si Elise na ibang tao maliban sa kaniya. Kitang kita niya kung gaano ka-komportable ang anak niya sa dalaga, at nakikita niyang si Meldy rin ang kinikilalang ‘hero’ nito.
Naisip niyang, kung magkasama si Elise at Meldy sa pagtulog, possible bang mawala ang ang bangungot ni Elise.
Ang lakas ng t***k ng puso niya. 3 years ng naghihirap si Elise, nagigising sa gabi at umiiyak at sumisigaw.
Para sa isang ama, masakit makita na wala siyang magawa para dito.
“I need to go Marcelo. Titignan ko kung tama ba ang hinala ko.” Sabi niya. Nagmamadali siyang umuwi, at sinalubong siya ng mga katulong.
“May nangyari ba?” kinakabahang tanong ni Eliot.
Naiiyak ang mukha ng katulong sa kaniya habang umiiling. “S-Sir, wala po. Mahimbing po ang tulog ni Miss Elise at Miss Meldy.”
Napaatras si Eliot, nakahinga ng malalim sa ibinalita sa kaniya. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto ni Meldy at naabutan niya ang dalawa na mahimbing na natutulog at nakayakap sa isa’t-isa.