"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mafial ng makita niyang hindi sila papunta sa opisina. Malapit na ding mag-alas dos dahilan para ma-late na sila sa opisina. No need to worry naman siya dahil kasama naman niya ang boss niya. Natagalan sila sa pag-alis sa restaurant dahil nakiinom pa ng wine si Luhan. Ewan niya kung ano ang trip ng binata at nakipag-inuman pa. Kung hindi pa siya nagpumilit na umalis ay baka inabutan na sila ng dinner sa restaurant. Pakiramdam niya ay parang gumagawa ng rason ang binata para hindi siya paalisin. Huminto si Luhan sa harap ng isang cake shop dahilan para mapatingin siya dito. "Anong ginagawa natin dito? Are you craving for sweets?" Napatingin ito sa kanya. "No. May pagbibigyan lang ako." Hindi na siya nakatanong dahil bumaba na kaagad ito at sumunod na lang

