bc

The Mafia Boss and The Playboy CEO

book_age18+
880
FOLLOW
6.5K
READ
billionaire
love-triangle
HE
arranged marriage
badgirl
mafia
bxg
kicking
like
intro-logo
Blurb

Mafial Krys Levine is a mafia boss. Ito ang nagmana sa negosyo ng kanyang ama. Dahil sa nagiging mainit na ang mga pulis sa mga illegal na negosyo ay kailangan niyang magpakasal sa isang playboy CEO na si Luhan Ford.

Shipment company ang meron ang binata kaya kapag kinasal na sila ay pwede na nilang gamitin ang kompanya nito para sa negosyo nila.

Magpapanggap bilang isang secretary si Mafial para mas makilala pa si Luhan. She wanted to know his weakness.

Anong mangyayari kapag ikinasal ang isang cold na mafia boss sa isang playboy CEO?

Pag-ibig kaya ang mamumuo sa pagitan nila o gagamitin lang ang isa't-isa para sa sarili nilang kapakanan?

"Sana man lang, Sir, inihiwalay mo ang trabaho sa pagiging playboy mo." - Mafial Krys

"Pinagsasabihan mo ba ako, Miss Secretary? Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo?"

Tumayo siya at inilapit ang mukha niya dito. Isang dangkal na lang ang lapit ng mga mukha nila. Nakita niya kung paano ito nagulat at mapalunok ng wala sa oras.

"I'm just saying the truth, Mr. Ford." Hinawakan niya ang baba nito at ngumisi dito. "Siguro nga ikaw ang boss ko, pero hindi ako papayag na magpaalila sa 'yo. Tandaan mo, sa akin ka titino."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Are you dead serious with that, Father?” tanong ni Mafial sa kanyang ama pagkatapos nitong sabihin na ipapakasal siya nito sa isang CEO ng shipment company. Hindi lang basta-basta CEO, kung hindi playboy na CEO. “I am serious, Mafial.” Hindi siya makapaniwalang natawa. “Bakit pa, Dad? Kaya ko naman patakbuhin ang kompanya at ang negosyo natin na ako lang. I don’t need a man.” Hindi siya makapaniwala na pinatawag lang siya ng ama sa opisina nito na nasa bahay lang nila para sabihan lang siya na ipapakasal siya nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. “I know you can, Mafial because you are my daughter.” Maliit itong ngumiti sa kanya. “Pero kailangan din kasi natin ang kompanya nina Luhan dahil shipment ang kompanya nila. Kapag naging mag-asawa na kayo ay malaya na tayong makakapag-ship ng mga armas mula dito at sa ibang bansa.” “Kailangan ba talaga, Dad?” Napabuntong hininga ito at tumalikod sa kanya. “It’s okay if you don’t like it. Hindi naman kita pipilitin.” Napatiim bagang siya dahil parang kinikonsensya siya ng ama niya. “Para lang naman ito sa negosyo natin at wala ng iba. Anyway, you can go now.” “Dad…” “No, it’s okay. You can go back now.” Bumalik na ito sa mesa nito. Hindi niya maiwasan na mapatiim bagang dahil kinokonsensya talaga siya nito. Alam na alam kasi nito na hindi niya ito matitiis. Ayaw niyang magpakasal dahil para sa kanya ay hindi para sa kanya ang kasal at ang pamilya lalo na sa buhay niyang ito. Masyadong magulo ang mundong ginagalawan niya. Her dad was the mafia boss and she was the heiress. Kaya nga bata pa lang siya ay ininsayo na siya nito tungkol sa business nila. Nagpapadala sila ng mga illegal na armas sa ibang bansa. Alam naman niya na kaya lang gusto ng ama niya na magpakasal siya sa Luhan na ‘yon ay para mas mapadali ang shipment nila ng hindi man lang nagdududa ang mga police. Napabuga siya ng malakas na hangin. “Fine. I agree.” “Really?” Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang saya nito dahil pumayag siya. “I mean, you don’t have to force yourself, Mafial.” Umikot ang mga mata niya dahil kahit ‘yon ang sinasabi ng ama ay iba naman ang nakikita niya. She knows her father very well. “Pumapayag ako para sa negosyo natin. That’s all.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I know you will agree lalo na’t alam mong para ito sa negosyo natin. Hindi talaga ako magsisisi na ikaw ang magmamana ng lahat ng mga ito dahil alam kong magiging magaling kang Mafia boss if I die.” Umikot na naman ang mga mata niya. “Matagal ka pang mamamatay, Dad. Remember, matagal mamatay ang masamang damo.” Tumawa ito dahilan para mapailing siya. Ganyan ang daddy niya, imbes mainis sa sinasabi niya ay tatawanan lang siya. He doesn’t take her seriously. “Napakaprangka mo talaga. Anak nga kita.” Tumawa ito ng malakas. Her dad is crazy. “Anyway, kailan mo gusto makilala ang fiancee mo? We can do dinner tomorrow with his family.” “Hindi na muna, Dad. I want to know him more na hindi niya alam na ako ang papakasalan niya.” Kumunot ang noo nito at nagtataka siyang tiningnan. “What do you mean?” “I want to meet him on my own na hindi niya kilala kung sino ako. I want to be his secretary. Gusto kong makita kung makokontrol ko ba siya.” Natawa naman ito at napailing-iling. “Pwede mo naman ipagawa ‘yan sa mga tauhan natin, Anak. Our men can do a background check on him. Hindi mo na kailangan na magpanggap pang-secretary niya.” “No. I wanted to.” Napatitig ang ama niya. Pumunta naman siya sa malaking bintana at tumingin sa labas. “Gusto kong ako mismo ang makakita at makakilala sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang kahinaan niya na pwede kong gamitin laban sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang mga bagay na pwede kong gawin para makontrol siya.” Tumingin siya sa ama ng seryoso. “I won’t let him control over me dahil lang sa mag-asawa na kami. I want to show him that I am the authority is this sh*tty marriage.” Napabuntong hininga na lang ang ama niya dahil alam din nito na wala na itong magagawa. Kilala siya nito. Ang gusto nito ang palaging nasusunod. Matigas ang ulo niya kaya wala itong magagawa. “Fine. Ikaw na ang bahala. Basta ang mahalaga sa akin ay pumayag ka na.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. “This marriage will make our family, our business stronger.” “Don’t worry, Dad. No matter what happen, hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal na ito. I won’t disappoint you.” Ngumiti naman ang ama niya. “I know you won’t.” Niyakap siya nito. “Kahit hindi kami binayayaan ng mommy mo ng anak na lalaki para sumunod sa yapak ko ay naging maswerte naman ako dahil ikaw ang naging anak ko.” Niyakap niya din ito pabalik. “Maswerte din ako, Dad, dahil kayo ni mommy ang naging magulang ko. Kahit na anong mangyari ay kayo pa din ang pipiliin kong maging mga magulang.” Nang makalabas na siya ay nakita niya ang ina na tila ba parang nag-aabang sa labas. “You can go in now, Mom. Tapos na kaming mag-usap ni dad.” Aalis na sana siya nang magsalita ito, “Did you say yes?” Napalingon naman siya dito. “About the marriage, did you say yes?” Napatitig siya sa ina at nakikita niyang nag-aalala ito sa kanya. “Yes, Mom.” “Oh, Dear.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “You don’t have to do this, Dear. Hindi mo kailangan na magpakasal sa lalaking hindi mo naman mahal.” Mas lalo siyang napatitig dito. “Nang pinakasalan mo si dad, Mom, mahal mo na ba siya that time?” Bigla itong natigilan. Nang ikasal ang mga magulang niya noon ay arranged marriage din ito. “Hindi.” Ngumiti siya dito. “Pero magkaiba ang sitwasyon namin ng daddy mo sa sitwasyon mo. Habang tumatagal na kasal kami ay minahal namin ang isa’t-isa. Magkaiba ‘yon sa sitwasyon mo.” Pinisil niya ang kamay. “Mom, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. At isa pa, this is my decision. Para ito sa negosyo natin kaya ko ito gagawin.” “Sa tingin mo ba ay mamahalin mo din ang mapapangasawa mo? Mamahalin ka din ba niya? Tatanggapin ka ba niya kapag nalaman niya ang totoo mong pagkatao?” Napabuntong hininga siya at tumitig ng maigi sa ina. “Mom, love is not in my vocabulary. Alam mo na sa mundong ginagalawan natin ay imposible ang bagay na ‘yon. Maswerte si dad kasi natagpuan ka niya. Minahal mo siya kahit alam mo kung sino siya. In my case?” Napakibit balikat siya. “Wala akong pakialam kung mamahalin niya ako. Wala akong pakialam kung matanggap niya ako o hindi kapag nalaman niya kung sino ako. And besides, this is just a business marriage, there is no love involve in this business.” Nalungkot ito. “Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ka ng normal, magkapamilya, at sumaya sa buhay mo.” “Mom, masaya ako sa buhay ko kasi meron akong kayo ni dad. As for normal life,” bahagya siyang natawa. “kalimutan na natin ‘yon at ang magkaroon ng pamilya?” Napakibit balikat siya. “Family is not for me. Sapat na kayo sa akin ni dad.” “Pero, Anak—” Umiling siya para matigilan ito. “Enough, Mom. Maging masaya ka na lang para sa akin at huwag na akong alalahanin. Malaki na ako. I can take care of myself.” Sinapo niya ang mukha nito. "Ang dapat niyong alalahanin ay ang nalalapit niyo ng anniversary ni dad. I hope you can both have a vacation." Maliit itong napangiti. "Busy ang daddy mo kaya baka walang bakasyon." "Don't worry, ako ang bahala." Kinindatan niya ito dahilan para matawa ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook