Chapter 2

2091 Words
"Nasa port na ang mga tauhan natin, Boss," sabi ni Christian, ang kanang kamay ni Mafial. Katabi niya lang ito habang kausap nito sa kabilang linya ang mga tauhan nila na siyang mismong magme-meet up sa ka-deal nila tungkol sa armas. "Nandoon na ba ang ka-meeting nila?" tanong niya habang nakasilip sa binocular. Naka-park sila sa hindi kalayuan at nakatingin sa mga tauhan nila. May mga tauhan din sila na nakapaligid sa port para in case na magkagulo ay handa sila. Mas mabuti na 'yong handa dahil minsan may mga hindi maganda kausap na dealer. "Kararating lang nila, Boss," sabi nito dahilan para mapatingin siya ulit sa kinaroroonan ng mga tao niya. Nakita niyang nag-uusap ang mga ito at nagpalitan na din ng mga suitcase. Nang matapos ay nagtalikuran na ang mga ito. Mukhang maayos naman kausap ang mga ito kaya ilalagay niya ito sa list na mabilis ka-deal. "Success, Boss. Wala naman naging problema," sabi niya saka pinatay ang tawag. "Good. Mauna na kayong umuwi sa base." Napatingin sa kanya si Christian. "May lakad ka?" "Magmumuni-muni lang ako." "Samahan na kita." Napahalumbaba siya sa manubela at napatingin sa binata. "I want to be alone for now, Chris." Napatitig naman ito sa kanya. "Balita ko ay pumayag ka na sa kasal. Bakit, Mafial?" "Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong mong 'yan dahil alam mo naman ang dahilan." Napatiim bagang din ito. "Dahil lang sa shipment company nila? Pwede pa din naman tayong mag-ship ng mga armas sa ibang bansa na hindi natin kailangan ang tulong nila." Kinuha niya ang sigarilyo at sinindihan ito. "Alam mo naman na mainit na ang mga mata ng mga parak ngayon." Ibinuga niya ang usok ng sigarilyo. "And besides, this marriage is just for business. There is no love or feeling involved." "Pero magiging pagmamay-ari ka pa din niya." Ngumisi siya dito. "No one can own me, Chris, except for myself." "Pero paano ako?" Napakunot noo siyang napatitig dito. "Alam mo naman na matagal na kitang mahal. Nangako din ako sa sarili ko na balang araw ay papakasalan kita pero ngayon malalaman ko na pumayag ka pala na ikasal na lang sa iba." Napabuga naman siya ng hangin. "Alam mo naman na wala akong nararamdaman sa 'yo, Chris." Ayaw niyang tingnan ang binata dahil ayaw niyang nakikita itong nasasaktan. Magkababata sila ni Christian dahil ang ama nito ang kanang kamay ng ama niya. Kaya malaki ang tiwala ng ama niya sa binata at ginawa itong kanang kamay niya. Kahit matagal na silang magkakilala at mabait ito sa kanya ay hindi siya nagkagusto dito dahil para sa kanya ay kapatid niya lang ito, kaibigan. Napabuntong hininga siya. "Huwag na nating pag-usapan 'to. Bumaba ka na dahil aalis na ako." Isa sa mga mahahalagang tao sa buhay niya si Chris kaya hangga't maaari ay ayaw niya itong saktan. Wala itong nagawa kaya bumaba na ito. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan at pumunta ng club. Doon ay nag-inum siya at nagmamasid sa mga taong nag-iinom at nagsasaya na akala mo'y walang problema. "Wanna dance, Miss?" "F*ck off," sabi niya saka uminom ng alak. "Ang sungit mo naman, but I like it." Hahawakan na sana nito ang mukha niya pero hinawakan na niya ang kamay nito. "Change your mind? A-Arrggh!!!" Napasigaw ito ng pilipitin niya ang kamay nito. "Don't you f*cking dare touch me with those filthy hands of yours." Nakita niya ang sakit sa mukha nito sa ginawa niya kaya naman tinulak niya ito dahilan para matumba ito. Isang blangkong ekspresyon ang pinakita niya dito. Kinuha niya ang baso niya na may alak at ininom. Kumuha siya ng pera sa bulsa at nilagay sa counter. Hindi niya alam kung magkano ang nalagay niya pero sigurado siyang sobra-sobra 'yong bayad na 'yon para sa nainom niya. Lumabas na siya ng club. Gusto niyang uminom at magmasid sa mga tao pero hindi na niya magagawa dahil sa lalaking 'yon. Nawalan na tuloy siya ng gana para uminom. Naglalakad na siya sa parking lot ng biglang may nakita siyang lalaki at babae na hinarangan ng tatlong lalaki. "Dude, hindi mo ba alam na girlfriend ko 'yang kasama mo?" rinig niyang sabi no'ng isa. Napatingin ang lalaki sa kasama niyang babae. "Oh, I didn't know. Ang pagpapakilala naman kasi niya sa akin ay single siya." Napangisi ito. "Hindi na din ako magtataka kung bakit 'yon ang sinabi niya dahil kung ako din naman siya at ganyan ang mukha ng boyfriend ko ay talagang ide-deny ko." "Gago ka, ah!" Sumuntok ang lalaki pero agad na nakaiwas ang binata. "Opps! Huwag sa mukha, Pre. Baka madaming umiyak kapag nadungisan mo ang mukha ko." Napangiwi siya dahil sa kahanginan nito. "Gago ka talaga." At nagsimula na silang magrambolan. Tatlo laban sa isa. Hindi na sana niya ito papansinin pero bigla siyang naingganyo na manood ng live na laban. Hilig pa naman niya ang mga away kaya nga minsan ay pumupunta siya sa underground para lang manood ng mga laban. Naupo siya sa harap ng kotse niya at naka-cross arm na nanonood sa mga nag-aaway. Napapangiti siya dahil aaminin niyang magaling din ang binata sa pakikipag-away. Lahat ng suntok at atake ng tatlo ay naiiwasan nito. Habang ang babae naman ay nagsisigaw ng tama na at humihingi ng tulong. Tss! Paano kung tumigil nga sila? Eh, di wala ng fun. Napailing na lang siya dahil naririndi siya sa sigaw ng babae. "Psst!" Napatingin naman sa kanya ang babae. Napaturo ito sa sarili na tila parang nagtatanong kaya tumango naman siya at senenyasan niya itong lumapit. "Bakit?" tanong nito ng makalapit na ito sa kanya. "Huwag kang masyadong maingay kasi baka tumigil sila. Natutuwa pa ako habang tinitingnan silang nag-aaway?" "What?" Gulat itong napatingin sa kanya. "Are you a physcho? Bakit ka matutuwa kung may nag-aaway sa harapan mo?" Nginisihan niya lang ito dahilan para manginig ito sa takot. Oh, did she just shows her, her killer look? Napaatras ang babae. "Baliw ka! Nababaliw ka na nga!" sigaw niya at tumakbo na siya. Napailing na lang siya dahil iniwan niya ang mga lalaki niya. That b*tch deserve to be slap on the face dahil sa ginawa niya. Nag-two time lang naman siya. Kahit pa sabihin na hindi kagwapohan ang boyfriend niya ay dapat hindi pa din siya nag-cheat. Dapat hiniwalayan niya muna ito bago naghanap ng iba. Muli siyang napailing dahil sa mga naiisip niya. Wala naman siyang experience about love pero sa tingin niya kasi ay 'yon ang tama. Natawa na lang siya. Tama? Kailangan pa niya naisip ang tama at mali sa magulo niyang mundo? Napatingin ulit siya sa apat na nag-aaway. Ngayon ay nakahiga na ang lalaking mahangin sa sahig habang pinagsisipa na ito ng tatlong lalaki. Nakalagay ang kamay nito sa mukha at ulo nito. Mukhang pinoprotektahan talaga nito ang mukha. Napailing siya, sa una lang pala maangas at magaling ang lalaking 'yon. Tumayo siya at tinawag ang atensyon ng tatlong lalaki. Parang gusto niya din kasi na makipag-away ngayon. "Hey!" Napatigil ang tatlo at napatingin sa kanya. "Bakit hindi ako ang labanan niyo?" Nagkatinginan ang tatlo at natawa. "Pasensya na, miss, pero hindi kami pumapatol sa babae. Kung sa kama pa, pwede." Napangiwi siya ng dinalaan pa ng isa ang labi nito. Mas nagmumukha itong manyakis sa ginawa nito. Lumapit sa kanya ang isa at sa tingin niya ay ito ang leader nila. Napaiwas siya ng sinubukan siya nitong amuyin. "Ang bango mo naman. Nasisimot ko pa lang ang pabango mo ay tinitigasan na ako." Ngumiti siya ng matamis dito. "Talaga?" Para naman itong asong ulol na ngumiting tumatango. "Eh, di tulungan natin ang alaga mo." Naging masaya naman ito sa sinabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at hinaplos. Ang ngiti na nasa labi niya kanina ay biglang nawala at sinamaan niya ito ng tingin bago malakas na tinuhod ang pagmumulan ng mga anak nito. Napasigaw ito habang nakahawak sa p*********i nito. Napaluhod na din ito sa harap niya sa sobrang sakit. "You b*tch!" Napangisi na lang ako sa kanya. "Hulihin niyo siya!" sigaw nito sa mga kasama niya. Dahan-dahan naman na lumapit ang dalawa sa kanya. Natatagalan siya sa paglalakad ng mga ito kaya ang ginawa niya ay mabilis siyang tumakbo at agad na sinipa sa dibdib ang isa dahilan para tumilapon ito sa isang kotse. Nagulat ang isang lalaki sa ginawa niya dahilan para matigilan ito. Kaya naman bumaba siya at pinatid ang mga paa nito gamit ang isa niyang paa dahilan para mapahiga ito sa sahig. Agad siyang tumayo at tinapakan ang dibdib nito ng malakas dahilan para mapasigaw ito. "Tss! Mga mahihinang nilalang." She flipped her hair, ni hindi man lang siya pinagpawisan. Aalis na sana siya ng bigla siyang mapatigil dahil may isang kamay humawak sa paa niya. Sisipain na sana niya ito dahil sa pag-aakala niyang kalaban ito. Pero natigilan siya nang makita niya na ang lalaking binugbog kanina pala ito. She squated at hinawakan ang mukha nito para makita ang buong mukha nito. Napakunot noo siya dahil parang familiar ang mukha nito. Kinuha niya ang cell phone at may tiningnan na picture. Napangisi siya ng ito nga ang binata. Ang binatang papakasalan niya. "He... Help me," huling sabi nito bago nawalan ng malay. "Tss! Weak. Ikaw ang lalaking papakasalan ko?" Napailing na lang siya. "Masyado ka namang mahina." Napangisi siya. "Sabagay, gagamitin ko lang naman ang kompanya mo at wala na akong pakialam sa 'yo." Binitawan na niya ang mukha nito at tumayo. Tinawagan niya ang dalawa niyang tauhan na hindi naman nagtagal ay dumating din. "May iuutos kayo, Boss?" "Itapon niyo na ang lalaking 'yan." Turo niya sa mapapangasawa niya. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Sa Ilog Pasig po ba, Boss?" Kumunot ang noo niya sa tanong ng isa. Napasapo siya sa noo sa isiping baka akala ng dalawa ay idedespatsa ang binata. Iyon pa naman ang palagi niyang sinasabi sa tuwing may pinapalinis siya. "What I mean is iuuwi niyo 'yan kung saan 'yan nakatira." Nagtaka ang dalawa. "Iuwi, Boss? Akala ba namin ay itatapon ang lalaking ito?" Huminga siya ng malalim. "Basta iuwi niyo ng maayos sa bahay niya. Kapag may nangyaring masama sa lalaking 'yan ay kayo ang itatapon ko sa Ilog Pasig!" asik niya dito at umalis na din siya at hindi na nag-explain pa. Hindi pa kasi alam ng mga iba nilang tauhan na ikakasal siya sa lalaking 'yon. Umuwi na din siya sa mansyon para makapagpahinga dahil malapit ng magmadaling araw. Nang makapasok sa sala ay nakita niya si Levi---ang isa sa pinagkakatiwalaan niya maliban kay Christian---na agad na lumapit sa kanya ng makita siya. "Boss, ito na po 'yong pinapakuha niyong information sa akin tungkol kay Mr. Luhan De Silvia." Kinuha ko ang file na binigay niya. "Boss, pwede bang magtanong?" "You're already asking a question, Levi." Napakamot naman ito sa batok. "What's that?" "Bakit po kayo nagpakuha ng information tungkol sa lalaking ito?" Tiningnan niya ang profile ni Luhan. "Because soon, I will marry this man." Nagulat ito sa sinabi niya. "Ibig sabihin ay pumayag na kayo sa suggestion ng ama niyo?" Tumango naman siya. "Baka kapag naging mag-asawa na kayo ay siya na ang mamumuno sa amin since siya ang lalaki." "Wala pa din namang magbabago. Para sa business natin kaya ako magpapakasal sa kanya." Tumingin siya sa mga mata nito "I am still the boss kahit na mag-asawa pa ako. Hindi ako papayag na may maging mas boss pa sa akin, understand?" Bahagya naman itong yumuko. "Yes, Boss. I understand." "Naayos mo na ba ang mga kailangan para sa pagiging secretary ko bukas sa kompanya niya?" "Yes, Boss. Ayos na lahat." "Good. Magpahinga ka na." Tumango naman ito at umalis na. Pumasok na siya sa kwarto niya habang binabasa ang profile ni Luhan. Napangisi siya, kung makapagpalit ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit. Napailing siya. Kapag naging asawa na niya ang lalaking ito ay hahayaan niya ito sa gusto nito. Wala siyang pakialam kung mambabae ito basta ang mahalaga sa kanya ay magamit niya ang shipment company nito para sa negosyo nila. Beside this is only a business marriage. Sa pagkakaalam niya ay gusto din ng ama nito na magkaasawa na ang binata dahil baka tumino ang anak kapag nag-asawa na. Napailing siya. Kung titino ang lalaking ito ay gugustuhin nito pero sa mukha nito ay mukhang wala itong balak na magtino. Nang-agaw pa nga ng babae ng iba. Napailing na lang siya at tinapon ang profile nito sa kama niya. Pumasok na siya para maligo at makapagpahinga. Bukas na din kasi ang pasok niya sa opisina ng binata bilang secretary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD