Chapter 3

1704 Words
Inayos ni Mafial ang suot niyang skirt. Nanggagalaiti siya dahil bakit skirt ang uniform niya kung pwede naman ang pants? Nanliliit ang mga mata niya. Maliban sa playboy na ang lalaking 'yon ay manyakis pa. Ayaw sana niyang magsuot ng ganito pero ang sabi ni Levi ay baka makahalata ang binata at isa pa pumasok siya bilang secretary nito kaya kailangan niyang sumunod sa rules ng kompanya nito. Rules his ass. Siguro kaya skirt ang uniform ng secretary nito ay para madaling masilip ng kumag na 'yon. Ibinaba niya ang skirt at huminga ng malalim. Subukan lang nito na bastusin siya ay hindi siya magdadalawang isip na bugbugin ang playboy na 'yon. Gusto niyang barilin pero hindi niya pwedeng gawin kasi kailangan pa niya ito. Huminga siya ng malalim ng bumukas na ang elevator. Napatingin sa kanya ang ilang mga empleyado. "Siya ba ang bagong secretary?" rinig niyang sabi ng isang empleyado. Narinig niya ang tawa ng isa. "Hipon." "Anong hipon?" nagtatakang tanong ng isa. "Pwede na ang katawan, tapon na ang mukha." Tumawa ang dalawa. "Ang sama mo naman." Hinampas ng isa 'yong kasama niya. Hindi niya pinansin ang mga ito. Nakasuot kasi siya ng makapal na salamin at naglagay siya ng nunal sa ibabaw ng labi niya para hindi siya makilala. Hindi niya din kasi alam kung alam na ng binata ang tungkol sa kanya o ang mukha niya. Wala lang din naman sa kanya kung tawagin siyang pangit. The hell she care! Nang makarating sa harap ng pintuan ng opisina ni Luhan ay kumatok siya. "Pasok." Rinig niyang sabi nito kaya naman binuksan niya ito. Nang makapasok ay napataas ang isang kilay niya nang makakita ng sexy'ng babae na nakaupo sa mesa nito habang nakaharap kay Luhan. Natawa siya sa isip, kabubugbog lang nito kagabi pero ito na naman, may babae kaagad. Napailing na lang siya. Kahit siguro nasa hospital ito at naghihingalo ay kukuha pa din ito ng babae. "Good morning, Mr. Ford. I am Krys Santos, your new secretary." Nakataas ang noo niya at seryoso itong tiningnan. Wala siyang plano na ngumiti dito at maging friendly secretary sa binata. "Ikaw pala ang bago kong secretary?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Tiningnan nito ang kabuoan niya habang nasa baba ang kamay nito. Umikot pa ito sa kanya. "Bakit naman nag-hire sila ng secretary na hindi maganda? They know that I like beautiful women." "Oh, what's that, Sir?" Pinindot niya ang tagiliran nito dahilan para mapaaray ang binata. Napangisi na lang siya dahil mukha mangmaayos ang mukha nito ay alam naman niyang bugbog ang katawan nito. Kunwari ay nagulat siya. "Are you okay, Sir? May masakit ba sa katawan mo?" Hahawakan niya sana ulit ang tagiliran nito pero hinawi ito ni Luhan. "Don't touch me there." Sinamaan siya nito ng tingin pero wala siyang pakialam. Tawagin ba naman siyang pangit. Eh, di nakuha kaagad nito ang karma nito. She will be his karma from now on. "Sorry, Sir. May dumi kasi ang damit niyo kaya kinuha ko lang naman." Napangiwi ito dahil sa sakit ng magalaw niya ang pasa nito. She smirk, he deserve it. "Oh my, are you okay, Babe?" Umikot ang mga mata niya. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ang boses nito o nanglalandi. Sinamaan siya nito ng tingin. "Hindi ka ba marunong mag-ingat?" Tinaasan niya ito ng tingin. "Malay ko bang masasaktan siya sa simpleng pindot ko lang." Tinaasan niya ito ng noo. "At sino ka ba sa akala mo? As far as, I know, I am his secretary kaya may karapatan akong pumasok sa opisina niya, pero ikaw? You're just some chip b*tches keeping flirting with someone." Nagalit ito sa sinabi niya. "How dare you say that to me?" Sasampalin na sana siya nito pero nahawakan na niya ang kamay nito at sinampal niya ito sa pisngi dahilan para mas magulat ito. "D-Did you just slap me?" gulat nitong tanong habang nakahawak sa pisngi nito kung saan niya sinampal. She tilted her head "Hindi ba sasampalin mo din sana ako? Pasensya na, masyadong mabagal ang kamay mo kaya nauna ang kamay ko sa pag-landing sa mukha mo," nakangisi niyang sabi dahilan para mamula na ito sa sobrang galit. "How dare you!" Susugurin na sana siya nito pero tinulak niya ito dahilan para matumba ito at mapaupo sa sahig. "Kung gusto mo akong makalaban, magpalakas ka muna kasi masyado kang mahina para sa katulad ko." Isang tulak pa nga lang niya ay natutumba na kaagad ito. Eh, ano pa kapag sinuntok niya ito? Namumula na din ang mga mata nito at alam niya hindi magtatagal ay iiyak na ito. Umikot ang mga mata niya, may mga babae talaga na mahihina at madaling umiyak. Kaya madaling maloko at masaktan, eh. Mabuti na lang at hindi siya gano'n. "Luhan, do something!" Napatingin naman siya kay Luhan na gulat sa nasaksihan. Ngayon lang ba siya nakakita ng away ng babae? Dapat nga ay hindi na ito magulat dahil sa pagkakaalam niya ay marami na ding babae ang nag-aaway dahil sa binata. Muli siyang napailing. Bakit ba nila pinag-aawayan ang lalaking ito? Ito na lang ba ang gwapong lalaki sa mundo? Marami pa kayang gwapong lalaki sa mundo, kagaya na lang ni Christian, ni Levi. Masyadong bulag ang mga babaeng ito sa binata na kahit alam ng mga ito ng hindi sila seseryosohin nito ay wala pa din silang pakialam basta mapansin lang sila ng binata. Biglang nabalik sa ulirat si Luhan at napatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at ngumisi siya dito dahilan para magulat ito. "You can't fire me, Mr. Ford dahil sa oras na pinaalis mo ako dahil lang sa babaeng ito," tinuro niya ang babae. "ay makakarating ito sa daddy mo." Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Well, ang daddy mo lang naman ang nag-hire sa akin kaya hindi mo ako mapapaalis. Aalis lang ako sa kompanyang ito kapag gusto ko o kapag sinabi na ng daddy mo." Napatiim bagang ito. "Get out!" Tumayo ang babae at humawak sa braso ni Luhan. "Narinig mo ang sinabi ni Luhan? Lumabas ka na daw." Tinitigan niya sa mga mata si Luhan at binigyan ito ng blangkong tingin. Tumingin ang binata sa babae. "Ikaw ang pinapalabas ko." Nagulat ito at medyo napalayo sa kanya. "What? Bakit ako? Hindi naman ako ang nanggugulo dito, ah. We're just having a good time together ng bigla na lang dumating ang babaeng ito!" Galit siya nitong tinuro. "I don't care." Sinamaan ito ng tingin ng binata. "I said, get out. Don't let me repeat it again." Tuluyan ng naiyak ang babae at lumabas ng opisina nito. Nang makatingin siya ulit kay Luhan ay masama din ang tingin nito sa kanya. "What?" Bahagya itong natawa at naiiling na bumalik sa swivel chair nito. Naupo ito at napatingin sa kanya. "So, si daddy pala ang nag-hire sa 'yo?" "As you heard earlier, yes." Napatiim-bagang naman ito. "Ikaw ba ang mata at tenga niya? Nandito ka ba para bantayan ako?" Siya naman ang natawa dahilan para magtaka ito. "I don't need to report to your father, Mr. Ford. Nandito ako bilang secretary mo at hindi bilang mata at tenga niya." Napangiwi ito at taas noo siyang tiningnan. "At sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa 'yo?" Ngumisi siya dito. "Sinabi ko bang pagkatiwalaan mo ako?" Natawa siya. "Don't worry, wala din naman akong balak na magtiwala sa 'yo kaya quits lang tayo." Napatitig ito ng maigi sa kanya. "Sa lahat ng mga naging secretary ko ay ikaw lang ang hindi maganda." Natawa siya. "Hindi ko alam na isa pala sa requirement na maging secretary mo ay kailangan maging maganda. Ngayon alam ko na kung bakit ako ang pinili ng daddy mo kasi papatulan mo lang ang mga magiging secretary mo. Kaya pala walang nagtatagal." "Iniinsulto mo ba ako?" Napatiim bagang ito. Pinakita niya na nagulat siya sa sinabi nito kahit hindi naman. She loves playing emotion with him. "May insulto po ba sa mga sinabi ko? Isa pa po, bakit naman kayo masasaktan kung totoo naman ang mga sinasabi ko?" nakangiti niyang sabi dito. Mas lalong sumama ang tingin nito sa kanya. "I"m gonna watch you, Miss Santos." Napatakip siya sa bibig. "Oh, hindi ko akalain na maaalala mo din pala ang apelyedo ko kasi sa pagkakaaalam ko ay nakakalimutan mo ang pangalan ng mga babae mo." Sinmaan siya nito ng tingin pero tumawa lang siya. Wala pang tingin ang nakapagpaparamdam sa kanya ng takot. "Anyway, you can watch me anytime, just don't fall in love with me." Kinindatan niya ito. Tumalikod na siya para lumabas ng opisina nito. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig niya pa ang sinabi ng binata. "I won't fall in love with some ugly woman like you." Napangisi at napailing na lang siya. "Brat!" bulong niya saka pumunta na sa table niya kung saan malapit lang din sa pinto ng opisina ni Luhan. Nagsimula na din magtrabaho si Mafial at halos magdikit ang mga kilay niya ng makitang halos walang lamang files ang computer ng dati nitong secretary. "What the f*ck?" Napatingin siya sa gilid at nakita si Luhan na nakangisi sa kanya dahilan para tumaas ang kilay niya. Mukhang nasa mood na ulit ito para mambasag ng mood. "Anong problema, Miss Secretary?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Humarap siya dito habang nakaupo pa din. "Paglalandi lang ba ang alam ng mga naging secretary mo noon, Mr. Ford? Ni isa kasing files ay wala akong nakikita dito." Mas lalong ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang baba na tila ba nag-iisip. "Hmmm... Let me think. Ah... Wala, eh. Masyado kasi silang busy sa akin." Napakuyom siya ng kamao dahil gustong-gusto na niya itong sapakin. "Sana man lang, Sir, inihiwalay mo ang trabaho sa pagiging playboy mo." "Pinagsasabihan mo ba ako, Miss Secretary? Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo?" Tumayo siya at inilapit ang mukha niya dito. Isang dangkal na lang ang lapit ng mga mukha nila. Nakita niya kung paano ito nagulat at mapalunok ng wala sa oras. "I'm just saying the truth, Mr. Ford." Hinawakan niya ang baba nito at ngumisi dito. "Siguro nga ikaw ang boss ko, pero hindi ako papayag na magpaalila sa 'yo. Tandaan mo, sa akin ka titino."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD