Chapter 4

1940 Words
Napapailing na lang si Mafial dahil kahit nasa labas ng opisina ni Luhan ang mesa niya ay hanggang ngayon ay nararamdaman niya ang titig nito sa kanya. Simula kanina ng sabihin niya ang mga salitang 'yon ay mas lalo atang uminit ang dugo nito sa kanya. Sinabihan ba naman siya na hindi ito iibig sa katulad niyang pangit. Aba! Kung makapangit sa kanya ay akala mo nakita na nito ang totoo niyang mukha. Hindi naman sa pagmamayabang pero baka mahimatay ang binata kapag nakita nito ang totoo niyang mukha. "Hello. This is Krys Santos. Mr. Luhan Ford's secretary." "Damn it." Napakunot ang noo niya dahil isang malutong na mura ang natanggap niya galing sa caller. "Don't damn it me, you jerk." Kung nakikita niya lang ito ngayon ay baka nasapak na niya ito. Ayaw pa naman niya na minumura siya. "What the hell did you just call me?" Tumaas ang kilay niya dahil familiar ang boses nito. "How dare you call your boss a jerk?" Napangisi naman siya. Tama nga ang hinala niya. Si Luhan nga ang nasa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nag-aapoy na naman ang ilong nito dahil sa galit nito sa kanya. "Oh, sorry, my bad. Hindi ko naman kasi alam na ikaw 'yan, Mr. Ford, since minura mo ako." "Wala kang pakialam kung murahin kita dahil secretary lang kita." Umikot ang mga mata niya. How dare he show that attitude of him to her? "Gusto mong magsuntukan tayo?" "What?" Natawa na lang siya. "Ang sabi ko, ano pong kailangan niyo, Mr. Ford? Ano po ang iuutos niyo?" Mukhang kumalma naman ito dahil sa boses nito. "Ibili mo ako ng kape." "Kape? Eh, ang init ng panahon tapos kape ang gusto mo? Ayaw mo ng juice?" "Bakit? Ikaw ba ang iinom? Paki mo ba kung iinom ako ng kape. I want a coffee now!" Nailayo niya ang telepono sa tenga ng bigla nitong ibagsak ang tawag. Aalis na sana siya ng tumawag ulit ito. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nagsalita na ito, "Gusto ko 'yong kape sa fancy coffee shop." "What? Ang layo no'n dito, ah." "Wala akong pakialam. Basta ang kape do'n ang gusto ko. Huwag kang babalik dito ng hindi ang kape na 'yon ang bibilhin mo!" Napatiim bagang siya dahil sa inis. Dalawang beses na siyang binabaan ng binata ngayon. Napakuyom siya ng kamao. Hintayin lang talaga nito at makakaganti din siya. Kinuha niya ang bag at umalis. Nasa parking lot lang siya at naghihintay sa pagdating ni Levi. Hindi din naman nagtagal ay dumating ito. "Ito na ang inutos mo, boss." Binigay nito sa kanya ang paper bag na may lamang kape. Si Levi ang inutusan niyang bumili ng kape dahil wala siyang balak na sundin ang binata. "Thank you." Tumango naman siya at umalis. Napangisi naman siya. Ang akala siguro ni Luhan ay magpapakapagod siyang pumunta sa coffee shop na 'yon. Iyon ang akala niya. Gusto niya din bigyan ng leksyon ang binata kaya naman kinuha niya ang isang gamot na pampatulog at nilagay sa kape ni Luhan. "Hindi mo ako pwedeng paandaran ng ugali mong 'yan, Luhan. Hindi ka uubra sa akin." Nakangisi niyang hinalo ang kape. Pumasok na din siya sa building at sumakay sa elevator. Nang makarating sa floor ay dumiretso siya sa opisina ni Luhan. Kumatok muna siya bago pumasok. "Can't you just knock?" Umikot ang mga mata niya. "Kumatok ako, Sir. Sadyang bingi ka lang." "What?" Natatawa na lang siya dahil ang bilis nitong mainis sa kanya. Iyong tipong hihinga lang siya pero maiinis na kaagad ito sa kanya. "Ang sabi ko, ito na po ang kape niyo." Ngumiti ako sa kanya at nilagay ang kape sa mesa niya. "Enjoy drinking, Sir." Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kape. "Sigurado ka bang sa fancy coffee shop mo ito binili?" "Opo naman, Sir. Nakita mo naman ang baso at lalagyan. Nakapangalan sa kanila, 'di ba?" Umikot ang mga mata nito. "Baka mamaya ay diyan mo lang ito binili sa tabi-tabi." "Of course not. Syempre kapag inutos mo ay susundin ko." Nakakunot ang noo itong tumingin sa kanya. "You look weird." Natawa na lang siya. "Huwag ka ngang ngumiti. Nangingilabot ako sa ngiti mo." "Don't mind my smile, Sir. Inumin niyo na po ang kape niyo." Nakatitig pa din ito sa kanya habang unti-unti nitong inumin ang kape. Mas lalo siyang napangiti ng nakainom na ito. Inilagay nito sa mesa ang baso. "Masarap po ba ang kape, Sir?" She asked him sweetly. Mas lalong kumunot ang noo niya at napahawak na lang sa noo. "What the... Bakit bigla akong nahihilo?" "Good night, Sir." Nanlalabo na ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at isang malakas na pagbagsak ang narinig niya. Bumagsak lang naman ng malakas ang ulo nito sa mesa. Natawa na lang siya dahil sigurado siyang magkakabukol ito bukas. Napapailing na lang. "Sa susunod kasi ay ayus-ayusin mo ang ugali mo, ha?" Tinapik niya ang pisngi nito. Kinuha niya ang kape nito at binuhos sa lababo at hinugasan. Bumalik siya sa mesa at pinalitan ng kape ang nasa mesa nito. Sigurado siyang magwawala ito bukas at pag-iinitan na naman siya nito. She needs to get rid of the evidence that she drug him. "Matulog ka na muna ng mahimbing diyan, Luhan. See you tomorrow." Umalis na din siya. KINABUKASAN ay unti-unting nagising si Luhan. Napahawak ito sa leeg dahil sa pananakit. Napaaray siya dahil sa sakit ng leeg niya. "What the hell just happen?" Napatingin siya sa kinalalagyan niya at nagulat. "What? Nakatulog ako sa mesa? But how?" Bigla naman kumirot ang noo niya kaya naman napahawak siya doon. Nanlaki ang mga mata niya ng may mahawakan siya. Agad niyang kinuha ang salamin na nakatago sa drawer niya at tiningnan ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita na may bukol siya. "What the f*ck! Bakit may bukol ako." Napaigik siya ng sumakit ito ng hawakan niya. "What the hell did just happen to me?" Napatingin siya sa may pinto ng may pumasok at makita si Krys. Ngumiti ito ng makita siya. "Good morning, Mr. Ford." "What did you just do to me, Miss Santos?" inis niyang tanong dito. Nagulat ito sa tanong niya at napahawak sa dibdib. "What, Sir? What did I do? Ang aga-aga pero galit ka na kaagad. May nangyari ba?" Galit siyang tumayo at tinuro ito. Mas lalo siyang nainis dahil inosente siya nitong tinitingnan kahit alam naman nito na may ginawa itong masama sa kanya. "Huwag ka ng magkaila. Anong nangyari sa akin? Bakit ako nakatulog dito? Uminom lang ako ng kape at nakatulog kaagad ako? Coffee should wake me up, hindi para patulugin ako." "Aba malay ko sa 'yo, Sir. Baka naman sa sobrang pagod mo ay nakatulog kayo. Kahit kape ay hindi na nakatulong para pagisingin kayo," pagde-deny pa din nito. "Sinabi ko naman kasi sa inyo na juice na lang ang inumin niyo kasi ang init ng panahon. Ayaw niyo kasi makinig sa akin kaya ayan tuloy, knock out ka tuloy." "That can't be or else..." Tumaas ang kilay ni Krys. "You put something on my coffee." It was not a question. Talagang nakakasiguro siya na may something sa kape niya kaya siya nakatulog. Natawa naman si Krys. "Mukhang kulang ka pa sa tulog, Sir, kasi kung anu-ano na lang ang naiisip niyo. Gusto niyo po bang mag-day off? Magpahinga muna ako." "Don't change the topic, Miss Santos. Did you just put something on my coffee?" Biglang sumeryoso ang mukha nito dahilan para magulat siya. "No, Sir. Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo dahil boss kita. It is a crime to put something on a drink, you know." Pinanliitan niya ito ng mga mata. "I don't trust you." Nagkibit-balikat naman ito. "I told you, you don't have to trust me. Kahit ipa-test mo pa ang kape na ininom mo ay wala kang makikita dahil wala naman talaga akong nilagay." Mas lalong nanliit ang mga mata niya. Confident ito sa sinasabi nito. "We'll find out. At kapag nalaman ko na may nilagay ka nga sa kape ko ay hindi lang kita papaalisin sa kompanya ko, kung hindi ipapakulong pa kita!" Galit niya itong tinuro. "Go ahead." Napatiim-bagang siya ng ngumisi ito. Talagang mas naiinis siya kapag ngumingisi ito sa kanya. For him, her smirk is mocking him. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan ang kaibigan niya para ipa-test ang kape na ininom niya. Agad naman itong dumating at tiningnan ng maigi ang kape niya. "Wala naman akong nakikitang any drugs or sleeping pills sa kape na ito, Luhan," sabi ni Cyrus ng matapos ito sa pag-test ng kape. "See? Sinabi ko na sa 'yo, Sir." "Shut up!" sigaw niya at tinuro si Krys. Ngumiti lang ito sa kanya at tinikom ang bibig. This woman never failed to annoyed him. "Sigurado ka ba diyan, Cyrus?" "Ikaw na lang kaya dito?" Napanguso naman siya. "Bakit ba? Ano bang meron sa kape na 'to?" "Eh, kasi Mr. Cyrus, pinagbibintangan niya ako na nilagyan ko daw ng pampatulog ang kape niya kaya siya nakatulog kahapon. Actually, ngayong araw lang din siya nagising." "He did?" Tumango naman ang dalaga bilang sagot. Napatingin sa kanya si Cyrus. "Gano'n ka ba kapagod kaya ka nakatulog ng hindi mo alam, Luhan?" "Iyon nga ang pinagtataka ko, Cyrus, kasi never naman nangyari sa akin 'yon. Until that woman bring me that coffee!" Inis niyang tinuro si Krys. Natatawa na lang si Mafial dahil kahit anong diin sa kanya ni Luhan ay wala itong mapapatunayan because she already throw the evidence. "Sir, binilhan lang naman kita ng kape sa gusto mong coffee shop. Bakit mo ba ako pinagbibintangan? Ano naman ang mapapala ko kapag pinatulog kita?" "Oo nga naman, Luhan. Ano naman ang mapapala niya kapag pinatulog ka niya?" Napangisi siya dahil pati ang kaibigan nito ay kampi sa kanya. "What? Sino ba ang kakampi mo dito, Cyrus? Ako ang kaibigan mo, baka nakakalimutan mo." Napailing-iling ang binata. "Hindi sa kinakampihan ko siya, Dude. Pero may point siya, anong mapapala niya kung gagawin niya 'yon? Sa tingin mo ay may motibo ba siya?" Hindi naman kaagad nakapagsalita si Luhan. Parang nalilito ito kung ano ang isasagot. Ngumiti naman siya ng tumingin ito sa kanya. She smiled innocently. "S-Siguro para i-rape ako." Napanganga silang dalawa ni Cyrus sa sinabi niya at hindi nagtagal ay napatawa siya ng malakas. Ito ata ang unang beses na nakatawa siya ng malakas dahil sa malaking joke na sinabi ni Luhan. Damn! She? A rapist? F*ck that! "Damn, Sir! Ang lakas ng amats mo, ah," natatawa niyang sabi. Pinupunasan niya pa ang gilid ng mata niya dahil naluluha na siya sa pagtawa. "B-Bakit? Hindi ba totoo?" Napailing-iling siya. "Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, Sir, promise, hindi kita pagkaka-interesan." Napangiwi na lang siya. "Ako pa talaga ang mangre-rape sa 'yo, ah?" Napailing na lang din si Cyrus. "Ang mabuti pa, Dude, ay magpahinga ka na kasi mukhang kulang ka pa din sa tulog, eh." Tinapik nito ang balikat ng binata. "What? Don't tell me hindi ka naniniwala sa akin, Dude." Umiling-iling ulit ito. "I have to go, Dude. May pasok pa ako." Kumaway na ito patalikod at lumabas ng opisina. Dalawa na lang silang naiwan sa opisina. Natatawa pa din siya hanggang ngayon. "Paano ba 'yan, Sir? Hindi mo napatunayan." Nginisihan niya ang binata. Pinanliitan siya nito ng mga mata habang malalalim ang hininga. Para na itong sasabog sa sobrang inis sa kanya. "Hindi ako naniniwala na wala kang ginawa. Balang araw ay mapapatunayan ko din na tama ang kutob ko." Ngumisi siya kay Luhan dahilan para matigilan ito. "You will never caught me, Mr. Playboy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD