"May lunch meeting po kayo ngayon with Miss Salas, Mr. Ford," sabi ni Mafial sa kanyang boss na masama na naman ang mukha dahil nakikita nito ang mukha niya.
"I really hate seeing your ugly face." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Gusto niya itong sapakin pero iniisip niya na sa ngayon ay amo niya ito at kailangan niyang habaan ang pasensya niya kung gusto niya itong manmanan. "Kailan ka ba aalis? Nakakaumay na ang pagmumukha mo," nakahalumbaba nitong sabi.
Umikot ang mga mata niya. "Iyan ang huwag niyo ng pangarapin, Mr. Ford, kasi masasaktan ka lang." Napaismid si Luhan. "Sinabi ko naman sa 'yo na hindi mo ako mapapaalis dito kahit gustohin mo."
Tiningnan siya nito sa mga mata. "Paano kung may gawin akong hindi maganda para lang paalisin ka?"
Ngumisi siya. "You can't take me down, Mr. Ford. Wala pangtao ang nakakatalo sa akin. Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapaalis."
Sinamaan siya nito ng tingin at saka inikutan ng mga mata. "Sige na. Umalis ka na. Nakakasira ka ng araw."
"Gusto mong matulog ulit, Sir?"
Nanlaki ang mga mata niya at tinuro siya. "Sinasabi ko na nga ba, eh. May nilagay ka sa kape ko."
Napakibit balikat siya. "You don't have a proof, remember?" Natawa na lang siyang lumabas sa opisina nito.
Natutuwa talaga siya sa tuwing naiinis ito sa kanya. Para siyang mainit na tubig na palaging kumukulo sa tuwing nakikita siya nito. Bumalik na lang siya sa trabaho at inayos ang mga dokumento na kailangan niya. Hindi naman gano'n ka-busy ang trabaho niya lalo na't si Levi ang pinagawa niya sa mga data na kailangan niya sa kompanya nito.
Napatingin siya sa pinto ng opisina nito ng bumukas ito at lumabas si Luhan. "Saan ang punta mo, Mr. Ford?"
Sumama na naman ang mukha nitong tumingin sa kanya. "Girlfriend ba kita at kailangan kong sabihin sa 'yo kung saan ako pupunta? Hindi naman kita girlfriend para palagi kang magtanong."
Natawa na lang siya. "Girlfriend lang ba ang pwedeng magtanong?"
Mas lalong sumama ang mukha niya. "May launch meeting ako ngayon, 'di ba?"
Napatingin naman siya sa relong pambisig. "Oo nga pala." Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. "Let's go?"
Nagtaka si Luhan. "Saan?"
"Sa lunch meeting mo."
Natawa ito ng mapakla. "At talagang sasama ka pa?"
Napataas ang kilay niya. "Of course. I am your secretary kaya dapat lang na sumama ako."
Napailing ito habang natatawa pa din. "At sa tingin mo papayag akong makasama ang isang katulad mong pangit sa meeting ko? Baka mamaya ay mawalan ng gana ang mga taong ka-meeting ko."
"Sila ang mawawalan ng gana o baka ikaw?"
Ngumisi ito sa kanya. "Malamang kasama na ako doon. Sinong gaganahan kumain kung ang pangit mong pagmumukha ang kaharap ko?"
Napabungtong hininga na lang siya. "Kung ayaw mong makita ang pagmumukha ko, Mr. Ford, pumikit ka, okay?" Napanganga ito sa sinabi niya. "Hindi 'yong ako pa ang mag-a-adjust sa kaartehan mo, ha?" Tinapik niya ang balikat nito.
"W-What did you say? Ako? Maarte?" tanong nito habang nakaturo sa sarili.
"Tara na, Mr. Ford. Baka ma-late ka pa sa lunch meeting mo. Baka ako na naman ang sisihin mo. Eh, ikaw lang naman itong mabagal." Nauna na siyang maglakad dito bago pa siya bugahan na naman ng apoy nito.
Nang makarating na sila sa parking lot ay sasakay na sana siya sa kotse nito ng bigla nitong i-lock ang pinto dahilan para hindi siya makapasok. Pumunta siya banda sa passenger seat at kinatok ang windshield.
Binuksan naman ito ni Luhan. "Yes?" inosente nitong tanong pero nakikita niya sa mukha nitong tinutukso siya.
"Bakit mo ni-lock ang pinto? Papaano ako makakapasok niyan?"
Natawa ito. "Sino naman nagsabi sa 'yo na pwede kang sumakay sa kotse ko? Magandang babae lang ang sinasakay ko dito. Bakit? Maganda ka ba?"
Napakuyom siya ng kamao. "Papaano ako makakapunta sa meeting place niyo kung hindi ako sasakay sa kotse mo?"
"Hindi ko na problema 'yon. Mag-isip ka, total may isip ka naman." Kinuha nito ang petaka at kumuha ng pera saka binigay sa kanya. "Ayan. May pamasahe ka na pang-taxi." Ngumisi ito sa kanya. "Huwag kang ma-late, okay? Dahil kapag na-late ka ay babawasan ko ang sweldo mo."
Mabilis nitong pinaharurot ang kotse dahilan para mainis siya. "You f*cking, bullsh*t, as*hole! Damn it!" Napasuklay siya sa buhok dahil sa inis. Huminga siya ng malalim. "Hintayin mo lang na makaganti ako. Humanda ka." Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Christian para sunduin siya.
Wala ngayon si Levi at may business trip ito sa Europe kaya si Christian ang tinatawagan niya. Mabilis naman itong nakarating kaya sumakay kaagad siya sa kotse nito. Sinabi niya kung saan ang meeting ngayon ng kumag na 'yon.
"Bakit ka ba nagtitiis sa lalaking 'yon? Pwede mo naman siyang takutin kung gusto mo. Nagpapakaalila ka pa sa kanya."
Sumindi siya ng sigarilyo para pakalmahin ang sarili niya. Kailangan niya kasing kumalma bago pa siya sumabog sa inis. Hindi pa naman mahaba ang pasensya niya.
Binuga niya ang usok ng sigarilyo. "Hindi ako nagpapaalila sa kanya. At saka natutuwa ako sa ginagawa ko. I like playing with him."
"Playing nga lang ba o baka naman nai-in love ka na sa lalaking 'yan?"
Hindi niya maiwasan ang matawa. "Love? What is that?" Hindi sumagot si Christian. "Alam mong wala sa vocabulary ko ang salitang 'yan, Christ. Sagabal lang 'yan para sa akin."
Nang makita niyang malapit na sila sa restaurant ay pinatay na niya ang sigarilyo at kumain ng bubble gum para hindi maamoy nito ang usok ng sigarilyo. Nag-spray na din siya ng pabango. Bumaba na din siya sa kotse ng makarating na sila sa tapat.
Nang masara na niya ang pinto ay nagsalita si Christian, "You can still say no, Mafial. Please, choose me instead."
Hindi niya maiwasan na maawa sa mukha ngayon ni Christian. Ito kasi ang unang beses na magmakaawa ito and she don't like it.
"Don't plead, Christ. You already know my answer. Stop hurting yourself. Salamat sa paghatid." Tumalikod na siya at pumasok sa restaurant.
"Table for, Ma'am?"
"For Mr. Ford."
Ngumiti naman ang waitress. "Oh, this way po." Tumango naman siya.
Nauna na itong maglakad at sumunod naman siya. Dinala siya nito sa isang VIP room. Kumatok muna ang waitress bago binuksan ang pinto. Pumasok na siya at nakita niya na nandoon na si Luhan, Miss Salas at ang assistant nitong babae.
"Good afternoon, everyone," bati niya sa mga ito at naupo sa tabi ni Luhan. "I guess, I'm not that late," bulong niya kay Luhan.
"Tss!"
"And who is this?" tanong ni Miss Salas habang nakatingin sa kanya.
"Oh, I'm Krys Santos." Inilahad niya ang kamay dito para makipag-shake hands na tinanggap naman ng dalaga. "Mr. Ford's secretary." Nagulat naman ito na akala mo'y por que ganito ang itsura niya ay hindi na siya pwedeng maging secretary ng playboy na ito.
"Oh, hindi ko alam na hindi pala kagandahan ang Secretary mo, Mr. Ford," nakangiti nitong sabi pero nang-iinsulto. "I thought you have high standard when it comes in women."
"Don't mind her, Miss Salas." Lihim na umikot ang mga mata niya ng makita kung gaano kalagkit ang tingin ng dalawa sa isa't-isa.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito at may isang binata na pumasok. "Sorry, I'm late." Nakipagkamay naman ito kay Luhan at sa kanya. "I'm Mike, Kath's fiancee." Turo nito kay Miss Salas.
Nagpakilala naman sila ni Luhan. Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain at kumain na sila habang nagdi-discuss sila tungkol sa business.
"Thank you talaga, Mr. Ford, at kami ang napili mong supplier. I promise you, we will do our best for our partnership," sabi ni Mike.
"I'll count on that," nakangiti namang sagot ni Luhan.
Hindi na siya sumasabat pa sa usapan nila at nakinig na lang. Hindi na siya nagsalita dahil baka magalit na naman itong amo niya. Lihim lang siyang nagmamasid sa mga ito. Naningkit ang mga mata niya dahil may hindi siya tamang nararamdaman sa dalawa, kay Luhan at sa Kath na ito. Nakangiti naman silang nag-uusap ay parang lihim namang nag-uusap ang mga mata nito.
Sinadya niyang hinulog ang tinidor niya. "Sorry."
Sinamaan siya ng tingin ni Luhan pero ngumiti lang siya. Yumuko siya para kunin ang tinidor pero bago niya ginawa 'yon at inangat niya muna ang tela na nakatakip sa mesa at nakita niyang hinihimas ni Kath ang hita ni Luhan gamit ang paa nito.
Napangisi na lang siya at kinuha na ang tinidor. Umayos siya ng upo at tumikhim dahilan para mapatingin sa kanya ang mga ito.
Masama ang tingin na pinukol ni Luhan sa kanya. "Makati ba ang hita mo, Mr. Ford?"
Napakunot ang noo niya. "What do you mean?"
"Akala ko kasi makati kaya hinihimas ni Miss Salas ang hita mo." Nagulat silang lahat sa sinabi niya.
Mabilis naman na inangat ni Mike ang tela at nakita nga nito ang ginawa ng fiancee. Huli na ng mabawi ni Kath ang hita nito na halos nakapatong na sa hita ni Luhan.
Galit itong nakatingin sa fiancee. "What the hell are you doing?"
Bigla namang namutla ang babae. "I-It's not what you think, Hon."
"Anong it's not what I think? Huling-huli ka na nga, magde-deny ka pa." Napatingin naman ito kay Luhan.
Pinunasan ni Luhan ang bibig at tumayo na tila walang kasalanan sa nangyari. "Don't look at me like it's my fault, Mr. Mike. Ang fiancee mo ang kanina panghumihimas sa hita ko. I didn't do anything wrong." Napatiim bagang ito. "I think our business here is done."
Lumabas na ito sa VIP room at sumunod naman siya. Nang makalabas na sila sa restaurant ay tumingin ito sa kanya.
"What have you've done, Miss Santos?"
Ngumisi naman siya at tinapik ang balikat nito. "Ganti ko 'yon sa ginawa mo sa akin kanina."
"What?"
Inayos niya ang necktie nito. Hindi naman ito gumalaw at nakatiim bagang lang na nakatingin sa kanya. "I told you, Mr. Ford. Hindi mo ako basta-basta mapapasuko instead lalaban ako in my own way." Tumingin siya sa mga mata nito. "As long as pahihirapan mo ako. Pahihirapan din kita kaya umayos ka, okay?" Kinindatan niya ito bago sumakay sa taxi na kakahinto lang sa harap nila.