Chapter 6

2035 Words
Napapailing na lang si Mafial dahil hanggang ngayon ay galit pa din sa kanya si Luhan. Isang linggo na ang nakakalipas simula ang ginawa niyang pangba-busted sa ginawa ng babaeng 'yon sa binata pero hanggang ngayon ay galit pa din ito sa kanya. Masama pa din ang tingin nito sa kanya. Natawa na lang siya sa isip. Kailan ba hindi naging masama ang tingin nito sa kanya? Araw-araw naman ay parang matalim na bagay ang tingin na binabato nito sa kanya. "Ito na ang kape niyo, Sir." Inilapag niya ang kape sa mesa nito. Nanliit ng mga mata nito habang nakatitig sa kape na binili niya. "I don't want to drink that coffee." Napanganga siya. "Aba! Kung hindi ka naman pala iinom, bakit mo pa ako pinabili niyan? Hindi mo ba alam kung anong hirap ko para lang makabili ng kape mo na kay layo-layo pa ng pagbibilhan?" sabi niya na kahit ang totoo naman ay nag-utos lang siya ng tauhan niya para bumili ng kape nito. Aba! Hindi siya magpapakahirap para lang sa babaerong ito. "Nagrereklamo ka ba? Secretary kita kaya dapat lang kitang utusan." Umikot ang mga mata niya. "Isa pa, ayaw kong inumin ang kapeng ito na galing pa sa 'yo. Baka mamaya ay nilagyan mo na naman ito ng pampatulog." Napailing-iling naman siya. Mukhang na-trauma ang kumag sa ginawa niya. Napahawak siya sa noo dahil sumasakit ang ulo niya dahil sa lalaking ito. "Inumin mo na 'yan. Wala akong nilagay na kahit na ano diyan dahil wala ka namang kasalanan na ginawa sa akin." Nanlaki ang mga mata nito. "So, inaamin mo na nilagyan mo talaga ng pampatulog ang kape ko last time." Tumaas ang kilay niya. "I never said that and besides you still don't have a proof." Ang mga mata naman nito ang umikot at ininom ang kape. "Ano? Inaantok ka ba?" Umikot lang ang mga mata nito at nagpatuloy sa pag-inom. "Sabi ko naman kasi sa 'yo. Magpakabait ka ng maging mabait din ako sa 'yo." Napatingin siya sa relong pambisig ng makitang alas sais na ng hapon. "Oh, siya mauna na ako, Sir." "T-Teka, aalis ka na?" Tumaas ang kilay niyang tumingin dito. "Yes. The work hour is already done for today." Natawa ito ng mapakla. "At talagang mauuna kung umuwi kaysa sa boss mo?" Ngumiti naman siya dito. "Oo naman, kasi uwian na. Isa pa, hindi porque hindi ka pa uuwi ay hindi na din ako uuwi. Unless..." Napakunot ang noo ni Luhan dahil sa pambibitin niya sa sasabihin niya. "Unless what?" Ngumisi siya dito. "Unless gusto mo pa akong makasama ng matagal kaya ayaw mo akong pauwiin." Kinindatan niya pa ito. Natawa na lang siya ng um-acting ito na parang nasusuka. "Ang o.a na, Sir." "Totoo naman kasi. Blee..." Napaikot na lang siya ng mga mata ng um-acting ulit itong nasusuka. "Ikaw na pangit? Gusto kong makasama?" Natawa ito. "Kahit ikaw na lang ang babae sa mundong ito ay hindi kita papatulan. I won't lower my standard in woman. Masyado kang malayo sa standard ko," nakangiwi nitong sabi. "Same here, Sir." Napabuga ito ng hangin. "Bakit? Mataas din ba ang standard mo? Wow, ah! Sa pangit mo na 'yan, mataas din ang standard mo?" "Wala naman sigurong bawal kung ang katulad kong pangit ay magkaroon din ng standard and besides ayaw ko sa isang katulad mo." "Bakit? Anong gusto mo? Yong katulad mo din na pangit? Kaya ayaw mo sa akin kasi gwapo ako." Napabungtong hininga na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang pinaglalaban nito. Kaunting buhat pa nito sa sariling bangko ay lilipad na siya sa sobrang kahanginan nito. "Ayaw ko sa 'yo kasi playboy ka," prangka niyang sabi dahilan para magulat ito. "Never kong nakikita ang sarili ko na iibig sa isang lalaki lalo na sa kagaya mo. Dahan-dahan lang sa pagiging playboy, Sir. Baka bigla ka na lang tumanda ng binata." Tuluyan na siyang lumabas sa opisina nito. Inayos na niya ang mga gamit at umalis na din. Imbes na sa apartment siya umuwi kung saan pansamantala siyang nakatira habang secretary siya ni Luhan ay dumiretso siya sa mansyon nila. Sakay siya ng kanyang black ducati panigale v4 sp2. Nang makarating siya sa harap ng malaking gate ng mansion nila ay nilagay niya ang kanyang thumb sa isang machine kung saan ini-scan nito ang fingerprint niya. Nang magkulay green ito ay bumukas na ang malaking gate nila. Walang guard na nagbabantay sa malaking gate nila dahil maraming camera na nakapaligid dito. At kung may magtatangka man na umakyat sa malaking pader o kalaban ay may mga laser na siyang titira sa mga ito. Lalabas lang ang laser kapag pinindot ito ng mga taong nagbabantay sa cctv room. Nang makarating na siya sa harap ng bahay ay bumaba na siya sa motor niya at inalis ang helmet. Mabilis itong kinuha ng tauhan niya. "Welcome home, boss." Tumango lang siya at pumasok na. Nakita niya ang mga magulang niya na seryosong naglalaro ng baraha. Seryoso ang mga ito na akala mo'y malaki ang ipinusta. Bimunot ang mommy niya ng baraha mula sa hawak ng daddy niya. Napatalon ito ng makuha nito ang kapares ng baraha na hawak nito. "Arrggh! I lost again!" sigaw ng daddy niya at napahawak pa sa buhok. Yes, they are playing unggoy-unggoyan. Napapailing na lang siya. Nakakatakot man na boss ang ama niya ay iba ito kapag siya at ang ina niya ang kaharap nito. Laging sinasabayan ng ama niya ang trip ng ina niya. Kaya nga natutuwa siya dahil kahit sa magulong mundong ginagalawan nila ay masaya pa din ang dalawa. "Hey, Mom, Dad." Lumapit siya sa mga ito. "Mafial!" Sinalubong siya ng ina at niyakap. "I'm glad you came home." Napangiti naman siya. "Of course, Mom. Sinabi mo kasing sabay tayong kakain kaya umuwi ako." Pinisil nito ang pisngi niya. "Hindi talaga ako matitiis ng anak ko. Come, handa na ang pagkain. I'm sure gutom ka na." Iginiya na siya nito papunta sa dining hall habang nakasunod naman ang daddy niya sa kanila. "So, how's your new work?" tanong ng mommy niya habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain. Nagkatinginan naman sila ng ama niya bago siya bumaling sa ina. "Okay naman, Mom." Magtatanong ulit sana ang ina niya ng hawakan ng asawa nito ang kamay nito. "Hon, kumakain tayo. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho, okay? Let us just eat peacefully." Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos sila sa pagkain ay lumabas muna ang mommy niya dahil may bisitang dumating. Pumunta naman siya sa study room ng daddy niya. "Pinatawag mo ako, Dad?" Nakatayo ngayon ang daddy niya sa harap ng malaking bintana nila. "How is your mission? Did he suspect you?" "No. Maliban sa akala niya ay tauhan ako ng daddy niya ay wala naman siyang pinagdududahan." Napatango naman ito at pumunta sa mesa. "So, how is he? You think you can control him?" Napangisi naman siya. "It's so easy, Dad. Bigyan mo lang ng babae ay papayag na kaagad." "And you will allow that?" "Of course." Tiningnan niya ito ng seryoso. "Hindi ko naman siya mahal para pagbawalan siya sa pambabae niya." Napabuntong hininga ang ama niya. "You also need a heir, Mafial." "We can still think about that." Napakibit balikat siya. "Pwede naman na magpabuntis lang ako sa kanya at kapag may nabuntis ako ay pwede na siya ulit mambabae." Napailing na lang ang ama niya sa naisip niya. "Bakit kasi hindi niyo na lang subukan ang relasyon niyo? Malay mo, magbago siya kapag na-in love siya sa 'yo?" "Him? Will fall in love with me?" Napakibit balikat siya. "Well, hindi naman 'yon mahirap pero huwag na lang. Masyadong masakit sa ulo ang lalaking 'yon kaya hahayaan ko na lang siya." Muli itong napailing. "Anyway, Dad, I just want to ask you something. Hindi ko natanong ito sa 'yo noon. Alam ba ni Luhan ang mukha ko bilang fiancee niya?" Umiling ito dahilan para makahinga siya ng maluwag. "Sinabi ko sa daddy niya na huwag na munang sabihin ang tungkol sa 'yo even your name. Basta ang alam lang ni Luhan ay may fiancee siya and that's all." Napatango naman siya "That's great then." "Bakit mo pala natanong?" "Just in case na makita niya ang mukha ko. Mas mabuti na 'yong nag-iingat." Napatango naman ang ama niya at tinapik ang balikat niya. "Just be careful, okay? Nabalitaan ko na may mga taong gusto na naman pabagsakin ang negosyo natin kaya gumagawa sila ng paraan para isa-isahin tayo at ang mga tauhan natin." "Don't worry, Dad. Hindi nila ako magagalaw o ang mga tauhan natin. The Black Dragon is not a weak group. Para saan pa ang pagiging black dragon at pagiging number one contributor natin kung matatakot lang tayo at mapapabagsak lang tayo ng mga pipitsyuging 'yon." Napangiti ng ama niya. "Anak nga kita. Kahit anong laban o sinong tao ay hindi mo kinatatakutan." Napangisi siya. "Oo naman. Saan pa ba ako magmamana? Eh, di sa inyo na masamang damo." Tumawa ito ng malakas dahilan para mapailing siya. "You're really my daughter." Napapailing na lang siya. Minsan ang o.a ng ama niya. Mabuti na lang at hindi niya 'yon namana. GABI na din ng umuwi si Mafial sa apartment niya. Nasa malayo pa lang siya ay nakikita na niya ang kotse ni Luhan dahilan para mapatigil siya. Tinanggal niya ang helmet at tiningnan ng maigi ang plate number ng kotse. Nagtataka siya dahil ito nga ang plate number ng kotse ni Luhan. "Anong ginagawa ng mukong na 'yan sa harap ng apartment ko?" Napatiim bagang siya. Hindi pa naman pwede na makita siya nito ngayon dahil hindi siya nakapag-make up at wala siyang suot na salamin. Huminga siya ng malalim at nag-isip ng paraan para paalisin ang binata. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito. "Krys, where are you?" bungad kaagad nito sa kanya ng masagot nito ang tawag niya. "Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito sa labas? Gusto mo bang kainin ako ng mga lamok dito?" Napaikot ang mga mata niya. Ang o.a din nito, eh. Papaano naman ito kakainin ng lamok kung sana loob ito ng de air con nitong kotse? Lumabas ito mula sa kotse at napatingala kung saan ang kwarto niya. Nakatitig lang siya sa binata. Hindi naman siya makikita nito dahil nasa likod siya ng isang kotse naka-parking. "Alam mo bang hindi maganda na pinaghihintay mo ang boss mo?" Tumikhim siya. "Saan po ba kayo ngayon, Sir?" Napataas ang kilay nito. "Nasaan pa? Eh, di nandito sa harap ng apartment mo." Napataas ang kilay niya. "Paano niyo naman po nalaman kung saan ako nakatira? Are you stalking me?" Nakita niya kung papaano lumaki ang mga mata nito at napatitig sa cellphone nito. "Me?" tanong nito habang nakaturo sa sarili. "A handsome man like me, stalking you? Ha!" Nailayo niya bigla ang cellphone dahil sa pagsigaw nito sa kabilang linya. Wala man lang itong kahihiyan kung marinig ito ng mga tao o makabulabog. Napabuga ito ng hangin. "Hindi pa naman katapusan ng mundo para gawin ko 'yon." Napailing na lang siya. Kung sabihin na lang nito na hindi kaysa ang dami pa nitong dada. Huminga ito ng malalim. "Well, nalaman ko lang naman kung saan ka nakatira dahil sa resume mo, stupid." Umikot ang mga mata niya. "Ang o.a, ah. Oh, ano nga kailangan mo? Bakit nandiyan ka sa apartment ko?" "Ha? Wait. Wala ka dito sa apartment mo?" "Wala." Kumunot ang noo nito. "Eh, nasaan ka? Di ba dapat nasa apartment ka na ngayon kasi anong oras na." Sasagot na sana siya ng magsalita ito ulit. "Don't tell me nagba-bar ka ngayon o kaya naman nagbo-boy hunting. Gosh, Krys! Mahiya ka naman sa itsura mo." Napakuyom siya ng kamao. Kung kaharap niya lang ito ay baka sinapak na niya ito. Napabungtong hininga na lang siya kasi kung anu-ano ang iniisip nito. "Hindi no. Umuwi ako sa amin. Bakit ba kasi?" Bigla itong natahimik. "W-Wala lang." Nagtaka siya ng pinatay nito ang tawag. Nakita niyang pumasok na ito sa kotse nito at umalis. Nagtataka siya dahil sa inasta nito. Anong wala lang? Pumunta lang ba ito sa apartment niya para lang sa wala? Napailing na lang siya. Playboy na nga, weird pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD