"Good morning, Mr. Ford. Ito na po pala ang schedule niyo for today." Sinabi ni Mafial ang lahat ng meetings at events na pupuntahan ni Luhan ngayong araw.
Habang binabasa niya ang schedule ay napapasabi siyang mukhang busy ito ngayon.
"And lastly, in-invite kayo ni Mr. Richard sa kanyang birthday na magaganap sa Standford club," sabi niya saka tumingin dito.
"Cancel all my meetings for today except for the birthday invitation of Richard, he's my friend."
"May I know why you will cancel it, Sir?" Napataas naman ang kilay nito dahil sa tanong niya. "Para alam ko kung anong sasabihin ko sa mga ka-meetings mo." Ngumiti siya dito para kahit papaano ay hindi na naman umusok ang ilong nito.
"I have to go somewhere important." Tumayo si Luhan at papaalis na.
"Sige, Sir. Sabihan ko na lang sila. Ingat po kayo sa lakad niyo."
Napatigil ito at napatingin sa kanya dahilan para magtaka siya. "Ano? Diyan ka na lang? Hindi ka ba sasama sa akin?"
Napakamot naman siya sa pisngi. "Ahm, dito na lang ako, Sir, since hindi naman trabaho ang pupuntahan niyo. Isa pa, hindi niyo din naman ako isasakay sa kotse niyo at bibigyan mo lang ako ng pamasahe." Bahagya pa siyang natawa dahilan para mapakunot noo si Luhan. "Baka mamaya mambabae ka lang tapos guluhin ko na naman. Eh, di galit na naman kayo sa akin."
"Hindi ako mambabae." Natigilan siya sa pagsasalita dahil sa bigla nitong pagsingit. "I need you to do something for me."
Bigla siyang napatakip sa dibdib. "Huwag niyong sabihin na gusto niyo akong i-motel, Sir?" Mas lalong kumunot ang noo nito. "Hay naku, Sir. Hindi mo ako type, 'di ba? At saka kahit maganda ang katawan ko, hindi mo naman bet na makita ang pagmumukha kong ito habang nagse-s*x tayo." Tinuro niya pa ang mukha na may makapal na make up at makalapal na salamin.
Nagulat siya ng lumapit ito sa kanya at hinawakan ang baba niya at inangat. Ngumisi ito. "We can turn off the light para hindi ko makita ang mukha mo."
Siya naman ang ngumiti at hinaplos ang balikat nito. "I prefer the lights on, Sir. Sayang naman kung hindi ko makita ang maganda mong katawan at gwapo mong mukha kung naka-off ang lights, 'di ba?"
Nakita niya kung papaano ito mapalunok habang nakatitig sa mapupula niyang labi. Nagulat na lang siya ng itulak siya nito.
"What the f---" bigla siyang natigilan at pinilit na hindi magmura. "Bakit ka ba nanunulak diyan, Sir?" Inayos niya ang uniform niya.
"You are seducing me!" sabi ni Luhan at tinuro pa siya.
Natawa naman siya. "I never did that, Sir. Nasa isip mo lang 'yon kaya akala mo inaakit kita. At saka mukha bang kaakit-akit ang mukhang 'to?" Turo niya sa mukha niya.
Malalim ang hininga nito na tila magagalit na naman. "Hindi pa ba seduce ang tawag sa ginawa mo at sa pinagsasabi mo?"
Muli siyang natawa. "Hindi pa, Sir. Baka kapag inakit kita ay makalimutan mong pangit ako." Sinamaan siya nito ng tingin. "Anyway, saan ka ba kasi pupunta? Sasamahan kita except sa hotel especially ang motel, okay?"
Umikot ang mga mata nito at inayos ang suot nitong suit. "Don't worry, hindi pa ako nababaliw para dalhin ka sa motel. And for your information, I prefer the expensive hotel than a cheap motel."
Ngumiti naman siyang tumango. "Noted, Sir." Kinindatan pa niya ito dahilan para umikot na naman ang mga mata nito.
Balang araw sa kakaikot ng mga mata nito ay baka maging puti na lang ang mata nito. "Bilisan mo nga diyan. Ang bagal-bagal mo."
"Asus! Makabagal, akala mo naglalakad na siya," bulong niya.
Lumingon ito sa kanya. "What did you said?"
Ngumiti kaagad siya dito. "I said, lead the way, Sir."
Muli na itong naglakad na may mukhang hindi maipinta. Naisip niya din na sa isip ni Luhan ay gustong-gusto na nitong mawala siya dahil walang araw na hindi ito galit sa kanya. Ilang araw na din kasing hindi ito nakapambabae dahil sa kanya.
Natakot na ata na barahin na naman niya ang pambabae nito. Kung mambabae naman ito ay hindi na niya babarahin basta huwag lang siya pahirapan nito.
Sumakay na siya sa kotse ng binata at pinaandar na nito. Ito ang unang beses na nakasakay siya sa kotse nito dahil palaging sa taxi lang siya nito pinapasakay sa tuwing may lakad ito. Oh, di ba? Ang sama nitong boss sa kanya.
Napakunot noo siya ng huminto sila sa isang flower shop. "May date po ba kayo, Sir, kaya kailangan niyo ng bulaklak?"
Halos magdikit na naman ang mga kilay nitong tumingin sa kanya. "Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Eh, bawal ba magtanong?"
"Would you just shut up in one day?" Ibinuka niya ang bibig para sana sumagot pero muli niya itong tinikom. Ngumiti siya dito at nag-thumbs up. "Good! Madali ka naman pa lang kausap, eh."
Bumaba na ito sa kotse kaya sumunod naman siya. Pumasok na din sila sa flowershop. "Good morning, Sir. As usual pa rin po ba?" tanong ng isang staff.
"Yes, please. Titingin na din muna ako ng mga bulaklak."
"Okay, Sir. We will also prepare your order."
As usual? Napatanong na lang si Mafial sa isip. Ibig sabihin ay suki na si Luhan dito. Napakibit balikat naman siya. Siguro ay dito ito palaging bumibili ng mga bulaklak para sa mga babae nito.
Nagtitingin-tingin siya sa mga bulaklak. She don't like flowers, but she also don't hate it. Hindi lang siya talaga 'yong tipo ng babae na magugustuhan ang mga bulaklak or girl things. Mas gusto niya pa ng baril o kunai.
"Krys, what do you think about this?" Napatingin siya kay Luhan na may hawak na white lily.
Napapansin din niya na Krys na ang tawag nito sa kanya na noon naman ang tawag nito sa kanya ay Miss Santos or Miss Secretary.
"White lily is symbolizes as innocent, purity. What do you think?"
Napatitig siya sa bulaklak. Maganda naman siya at hindi niya alam na may gano'ng meaning pala ito. Ibibigay niya ba ito sa babae niya? Gusto niyang matawa. Innocent? Baka kapag si Luhan na ang kasama nito sa kwarto ay mawala ang kainosentihan nito. Well, wala naman siyang paki. Nasa babae pa din 'yon kung bibigay ito sa binata.
Tumango naman siya at nag-thumbs up as approval. Bumalatay ang inis nito sa mukha dahilan para magtaka siya.
"Pepe ka ba?" Umiling-iling naman siya. "Then why can't you say a thing? Bakit tumatango-tango ka lang at nagta-thumbs up?"
Natawa naman siya dahilan para magtaka ito. "Adik ka ba, Sir?"
"What?"
Muli siyang natawa. "Eh, kanina lang gusto mong isang araw akong manahimik tapos gusto mo ngayon ay magsalita na naman ako? Lakas ng amats mo, ah." Sinamaan siya nito ng tingin pero ngumiti lang siya.
"Napaka-pilosopa mo talaga."
"Hindi naman sa namimilosopa ako, Sir. I'm just saying the truth." Ngumiti siya pero masama pa din ang tingin nito sa kanya.
"Ewan ko sa 'yo. Hirap mong kausap!" Tumalikod na ito at binigay sa counter ang bulaklak na napili nito.
Napanganga naman siya habang nakaturo sa sarili. "Ha! At ako pa ang hirap kausap ngayon? Eh, siya nga itong baliw kausap. Kanina ayaw akong magsalita tapos magagalit kapag hindi ako nagsalita." Napangiwi siya. "Napaka-weird ng lalaking ito. Sana lang ay hindi ako mahawa sa kanya."
"Tara na. Ang dami mo pangsatsat diyan." Hindi niya alam na tapos na pala ito sa pagbabayad. Nauna na itong maglakad at napatigil ng nasa pintuan na ito. "Ano? Pagbubuksan mo ba ako ng pinto o hindi? Ang dami kong dala, oh." Pinakita nito ang dala nitong bulaklak na ang iba ay nasa basket pa.
Ngumiti naman siyang lumapit dito at pinagbuksan ito. "Pasensya na, kamahalan."
Pinaikotan lang siya ng mga mata nito at nauna ng maglakad. "May regla ba ang lalaking 'yon? Ang init ng ulo, eh."
Napailing na lang siya at nagmamadaling sumunod dito. "Narinig ko 'yon. Babae lang ang nireregla."
Napailing na lang siya. Pati ba naman 'yon ay narinig pa nito? Talas ng pandinig, ah. Hindi na lang siya sumagot. Binuksan niya ang trunk ng kotse dahil doon nilagay ni Luhan ang mga bulaklak.
Sumakay na sila ulit at umalis. Hindi nagtagal ay pumasok sila sa isang memorial park. Nagtataka siya at napatanong sa isip kung ano ang ginagawa nila dito. Gusto sana niyang magtanong pero hindi na lang niya ginawa dahil baka magalit na naman ang kumag.
Siya na ang nagdala ng isang basket ng bulaklak at sumunod sa binata. Huminto sila sa isang puntod at nabasa ang pangalan na Leonor Ford at Melody Ford. Inilagay ni Luhan ang isang basket ng bulaklak sa nangngangalang Leonor at kay Melody naman ang isang basket at ang pinili nitong white lily.
Nakatayo lang siya habang nakaupo naman si Luhan at nakaharap sa mga ito. Napatingin siya sa petsa kung kailan namatay ang dalawa at nanlaki ang mga mata niya ng makita na ngayon pala ang death anniversary ng mga ito.
Napatingin siya kay Luhan na malalim ang hininga. Mukhang pinipigilan nito ang maiyak. Kinuha niya ang black handkerchief at inilahad ito sa binata.
Nakakunot naman ang noo nitong napatingin sa panyo. "In case na gusto mong umiyak."
Inilayo nito ang panyo niya. "I'm a big man, Krys. Baka nakakalimutan mo. A big man don't cry."
"Hindi ba lyrics 'yon ng kanta? Big boy don't cry?" Sumama ang tingin nito sa kanya. Tumabi siya ng upo dito. "Joke lang. Pinapatawa lang naman kita, eh." Hindi ito umimik. "Gusto mong hindi na ako magsalita?"
Napabungtong hininga ito. "Just talk. I don't want any silent."
"Mommy mo?" Tumango naman ito bilang sagot. "At asawa mo?" Masama siya nitong tiningnan. "Nagtatanong lang naman ako kasi hindi ko alam. Malay mo naman kasi asawa mo ito tapos nabyudo ka."
"I am single, Krys, at never pa ako nagkaasawa, ni girlfriend nga ay wala."
"Weehh?" Tiningnan niya ito ng hindi naniniwala. "Maniwala ako sa 'yo. Napaka-playboy mo tapos wala ka pang-girlfriend?"
"May playboy ba na may girlfriend?"
"Meron!" Mabilis niyang sagot. "Yong iba nga dadalawa, tatlo, apat, at mas mataas pa do'n ang mga girlfriend nila. Ginagawa na nga nilang collections ang mga babae."
Umikot ang mga mata nito. "I don't cheat, Krys. They are just my flings. I don't like commitment. Bakit naman ako maggi-girlfriend kung pwede ko naman maka-one night stand lang ang babae. At isa pa, hindi ako papasok sa isang relasyon na alam kong masasaktan ko lang siya. Ano 'yon? Liligawan ko siya, paiibigin tapos sasaktan?" Napailing-iling ito. "Nah! Kahit playboy ako, cheating is not in my vocabulary. I only want flings not girlfriends. Bago ko pa maangkin ang isang babae ay sinasabi ko na sa kanila na ayaw ko ng commitment and it's just a one night stand. Nasa kanila na kung papatol pa din sila o hindi."
Natahimik siya at napatitig dito. Hindi niya alam na gano'n pala ang mind set ng playboy na ito. Lihim siyang napangiti dahil kahit playboy pala ito ay hindi naman cheater. May gano'n pala?
Napaisip tuloy siya na if ever ikasal sila nito ay mambabae pa din pa ba ito o hindi na since hindi naman ito cheater? Napailing na lang siya, if ever naman na mag-cheat ito kapag kasal na sila ay ayos lang sa kanya. She won't mind.
"So, kung hindi mo asawa itong si Melody. Kaanu-ano mo siya?"
"She's my sister." Hinaplos nito ang lapida ng kapatid. "Sabay silang namatay ni mommy ng masunog ang bahay namin noon. Nasa school ako ng mga oras na 'yon habang nasa trabaho naman si daddy." Napatango naman siya. "You know what, Krys? I blamed myself for their death."
Napakunot noo siya. "Bakit naman? Ikaw na nga ang nagsabi na nasa school ka ng mga oras na 'yon."
"That time nagdadalawang isip akong pumasok dahil gusto ko silang makasama pero naisip ko na may exam pala kami. Kaya sinabi sa akin ni mommy na umuwi na lang ako ng maaga para makapaglaro kami. Pero hindi ko alam na wala na pala akong maaabutan. Na iyon na pala ang last day na makikita at mayayakap ko sila."
Napayuko si Luhan at narinig niya ang mahina nitong paghikbi. Hinaplos niya ang likod nito. Hindi niya alam kung kakalma ba ito sa ginagawa niya. She don't know how to comfort a person.
"Kung sana pala hindi na ako pumasok ng araw na 'yon, maybe... Maybe, I can save them both."
"Hindi mo kasalanan 'yon, Luhan. Hindi naman ikaw ang dahilan ng sunog."
"But I can save them kung nando'n lang ako."
"You can't be sure about that." Hinawakan niya ang mukha nito at pinatingin sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito. "Hindi mo alam kung maililigtas mo ba silang dalawa o pati ikaw ay mamatay ng araw na 'yon."
"Sana nga namatay na lang din ako kasama sila because it's so painful to see their faces in my dream, screaming for my help."
"Pero alam ko na nagpapasalamat ang mommy mo kasi hindi ka nasama sa kanila. Hindi man nila nasabi 'yon sa 'yo ay alam kong 'yon ang gusto nila." Napatingin siya sa harap at napangiti. "Gano'n kasi ang mga magulang ko. Kahit na gaano kagulo ang mundo ay ayaw nilang napapahamak ako. Ang sabi nga nila, ako ang pinakaiingatan nilang kayamanan." Tumingin siya nito at ngumiti. "At alam kong gano'n din ang mommy mo sa 'yo."
NAPATITIG si Luhan kay Krys habang nakangiti sa kanya. Hindi niya alam kung bakit napatulala siya dito. Dahil ba sa mga sinabi nito sa kanya? Bakit feeling niya ay gumanda ito sa paningin niya?
Napailing-iling na lang siya at napaiwas ng tingin dito. Natawa siya.
Really, Luhan? Did you just lower your standards in woman?
Muli siyang napailing.