One year after: “Happy birthday uli, baby Larrysa!” masayang bati ni Mikey sa bunsong kapatid. Katatapos lang ng first birthday celebration ng bunsong anak nina Lara at Gideon. Dalawa ang kanilang isini-celebrate, ang kaarawan ng bunsong anak at ang pagbabalik ni Gideon sa trabaho. Tuluyan ng bumalik ang kanyang memorya, maliban na lang sa kanyang paa na may naka-implant pang bakal. Hindi man bumalik sa dati ang liksi niya sa paglalakad pero wala na siyang ginagamit na saklay. Bumalik na sila sa Salduvar mansion, pagkatapos ma-renovate ito dahil sa hiling na rin ni Lara. Masaya si Gideon habang pinagmamasdan ang kanyang mag-iina na naghaharutan sa kanilang malaking kama. Naglalaro sina Mikey at Larrysa habang si Lara ay nakabantay sa dalawa niyang supling. Lumapit at tumabi

