Lumipas ang ilang buwan, habang lumalaki ang tiyan ni Lara ay lumalaki rin ang kanyang resposibilidad sa kumpanya. Hindi pa rin lubos na magaling si Gideon pero nakakalakad na ito gamit ang mga saklay ngunit isang bagay ang napansin niyang pagbabago. Naging clingy ito at laging naglalambing. Pinagbigyan niya ang gusto nito na magkatabi na silang matulog at pati na ang pangangailangan nito bilang lalake. Ngunit may mga pagkakataon na umaayaw siya dahil masyado na siyang pagod sa opisina at mabigat na ang kanyang tiyan dahil nalalapit na ang kanyang panganganak. Nagiging matampuhin na rin ito at madaling magalit. Isinasama pa rin niya si Gideon sa mga importanteng meetings pero sa kanya pa rin ang lahat ng mga desisyon. Natutunan na niya ang tamang pamamahala ng kumpanya. May idinagdag din

