Pakiramdam ni Lara ay nanginig ang buong katawan niya ng magdaiti ang mga hubad nilang katawan. Bumaba ang mga labi niya sa mga labi ni Gideon at nagsimulang manaliksik ang kanyang dila na malugod na tinanggap naman ng lalake. Ramdam niya ang pagkasabik ng mga halik nito at maging siya ay nasasabik sa mga susunod niyang gagawin. Nanginginig ang mga kamay niyang hinaplos-haplos ang malambot na balahibo sa dibdib ng lalake hanggang sa ibaba ng puson. Habang magkahinang ang mga labi ay patuloy sa pagpapala ang ekspertong mga kamay din ni Gideon sa malulusog na dibdib ni Lara. Bawat haplos ay may dalang masidhing pagkasabik at pagnanasa. Unti-unting nalasing si Lara sa mga haplos at ganting halik ni Gideon at buong puso niyang tinanggap ang mga sumunod na hiling nito sa kanya. Ang paligayah

