Pasyal

2110 Words
"Nanay, you're leaving again?" malungkot na tanong ni Mikey habang karga ito ni Lara. "Yes, Son. I need to go back to hospital. Kailangan samahan ko muna si Lolo doon. Don't worry I'll come back tomorrow." Parang piniga ang puso ni Lara ng makita ang malungkot na mukha ng anak. Ang totoo gusto niya itong makatabi at mayakap sa pagtulog ngunit hindi pa nila napag-usapan ni Gideon ang bagay na ito. Niyakap niya ang anak ng mahigpit at ramdam niya ang higpit din ng yakap ni Mikey. "Nanay, dito ka na lang. Please," humihikbing wika ng bata. Nakayakap ito ng mahigpit sa leeg ng ina. Pinigilan ni Lara ang maluha at ibinigay niya si Mikey kay Gideon. “Promise, Baby. I’ll come back tomorrow.” "Mikey, Nanay said she’ll come back tomorrow. Don’t cry," pag-alo ni Gideon sa kargang anak na humihikbi. Ngunit nagsimula na itong magpalahaw. “I want Nanay!” “Okay, don't cry. I'll stay,” wika ni Lara na tumingin kay Gideon na waring humihingi siya ng permiso na magtagal muna ngunit hindi naman ito kumibo. Biglang tumigil si Mikey at ngumiti. “Nanay, tabi tayo matulog.” Tinabihan muna ni Lara si Mikey hanggang sa makatulog ang bata. Nakatulog si Mikey na may ngiti sa labi. Masuyong hinaplos ni Lara ang pisngi nito at hinalikan. "Ihahatid na kita sa hospital," mahinang wika ni Gideon ng pumasok sa kuwarto ng bata. Ngayong tulog na si Mikey ay ramdam ni Lara ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Gideon. "Kahit hindi na. Magta-taxi na lang ako," wika niya ngunit sa likod ng kanyang isip ay nais niya talagang makausap ng sarilinan si Gideon. Nagpaalam si Lara kay Aling Lourdes at sumakay sa kotse ni Gideon ngunit katulad ng dati ay nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa kanila. Binasag niya ang katahimikan. "Uhurm... Rey, thank you nga pala." "Para saan?" tanong ni Gideon. Diretso lang ang tingin ng lalake sa kalsada at hindi sumusulyap kay Lara. "Sa pagpayag mo na makita ko si Mikey." Nakasulyap si Lara sa walang emosyon na mukha ng katabi. "At salamat din sa pagpapalaki mo kay Mikey na isang magalang at mabait na bata," dag-dag pa niya. Damang-dama niya na ni katiting ay walang pagtatampo si Mikey sa kanya. "Mikey is innocent to whatever we had in the past. He deserves to be happy," wika ni Gideon. Sinundot uli ng kanyang konsensiya si Lara. Oo nga, siya ang mali at dapat lang na bumawi siya kay Mikey. "Rey, kung papayag ka gusto ko sanang i-request na ako na ang maghatid-sundo kay Mikey sa school." Napalunok at kinakabahan si Lara habang hinihintay ang sagot ni Gideon. Ngunit walang sagot si Gideon at patuloy lang ito sa pagmamaneho ng sasakyan. "Kung hindi puwede kahit madalaw ko man lang siya once a day," hirit uli ni Lara. Lihim siyang nagdarasal sa pagpayag ng kanyang katabi. Sumulyap ng saglit sa kanya si Gideon. "Paano si Papa Ramon?" wika nito. "Puwede ko naman ihabilin si Papa sa personal nurse niya. Please, Rey." May halong pananabik ang pakiusap ni Lara. Wala ng narinig na salita pa si Lara mula sa kanyang katabi habang patungo silang hospital. Muling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang makapag-park si Gideon. Ipinagbukas siya nito ng pinto, “Thanks,” wika ni Lara. Ngumiti siya sa lalake bago tumalikod. Gentleman pa rin si Gideon kahit matabang ang pakikitungo sa kanya. “Lara!” Napatigil si Lara ng tawagin siya ni Gideon. Lumakad ang lalake palapit sa kanya. "Sige, payag ako pero kasama pa rin ang yaya ni Mikey kahit nariyan ka," wika ni Gideon Rey na tumingin ng diretso sa mga mata ni Lara at waring nagbibigay ng babala ang mga tingin ng lalake. "Salamat, Rey," masayang wika ni Lara sa kaharap bago ipinagpatuloy ang paglalakad papasok ng hospital entrance. Naging masaya ang mga araw na nagdaan kay Lara. Hatid-sundo na niya si Mikey sa school tuwing umaga at hapon. Ang bakante niyang oras ay inilalaan naman niya sa kanyang ama sa hospital para maalagaan ito. Gumaan ang kanyang pakiramdam dahil maging ang kanyang Tita Agnes at pamilya nito ay kinakausap na siya ng maayos ngunit tanging isang tao lamang ang nanatiling malamig sa kanya. Si Gideon Rey. Linggo ng umaga. Kahit walang pasok ang bata ay pinuntahan ito ni Lara. Nami-miss niya ito ng husto kapag hindi niya ito nakikita. "Nanay." Masayang sumalubong si Mikey kay Lara. Nakabihis ang bata ng panlakad na damit. Niyakap ni Lara ang anak at pagkatapos ay inayos ang kuwelyo ng damit. "Where are you going? Ang guwapo naman ng anak ko." "We are going to church," excited na wika ng bata. Napatingala si Lara ng marinig niya ang mga yabag mula sa hagdan. Pababa ang naka-pormang si Gideon, naka-maong pants at short sleeve polo saka leather shoes. Lutang ang matikas nitong tindig at ang guwapong mukha na nakabibighani sa mga babae. Ngumiti siya at binati ito. "Hi." "May lakad kami ni Mikey," tanging sagot nito sa kanya, ni hindi ngumiti o binati man lang siya. "Sorry, nakalimutan ko palang sabihin sa'yo. Nangako ako kay Mikey na ipapasyal siya." Paumanhin ni Lara sa kausap. Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Gideon. "Pero ‘di bale, next time na lang," nakangiti niyang wika. Wala nga pala sa usapan nila ni Gideon ang araw ng Sabado at Linggo. "Nanay, sama ka sa amin ni Tatay," wika ng bata na matamang nakikinig pala sa pag-uusap nila. Napatingin si Lara kay Gideon, hinihintay niya ang pagpayag nito. Ngunit humirit na ang bata, "Tatay, sama na si Nanay ‘di ba?" "Y-yah. Si-sige. kasama na si Nanay," gulat pero nakangiting sang-ayon ni Gideon sa anak. "Yehey!" tuwang-tuwa at napatalon pa si Mikey. Katulad ng dati, tahimik silang nakarating ng simbahan. Napipilitan lang silang magsalita kapag kinakausap sila ni Mikey. Napagitnaan nila ang bata sa loob ng simbahan at tahimik silang nakinig sa sermon ng pari. "Brothers and sisters, let's offer a sign of peace to each other," wika ng pari pagkatapos ng misa. Tumalima si Lara, niyakap at hinalikan si Mikey. "Peace be with you, Anak. I love you." "Love you too, Nanay," malambing na wika naman ng paslit kasabay ng yakap nito. Sumunod sa kanya si Gideon na niyakap din si Mikey. Naghihintay si Lara na tumingin sa kanya si Gideon para sa kanyang 'peace sign' subalit hindi siya nito nilingon. Palabas na sila ng simbahan at hawak nila sa tig-isang kamay si Mikey. Larawan ng katuwaan ang mukha ng bata samantalang sina Lara at Gideon ay tahimik lamang na naglalakad hanggang sa loob ng sasakyan. "Tatay, pasyal tayo!" excited na wika ni Mikey sa ama. "Nanay, ‘di ba pupunta tayo sa Animal City today?" "Ha eh, kung papayag si Tatay." Napatingin si Lara kay Gideon at naghihintay sa pagpayag ng huli. "Sige. Pasyal tayo," wika nito. Napangiti si Lara. Alam niyang hindi sisirain ni Gideon ang katuwaan ng anak. "Yes!" Tuwang-tuwa na itinaas pa ni Mikey ang dalawang kamay sa hangin. Gamit ang kanyang cellphone ay masayang kinukunan ng litrato ni Lara ang mag-ama. Kung pagmamasdan ay larawan sila ng isang masayang pamilya ngunit may kurot sa kanyang puso dahil ang ngiti at saya ni Gideon Rey ay para lang ipakita sa kanilang anak na isa silang masayang pamilya. "Tatay, Nanay. Kayo naman," masayang iniumang ni Mikey ang cellphone sa ama at ina. "Tatay, you hug Nanay," masayang wika ng bata. Tumalima naman si Gideon at umakbay kay Lara. Tuwang-tuwa si Mikey habang pinagmamasdan ang pictures sa cellphone ni Lara. "Tayong tatlo naman," masayang wika ni Mikey na iniumang ang cellphone sa kanilang tatlo. “Heto na lang, Anak.” Iniumang ni Gideon ang kanyang cellphone sa kanilang tatlo dahil maiksi ang mga kamay pa ni Mikey at hindi silang tatlo kumasya sa screen. Larawan ng katuwaan si Mikey, patalon-talon pa ito habang naglalakad at hawak siya sa tig-isang kamay ng kanyang mga magulang. Lihim din ang kasiyahan ni Lara dahil ngayon ay ramdam na ramdam niya ang pagiging ina kay Mikey. Gusto niyang sulitin at iparamdam dito ang kanyang pagmamahal na hindi niya naipadama sa mga nakalipas na taon. "Hi, Gideon Rey." Sabay-sabay silang napalingon ng marinig ang boses ng isang babae. Nakasuot ito ng short shorts, crop top at high heeled boots. Kulay asul ang buhok at sopistikada. “Blenda, long time no see,” nakangiting wika ni Gideon sa papalapit na seksing babae. Nakita ni Lara ang pag-iwas ni Gideon ng akmang hahalik sa pisngi nito ang babae. Kumunot ang noo ni Lara, nakaramdam siya ng pagkainis lalo pa at nakamasid si Mikey. "Mikey, doon na tayo sa playground ha," wika ni Lara at inakay ang anak palayo sa dalawa. Kahit nainis ay lihim siyang nagmamasid sa kilos ng dalawa. Hindi niya naririnig ang pag-uusap nina Gideon at ng babae pero nakikita niya ang malantik na kilos ng babae. Tinapik pa nito ang pisngi ni Gideon bago tumalikod. Nakita lahat iyon ni Lara na lalong nagpakulo ng dugo niya. 'Mahilig pa ring makipag-flirt ang lalaking ito.' komento ng isip niya. “Nanay, sakay tayo.” Itinuro ni Mikey ang swing sa palaruan. Nabaling ang atensiyon ni Lara sa anak dahil hinila na siya ng excited na bata. “Tatay, nagsi-swing kami ni Nanay!” Tuwang-tuwa si Mikey habang itinutulak ni Lara. “Let me join, Anak,” wika ni Gideon na kinuha mula kay Lara ang pagtulak ng swing. “Hold tight Mikey.” Naupo si Lara sa katabing swing at nagulat siya ng isabay ni Gideon sa pagtulak ang kanyang swing. Sinabayan niya ang kasiyahan ni Mikey at nakipagpaligsahan siya sa bata. Pagkatapos magsawa sa swing ay napagbalingan naman ni Mikey ang see-saw. Hawak-hawak ni Lara ang anak sa kamay at lakad-takbo siyang sumunod dito. “Let’s ride, Nanay.” Mabilis na nakasampa si Mikey sa see-saw ngunit ayaw itong iwan ni Lara mag-isa. “Anak, mataas masyado,” wika ni Lara habang pigil-pigil si Mikey. “Samahan mo diyan si Mikey. Dito ako.” Sumakay si Gideon sa kabilang dulo ng see-saw. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng see-saw ay humahalakhak si Mikey at walang pagsidlan ito sa tuwa. Nakikisabay si Lara sa sigaw ni Mikey habang si Gideon ay nakaumang ang cellphone sa mag-ina. Masaya siyang makita ang katuwaan ni Mikey. Pagkatapos mapagod sa laro ay kinarga na ni Gideon ang anak patungong parking lot. Nakasunod si Lara na nakikipagkulitan pa rin sa hyper ng si Mikey. “Change your clothes muna, Anak,” wika ni Lara at kinuha niya mula sa kanyang handbag ang baun niyang damit nito. Pinagpawisan na ang bata sa kakalaro at medyo hiningal na ito. Pinunasan niya ito saka pinulbusan sa katawan. “Hhmm, mabango na ulit.” Pinupog niya ng halik ang anak pagkatapos mabihisan. “Jalibie,” Natanaw ni Mikey ang malaking karatula ng isang fastfood restaurant sa malayo. “Tatay, let’s go to Jalibie.” “Okay, let’s eat at Jalibie,” sang-ayon ni Gideon sa anak. Pinaandar niya ang sasakyan saka pinatakbo patungo sa itinuro ng bata. “Yehey!” Tuwang-tuwa ang paslit at sumayaw-sayaw pa sa likod ng kotse. “Jalibie, Jalibie.” Masaya naman si Lara habang pinagmamasdan ang hyper ng anak. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya ng umuwi si Gideon. Humihikab na kasi si Mikey at kalaunan ay nakatulog ito sa likod ng kotse. “Rey, salamat ha. Pinagbigyan mo ang hiling kong makasama si Mikey today.” Pasulyap na tiningnan ni Lara ang walang kibo niyang katabi. Nasa daan ang atensiyon nito. “It’s for Mikey,” maiksing wika ng lalake at hindi man lang siya nilingon ni katiting. “Sino si Blenda?” Nabigla si Lara sa lumabas sa bibig niya at nagsisi siya sa kanyang tanong. “An ex,” maiksing wika ni Gideon. Patuloy lang ito sa pagmaneho. Hindi na nagsalita pa si Lara. Pakiramdam niya ay walang interes si Gideon na makipag-usap sa kanya. Patuloy lang sa pagmamaneho ang lalake at siya ay wala ring maisip na sabihin. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Gideon hangang makauwi sila ng bahay. Pagkatapos maihatid si Mikey ay siya naman ang inihatip ni Gideon sa hospital. Kapag wala na sa kanilang harap si Mikey ay iba ng Gideon ang kaharap niya. Ni katiting ay walang salita na namutawi kay Gideon. “Pakisabi kay Papa Ramon, next week na lang ako sa kanya magre-report,” tanging wika nito sa kanya bago pinaandar ang kotse paalis. Siguro magkikita noong Blenda, sa isip niya. Naiinis siyang lumakad papasok ng hospital. Pinagalitan niya ang kanyang sarili. Eh ano naman kung makipag-flirt si Gideon sa iba? Magka-ano-ano ba kami? Isa lang naman ang sadya niya sa lalake. Ang patawarin siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD