Wish

2138 Words
Pagkatapos nilang kumain ay agad dumiretso ng banyo si Lara. Buong paghanga na pinagmasdan ang kabuuan ng banyo na puti at ginto ang kulay. Kulay ginto ang faucet at lavatory, pati na ang iba pang gawa sa metal. Pati ang love seat ay gold din at ang jacuzzi ay mala-crystal ang kulay na may golden edges. Napangiti siya, lulubusin na niya ang experience sa magandang bathroom. May tubig na ang jacuzzi, dinama niya ng kamay ang tubig, medyo maligamgam ito. Naghubad siya ng kanyang roba at lumunoy sa loob ng jacuzzi. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang ginhawa na dulot ng maligamgam na tubig. Nagba-bubbles pa ito kaya parang minamasahe ang balat niya. Naramdaman niyang may mga paang dumikit sa kanyang mga hita. Nagdilat siya ng mga mata. Nasa loob nang jacuzzi si Gideon at pilyo na naman na nakangiti ito. "We must fully utilize this jacussi before we check out from this room," pilyong wika ng binata na may kasamang kindat pa. Hinawakan ng binata ang magkabila niyang kamay at kinabig papunta sa kandungan nito at nagdikit ang kanilang mga katawan. Damang-dama ni Lara ang pagkasabik ni Gideon at ang galit nitong sandata na nakadaiti sa kanyang balat. Sinakop ng binata ang kanyang mga labi at ang bawat haplos nito ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanya at ang kanyang kaibuturan ay muling nasabik. Habang ang mga labi nila ay magkahinang at ang mga dila ay patuloy sa pagsasaliksik ay kumilos ang mga kamay ni Lara. Gusto niyang maranasan na mahawakan ang sandata ni Gideon at dinama niya ito. Napa-ungol si Gideon sa ginawa niya at mas nangalit ang sandata ng lalake kahit nakalubog sila sa tubig. Bumilis ang pintig ng mga puso at pahabol na paghinga. At muli nilang pinagsaluhan ang makapugtong hiningang rur*k ng kaligayahan. Magkadikit ang kanilang mga noo habang si Gideon ay patuloy pa rin sa pagpapala ng dalawang mayamang mga dibdib ni Lara. Ang init na dala ng kasabikan ay hindi basta humupa. Tumayo si Gideon at inakay si Lara papunta sa ilalim ng shower. Binuksan ang shower saka tinimpla para lumabas ang katamtamang lamig. Pakiramdam ni Lara ay kiniliti siya sa patak ng malamig na tubig at nagpadagdag iyon sa kanyang pagkasabik. Nagsimula siyang paliguan uli ng halik ni Gideon kasabay ng lagaslas ng tubig. Pagkatapos nilang maligo ay pinangko ni Gideon ang dalaga patungo sa kama, "Let's make our finale on a soft bed," wika niya at sabay silang bumagsak sa kama at pumaimbabaw siya sa dalaga, "I want you to remember every moment with me, Lara. Most precious moment with me," paanas nitong wika habang masuyong hinahaplos ang pisngi ng dalaga. Muli nitong inangkin ang mga labi ni Lara, banayad at punong-puno ng init. Mga haplos na puno ng pagnanasa at naglalakbay sa bawat kurbada ng dalaga. Nakukuryente si Lara sa ginagawa ni Gideon sa kanya at ginaya din niya ang ginagawa ng binata na waring mini-memorya ang bawat sulok at parte ng katawan nito. Pinaksalikop ni Gideon ang kanilang mga kamay at nagsimula uli itong umulos at sinasalubong naman ni Lara. Walang makalabas na ungol dahil magkahinang pati mga labi hanggang muli na naman silang makarating ng luwalhati. Ang sarap na dala ng kanilang pagt*t*lik ay kanilang nanamnamin hanggang sa huling natitirang dalawang araw. Tanghali na ng makapag-check out sila sa matrimonial suite at bumalik sila sa dati nilang kuwarto. Dahil sa mataas na sikat ng araw ay minabuti nilang huwag na munang mag-swimming at mamasyal na lamang sa palibot ng isla. Umupa si Gideon ng motorbike at inikot nila ang buong isla sa pamamagitan nito. Napakaganda ng isla at dinarayo ito ng mga foreign at local tourists. Mararating lamang ito sa pamamagitan ng private plane o private yatch. Hindi lang long beach na may pino at puting buhangin ang makikita sa lugar. Ang napaka-grandiyosong hotel ay may landscape na kahali-halina sa sinumang makarating. Napapaligiran ito ng hardin ng samu’t-saring mga bulaklak at palm trees. Kumpleto sa lahat ng mapaglilibangan para sa iba’t-ibang hilig ng mga turista. Mayroon din itong infinity swimming pool at golf course. May casino, club at disco house na may mga live performers. May bowling lanes, billiard hall at restaurant. Sa mga turistang mahihilig naman sa diverse water sports ay marami ring mapagpipilian kagaya ng kayaking, sailing, kite surfing, water skiing, snorkeling, windsurfing, parasailing, surfing at scuba diving. Mayroon din itong parke na kumpleto sa palaruan at ang palibot ay puro punong-namumunga ang makikita sa buong isla at kitang-kita rin ang kalinisan nito. Ang isang banda ng isla ay isang maliit na kumunidad na ang mga nakatira ay halos pamilya ng mga tauhan sa resort. Dito rin matatagpuan ang tindahan ng mga souvenirs, panindang prutas at mga tinuyong isda. Maghapon silang namasyal at umikot sa buong isla at ng mapagod ay tumambay sila sa loob ng parke na puno ng sari-saring bulaklak. Bumili sila ng buko juice at naupo sa upuang kahoy sa ilalim ng puno habang binubusog ang kanilang mga mata sa tanawin ng luntiang bundok sa isang banda at mangasul-ngasul na dagat sa kabilang banda. Nag-enjoy ng husto si Lara sa kanilang pamamasyal. Pakiramdam niya ay bumalik sila ni Gideon sa kanilang buhay teenager. Puro tawanan at asaran at madalas ay si Gideon ang naaasar sa kanya sa huli. "Sir, Ma'am. Bili na po kayo," wika ng isang lalaking teenager na lumapit sa kanila. May hawak itong isang bilao ng mga makikinis na batong puti na kasing laki ng kamao ng bata. Napatingin sila pareho sa dala nito at dumampot si Lara ng isa. "Bato? Anong gagawin ko dito, Boy?" kunot-noo na tanong ng dalaga habang iniikot-ikot ang bato sa kamay niya. "Ganito po, Ma'am. Limampiso po isa. Tag-isa kayo ni Sir. Tapos isusulat n'yo ang wish sa bato at saka itatapon n'yo sa dagat. Sige na Ma'am, bili na kayo." nakikiusap na wika ng teenager. Kumuha na din si Gideon ng bato, “Sige, bibili kami.” Naglabas ng isangdaan si Gideon at ibinigay sa teenager. "Heto ang bayad. Keep the change, Boy. Teka, paano isusulat ang wish namin?" "No problem, Sir. Boy scout po ako." Mabilis na dumukot sa kanyang bulsa ang binatilyo at inilabas ang isang pentel pen saka iniabot kay Gideon. "Okay, let me think." Tumingala pa si Gideon bago nagsulat. Itinaas pa niya ang hawak na bato ng akmang sisilip si Lara. "Lara, Ikaw naman," wika ng binata sa dalaga ng iabot ang pentel pen. "Anong isusulat ko?" Nakakunot ang noo ni Lara habang iniisip ang isusulat. Bigla siyang napangiti at tumalikod kay Gideon. "Ayan, tapos na." Ibinalik ni Lara sa bata ang pentel pen. Agad niyang ibinulsa ang bato sa kanyang hoody jacket ng pabiro ring sumilip si Gideon. "Thank you po Sir, Ma'am. Bago po n'yo itapon ang bato sa dagat ay pumasok muna kayo sa chapel at ipagdasal n'yo na sana matupad ang mga wish n'yo. Bye po, sa uulitin." Kumaway pa ang binatilyo sa kanila habang tumatakbong palayo. "Puntahan natin ang chapel, Let’s go," wika ni Gideon sabay akbay sa dalaga. "What's your wish?" Sinulyapan ng binata ang batong nasa bulsa ng jacket ni Lara. "Secret," nakangiting sagot ni Lara. "What's yours?" Sinilip din niya ang hawak nitong batong nakatago sa malapad na kamao ng binata. "Secret din," ganting sagot ni Gideon sabay pasok sa bulsa ng pantalon ang bato. Pagkatapos nilang manggaling sa chapel ay bumalik na sila sa hotel room ng dapit-hapon at nagpahinga. Binuksan ni Gideon ang television at nanood ng basketball samantalang si Lara ay busy sa kanyang cellphone habang nakahiga sa kama. "Lara." Sinulyapan ni Gideon ang dalaga. "Yes?" Tumingin din si Lara sa binata. "What if -" Napatigil si Gideon, waring nag-isip ng susunod na sasabihin. "What if what?" kunot-noo na tanong ni Lara ngunit wala ng idinugtong na salita ang binata. Nagkibit-balikat ang dalaga at ibinalik ang atensiyon sa kanyang gadget. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagyaya si Gideon na mamasyal sa gilid ng beach. Napagkasunduan nilang itapon sa dagat ang bato na may nakasulat na wishes nila. Dala ni Lara ang isang beach towel at kay Gideon ay isang bote ng champagne at dalawang goblet at siyempre ang tig-isa nilang puting bato. Napakatahimik ng beach at tanging ang ingay ng mga alon lamang na sumasampa sa dalampasigan ang maririnig. Isang daang metro halos ang layo ng beach sa hotel na nilakad nilang dalawa. Ipinagbabawal ang mag-swimming sa dagat kapag malakas ang mga alon sa gabi kaya ang mga guest ay sa swimming pool nagtatampisaw tuwing gabi. Mangilan-ngilan lang ang mga taong naglalakad sa dalampasigan dahil mas marami sa mga guest ang nanonood ng live concerts. “This place is so calm,” komento ni Gideon habang naglalakad at akbay-akbay si Lara. “The wind is chilly,” komento ng dalaga. Nakasuot kasi siya ng two-piece bikini na pinatungan niya ng cover up ngunit aninag pa rin ang kanyang kaseksihan. “Shall we?” wika ni Gideon sa punong tainga ng dalaga ng huminto sila sa paglalakad. “What?” may himig pagtataka na wika ni Lara. Baka may iniisip na namang kapilyuhan si Gideon. “We’ll throw the stones,” nakangiting tumingin ang binata sa dalaga. “For my wish to come true,” dagdag pa ng binata at pagkatapos ay ubos-lakas na ibinato sa dagat ang hawak na puting bato. Sumunod si Lara at ubos-lakas din niyang itinapon ang hawak na bato. “You didn’t say your wish,” komento ng binata. “I said it in my mind,” sagot ng dalaga. Malayong magkatotoo ang kanyang wish, sa isip niya. Inilatag ni Gideon ang beach towel sa buhanginan at binuksan ang bote ng champagne saka naupo silang dalawa. Sinalinan ng binata ang dalawang goblet saka ibinigay sa dalaga ang isa. “For the success of your mission,” seryosong wika ng binata. "For my success, cheers" masayang wika ni Lara. Halos isang lagok lang ang ginawa ni Lara sa alak. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang init nito. Napatingin si Lara kay Gideon. Nakatitig ito sa kanyang mga hita na nakalitaw sa suot niyang maiksing cover-up. Muling nagsalin si Gideon sa kanilang goblet ng ilang beses at ang ginaw na dala ng simoy ng hangin ay napalitan ng mainit na pakiramdam. Lumapit pa ng upo si Gideon kay Lara at umakbay sa dalaga. Habang umiinom ay naglalakbay ang mga kamay ni Gideon sa ilalim ng cover-up ni Lara at pinipisil-pisil ang dalawang bundok ng dalaga. Nagpaubaya naman ang dalaga dahil kasama sa mga condition ni Gideon na sa loob ng tatlong araw ay ang binata ang masusunod at susunod siya sa lahat ng nais nito. Ipinatong ni Gideon ang kanyang baba sa balikat ng dalaga, “Lara,” mahinang wika nito. “Hmm,” Nilingon ni Lara ang binata. Nakiliti siya ng tudyo-tudyuhin ng labi ni Gideon ang kanyang balikat. Nagtama ang kanilang mga mata ng mag-angat ng ulo ang binata. “Will you miss me?” mahina at madamdaming wika ng binata. Iniwas ni Lara ang mga tingin, itinuon niya ang atensiyon sa mga alon sa dagat. “Rey, agreement is agreement. Wala na tayong pakialam sa isa’t-isa pagkatapos ng tatlong araw.” “Hindi ko nakakalimutan yan,” malungkot na wika ni Gideon. “At mas lalong hindi ko makakalimutan ang mga ginawa natin.” Naglumikot ang dalawang kamay nito sa ilalim ng suot na cover-up ng dalaga. Napakislot si Lara ng dumako ang palad nito sa ibabaw ng kanyang panty. “Rey, don’t. Nasa labas tayo,” babalang wika ng dalaga ngunit ang kanyang katawan ay nakakaramdam ng pananabik at antisipasyon sa nais ipahiwatig ni Gideon. “Let’s go back,” wika ng binata at mabilis na iniligpit ang nakalatag na tuwalya. “mas masarap kapag malambot ang kama,” pilyo at nakangising wika nito. Nakatulugan ni Lara ang kanyang imahinasyon sa nakaraan at napatingin siya sa kanyang wristwatch ng magising siya. Tanghali na pala kaya kumakalam na ang kanyang sikmura. Bumangon siya at mabilis na nag-shower saka nagbihis pagkatapos. Isang white jeans at blue polo shirt ang suot niya. Hindi na siya kagaya ng dati na naka-make up at laging nakapang-rampa na porma. Hindi na rin siya model at ayaw niya rin na may makakilala sa kanya. Maiksi na rin ang kanyang buhok at nadagdagan na ang timbang niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Thirty years old na pala siya at ang twenty two inches niyang waistline dati noon ay twenty eight na ngayon. May hubog pa din ang kanyang katawan pero lumapad na ang kanyang balakang, lumaki ang boobs at nagka-cellulite na. Wala na ang perfect figure niya na hinangaan dati ng mga lalaki. Bumaba siya sa restaurant ng hotel para kumain. Abala ang kanyang isip habang kumakain. Maghahanap siya ng murang condo o apartment na matitirahan. Bibili din siya ng second hand na sasakyan kaya kailangan tipirin niya ang kanyang pera dahil wala pa siyang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD