Blue baby

2092 Words
Pagod na naupo si Lara pagkagaling niya sa paghahanap ng bahay na matitirahan. Natagalan siyang maghanap ng murang apartment na kaya lang ng kanyang natitirang pera. Naalala niya ang kanilang mansion, napakalawak nito at mag-isa na lang ang kanyang ama na nakatira roon. Muli na naman siyang inusig ng kanyang konsensiya. Natiis niya ang kanyang ama ng limang taon. Mahal na mahal siya ng kanyang ama at lahat ng kanyang nais ay sinunod nito. Pinili niya ang pagmomodelo sa halip na tumulong sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Nasa elementarya pa lang siya ng mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso kaya ang kanyang ama ang nagtaguyod sa kanya. Lumaki siyang may gintong kutsara sa bibig at sunod sa lahat ng layaw. Ibinigay nito ang kanyang kahilingan at muling nanumbalik sa kanyang alaala ang nakaraan. Pinuntahan niya kaagad ang kanyang ama pagkatapos niyang makumpirma na buntis na siya. "Papa, I'm pregnant. Siguro naman ay puwede mo ng ibigay sa akin ang hinihingi ko." Ngumiti ito at nakita niya ang katuwaan sa mga mata nito. "Really! Congratulations. Anak, take care of your baby lalo na daw pag nasa first trimester ng pagbubuntis," paalala pa sa kanya ni Don Ramon. Ipinagkibit balikat ni Lara ang sinabi ng kanyang ama. Ang gusto niyang masiguro ay ang perang ibibigay ng kanyang ama. "Papa, ang usapan natin kapag nagbuntis ako, ibibigay mo na ang hinihingi ko." "I will. I never forgot our deal," wika ng Don kasabay ng isan tango. "Alam na ba ni Gideon na buntis ka?" Kumunot ang noo ni Lara at napasimangot siya. "Hindi naman kailangan malaman pa niya. Sinunod ko na ang gusto n’yong si Gideon ang maging ama ng ipagbubuntis ko. What I'm after for is our deal. I wanna see my money in my bank account," wika ng dalaga. Pagkatapos kasi ng three days stay nila noon sa resort ay iniwasan na niya ang binata. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag nito. Ang alam ng ama ay napapayag niya si Gideon bilang sperm cell donor. "Okay. You'll have it. Basta promise me na aalagaan mo ang magiging apo ko." wika ng kanyang ama. Bago pa mahalata ang kanyang pagbubuntis ay itinodo na ni Lara ang pakikipag-gimikan sa kanyang mga kaibigan. Dahil plano niyang magkulong sa kanilang mansiyon kapag malaki na ang kaniyang tiyan. Nasa ikatlong buwan na siya ng pagbubuntis ay panay pa rin ang disco hopping niya at pakikipag-party. Isang kamay ang humila sa kanya mula sa dance floor. "Lara. What are you doing?" Nagbabaga ang tingin sa kanya ni Gideon. "Hindi mo ba alam na masama sa buntis ang ginagawa mo? Ha!" Dinig niya ang sigaw nito kahit malakas ang tugtog sa loob ng disco house. "Ano bang pakialam mo?" sigaw din ni Lara sa binata at tinabig niya ang kamay nito ngunit mahigpit ang hawak nito at napangiwi siya. "Let go off me!" sigaw niya uli rito. Walang abog-abog na binuhat siya ni Gideon. Nagpapalag siya ngunit malakas ang binata na para lang siyang batang pinasan sa balikat nito. Pinagtinginan sila ng mga tao at pinigil sila ng security guard. "Sir, saan ninyo siya dadalhin?" Nakaharang ang guard sa kanilang daraanan. "She's my wife. She's drunk so I'm taking her home. Tabi diyan!" asik ng binata sa guwardiya an agad namang nagbigay ng daan "Gideon Rey! Ibaba mo ako!" palahaw ni Lara. Pinagpapalo niya ng kamay ang likod nito. Ngunit hindi siya pansin nito at tuloy-tuloy lang hanggang makarating sila sa parking area. "I have my own car. Let me go!" Ibinaba siya ni Gideon pero hawak pa rin ang isa niyang kamay habang binubuksan ang kotse nito. "Get… inside!" matigas na utos ng binata ngunit hindi kumikilos si Lara. "I said get inside!" gigil na sabi nito. Napatingin si Lara sa mga mata ng binata. Ang malamlam nitong mga mata ay nagliliyab sa galit. Sasagutin pa sana niya ito ng makaramdam siya ng pagkahilo. Pumasok siya sa kotse at pasalampak na naupo. "Alam mo ba ang ginagawa mo? Ha? Lara?" Mahina ngunit halatang nagpipigil ng galit ang binata habang ikinakabit sa dalaga ang seat bealt. "Bakit ka ba nakikialam? Tapos na ang duty mo!" singhal ni Lara kahit nakapikit ang mga mata. Nag-iba ang kanyang pakiramdam at wari bang maduduwal siya sa hilo. "Dapat akong makialam dahil anak ko ang ipinagbubuntis mo!" pasinghal ding sagot ng binata at pagkatapos ay isinarado ang pinto ng sasakyan saka lumigid sa driver side. Hindi na kumibo si Lara at sumandal sa upuan dahil umiikot na talaga ang kanyang paningin. Ngunit biglang umalagwa ang pinipigilan niyang pagsuka. “Jesus Christ, Lara.” Hinagilap ni Gideon ang paper tissue sa likuran ng sasakyan ngunit hindi ito sumapat sa kalat ng lasing na dalaga. Pagkatapos ay nanlalatang sumandal uli si Lara sa upuan, “Please take me home, Rey.” Tiningnan siya ng matalim ni Gideon ngunit hindi ito nagsalita. Tahimik at tiim-bagang ang binata habang nagmamaneho ng sasakyan.. Nagising si Lara na magaan ang kanyang pakiramdam at parang kay haba ng naging tulog niya. Iginala niya ang paningin, wala pala siya sa kanyang kuwarto. Mas lalong nagtaka siya dahil panlalaking pantulog ang kanyang suot. Bigla siyang napabalikwas, nasa condo siya ni Gideon. Lumabas siya ng kuwarto at hinanap niya ang lalaki. Tumuloy siya sa kusina ng marinig niyang may nagluluto. Nadatnan niya si Gideon na nakatalikod at abala sa piniprito nito at walang suot na pang-itaas. Naka-pajama lang ito at litaw ang maskulado nitong likod. Hindi maitatatwa na biniyayaan ang lalaki ng matikas na katawan at tangkad, idagdag pa ang mestizo look nito. Pero walang epekto kay Lara ang karisma ng lalake kahit pa maraming beses siyang naangkin nito. Napatingin siya sa kanyang suot. Suot niya ang pang-itaas ng pajama ni Gideon at naka-underwear lang siya. “s**t,” napamura sa isip si Lara. May nangyari na naman ba sa kanila? Bigla siyang nanggigil at akmang susugurin niya si Gideon ng ito'y lumingon. "Hi, tamang-tama ang gising mo. Magla-lunch na tayo," nakangiting wika ni Gideon. Wala na ang galit nito na kagabi lamang ay parang sasabog na bulkan. “Please sit down.” Ipinaghatak pa siya ng silya ng binata. Napilitan ang dalaga na lumapit at naupo dahil kumakalam na ang kanyang sikmura. Ngunit hindi pa rin maalis ang inis niya. "Gideon Rey, anong ginawa mo sa akin kagabi?" "Binihisan kita. Why?" Kunot ang noo si Gideon pero nakangiti ang mga mata nito. "Dapat hinayaan mo akong matulog na suot ang damit ko,” mataray na wika ni Lara. Naupo si Gideon sa katabing upuan at hinarap si lara, “Miss Salduvar, basang-basa ang damit mo ng sarili mong suka.” “Sorry, nadumihan ko pa ang sasakyan mo.” Inilayo ni Lara ang tingin dahil napahiya siya. “Next time,’wag mo ng uulitin ang maglasing. Masama sa baby natin yan.” Tumayo uli si Gideon at nilagyan ng plato, kutsara’t tinidor sa harapan ang dalaga. “Pero binosohan mo pa rin ako.” Mataray na tinitigan ni Lara si Gideon at pinandilatan. "Ano pa ba ang bobosohan ko sa’yo? Nakita ko na at nahalikan ang lahat sa'yo," prankang wika ng binata habang naglalagay ng piniritong ham sa plato ng dalaga. Pinamulahan ng pisngi si Lara sa sinabi ng kaharap. "Stop it. Nasa hapag tayo." Pinanlisikan niya ng mga mata ang binata. Nakangising yumukod ang binata at inilapit ang mukha sa dalaga, "For your info, I don't make love to a log. But if you want it now, I'm at your service. I missed it, baby." Sabay kindat ni Gideon kay Lara sabay pisil sa mga hita nito. Naiinis naman na tinabig ng dalaga ang kamay ng lalake. "I'll get a shirt, please eat." Tumalikod na si Gideon at muling lumingon.“Ninakawan nga pala kita ng halik kagabi," pahabol na wika nito. Kahit inis ay nilantakan ni Lara ang pagkain dahil gutom na gutom siya. At masarap ang luto ni Gideon Rey. Nakasuot nang sando si Gideon ng bamalik ito. Kumuha ito ng juice mula sa refrigerator at nagsalin sa isang baso saka inilapag sa harap ni Lara. "Here, fresh mango juice, maganda sa'yo yan." "Wala bang kape?" wika ng dalaga dahil wala siyang hilig sa mango juice. "Nope. At kung meron man ay hindi kita bibigyan," wika ng binata na nagsimula na ring kumain. "Siyanga pala, kailan ang next pre-natal check up mo?" Inabutan uli ni Gideon ng ham at tinapay si Lara. "Hindi pa ako pumupunta." sagot ni Lara na patuloy lang sa pagnguya. Gulat na napatingin si Gideon sa kaharap. "You mean, hindi ka pa nagpapa-check up kahit kailan?" Muling kumunot ang noo ng binata at nangalit ang mga bagang nito. Umiling naman si Lara, “Not even once.” "My God, Lara." Ginulo-gulo ng binata ang sariling buhok sa sobrang pagkadismaya. "Three months na ang baby natin sa tiyan mo pero hindi mo pinapa-check up sa doctor." Napabuga ito ng hangin at nakapikit na tumingala, halatang nagpipigil ng galit. "Sasamahan kita sa OB-Gyne clinic ngayon. And don't argue anymore." Itinuloy na nito ang pagkain at hindi na kumibo. Isang rason kung bakit hindi pumupunta ng doctor si Lara ay dahil ayaw niyang malaman ng ibang kakilala ang kalagayan niya. Wala siyang nagawa ng dalhin siya ni Gideon sa clinic ng kanyang Tita Agnes. Kapatid ito ng kanyang ama. "So, it's true na buntis ka nga." natutuwang wika ni Dra. Agnes. "Kailan ba ang kasal?" nakatingin ang kanyang tiyahin sa kanilang dalawa ni Gideon. Mabilis ang naging sagot ni Lara. "Tita, hindi porke't buntis ako ay kailangan na namin na magpakasal." Ngumiti ang nagulat na doktora sa naging sagot ni Lara. "I'm sure natutuwa si kuya Ramon dahil at last magkakaapo na siya." Napatingin din ito sa walang kibong si Gideon. Ipinagpatuloy nito ang ginagawang ultrasound sa dalaga. Napakunot ang noo nito habang ginagawa ang ultrasound kay Lara. "Lara, you have to take care of your baby. I notice some erratic heartbeat," sabi nito pagkatapos ma-ultrasound si Lara. "Magpe-prescribe ako ng vitamins and I'll require you to see me monthly." "Tita, gusto ko sa bahay mo na lang ako puntahan, puwede?" wika ni Lara. Ayaw niyang ma-exposed sa mga tao at mapag-usapan. Nagtatanong ang mga mata ng kanyang tiyahing doktora. “Well, as you wish.” Tumingin din ito kay Gideon. "Thank you, Tita. Complicated lang kasi ang situation namin at ayokong mapag-usapan." Nakatingin si Lara kay Gideon at waring nagpapasaklolo. “Doc, Ano po ang dapat gawin para maalagaan ni Lara ang baby namin?” tanong ni Gideon. Hindi niya pinansin ang nagtatanong na tingin ng doktora. Ang importante sa kanya ay ang nasa sinapupunan ni Lara . Sa paglipas ng mga buwan ay lumaki na ang tiyan ni Lara. Hindi na siya lumalabas ng bahay at lahat ng pre-natal check-up niya ay sa bahay din ginagawa ng kanyang tita o sa bahay ng huli. Dumalas ang dalaw sa kanya ni Gideon na nagdadala ng kung anu-anong prutas at ito pa mismo ang nagpapaalala sa kanya sa oras ng pag-inom ng kanyang vitamins. Naiinip man siya sa kanyang pagbubuntis ay kailangan niyang tiisin para sa katuparan ng kanyang plano. Nasa seven months na ang kanyang tiyan ng tapatin silang dalawa ng kanyang tita. "Lara, your son is a blue baby." "Are you sure, Tita?" Kinabahan si Lara dahil alam niya ang ibig sabihin ng blue baby. "He has congenital heart defect or defect in major blood vessels. Maaaring may butas siya sa puso. Kailangan niya ng agarang medical attention sa oras na maipanganak mo siya," seryosong pahayag ng doktora. "Doc, baka naman may paraan pa," wika ni Gideon. "baka puwede pang makarecover si baby." Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. "Samahan natin ng dasal na maging matibay at healthy ang inyong baby." Ito na lamang ang nawika ng doktora. Nagkatinginan sina Gideon at Lara. Unang bumawi si Lara ng tingin dahil parang nanunumbat ang mga titig ng binatang abogado. "Lara Regina! Is that you?" Biglang nagising ang diwa ni Lara sa narinig. Napatingin siya sa nagsalitang babae at nakangiti ito sa kanya. "Pardon?" wika niya dito. "Lara, you're back." excited na wika ng kanyang kaharap. Hindi agad makakibo si Lara. Namumukhaan niya ang babae at maaring nakahalubilo niya ito dati. “Ako si Mimi. Designer ng Ruja Fashion. Do you remember?” masayang nagpakilala ang kanyang kausap. "Sorry, Ma'am. I'm not Lara." matipid siyang ngumiti sa kausap at saka tumayo. Kinuha niya ang kanyang pitaka at nag-iwan ng bayad sa mesa. Walang lingon-likod niyang iniwan ang kausap. Lumabas na siya ng restaurant, dapat na talaga siyang makalipat sa bago niyang tirahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD