"Enough of your alibis, Andrea. Hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan ko ng iniwan mo akong mag-isa sa Paris." Napaiyak na sa galit si Lara. Gusto niya itong sigawan pero nasa loob sila ng isang restaurant at ayaw niyang makatawag pansin. "Lara, please listen to me. I didn't want to leave you. I was just pressured." Isang maamong Andrea ang kaharap ni Lara. At hindi na rin ito katulad ng dati na sexy at glamorosa. Lumapad na rin ito, in fact mas malaki pa sa kanya at napansin niyang tinutubuan na ito ng manipis na bigote. "Pressured?... By whom?" nagdududang tanong ni Lara sa kaharap. Ayaw na niyang paniwalaan pa ito simula ng iwanan siya nito. "Lara, kung hindi ko tatanggapin ang alok ng iyong Papa noon ay sasabihin niya sa mga magulang ko ang relasyon natin. May malalang sakit ang M

