Just for Mikey

2227 Words

Dahil ayaw iwanan ni Mikey si Lara ay minabuti ni Gideon na sa Salduvar mansion matulog para samahan ang anak kinagabihan. Tulog na si Mikey pero hindi siya makatulog. Pumunta siya sa attic at bumaba sa bubong ng second floor. Maraming ala-ala ang mansiyon na ito. Mula pagkabata hanggang sa magka-isip siya. At si Lara ay bahagi ng mga iyon. Muling bumalik ang ala-ala ng kanilang kamusmusan. "Hoy, Rey. Andito ka lang pala," wika ng batang Lara habang dahan-dahan na humahakbang sa ibabaw ng bubong. "Bakit ka umiiyak?" "Hindi ah," sagot ng batang Gideon na patagong pinunas ang mga luha. "Hindi? Umiiyak ka," wika ng batang Lara ng umupo ito sa kanyang tabi. "Naiinis kasi ako. Malapit na ang parents day. Tutuksuhin na naman ako ni Gilo na walang Tatay," lulugo-lugong wika ng batang Gideon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD