“Reporting for duty, Sir.” Dalawang bata pang investigation agents ang sumaludo sa opisyal. Isang lalake at isang babae na nasa mababang ranggo pa. Sinaluduhan din ito ng opisyal. Tumayo ng tuwid si General Tordis sa harap ng dalawang ahente. “Agent Razul, Agent Ragos.” “Sir! Yes Sir!” magkasabay na wika ng dalawang ahente na tuwid na tuwid din sa kinatatayuan. “You two have an important assignment,” wika ng heneral at saka binalingan si Gideon, “Attorney, magbibigay kami ng update sa inyo bukas. For the meantime, I have to talk to these people.” Nagpapahiwatig ng pagtatapos sa kanilang pag-uusap ang heneral. Tumayo na si Gideon, “General. Aasahan ko yan.” “Makakaasa ka, Attorney.” Tinapik-tapik ng heneral ang balikat ni Gideon, “Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.” Mal

