Makalipas ang isang buwan na pamamalagi sa hospital ay nakauwi nang bahay si Gideon Rey. Naging abala si Lara sa pag-aasikaso kay Gideon, mula sa araw-araw na medication hanggang sa pagmonitor ng therapy nito at sinisiguro niya na kumpleto sa oras ang tulog nito. Araw-araw niya itong kasama sa bahay man o sa doktor at napatunayan niya sa sarili na masarap pala sa pakiramdam ang magsakripisyo para sa taong minamahal. Araw-araw niya itong dinadala sa garden tuwing umaga para makasagap ng preskong hangin at magpa-araw. Hindi pa rin bumabalik ang ala-ala nito na labis niyang ikinabahala. Hindi pa rin puwede ilakad ang dalawang paa ni Gideon dahil pinaghihilom pa ang operasyon sa buto nito na nilagyan ng bakal. "Lara, anong favorite color mo?" biglang wika ni Gideon. Napatigil sa pagtulak n

