Reminish

2046 Words
"Kaya ako nandito Tita para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. Please, Tita. Forgive me." Animo'y nagdarasal si Lara sa harap ng tiyahin sa paghingi ng tawad ngunit isang matalim na tingin lang ang ipinukol sa kanya nito. Naagaw ang atensiyon nila ng may nagmamadaling doktor na pumasok sa loob ng kuwarto ni Don Ramon. "Ang Papa." Mabilis na bumalik papasok ng kuwarto si Lara kasunod ang kanyang tiyahin. Abot-abot ang kanyang kaba at panay ang dasal. 'Wag n’yo po munang kunin ang Papa ko Lord. Pakiusap.' Patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha. Nagsisikip ang dibdib niya sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang ama. Kinunan ng blood pressure si Don Ramon ng pumasok na doctor at agad may ipinainom ito sa kanya. “How is he, Doctor?” tanong ni Agnes na nag-alala rin sa kalagayan ng kapatid. “His blood pressure was elevated. Don’t worry, it’s already back to normal.” Tumalikod na ang doctor pagkawika nito at naiwan ang nurse na inaayos ang dextrose ng Don. Tumaas ang blood pressure ni Don Ramon dala ng excitement nito sa muling pagkikita nilang mag-ama. Hindi umalis sa tabi ng ama si Lara at maghapon niyang sinamahan ito kahit may private nurse na 24/7 nakabantay dito. Sinubuan niya ito ng pagkain at kitang-kita niya ang pagsigla ng kanyang ama. Medyo madali itong mahapo kaya iniwasan niya itong kausapin tungkol sa ilang mga bagay kahit gustong-gusto na niyang itanong. "Anak," mahinang tawag ng Don. Lumapit si Lara at naupo sa gilid ng kama ng ama saka inayos ang unan sa ulo nito. "Yes Papa. May gusto kayo?" "Nagkita na ba kayo ni Gideon? Nakita mo na ba si Mikey?" mahinang sambit ng kanyang ama. Tumahip ang dibdib ni Lara sa sinabi ng ama. Nahulaan nito ang laman ng kanyang isip. Takot at pagkasabik ang kanyang nadarama. Plano sana niyang puntahan si Aling Lourdes ngunit dahil sa kalagayan ng ama ay ipinagpaliban muna niya ang kanyang plano. "Not yet, Papa," malungkot niyang sagot. Naglalaro sa isip niya ang mukha ng anak, ang cute na dimple nito at ang mga matang parang nangungusap. Gusto niyang masilayan ang mga ngiti nito, mayakap ito. Naninikip ang dibdib niya sa pagkasabik. "Anak, humingi ka ng tawad kay Gideon," malumanay na wika ni Don Ramon. Pangamba ang nararamdaman ni Lara. "Mapatawad kaya niya ako, Papa?" malungkot niyang tanong. Waring nagpapahiwatig siya ng saklolo mula sa ama. "Mabait si Gideon, Lara," mahinang wika ng ama. Napalunok si Lara. Tama ang kanyang Papa, mabait si Gideon kaya mahal ito ng kanyang ama. Ngunit siya? Hindi yata siya mabait dahil nagawa niyang abandonahin ang kanyang mga mahal sa buhay kapalit ng kanyang mana at kaligayahan. At sa kanyang ginawa ay kahit sinong mabait ay magagalit. "Papa, hindi kita masasamahan ngayong gabi. Isasaayos ko pala ang mga gamit sa apartment ko." Magulo pa kasi ang bago niyang tirahan dahil inuna niyang puntahan ang ama. "Ayaw mo na ba sa bahay natin, Anak?" may himig tampo na tanong ni Don Ramon. "Ha, eh, nakapagdown na po ako. Sayang naman," katwiran niya sa ama. Siyempre gusto niyang umuwi sa dati niyang tirahan dahil nandoon ang magagandang ala-ala ng kanyang pamilya. "You can cancel the rental contract. Please, Anak. Para magkasama na tayo," himig naglalambing na wika ng Don. Napangiti si Lara dahil dati-rati ay siya ang naglalambing sa kanyang ama para pagbigyan ang mga hiling at luho niya. "Sige Papa, magpalakas ka para makauwi tayo agad sa bahay." Malambing niyang niyakap ang kanyang ama. Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Don Ramon, "Really? Thank you, my Princess." Pagkatapos niyang bihisan ang ama ay nagpaalam na siya rito at ibinilin niya ito sa nurse. Papalabas na siya sa pasilyo ng hospital ng may mamataan siya na naglalakad papasok ng main entrance. Naka-maong jeans ito at long sleeve polo at may bitbit na basket ng prutas. Si Gideon Rey. Sumikdo ang dibdib ni Lara at napatago siya sa gilid ng isang vendo machine. Sinundan niya ito ng tingin ng makalampas sa kanyang pinagtataguan. Hindi niya mawari ang kanyang naramdaman, pangamba at pananabik ng makita si Gideon. Bakit parang lalo itong gumandang lalaki at hindi nagbago ang matipunong hubog ng katawan. Kitang-kita pa niya kung paano ito sinundan ng tingin ng mga babae sa may pasilyo at ng mga nasa information counter. Bigla siyang nanabik ng makita si Gideon ngunit napalitan ng pangamba ang kanyang pagkasabik ng maalala ang kasalanan niya rito. Tuluyan na siyang lumabas ng gusali dahil hindi pa siya handa na harapin si Gideon. Sa hospital: "Papa Ramon, kumusta na po ang pakiramdam nyo?" bati ni Gideon sa maysakit. Napansin niyang maaliwalas ang mukha nito at mukhang masigla ang Don. "Maayos ako, Iho. Salamat. Kumusta ang negosyo?" masayang tanong ng may sakit. "Maayos ang takbo ng negosyo, Papa Ramon. And guess what?" Abot-tainga ang ngiti ni Gideon. "We closed a five-year contract with Zenith Power Corp." "Really! Congratulations Iho. The best ka talaga," masayang wika ni Don Ramon. Pakiramdam niya ay wala na siyang sakit. Magagandang balita ang mga natatanggap niya. "Congratulations to us, Papa Ramon.” Ginagap ni Gideon ang palad ni Don Ramon at ipinatong sa likod ng palad ang isa pa niyang kamay. Palatandaan ng mataas niyang respeto sa matanda. "You're still the best for me dahil ikaw yata ang mentor ko." "Masipag ka lang talaga,” wika ng Don. “Ah - Gideon," nagdalawang-isip ang may sakit sa sasabihin. Naghihintay naman si Gideon, "Ano po ‘yon?" Nakita niya ang pag-atubili sa mukha ng matanda. "B-bumalik na si Lara," wika ni Don Ramon. "Dumating? Si- Lara?" gulat na tanong ni Gideon. Biglang pomormal ang mukha ng binata at nabuhay ang galit sa dibdib niya. Pilit siyang ngumiti dahil nakikita niya sa mata ni Don Ramon ang kasiyahan. "Gideon, iho. Patawarin mo na si Lara. Nagsisi naman na siya," malumanay na wika ni Don Ramon. Batid niya na mabigat ang kasalanan ni Lara kay Gideon at sa kanyang apo. "Magpahinga na po kayo. Pasensiya na po at hindi ako puwede magtagal. Susunduin ko pa si Mikey sa school," paiwas na wika ni Gideon Rey. Hindi pa niya alam ang isasagot sa pagkakataong ito. "Sige," malungkot na wika ni Don Ramon pero nauunawaan niya si Gideon. Lihim niyang dasal na sana ay magkaroon ng buong pamilya ang apo niyang si Mikey. Mabigat ang mga hakbang ni Gideon palabas ng hospital. Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isip sa pagbabalik ni Lara. Pagkatapos ng limang taon na wala siyang komunikasyon sa ina ng kanyang anak at kahit isang beses at hindi ito nagparamdam sa kanila. Bumalik ang galit sa kanyang dibdib ng marinig niya ang sinabi ni Don Ramon na dumating na ito. Hindi niya alam kung kaya pa niyang patawarin si Lara. Ang kanyang kababata, kaibigan at bukod-tanging babae na minahal niya at nanakit ng damdamin niya. Bumalik sa kanyang alaala ang masasaya at malungkot nilang nakaraan. Fifteen years ago......... "Rey! Paunahan tayo sa base!" excited na wika ng dalagitang Lara. Mabilis ang patakbo nito ng hovertrax. Pasalubong ito ni Don Ramon sa kanila na galing Amerika at tig-isa sila ni Lara. "Hey! Masyado kang mabilis. Hinay-hinay lang!" nag-aalalang habol niya sa dalagita. Patpatin pa siya noon at tampulan siya ng tukso ng dalagita. “Hindi mo kaya. Baka liparin ka ng hangin,” kantiyaw sa kanya ng dalagita. Masyadong malakas ang loob ni Lara at sobra ang excitement nito sa bagong libangan. Masaya silang nagpa-ikot-ikot sa basketball court, naghahabulan habang sakay ng hovertrax. Para silang mga bata na enjoy na enjoy sa ginagawang karera. "Ay!" sigaw ng na-out- balanced na si Lara dahil sa ginawa nitong biglang pag-ikot. Ngunit mabilis ang kilos ni Gideon na kasunod lang ng dalagita. Nasalo niya si Lara at yakap niya ito ng bumagsak siya sa semento sa gitna ng basketball court. Hindi ang sakit ng siko na nasugatan ang naramdaman ni Gideon Rey kungdi ang mabilis na t***k ng kanyang puso habang yakap ang dalagita. Ang kinikimkim niyang damdamin ay umalagwa bigla habang nakatitig sa labi ng dalagita. Parang magnet na dumikit ang mga labi niya sa mga labi nito at ilang segundo siyang pumikit at dinama ang malambot na labi ng kababata. Isang malalim na kurot sa tagiliran ang nagpamulat at nagpaigtad kay Gideon. Isang galit na galit na Lara ang yakap niya sa ibabaw ng kanyang dibdib. "You’re rude! You kissed me!" Pagkatapos ay bumangon ang dalagita at tumakbo papasok ng bahay. Patakbo rin itong sinundan ni Gideon. "Lara, I'm sorry." Malilintikan siya kapag nagsumbong ito sa kanyang ina at kay Don Ramon. Naabutan niya ang dalagita sa music room. Nakasimangot ito at matalim na nakatitig sa kanya. "Go away!" "Lara, sorry na. Please, magpapaliwanag ako." nag-aalalang wika ng binatilyo. Kung takot siya sa galit ng nanay niya at ni Don Ramon ay lalong ayaw niyang magalit si Lara sa kanya. "Lara," lumuhod siya sa harapan nito, "please, forgive me. Hindi ko na uulitin." "I said, go away!" sigaw ng dalagita na binato pa siya ng throw pillow. Nagsisisi siyang lumabas at nagmukmok na rin sa kuwarto niya. Ilang araw siyang hindi kinakausap ni Lara at iniismiran siya nito sa tuwing magtatama ang kanilang mga paningin. Hindi naman ito nagsumbong kay Don Ramon at sa nanay niya pero hirap na hirap na ang kalooban niya sa pang-i-snob nito sa kanya. Wala ring nahalata ang nanay niya at si Don Ramon dahil sa tuwing kakausapin sila ay kaswal pa rin silang sumasagot sa harap ng mga ito. Ngunit wala na ang dating makulit at nakangiting Lara kapag kausap niya. At hindi niya kaya ang kasalukuyan nilang sitwasyon. "Lara, puwedeng pumasok?" wika niya habang nakatayo sa may pintuan ng kuwarto ng dalagita. "Nakapasok ka na ah," pabalang at taas-kilay na wika ng dalagita sa kanya. Nasa harap ito ng study table at mukhang abala sa pag-aaral dahil nakakalat ang mga libro sa mesa. "Lara, magbati na tayo. Please," nangungumpisal niyang wika sa dalagita. Tumayo ito at nakapamaywang na hinarap siya. "Gusto mo talagang magbati tayo, ha?" Tumango naman siya dahil ayaw niyang magtagal na hindi sila magkabati ni Lara. Makahulugan ang ngiti ni Lara habang nag-iisip at nakaturo ang hintuturo sa isang sentido. "Sige. In one condition," wika nito sa kanya. "Kahit ano," mabilis niyang sagot. Kahit na anong kundisyon ay handa siya huwag lamang tuluyan na magalit si Lara sa kanya. "Mula ngayon, ikaw ang gagawa ng lahat ng assignments at projects ko sa school," wika ng dalagita. Tumalikod ito at nahiga sa kama. "Do it now." utos nito na itinuro ang nakakalat na mga libro sa kanyang study table. Lumapit si Gideon sa study table na katabi ng kama ng dalagita. "Lara, alin ba dito ang mga assignments mo?" tanong niya dahil lahat ng libro nito ay nakalabas. "Lara," tawag niya uli. Subalit parang wala itong naririnig. Napatingin si Gideon kay Lara, nakadapa ito at may nakapasak na ear pods sa tainga at mukhang enjoy sa music na pinakikinggan. Inisa-isa niya ang mga notebooks ng dalagita at nakita niya na Math at Science ang assignments nito. Alam niyang pinakaayaw na subjects ang mga ito ni Lara. Binasa niya ang assignments at libro saka sinagutan ang mga ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag niya ang dalagita. "Lara, halika. Explain ko sa'yo. Lara." Tinapik niya ang balikat nito ngunit hindi ito kumikibo. Tulog na pala at mahinang humihilik pa ito. Inayos niya na lamang ang mga gamit ng sabag at iniwan na ito. Saglit niyang tinitigan ang natutulog na kababata bago tumayo at umalis. Masaya na siya at least bati na sila. Lumipas ang mga taon na halos sa kanya iniasa ni Lara ang paggawa ng lahat ng projects at assignment sa school. Bumalik naman ang dati nilang pagiging magkaibigan hanggang maka-graduate na sila ng senior high school. Palibhasa laki sa layaw kaya parang wala itong pakialam sa mga grades. Samantalang siya ay ibayong pagpupunyagi ang ipinakita niya sa pag-aaral dahil gusto niyang patunayan kay Don Ramon na wala siyang sinayang sa pagpapa-aral ng huli sa kanya. At isa pa ay gusto niyang magkaroon ng sariling bahay para sa kanilang mag-ina. Ngunit ang kinikimkim niyang pagtatangi ay lalong nagsumidhi sa paglipas ng panahon. Seventeen na sila pareho ni Lara at pareho na silang nasa first year college. Mas lalo itong gumanda at tumangkad, namumukod- tangi sa university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD