Ala-ala ng Nakaraan...
Sa malawak na bakuran malapit sa dalampasigan. Nakahandusay ang mahahabang banig kung saan nakakalat ang iba’t ibang uri ng isdang pinapatuyo. Hapon na, at bagama’t papalubog na ang araw, nananatiling matindi ang init na tumatama sa balat. Makikita rin sa di-kalayuan ang tambak ng mga lumang kawayan, dahon ng nipa, at mga kasangkapang matagal nang hindi nagagalaw—mga gamit sa paggawa ng banig at iba pang produktong gawang-kamay na dating ikinabubuhay ng buong komunidad.
Nang umagang iyon, abala ako sa pag-aayos at pagkakalat ng mga isda. Basang-basa ang aking damit, puno ng kaliskis at amoy ng tubig-alat. Ang aking mga kamay ay magaspang na at may mga galos dulot ng matagalang pagtatrabaho. Hinihingal ako at madalas na pinupunasan ang tumutulong na pawis na umaagos mula sa aking noo pababa sa aking leeg at dibdib. Sa bawat pagkilos, damang-dama ko ang hapdi ng aking likod at braso, ngunit patuloy pa rin ako dahil alam kong ito ang tanging pag-asa namin.
Napabumuntong-hininga ako nang malalim at huminto sandali upang sumandal sa isang poste, habang nakatingin sa paligid.
"Hay… ilang taon na nga ba ang lumipas? Parang kailan lang, ang lugar na ito ay puno ng ingay, tawanan, at pagkilos. Dito sa aming munting bayan, ang paggawa ng mga banig, sombrero, at iba pang palamuti mula sa likas na yaman ang nagsisilbing dugo ng aming kabuhayan. Halos bawat pamilya ay may ginagawa, at kahit hindi masyadong malaki ang kita, sapat naman ito upang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan. Kasama pa noon ang aking ama, na isa sa mga ring mangingisda. Ngunit sa hirap ng buhay nang madadagdagan ang aking kapatid, napilitan ang ama ko na makipagsapalan sa Maynila. Maayos naman sana noong una, pero may pangyayaring hindi inaasahan kung saan ang hustisya ay parang perlas sa ilalim ng karagatan na mahirap makuha. Mula noon , ang aming tahanan dati na masigla ay naging kubo ng katahimikan at kalungkutan sa paglipas ng mga buwan.
Isang hapon na mainit pa rin ang sikat ng araw. Pagod na pagod akong inilalagay ang mga isda sa mga banig na nakahandusay sa lupa. Pawisan ang buong katawan ko, at halatang nahihirapan ngunit patuloy pa rin sa paggawa. Sa di-kalayuan ay makikita ang mga lumang kagamitan sa paggawa ng banig na matagal nang hindi nagagamit.
Lalong naging mahirap ang lahat. Matagal na ang nakalipas mula nang pumanaw ang itay, pero parang mabigat pa rin. Siya ang haligi ng aming tahanan, at nang mawala siya, parang gumuho rin ang lahat ng aming pag-asa. Wala na kaming mapagkunan ng kabuhayan, kaya’t napilitan akong lumapit kay Kapitan Tasyo upang magtrabaho kahit anong uri man ng gawain.
Ang trabaho ko rito ay maglinis, magdaing, at magbilad ng mga isda. Porsiyento ang aking natatanggap, kaya’t kung gaano karami at kung gaano ako kasipag, ganoon din ang halaga ng aking makukuha. Hindi ito madali at hindi rin malaki ang kita, ngunit ito na lamang ang aming inaasahan upang may makain at magamit sa pang-araw-araw.
Matapos kong matapos ang aking gawain, inayos ko ang aking mga gamit at naglakad pauwi. Mabagal ang aking paglakad dahil sa labis na pagkapagod. Papasok ako habang hinihingal pa rin. Dumiretso ako agad sa kusina upang maghanda ng pagkain. Nakita ko ang aking ina na nakaupo sa isang sulok, mukhang mahina at malungkot. Ang aking dalawang kapatid naman ay naglalaro sa isang tabi.
Nandito na po ako, ‘Nay. Magluluto na po ako ng kanin. Pasensya na po at medyo naantalan. Marami po kasing kailangang gawin ngayong araw. Ako na ho ang magsasaing. Pinadalhan po ako ni Kapita ng tablios (dilid na maliliit). Sabi ko habang nanglalagay ng bigay sa kaldero.
"Mabuti naman at nakauwi ka na, anak. Nakikita ko kung paano ka mapagod araw-araw, at nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Mula nang mawala ang iyong Ama, humina rin ang aking katawan at hindi ko na kayang tumulong sa paghahanapbuhay. Para akong pabigat na lamang sa inyo," sabi nito na nangpilit na tumayo para dungawin ako.
"Huwag na po kayong mag-isip ng ganoon, ‘Nay. Ang mahalaga ay nandito pa kayo at kasama namin. Kahit pagod, kaya ko pa naman. Ang mahirap lang, sa dami ng aming pangangailangan, at ang liit ng aking kinikita, minsan ay nahihirapan akong maghanap ng ilalagay na ulam sa aming hapag-kainan. Bilang nakatatandang anak, nasa akin ang responsibilidad na siguraduhing may makain kaming lahat, ngunit minsan ay tila hindi sapat ang lahat ng aking ginagawa.
"Ate, gutom na po kami. May ulam po ba tayong ihahanda? Hinaplos ko ang kanyang ulo nang malumanay,
"Kaunti lang, at tabios iyon, hayaan nyo ipahihimy ko kayo at saka sasarapan ko ang sabaw. Tiis muna tayo sa ngayon, ha,huwag kayong mag-alala; hahanap ko ng paraan upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain. Kayo na muna ay maglaro. Malapit nang maluto ang kanin.
Habang nagluluto, tila may malalim na iniisip na bumabagabag sa aking isipan. Lumapit ako sa aking ina at umupo sa tabi niya.
"Nay, matagal ko na po itong gustong sabihin sa inyo. Ilang beses ko na rin itong inisip at pinag-isipang mabuti. Gusto ko pong pumunta sa Maynila. Doon ko po subukang makipagsapalaran, dahil alam kong mas maraming pagkakataon doon kumpara dito sa ating lugar. Nakita ko ang gulat at nag-aalalang expression ng Inay at bahagyang nanginginig ang boses nito nang sumagot.
"Hindi, Eviona! Hindi ako pumapayag! Marami ang napapahamak sa Maynila, at hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo doon. Bukod pa rito, natapos ka lamang ng hayskul—paano ka makakahanap ng maayos na trabaho? Baka mapunta ka sa mga bagay na hindi mabuti, o baka samantalahin ka lamang ng iba. Mas mabuti na rito ka na lamang, kahit mahirap, alam kong ligtas ka. Marami ang naliligaw ng daan dahil sa hirap at pangangailangan. At higit sa lahat, natapos ka lamang ng hayskul—paano ka makakahanap ng maayos at marangal na trabaho?
Madaling madaya ang mga walang sapat na pinag-aralan, madaling samantalahin, at baka sa huli ay mapunta ka sa mga bagay na labag sa iyong kalooban at dangal. Mas mabuti pa, rito ka na lamang manatili. Kahit mahirap, kahit kulang, alam kong ligtas ka. Nandito ako, nandito ang iyong mga kapatid, at nasa tabi mo ang mga taong kakilala natin. Huwag mong ipagsapalaran ang iyong buhay at kinabukasan sa isang lugar na hindi mo pa nakikita at hindi mo alam ang tunay na mukha.
Alam ko at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang trauma at takot ng Inay , marahil ang balita ng araw na iyon tungkol sa pagkakapatay sa aking Itay ay naroon pa rin sa puso niya hanggang ngayon kahit halos tatlong taon na din ang lumipas. Marahil iyon ang dahilan kaya unti-unti rin itong nanghihinay.Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Inay saka ko siya muling kinuusap.