BIBLE

1600 Words
[KYDE FRANCIS' P.O.V.] "U-uh... D-do you still remember me?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "I don't remember you. I mean, I don’t know you perosnally. If I am not mistaken, this i the very first time that I saw you. Sino ka ba?" tanong ko. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa isinagot ko sa kaniya. Was I too rude to her? "S-sabagay. Matagal na kasi 'yon. G-gusto ko lang malaman mo na, a-ako 'yung batang babae dati na tinutulungan mo. Do'n sa bahay namin sa malapit sa mansyon ninyo dati." Nakayuko siya habang nagsasalita. I smirked. "'Wag kang gumawa ng kwento, Miss Feroce. Matalas ang memorya ko at wala akong natatandaan na may tinutulungan ako. I will go now," seryosong sabi ko at tuluyang sumakay ng elevator. *** "Kuya! May banda na kayo?" bungad sa akin ni Raven. Kinunutan ko siya ng noo, "Why are you here?" tanong ko saka umupo sa sofa rito sa opisina ko. "Wala. Bumisita lang. Anyways, anong pangalan ng banda, Kuya?" Kumikislap pa ang mga mata niya habang nagtatanong. Napailing ako. Tss. She really loves music. Laging nagfa-fan girl. "Cadewell band,” sagot ko saka ko ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Pagpikit ko pa lang, mukha ni Ellise Feroce ang nakita ko. Ugh! Dumilat ulit ako at itinoon kay Raven ang pansin. "Really? Ugh! Kuya nakakainis ka! Bakit hindi mo ako tinawag noong nag-audition sila kanina?" "Tss. Tinatamad ako. Hindi rin naman importante ‘yon.” "Don't me! You can call me naman, a? Besides, nasa sixth floor lang ako." Tapos padabog siyang umupo sa tabi ko. Naka-nguso siya at masama ang tingin sa akin. Hinila ko siya para mayakap ko at hinalikan sa pisngi. "Ven, stop it will 'ya? I know you're busy too. Lalo na at kailangan mo nang asukasuhin ang business ninyo ni Peony. Stop with being a fangirl for a while. Tsaka mapapanood mo rin naman sila in time,” paliwanag ko. She sighed and just smiled at me saka tumango at humalik din sa pisngi ko. "Alright, then. Babalik na ako sa office ko Kuya. Mag-gagawa pa ako ng designs for our new models na kinuha ni Peony,” paalam niya. Tumango ako saka siya lumabas ng office ko. Pumikit ulit ako but then mukha na naman ni Ellise ang nakita ko. s**t! What's with her? Ginulo ko ang buhok ko saka tumayo at lumapit sa lamesa ko. Binuksan ko ang laptop ko saka inasikaso na lang ang gagawin kong kontrata para sa Cadewell Band na ibibigay ko bukas. Nag-type ako ng nag-type. Nilagay ko ang mga rules and regulations, pati na rin kung ilang taon ang kontrata nila dito sa amin. Nang matapos ay lumapit ako sa printer at nag-print ng mga ito saka binasa muli. I texted my secretary at sinabihan ko siyang i-update ang Cadewell na magkakaroon ako ng appointment sa kanila bukas saka ko ibibigay ang mga schedule nila sa gigs kasama na ang kontrata. Nang matapos ay naalala ko na naman si Ellise. Her innocent face. Tss. Sinabi ba niyang tinutulungan ko siya dati noong bata kami? What the heck? Ba't 'di ko matandaan? Baka nagga-gawa lang talaga siya ng istorya. Pinilig ko ang ulo ko saka kinuha ulit ang profiles ng Cadewell. Napadako ang paningin ko sa pangalan ni Saint Bible. There's something in him. Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin kanina. Hindi siya ngumingiti, seryoso lang ang mukha niya. Tapos tinanguan niya ako imbis na magpasalamat dahil nakapasok sila rito sa kumpanya ko. Sinearch ko ang pangalan niya sa f*******:. Naka-private naman ang f*******: account ko kaya walang makakahanap sa akin bukod sa mga kakilala ko. I typed Saint Bible pero walang lumabas bukod sa isang recent na trend. It's #Bible. Pinindot ko iyon at napakarami ang lumabas. Omygee! Nakauwi na sila sa Pinas! #Bible Damn!!!! SAINTTTTT!!!! NAMISS KITAAA! #Bible The BIBLE BROTHERS are back! Welcome back to Philippines!!!! #Bible Mahal na mahal ko pa rin kayoooo! #Bible I still can't believe na narito na ulit sila sa Pilipinas! Bibles! We are breathing the same air now! #Bible Naunang nakauwi si Saint baby! Pero sumunod agad ang mga kapatid niya! #Bible What's with the Bibles? Sikat pala sila? At may mga kapatid si Saint Bible? I'm curious about this Bible. Kung may mga sikat man dito sa Pilipinas, kilala ko o kilala namin nina Cyrus. Pero itong mga Bible na 'to ay ngayon ko lang nakilala. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Aster. Baka sakaling matulungan ako nito. Lalo na at updated ang isang ‘to sa mga trendings. ["Hello, Kyde?"] "Ast, are you busy?" ["Hindi naman. Why? Do you need anything?"] "Can you go here at my office? I need help right now.” ["Sure! Give me five minutes and I'll be there. Bye!"] Napailing ako. Five minutes? Hindi naman masyadong malayo ang bar nila rito sa business building namin pero alam kong traffic. Naka-motor kasi siya at napaka-bilis magpatakbo. Kahit na walang madaanan, hahanap siya ng masisingitan. Takbong kaskasera rin ang isang ‘yon, akala mo ay hindi babae at napakarami ng buhay kung kumilos. One minute na lang ang natitira. Nag-countdown na ako sa utak ko. 9... 8... 7... 6... 5... Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. "Advanced ako ng four seconds!" biglang sabi niya at umupo sa harap ko. Umiling ako at natawa na rin. Miski siya ay alam ang oras niya. "Bilis mo,a?” natatawang sambit ko. "Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Palagi naman akong mabilis at sumusunod sa oras. So what is it now?" tanong niya sabay halik sa pisngi ko. Ganito na ang nakasanayan namin mula bata pa kami. "Do you know about these Bible Brothers?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya. "BIBLE BROTHERS?! OMYGEEEE~! Of course I know them! One of the hottest boys here in Philippines!" Halos mangisay siya sa kilig. Napa-face palm ako. Kilala pala sila ni Aster, e. Sabi ko na nga ba at hindi nahuuhuli ang isang ‘to sa mga trending dito sa Pinas. "Do you have pictures of them? Can I have some information about them? I'm curious,” sabi ko. Tumango agad siya at nilabas ang cell phone niya. Pinakita niya sa akin ang isang picture ng lalaki na naka-topless. Napa-ngiwi ako. Wala ba siyang ibang klase ng mga litrato nila? Ganito ba talaga kapag fan girl ang isang babae? "He is Stephen Bible. Siya ang panganay sa magka-kapatid. May business siya sa France dahil doon naninirahan ang mga magulang nila." May pinakita na naman siya sa akin na picture ng lalaki na may hawak na mic, "Ito naman si Scander Bible. Vocalist ang isang ‘yan dati. Napaka-galing niya talaga kumanta! Grabeee~ Tapos ngayon ay ‘di na siya kumakata kasi umayaw na siya." Ngayon naman ay isang lalaki na may hawak na gitara. Nalaman ko na agad na si Saint 'yon. "He is Saint Bible--" "Kilala ko na siya. Bandang Cadewell, right? Nag-audition sila rito kanina. They're in." Nanlaki ang mga mata niya, "Really?! Omg! I'll support them!" sigaw niya. Napailing na naman ako, "Anyways, puma-pangalawa siya sa bunso. He's really serious. Once in a blue moon mo lang yata na makitang ngingiti iyon, e. And lastly..." Pinakita niya sa akin ang lalaking naka-ngisi habang naka-uniform, "Siya si Shunrei Bible, ang bunso. College student pa lang siya. And if I'm not mistaken, nasa iisang university lang sila nina Jazzer. Isa siyang sikat na basketball player, best in swimming, and a volleyball player, pero varsity siya ng soccer dahil 'yun ang napili niya. Noong elementary, nagsi-swimming siya. Noong nag-high school siya, volleyball varsity siya the first two years then noong third and fourth year of high school niya ay basketball varsity. At ngayong college siya, soccer varsity. Ang sports!" Tinitigan ko pa lalo 'yung mukha noong Shunrei. Nakita ko na yata 'yan dati, 'di ko lang matandaan kung saan. "Thanks, Aster." "Pero ba't nga ba nagtatanong ka about them? Fan ka na rin nila?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign siya sa akin. "No. I'm just curious. That's all," sabi ko. Biglang may pumasok na naman sa office ko. Pag tingin ko, si Raven na nagtata-talon. "OMG!!! KUYAAA!!!! SI STEPHEN BIBLE!" sigaw niya. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" tanong ko. Kilala rin ba niya ang mga Bible? Itinapat niya sa akin ang cell phone niya. "Mygosh! Si Stephen Bible nag-send ng message sa company natin! He wants to be a model!" "And?" "I replied na pumunta siya rito next week para makita namin ni Peo kung pwede ba siya. Pero sa isip-isip ko, wala nang audition dahil tanggap na agad siya! Isa siyang sikat na hot model sa France and this is a very big opportunity na gusto niyang maging model dito!" masayang-masaya na sabi niya. "Kyaaaahhhh!!! I'll support Stephen too! Bible bros!" sigaw din ni Aster. Nagtata-talon sila at saka sumisigaw. Naiirita na ako, ang ingay nila. What's with this Bible? Darn. Ang ingay! Hindi ko akalain na pati ang kapatid at kaibigan ko ay mahuhumaling din sa kanila. I don’t see anything special about them. Pero mas masama ang pakiramdam ko tungkol sa kanila. Para bang sa mga itsura nila ay mga mukhang hindi gagawa ng tama. Kung pwede lang ay hindi ko na tatanggapin sa kumpanya namin ang mga ‘yon. Mga sikat pala sila sa ibang bansa ngunit bakit sa bagong negosyo pa nila gusto na mag-trabaho? Para ba magkaroon sila ng mga bagong experience? Ayoko naman na silang pag-isipan pa ng kung ano-ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD