bc

The Revenge

book_age16+
665
FOLLOW
1.4K
READ
murder
revenge
family
badboy
badgirl
gangster
twisted
bxg
realistic earth
crime
like
intro-logo
Blurb

"Our SILENCE is not weakness but the beginning of our REVENGE."

Revenge is what they need to get the justice that they wanted for their parents’ death. Will they get it? Or will they end up the same situation as their parents?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Masama ba na mangarap ang isang tulad namin nang mapayapang buhay? ‘Yong tipong walang gulo at tahimik lang na pamumuhay katulad sa ibang normal na mga tao. Gaano ba kahirap makuha ang gusto namin? Akala namin ay tapos na ang lahat at wala nang kasunod pang labanan na magaganap. Inakala naming magiging tahimik na ang buhay namin dahil natugis na ang lahat ng masasamang tao na kumakalabana sa amin. Inakala namin na magagawa na naming mamuhay katulad ng ibang normal na tao. Ang nais lang namin ay ang mamuhay nang buo ang pamilya at maramdaman ang pagmamahal ng aming mga magulang. Ngunit maaga pa lang ay agad na itong binawi sa amin. Akala namin ay tapos na ang lahat… Ngunit hindi pa pala dahil gumanti sila at maraming buhay ang nawala sa mundong ito. Sobrang daming tao ang namatay at hindi namin matanggap ang pangyayari na iyon. Hindi namin inaasahan na may magaganap na kaguluhan noong araw na ‘yon. Ang araw na ‘yon ay hinding-hindi ko makakalimutan. Hinding-hindi namin makakalimutan ang nangyaring iyon. Bata pa lamang kami noon at wala pa masyadong kamuang-muang sa mundo, ay tandang-tanda ko kung ano ang mga nasaksihan namin noong araw na nangyari iyon. Ang sakit ng dinanas namin dahil sa insidenteng nangyari na kahit kailan ay hinding-hindi na maibabalik pa ang mga buhay na nawala. Na kahit ano pa ang gawin namin ay hindi na maibabalik kung ano ang dinanas namin noon. Nawala ang mga buhay na iyon sa isang iglap lamang. Sa araw na hindi man lang namin inaasahan. Sa araw kung saan ang lahat ay hindi handa dahil inakala naming ligtas na ang lahat. Sa araw kung kailan akala ko ay purong saya lamang ang mararamdaman namin, ngunit ‘yon na pala ang pinakamasakit na araw na mangyayari sa buhay ko. Ngunit ngayon ay handa na kaming lumaban pabalik. Handa na kaming ipadama sa kanila kung ano ang ipinaranas nila sa aming mga murang edad pa lamang noon. Ilang taon kaming naghanda para dumating ang araw na kaya na naming lumaban sa na sino man ang kakalaban sa amin. Kami naman ang MANININGIL ngayon para sa mga kinuha nila sa amin noon. Ipinagkait nila ang kasiyahan sa murang edad namin at ang maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Ni hindi man lang nagtagal sa mundong ito na nabubuhay kami at kasama namin ang mga magulang namin. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na lumaki kasama sila. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na maging masaya habang tumatanda nang buo ang aming pamilya. Hindi namin naranasan ang mapanood ng mga magulang habang tumatanda. Dahil kahit ang pinaka-malakas na tao ay natatalo pa rin at namamatay. Hindi nakayanan ng aming mga magulang na lumaban nang araw na ‘yon dahil hindi handa sa pangyayari. Ilang taon nang tahimik ngunit bigla muling nagkaroon ng kaguluhan sa araw kung kailan tahimik na ang lahat. Pagbabayaran nila kung ano ang nagawa nila sa amin noon. Isang napakalaking pagkakamali na kalabanin ang pamilyang EMPIRE at DELVALLE. Kung iniisip nila na wala nang mangyayaring gulo dahil napatay na nila ang aming mga magulang, nagkakamali sila. Lalo na at isa pa nilang pagkakamali ay hinayaan pa kaming mabuhay sa mundong ito. Hindi porket mga bata lamang kami noon ay hindi na namin sila magagawang labanan pa. Sigurado ako na matatatanda na ngayon ang mga pumatay sa mga magulang namin. Kung ano ang nagawa nila sa amin twenty years ago, triple pa ang matatanggap nila mula sa amin. Wala kaming sasantuhin ni isa o kahit sino. Wala kaming buhay na pagbibigyan dahil hindi nila iyon ibinigay sa amin. Wala silang karapatan na mamuhay sa mundong ito nang payapa hangga’t nabubuhay kami. Isa ring pagkakamali ang panatilihin kaming buhay. Kung sana ay tinapos na lang din nila ang buhay namin kasabay ng sa mga magulang namin. Dahil nang lumipas ang panahon ay ito na kami at handa na silang labanan sa matinding giyera. Hinding-hindi namin malilimutan ang ginawa nila sa pamilya namin. Ang ginawa ng mga demonyo na iyon. Sisiguraduhin namin na hindi masasayang ang mga ensayo at paghahanda na nagawa namin sa mga nakalipas na taon para lamang matalo. Ang paghihiganti na ito ay para sa pamilya namin at para na rin sa iba pang mga inosenteng tao na nadamay nang dahil sa kanila. Ito rin ay para sa aming mga buhay at sa mga susunod na henerasyon ng aming pamilya. Kasalanan man ang paghihiganti, wala na kaming pakialam pa. Matagal na namin itong naging desisyon. Simula nang mawala ang mga magulang namin ay wala na kaming iba pang kakampi bukod sa sarili namin. Masyado nang delikado ang mundo na ginagalawan namin. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka na lang mabubuhay sa mundong ‘to dahil bigla ka na lamang mamatay nang hindi ka nakakapag-handa. Ngunit bago kami mawala sa mundong ‘to ay mauuna ang mga nagkasala sa amin. Matagal na panahon na din kaming nanahimik. Wala pa kaming laban sa kanila noon kaya nanahimik kami. Kahit na noon ko pa mang gusto na gumanti sa kanila ay hindi ko magawa dahil hindi pa kami lubusang handa. Ngunit ngayon ay hinding-hindi ko na sila aatrasan pa. Kaya ko nang harapin ang kahit na sino man ang itapat sa akin. Ngunit ngayon na magsisimula ang totoong laban. Ang ikalawang digmaan na hindi nila inaasahan. Ang pananahimik namin ng ilang taon ay may dahilan. Hindi dahil natatakot kami at hindi rin dahil wala na kaming balak pa na lumaban sa kanila. Ang sabi nila ay mahina kami. Minaliit nila ang isang tulad namin dahil mukha raw kaming mga mangmang kaya pinagbigyan nang mabuhay sa mundo na ito. Ngunit hindi nila alam na kami na ang magiging karma nila. Ang pagpapanatili sa amin na buhay sa mundong ito ang magdudulot ng paghihirap sa buhay nila. Kami na ang susunod nilang magiging kalaban. Our SILENCE is not weakness but the beginning of our REVENGE. Hindi nila alam na sa pananahimik namin ng ilang taon ay kay rami na naming nagawa. Magugulat na lamang sila sa mga balita na matatanggap nila kapag dumating na ang tamang oras. ‘Yan kasi ang hirap sa kanila, masyado silang nakampante na wala na kami sa landas nila. Nagbabalik na kami at sisiguraduhin namin na walang matitira sa kanila ni isa. Iisa-isahin namin silang lahat. Hindi tulad ng ginawa nila rati na sabay-sabay nila na pinatay SILA. Hindi namin gagayahin ang paraan ng pagpatay nila dahil mas brutal pa ang matatanggap nila mula sa amin. Iba ang gagawin namin ngayon. Mauuna ang dapat mauna. Mamamatay ang MGA dapat mamatay at mapupunta sa impyerno ang kung sino mang nararapat na mapunta roon. Hindi uso sa amin ang salitang ‘awa’ at mas lalong hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘pagpapatawad’. Tawagin man nila ang lahat ng santo upang panatilihin silang buhay ay hindi rin tatalab. Demonyo sa demonyo ang magiging labanan. Hayop sa hayop ang magiging trato. Walang tao sa tao lalo na at sa una pa lang ay hindi na sila tratong tao. Awa? Nanghingi kami ng kahit kaunting awa man lang sa kanila upang hindi na nila ituloy ang binabalak nila. Sa murang edad namin ay alam naming wala kaming magagawa noong panahon na ‘yon pero kahit papaano ay sinubukan pa rin namin. Ngunit wala man lang nakinig sa amin. Ilang beses kaming nagdasal na sana ay mailigtas ang mga mahal namin sa buhay. Ngunit wala ring duminig ng aming mga tinig. Wala na kaming pinaniniwalaan ngayon na kahit ano. Ang gusto na lang namin ay makapag-higanti at ‘pag nagtagumpay na kami ay doon lamang mapapayapa ang mga buhay namin. Sa oras na manalo na kami sa giyera na ito ay sisiguraduhin namin na wala na muling gulo na mangyayari at ito na ang magiging huli. Sa ngayon ay kailangan na naming pigilan ang kasamaan at kasakiman ng aming mga kalaban. Mamamatay sila hindi sa katulad na paraan na nagawa nila sa aming mga magulang. Mamamatay sila sa ibang paraan namin na kung saan ay mapipilitan silang magmakaawa upang isalba pa namin ang kanilang mga walang kwentang buhay. Dahil magsisimula na ang paghihiganti naming mga Delvalle at Empire. We are back to start our revenge. We are back for good. It’s payback time, morons. We will make sure that all of you will going to die soon in our own hands.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

Dangerous Spy

read
299.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook