20 YEARS AGO

1400 Words
"Kyde! Tara na!” tawag sa akin ni Dad dahil ako na lang ang kulang sa sasakyan ngayon. Kinuha ko muna ang bag ko at mabilis na tumakbo palapit sa pwesto nila. Sumakay kami sa sasakyan at sumunod naman si Dad. Magkakatabi kami ng pinsan ko na si Cy at kapatid kong si Raven. Si Tita Ayu naman ay katabi rin namin at buhat-buhat si baby Peony na dalawang taong gulang pa lamang. "Daddy, where's mom?" inosenteng tanong ng kapatid ko na si Raven. Apat na taong gulang naman siya pero magaling na agad siya na magsalita kahit papaano. Iba talaga ang talino na nananalantay sa dugo namin. "She's with Tito Alex, Alexa,” sagot ni Dad sa kaniya. Pupunta kasi kami sa outing ngayon sabi ni Daddy. Beach daw, e. First time namin mag-beach kaya excited kaming magpi-pinsan. Pati mga kaibigan namin na sina Ate Myo, Aster, Karl, Dale, at Vash. Tapos ay dalawang sanggol pa na kasama namin. Kumpleto ang mga kaibigan ng mga magulang ko pati na rin ang mga anak nila. Si Brix at si Peony lang ang dalawabg sanggol na kasama namin. Buntis si Tita Maicah at malapit na siyang manganak. "Alam mo Kuya Cy, binilhan ako ni Mommy ng salbabida na car! Paglaki ko, tuturuan daw ako ni Mommy magpatakbo ng car! Magiging racer ako,” kwento ni Ven. Natatawa talaga kami sa kanya kasi ang cute niya. Hindi siya nabubulol kapag nagsasalita sa murang edad pa lamang niya. Matalino talaga ang mga Empire at Delvalle. "Woah! That's good,” proud naman na sabi ni Cy sa kapatid ko. "Tita, gising ba si Baby Peo?" tanong ni Ven kay Tita Ayu. Ang bilis niyang maglipat ng atensyon. "No, baby. She's still asleep,” sagot ni Tita sabay ngiti sa kaniya. NAKARATING na kami sa beach. 'Di ko alam kung ilang oras ang naging biyahe namin dahil kakagising ko lang din. Bumaba na kami nina Dad mula sa sasakyan. Narito na din sina Mommy kasama ang buong barkada nila na sina Tita Jess, Tito Brent, Tita Hailey, Tito Kent, Tita Cara, Tito Rence, Tito Justine, Tita Maicah, Tito Sydney, Tita Kyana, Tito Chase, Tita Cindy, Tito Christian, at si Tita Mae. Kasama nila ang kani-kanilang mga anak. Tapos si Mom at Tito Alex. Masaya kaming nag-bihis ng mga susuotin namin. Magkakasama kami nina Cyrus, Raven, Ate Myo, Aster, Karl, at Dale. Si Vash naman ay tatlong taong gulang pa lang kaya 'di pinasama ni Tito Chase sa amin. Nagtatawanan kami habang papunta kami sa kubo dito sa beach. Ang sarap ng hangin dito! Nakita agad namin sina Mommy, Tita Ayu, Tita Jess, Tita Hails, Tita Maicah, Tita Cara, Tita Kyana, Tita Mae, at Tita Cindy na naka— "PINK PANTIES!!! AAAHHHH!!!" sigaw namin pareho ni Cyrus sabay takip sa mga mata namin nang makita ang suot nila. "Ha? Hindi naman pink ang mga panties nila Kuya, a?" tanong ni Ven pero umiling kami. Mga naka-bra kasi sila tapos may maiksing shorts. "Gosh, these kids!" narinig kong tawa ni Tita Jess. Ba't sila tumatawa?! I'm seeing pink panties right now! "Cyrus, Ancis, it's okay. Kamag-anak niyo naman kami. Besides, marami kayong makikita na naka-ganito rito mamaya. It's okay,” paliwanag ni Mommy. Tinanggai namin ni Cyrus ang takip namin sa mata. "Mommy, punta na po kaming dagat please?" sabi ni Ate Myo kay Tita Cara. "No. Wait for your daddies,” sabi niya. Tumango kami at naglaro na lang muna sa buhangin. Nang dumating na ang mga daddy namin, tumakbo na agad kami sa tubig. Naka-sunod naman sila. "Yeheeeyyy!!" sigaw nina Ate Myo at Aster dahil sa tuwa. "Papa! Turuan mo ako how to swim!" excited na sabi ni Aster kay Tito Brent. "Sure." Tapos ay tinuruan na nga niya si Aster na lumangoy. "Let's play a game for our kids,” suhestiyon naman ni Tito Chase habang hawak ang salbabida ni Vash kung saan nakaupo siya. Si Raven din ay naka-salbabida bukod kay Vash. Hawak din siya ni Daddy. "Sure. What game?" tanong ni Tito Kent. Sina Tito Justine, Tito Christian, at Tito Sydney ay mga busy magpaunahan sa paglangoy papunta sa kung saan. "Si Cyrus, Kyde, Myo, Aster, at Dale ang pambato ninyo, ha? Si Dale ay sa akin ka sumakay. Kung sinong anak ang unang malalaglag, siya ang talo. Game?" paliwanag ni Tito Chase sa laro. Bumalik na sina Tito Sydney para rin bantayan sina Raven at Vash. ‘Di naman masyadong malalim sa parte na 'to. Binuhat na ako ni Daddy at nasa balikat niya ako at naka-upo! Malakas 'to! Si Cyrus naman ay sakay ni Tito Alex. Si Dale ay na kay Tito Chase tapos si Aster ay kay Tito Brent. Si Karl ay naka-salbabida din at bantay ni Tito Kent. Tapos si Tito Rence buhat na din si Ate Myo. "GAME NA!" sigaw ni Tito Kent. Lumapit si dad kina Tito Chase. “Hi Dale!” tumatawang tawag ko sa kaniya at hinawakan na ang mga kamay niya. "Kuya! Tatalunin kita!" sigaw naman niya. Ngumisi ako sa kanya. "Yeah right." Tapos ay nagsimula na kaming magtulakan. Nakita ko sa gilid namin si mommy na nagpi-picture. Nalaglag si Dale kaya inalalayan agad siya ni Tito Chase. One down! Sumugod naman kami kina Ate Myo. "Tatalunin kita Ate Myo!" sigaw ko. Naghilahan at tulakan kami. "Sige Kyde!" sigaw ni Daddy. Natatawa naman si Tito Laurence. “Waaaahhh!" irit ni Ate Myo nang malaglag siya. "My princess! Are you alright?" natatawa pa na tanong ni Tito Laurence sa kanya. Two down! "Next, Dad!" Tapos ay lumapit na ako kay Cyrus. "Hirap mapatumba ni Aster. Nangingiliti. Kiniliti ko nga rin,” natatawa naman na kwento ni Cyrus sa akin. "Oh, bawal ang mangiliti rito a! Game." "Go, Kuya Kyde!" "Go, Cyrus!" "Go, Kyde!” "Go, Pareng Cy!" Sigawan iyon ng mga nakapaligid sa amin at pinapanood ang labanan naming dalawa. Nagsimula na kami ni Cyrus. "Kaya mo yan bro!" sigaw ni Tito Alex sa kaniya. "Kyde malakas ka kasi Delvalle ka! Go!" sigaw naman ni Daddy sa akin. "Mas malakas ang Empire!" Sabay kaming nalaglag ni Cyrus kaya sabay din kaming napasigaw habang tumatawa pa. Tawa kami ng tawa pero ako pa din ang nanalo dahil dalawa ang napa-tumba ko. Leche Flan daw ang premyo ko. Paborito ko pa man din iyon! Sa kasiyahan namin, bigla kaming nakarinig ng pagsabog na naganap. Napatingin kami sa kubo namin at nagliliyab na ang apoy doon!Agad na tumakbo ang mga daddy namin matapos naming umahon. Kasama namin si Tita Hailey ngayon. "Layo tayo!" sigaw niya. Ayoko sanang umalis pero baka mapahamak kami. Ang daming tao ang nagsisitakbuhan. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Paano kapag may nangyaring masama kina Mommy?! Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit. Sumunod samin sina Tita Maicah, Tita Cindy, at Tita Mae. Sila ay mga ligtas! Ngunit— "Sina mommy po?!" pasigaw na tanong ko, nag-aalala. "Nasa kubo pa sila!" sagot naman ni Tita Cindy. “Magtago muna tayo! Bilis!" utos sa amin ni Tita Hailey habang buhat ang anak niya na si Karl. Nag-iiyakan na sina Raven. Kami ni Cyrus ay tahimik lang pero lumuluha na ako. Sana po ligtas sila, Lord. Please. Huwag po sana na may mangyaring masama sa kanila. Dumating sina Tito Justine, Tito Chase, at Tito Christian. Dala niya si Baby Peony na umiiyak. May mga dala din silang baril. Binigyan nila si Tita Hailey. "Dito lang kayo! ‘Wag kayong lalabas!" sigaw niya. *BOOM!* Nakarinig ukit kami ng pagsabog at mas lalo na kaming napaiyak. "s**t! Chase, balikan niyo sina Lhei!" sigaw ni Tita Hailey. Ano ba ang nangyayari?! Patuloy ang pagdadasal ko na sana ligtas sina Mommy. Niyakap ko si Raven ng mahigpit. Sa murang edad ko ay halos hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano ba ako kikilos ngayon kahit na alam ko sa sarili ko na wala naman akong magagawa sa sitwasyon na nangyayari ngayon sa amin. Isa lang akong normal na bata na wala masyadong kamuang-muang sa mundo. Gusto kong umiyak at makaramdam ng takot, ngunit hindi ko ‘yon magawa. Lord, panatilihin mo pong ligtas ang mga magulang namin. Please po... Huwag mo pong hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa kanila. Hindi ko po kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila, lalo na sa mga magulang namin. Pero walang silbi ang lahat ng mga idinasal ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD