THE TRAGIC FIGHT

1500 Words
"Kuya! Kuya! Sina Mommy!" sigaw ni Raven habang patuloy na umiiyak at yakap ako. Patuloy ko lang din siya na pinapakalma. Nalulungkot ako dahil sobrang bata pa ng kapatid ko upang maranasan ang ganitong uri ng sitwasyon. Nasasaksihan niya ang nangyayari ngayon na hindi naman dapat. Maaaring maging dahilan ito upang magkaroon siya ng trauma. Sana ay kayanin ng kapatid ko ang lahat. Mana kami sa aming mga magulang na malalakas. "Sssh. Let's just pray, Ven. Magiging ligtas din sila." Pilit kong itinatatak sa isip namin ni Raven na ligtas lang sina Mommy at Daddy at ang mga Tito at Tita namin. Kahit na ang totoo ay napupuno na rin ako ng takot. Ito ang unang beses na makasaksi ako ng ganito at sa murang edad pa. Malaki ang tiwala ko na matatalo nina Mom and Dad ang lahat ng mga kalaban. Malalakas sila at kinatatakutan, ‘yon ang kwento sa akin ni Daddy noon. Naniniwala ako na kaya nilang labanan nag mga masasamang tao. Tumatakbo si Tita Jessica palapit sa amin habang chine-check ang anak niya na sina Dale at Aster na umiiyak. Tinignan din niya kung ayos kami. Binuhat ni Cyrus ang kapatid niya na si Peony na walang tigil pa rin na umiiyak. May mga naririnig na kaming putok ng mga baril. Baby pa si Peony ngunit nakakarinig na siya ngayon ng mga putok ng baril. Mas mahirap ang sitwasyon ni Peony dahil wala pa siyang alam sa mundo na ginagalawan namin ay ganito na agad ang pinaparanas sa kaniya. Maraming mga bata rito na nakakasaksi ng mga pangyayari at nakakaramdam ng takot. "T-tita! Sina Bro po? Ayos lang sila, ‘di ba?" umiiyak na tanong ni Cyrus. Natataranta na si Tita Jessica at binabantayan niya kami. Pati siya ay may hawak na baril. Patuloy ang paglingon niya sa paligid. Tinitignan at inaabangan kung may papalapit ba na kalaban sa pwesto namin ngayon. "Raven... stay here, okay? Titingnan ko lang sina Mommy at Daddy. Promise ko sa ‘yo na babalik si Kuya agad, ha?" bulong ko kay Ven. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili. Gusto ko nang masiguro na ligtas ang mga magulang namin. Hindi ako mapakali at gusto ko na may magawa ako upang makatulong sa kanila, kahit na alam ko na wala talaga. Hindi ako napapanatag at natatakot ako para sa mga magulang ko. "Kuya... h-hindi ba a-ako pwedeng sumama?" humihikbi na tanong niya sa akin. Mabilis ako na umiling. Abala ang lahat sa pagbabantay kaya hindi nila nakikita na may binabalak akong pag-alis sa tinataguan namin ngayon. "Dito ka na lang. Mabilis lang naman ako, e. Magpakabait ka rito, okay? Tsaka bantayan mo na lang din sina Baby Peony,” bulong ko muli sa kaniya. Inayos ko muna si Raven saka ako muling tumingin sa paligid. Tinitingnan ko kung saan ako maaaring dumaan palabas sa lugar na ‘yon. Tumango siya sa akin, "Promise, ha. Babalik ka agad." Tumango rin ako at huminga ng malalim bago mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko pa ang sigaw nina Tita Jess na tinatawag ako upang bumalik. Pero hindi ko na sila nilingon pang muli. Mas tinatagan ko ang loob ko habang papalapit ako sa kaguluhan. "Kyde! Get back here!" sigaw ni Tita Jess. Pero hindi ako bumalik. Ni hindi ko sila nilingon o pinakinggan. Pagkalabas ko ay nakita kong sira-sira na ang mga kubo pati na rin ang mga buildings dito sa beach. May mga naka-itim na lalaki at may mga baril sila. Dumeretso ako sa kubo namin. Nakita ko sina Tito Chase doon na may inaalalayan palabas. "Kyde! What the f**k are you doing here?! Yumuko ka!" sigaw ni Tito Christian nang makita ako at agad ko itong sinunod. Bigla siyang may binaril sa likod ko. Sobra-sobra na ang kaba at takot ko. Tinuruan na ako ni Daddy kung paano ang basic na gumamit ng baril, pero bawal pa din dahil bata pa ako. Ni hindi ko nga mabuhat ng ayos ang isang baril, paano pa kaya kapag sinubukan ko na iputok ‘yon. Tiningnan ko ang likuran ko at nakahiga na ang lalaki na naka-itim. Ngayon ay duguan na ito at mukhang wala nang buhay. Hindi ko akalain na ganito pala ang giyera. Tumakbo ako nang mas mabilis palapit pa kina Tito Chase at napahinto ako nang makita kung sino ang inilabas nila mula sa umuusok na kubo. "D-daddy..." Tuluyan akong napaiyak ng makita siya na nakapikit ang mga mata. Tumakbo ako at mabilis na binaril nina Tito Sydney ang mga naka-itim na lalaki hanggang sa maubos sila. Pumasok ulit sila sa kubo at may mga inilabas. Sunog na ang kalahating katawan ni Daddy at hindi ako makapaniwala nang makita ko siya ngayon. "D-DADDY!!! Daddy Kean! Gumising ka, Dad! D-dad...” Iyak ako ng iyak habang isinisigaw ang mga salitang iyon. Ang daddy ko! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang tinitingnan siya. "s**t! K-kean..." Hindi makapaniwalang sambit ni Tito Justine pero hindi ko siya tiningnan. Agad kong hinanap si Mommy. Nakita ko agad ang mga taong tumulong sa paglalabas ng mga tao sa loob ng kubo. Nakita ko ang isang babae na buhat nila. Tumakbo ako palapit doon matapos nilang ibaba ang babae sa buhangin. Sunog ang buong katawan niya at nakilala ko lang siya dahil sa bracelet na nasa kamay niya. Kaya ko lang din nalaman na babae ay dahil sa suot niya. "Tita Ayu..." bulong ko. May inilabas ulit na babae at ngayon ay napaluhod na ako saka umiyak ng umiyak. Sunog ang buong mukha at katawan. "M-mommy... M-mommy!!" sigaw ko. Bakit?! Bakit nangyari ang ganito sa kanila?! Lord, ano po bang kasalanan nila?! Mabait sila! Sino ang mga may gawa sa kanila nito?! Bakit ganito ang kinahinatnan ng mga magulang ko?! "Nasa'n si Mommy?!" rinig kong sigaw ni Cyrus. Buhat niya pa din si Peony. Lumapit agad sa akin si Raven. Nagulat ako dahil narito na rin sila. "K-kuya.. Bakit k-ka u-umiiyak? S-sino siya?" sabay turo niya kay Mommy. Agad ko siyang niyakap. “S-si mommy,” bulong ko. "H-ha? P-pero K-kuya-- niloloko mo naman ako, e!" Nagsimula na naman siyang umiyak, "H-hindi si mommy 'yan! Hindi naman s-sunog si mommy e!" sigaw niya sa akin pero iling lang ako ng iling. Nagpunta kami rito sa beach upang mag-saya ngunit hindi ko inaasahan na ganito ang mararanasan namin. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa amin sa pagpunta namin dito. May mga sinugod sa hospital. Si Tita Cara na may tama ng bala sa balikat. Sina Mommy, Daddy, Tita Ayu, at Tito Alex ay sinugod sa hospital. Natatakpan na sila ng tela, si Mommy, Tita Ayu, at Daddy. Narito kami ngayon sa kwarto ni Tito Alex na nasunog ang buong katawan. Narinig kong sabi ng doctor kanina na kaunting oras na lang ang natitira sa buhay niya. "D-dad... don't leave us. Please...”pagmamaka-awa ni Cyrus. Ako, Raven, Cy, Aster, Dale, Ate Myo, Karl, Vash, Tita Jess, Tita Hailey, Tito Kent, Tito Brent, Tito Sydney, Tito Christian, Tito Chase, Tito Justine, Tita Maicah, Tita Kyana, at Tita Cindy ay narito ngayon. Si Tita Mae ay nagpapahinga sa kabilang kwarto dahil natakot siya sa nangyari kanina kaya raw ay pinagpahinga siya. Makakasama raw sa baby niya pag ma-stress siya. "B-bro.. a-alagaan m-mo s-si Peo ha? p-pati s-sarili mo." Hirap na hirap na mag-salita si Tito Alex. Ni hindi na nga niya maimulat ang isa niyang mata. "Bro! 'Wag ka naman pong ganiyan. You can survive, right? Sabi mo malalakas ang mga Empire,” sambit pa ni Cyrus. Lahat kami ay nagiiyakan na. "I-I c-can't.. I—i'm s-sorry h-hindi... h-hindi k-ko n-na kayo m-masusubaybayan.. m-mahal ko k-kayo h-ha?" Umuubo-ubo pa siya habang sinasabi niya iyon. Luminngon siya kina Tito at Tita. "P-paki a-alagaan n-naman s-sila oh. S-salamat." "Pareng Alex! Hindi ako bakla pero iniiyakan kita ngayon. Bantayan mo kami lagi ha? Mahal kita,” sabi ni Tito Kent. "'Wag kang mag-alala Alex. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa inyo,” banta naman ni Tito Brent habang umiiyak. "H-hindi k-ko n-na... t-t-talaga k-kaya.." "T-tito! Mahal po namin ikaw!" sigaw ni Venven. Si Peony ay iyak ng iyak na para bang alam na niya ang sitwasyon na nangyayari ngayon. Buhat siya ni Tita Hailey. Inilapit ni Tita Hailey si Peony kay Tito Alex. Hinawakan ni Tito ang kamay ni Peony. "M-mahal k-ka n-ni daddy." Matapos niyang sabihin iyon, nalaglag ang kamay niya at pumikit na siya. Napuno ng iyak namin ang buong kwarto. Patay na sina Mommy at Daddy. Pati na din sina Tita Ayumi at Tito Alex. Hindi ko matanggap ang mga nangyari. May mga ibang tao pa na nadamay. Akala ko lagi lang kaming masaya. AKALA ko lang pala iyon. Hindi maaari na palaging masaya. Dahil kapalit ng saya na iyon ay sobrang sakit. Kung sino man ang may gawa nito sa kanila ay sisiguraduhin ko na paglaki ko, gaganti ako sa kanila. Gaganti kami sa kanila. Hintayin lamang nila ang panahon na kaya na naming lumaban. Pagbabayaran ninyo ang ginawa niyong ito sa pamilya namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD