[RAVEN ALEXA'S P.O.V.] Naglalakad kami ngayon ni Brasen papunta sa shooting area namin. May shoot ngayon sina Stephen at Ate Myo since malapit na mag-christmas at may event na paparating. Nakasalubong ko sa daan si Ellise. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakapagtaka dahil mukhang anghel at mabait ang lagi kong nakikita kapag kaharap o makakasalubong ko siya. Dere-deretso lang siya ng lakad na para bang hindi niya ako napansin. Usually ay lagi niya akong binabati kapag makakasalubong niya ako. Tumabi ako sa daan niya. Gumilid naman si Brasen at tumabi sa akin. Nanatili akong pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit ‘di ko napigilan na hindi rin siya pansinin. "Are you okay?" Napatigil na siya nang magsalita ako. Nilingon niya ako saka ko siya nilapitan. Ni hindi man

