[CYRUS LEI'S P.O.V.] "Hoy nasa'n ka ngayon?" "Nasa bahay.” "Nasa'n ka?" "Nasa bahay nga!" "Nasa--" "Restaurant." Tss. Ang kulit talaga nito ni Kyde. Ni hindi man lang naniwala sa akin na nasa bahay ako ngayon. Napaamin tuloy ako ng wala sa oras. Nakakainis. Kilalang-kilala na talaga akong isang ito. "Alam mong may film tayo ngayon ‘di ba? Bakit wala ka pa rito ngayon?" masungit na tanong niya sa akin. Napaka-sungit niya at daig pa niya ang nireregla na babae. "Kaya mo na 'yan,” sagot ko pabalik sa kaniya. "Act like a CEO! We're a busy person, Cy. Hindi ba at kailangan ay narito ka ngayon para sa film?” "Basta ikaw na muna ang bahala d’yan. Babawi na lang ako bukas. Isa pa ay CEO ka rin naman kaya ayos lang kahit wala ang isang CEO d’yan ngayon.” Pinatay ko na ang ta

