[SPENCER PEONY'S P.O.V.] "Hindi pa rin ba siya nagigising? It's been a month simula nang maaksidente siya. I missed her so much.” "’Yon na nga e. Wala pa ring binibigay na response ang mga doctor if there's a possibility pa ba na magigising siya. But of course, ayoko naman na mag-isip ng kung ano-anong mga bagay. Alam ko na kaya ni Peony ang pagsubok na ito sa buhay niya.” "Gosh I'm really worried. I missed her already. Hindi ko na talaga kaya na nakikita ko siyang nakahiga d’yan at walang malay.” Boses nina Aster, Ate Myo at Raven ang naririnig ko. Hinang-hina ang katawan ko at pakiramdam ko ay miski ang pag mulat ng mga mata ay hindi ko magagawa. Halos hindi ko pa maramdaman ang buong katawan ko. Pinilit kong igalaw kahit ang mga daliri ko. "O-Oh my gosh! Look!" Narinig ko an

