Episode 1

1861 Words
My Heavenly Body Hi, Longweekend na!!(⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠) April 20, 2023 - "Hoy anak ng! Anong oras na?! First day of school late ka? Patay ka talaga kay Prof. Lia-" "Coming in." Sagot ko, staka binaba yung tawag kahit kailan talaga ay pandagdag inis sa buhay ko si Lisha. Napahilamos naman ako sa mukha ko ng maramdaman ang init ng pakiramdam kasi naman napakainit ngayon tapos nasira pa yung kaisa-isang electricfan ko sa kwarto. Tumayo ako at nilinis ang higaan ko, nang naglalakad ako papunta sa banyo ay may napansin akong kakaiba sa salamin. Gagi bakit may maganda sa harap ng salamin?! Kahit si Kathrine Bernardo mapapaatras sa ganda kong 'to. "Tao ka pa ba? Ganda mo shesh" Sabi ko, staka natatawang pumasok sa banyo. First day of school ko ngayon matapos ng 2 buwan na bakasyon sa wakas ay Grade 12 na ako. Stem ang kinuha ko na strand dahil gusto ko maging Astronomy teacher soon, kung papalarin?! Pero kung hindi taga hugas nalang ako ng plato sa bahay habang buhay ha ha ha. I really love celestial things. Of course moon and sky. Namana ko siguro kay Papa? Astronomy Teacher kasi si Papa sa private school. Hindi naman sa gusto ko sumunod sa yapak niya pero nagustuhan ko talaga 'yon common interest din siguro si Mama kasi she loves study about Astronomy rin. Pareho sila ni Papa, ano kami pamilyang Astronomer? 7:45 Gago, late na pala talaga ako sa orientation? May orientation kasi muna bago mag start ang klase namin sa unang araw. Okay lang late, excuse ko nalang ay na traffic. Late is better than absent. Oh may bago ka na naman natutunan motivational qoutes 'yan for today incase nahihiya ka na dahil lagi kang late. "You're late na anak, hindi ka na ba kakain?" Si Mama, feel bad at her. She prepared breakfast pero hindi na ako makakakain nag pout lang ako kay Mama alam na niya ang ibig sabihin. She sighed, malungkot tuloy siya ngayong umaga "Baunin ko nalang" Sabi ko, ngumiti naman si mama saka mabilis na inayos ang pagkain. "Dito ka dinner ha? 'Wag na gumala after class." Sabi ni mama, tumango lang ako saka hinalikan siya sa pisnge at umalis "Grabe ang init sa Pilipinas, bakit ba kasi dito ako nabuhay" Inis na sabi ko, huminga ako nang malalim bago tumawid para makasakay na ng Jeep. May kotse naman kami 2 nga eh pero hindi ko inugali magpahatid gamit 'yon o 'di kaya ay gamitin nang gamitin 'yon dahil mahal ang gasolina ngayon. Kahit na nandoon naman si Kuya palagi sa bahay pinipili ko parin matuto mag commute nasanay na rin kasi ako sa araw-araw ko ba naman ginagawa iyon. "Oh tatlo pa!Kasya pa" Sabi nung barker ng jeep. "Ate umisod kayo kasya pa sa kanan dalawa pa" Tanga yurn?Anong 2 eh kalahating pwet ko nalang nakaupo Napairap nalang ako, gagi?! Kasya pa ba kami anak ng pating nito kuya para na kaming sardinas dito sa sobrang sikip. Papasok akong maasim? Inis?! "Manong? Hindi na ho kami kasya nagbayad naman kami tapos pililitin niyo kami pagkasyahin lahat." Sabi nung isang Ate sa harapan ko, arte naman nito tagilid naman ang kilay. Pero korique siya ha ang sikip na tapos pagsisikisikin pa kami?! Panget ng behavior. Tinapik naman nung barker ng jeep yung jeep staka kami umalis, buti nalang ay umalis na maso-suffocate na ako sa baho ng katabi ko. Halo-halo ang mga amoy nila rito buti nalang umalis na kami kaya medyo naalis na yung mabahong amoy dahil mahangin na. Anak ng pucha! yung I.d naiwan. Sana walang ssg sa gate, sana si Kuya Kiko lang nandoon. Nang makarating ako sa harap ng school, ay hindi pa green light kaya hindi pa ako pwede tumawid ayoko pang mamatay. May nakita akong lalaki, mukhang iniintay siya. Baka late din? sarado na yung gate ih ngayon ko lang nakita mukha niya dito sa school siguro transfer siya pero parang ano familiar. Mukhang familiar, parang nagkita na kami pero hindi ko maalala kung saan. Matangkad as in matangkad, medyo maputi, naka clean cut, matangos ang ilong, manipis ang labi naka complete uniform and malinis talaga siya tignan, pagtingin ko sa sapatos. Gucci, out of my league. Anak ng tupa, pati pala cellphone ko naiwan ko. Nahihiya man pero tinanong ko yung lalaki kung anong oras na kasi kung late na late na ako hindi na ako papasok sa first sub kaso baka magkaroon ako ng disciplinary action. Another dissapointment na naman para kay mama.. "Kuyang naka gucci" Mahinang tawag ko, hindi pa niya ako naririnig kaya tinawag ko ulit siya. Ano ba iyan nakakahiya... "Kuyang naka gucc-" "Ano?" hala napakasungit pala nakataas ang isa niyang kilay staka hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Akala mo naman oh sungit ha. "Anong oras na po?" Tanong ko, doon lamang siya nagtapon ng tingin saka nagsalita pero nakasalalubong ang kilay. "Mama mo" I cough for disbelief. Grabe nag bastos, nagtatanong ako ng maayos tapos isasagot sa'kin ganoon? Grabe napaka mature naman niya. Hindi ko na siya pinansin naglakad nalang ako palayo kaysa mainis at masira ang araw ko. Sino ba siya hindi ba? Kahit anak pa siya ng presidente ng sinaunang pilipinas wala akong pakielam. "8:06" Hindi ko na siya pinansin, naglakad nalang ako ulit. Sasabihin naman pala nagsungit pa gwapo sana sungit lang bwisit. Pero late na late na ako sa unang klase 7:50 dapat start pero 8:06 na. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa first sub kasi papagalitan lang naman ako pero kapag hindi ako pumasok lalabas na cutting ako, puta may record agad ako niyan edi warning agad?! nyeta. Pucha no choice. Huminga muna ako nang malalim bago ko hawakan ang door knob ng pintuan, nakalock pa gago. Napahampas ako sa noo ko ng napansin kong nagtinginan yung mga kaklase ko sa gilid ng bintana. Bigla naman bumukas yung pintuan bumungad sakin si Prof. Liam. . "Pasok, alam ko na sasabihin mo traffic" Seryosong sabi niya, nginitian ko lamang siya saka nag bow bago pumasok pero may humila ng bag ko. Anak ng... "Prof, I'm with her. Kaya na-late ako" "Ano ba yung bag k-" Uy si sungit. Napatingin ako sa kaniya staka bumulong ng 'yung bag ko tanga'. Tinignan niya lang ako nang masama staka ngumiti. Tanginang ngiti 'yan ang expensive.. "Okay, umupo na kayo. Hindi ko kayo bibigyan ng warning dahil first day naman ngayon, sa susunod na ma-late kayo ay may warning na." Tumango lang kaming dalawa staka sabay kaming pumasok, matatalapid naman ako ng tumama yung paa ko sa bag ng kaklase ko na nasa sahig pinagtawanan ako, uupo na sana ako nang tawagin ako ni Prof. "Introduce yourself Luan" Si Prof. Liam, hala tangina? bakit ako "Luh?Bakit ho ako?" "Luh, bakit hindi?" Binara ako ni Prof, nilapag ko lang yung bag ko saka pumunta sa unahan at tinignan sila isa-isa "Proceed" "Uh, a pleasant morning. I am Luan Serenity Dizon 17 years old, my favorite colors are bluish purple and magenta. My hobbies are reading about celestial things and creating my own music using my piano too also I have a cat her name is Arixu." Sabi ko nagpalakpakan naman lahat saka tinawag ni Prof. yung lalaking masungit kanina. Iba talaga yung awra niya may something sa kaniya na mababali ang leeg mo pag dumaan siya sa harap mo. "Azure Sky Salazar, 18, I hope we treats each other friends not rivals or competitors until the end of the semester. I am transfer student so I am expecting that this school would be warmly welcome me also Sir Liam hope you teach us well" He said, saka muling sinuot ang black na headphone at muling umupo sa tabi ko. Matapos naman noon ay sunod-sunod na nagtawag si Prof. Hindi kona kilala yung iba, siguro transfer pero karamihan ay kaklase ko lang din naman noong grade 11 ako. Azure Sky... "Uy, dun ka oh marami pang space" Sabi ko sa kaniya, hindi niya ako maririnig nakaheadphone nga pala siya. Hinayaan ko nalang saka nakinig nalang ako kay Prof, sinabi lang niya mga rules niya dito sa classroom para magkasundo daw kami lahat at sumunod daw kami sa rules.. Bakit ba kasi dito tumabi??! pwede naman dun sa malayo sungit sungit. "Get ¼ sheet of paper, ilagay niyo name niyo then write the most influential person in your life" Sabi ni Prof, bigla tuloy ako napaisip sino bang pinaka taong naiimpluwensyahan ako? "Hi?" Pagbati ko kay Sky hihingi ako wamport syempre wala akong dala eh nyehahaha. Lumingon naman siya walang emosyon ang pagmumukha niya "What?" He asked, napakasungit talaga ngumiti lang ako sa kaniya, syempre dapat nakasmile ako may kailangan ako sa kaniya eh. Angganda naman ng mata niya kulay brown.. Ano ba itong iniisip ko? fr "Pahingi ako wanport" Bulong ko, inirapan naman niya ako pero nakangiti parin ako kasi may kailangan ako sa kaniya kumuha lang siya ng isang piraso sa isang pad niya ng wanport tapos yung isang pad binigay sakin. tf "Uy isa lang-" Sabi ko saka pinipilit ibalik sa kaniya yung wanport pero hinawakan niya yung palapulsuhan ko saka ako binitawan nung hindi na ako pumapalag. "Sayo na." "Bakit mo binibigay lahat?!" Inis na tanong ko sa kaniya tinignan lang niya ako staka bumalik sa ginagawa niya. Gagi? Seryoso ba siya. Ang weird ha binigay yung isang pad. Prof. Liam give us 10 minutes to answer. Sa loob ng 10 minutes na iyon ay walang pumasok sa isip ko kundi itong si Sky. Tangina?! Bakit iniisip ko siya, sino ba siya. Naalala ko kasi sa kaniya si Nognog yung lagi ko kalaro noon sa luma naming bahay sa Lipa. May similarities sila sa mata, brown din. Cute tanginuh ano ba 'to "Are you done?" Si Prof, sumagot naman lahat ng 'yes po'. Gusto ko umalma kasi wala pa akong sagot, ni isang linya o pangalan ay wala. "Aila? Ikaw mauna" Pagtawag ni Prof. kay ishang. Ishang tawag ko sa kaniya eh mag kaklase na kami simula Grade 11 at hanggang ngayong graduating kami. "Aila Dela Cruz. The most influential person in my life is my mother. She's my everything without her my life would be messy, she teach me everything about love too." Ayun lang at umupo na siya. Lord, sana 'wag ako tawagin.. Halos magdasal na ako sa lahat ng santo para hindi na ako matawag, pero hindi ko alam bakit ang lakas ng kapit ko sa kamalasan. Tanginuh masyado na akong favorite ng kamalasan huh?! "What about yours... Luan? Ay pucha, tumayo naman ako pumunta sa unahan. Napansin nilang blanko ang papel ko pangalan at section lang nakalagay huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Si Nognog po. He is the most influential person for me. When the time kasi na sobrang na pressure ako sa pagkamatay ni lolo he was there sobrang naguilty kasi ako pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat ng iyon. We made a lot of promises-" Nagulat naman kami ng biglang nagsalita si Sky ibang lenggwahe iyon kaya hindi namin naintindihan "No volviste en mi cumpleaños, lo prometiste." Written by: grahammzil All right reserved 2023 - PLAGIARISM IS A CRIME!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD