My Heavenly Body
Malapit na mag start Immersion ko!!
୧| ͡ᵔ ﹏ ͡ᵔ |୨ . I'm so kabado
April 21, 2023
-
Tapos na ang tatlong subject namin na Eapp, ucsp, and mil. Halos buong 2nd period ay wala naman tumakbo isip ko wala akong maisip unang araw tapos klase agad medyo sabog parin ako today hays.
Kanina pa ako napapaisip sa sinabi ni Sky, lunch time na namin pero iniisip ko pa rin tatlong subject na ang dumaan pero nandun parin ang curiousity ko sa sinabi niya. Naguguluhan parin talaga ako kung anong language iyon.
Ampota ano ba kasi 'yon.
Nandito si Sky sa tabi ko nag d-drawing sa Ibis paint. Anggaling ha, self portrait lang, anggaling niya mukhang expert na siya doon at gamay na niya. Biglang may pumasok na babae sa classroom namin may dalang paper bag hinahanap si sky, of course hindi siya rinig kasi naka headphone si Sky. Nang lumapit yung girl naramdaman siguro ni Sky ang presensya niya kaya inalis niya yung headphone at nilapag yung cellphone.
"Hi, Sky? Hindi ko alam dito ka na rin pala nag-aaral?" Yung babaeng lumapit kay Sky, babaeng maputi mukhang may lahi. Blonde siya, ewan kung natural hair niya iyon or nagpakulay siya.
lahing aso. Labrador. Hoy cute iyon
"Edi ngayon alam mo na"
Pabalang na sagot ni Sky kaya naman nasamid ako at pumasok ang kanin sa ilong ko. Napatingin naman silang dalawa tsaka tinignan ako ni Sky, tingin na nagtatanong anong katangahan ang ginawa ko. Sumenyas lang ako na ituloy nila pag-uusap nila kasi nakikichismis pa ako. Sumimangot naman yung babae ramdam ko pagkapahiya niya pero sinubukan parin niya ang ngumiti.
"Kamusta band?" Tanong nung girl Hindi pa rin siya sinasagot ni Sky kaya nagsalita ulit siya. Anong band kaya iyon? Tama iyan Sky 'wag mo siya pansinin."Eh yung exhibit?" nakaupo pa siya sa desk ni Sky. Parang masisira na ata eh.
"Good. Get out of my arm chair."
"Okay, I'll go. Enjoy here"
Umalis naman agad yung girl, may iniwan lang siyang paper bag na pink sa tabi ni Sky ni hindi man lang iyon tinignan ni Sky. Nakatingin lang ako doon sa paper bag tapos tumikhim naman siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kung tao lang iyan tunaw na" Sabi niya, at sumagot naman agad ako
"Bakit hindi mo tignan laman?" Tanong ko, kinuha lang niya iyon saka inabot sakin at sumenyas na buksan ko. Gago bakit ako?!
"Bakit ako?" Sabi ko
"Ikaw na, ayaw mo ba? Sige wag n-"
"Hehe ako na" Sabi ko saka inis na kinuha yung paper bag sa kaniya, pagbukas ko nakita ko agad yung sundae, fries, pictures? Tsaka may tshirt pa at hoodie. Nu yan??!
tangina.
"Pahingi" Sabi ko pero kumunot ang noo niya. Edi wag?! bibili nalang ako
"Sige sayo nalang" Sabi ni Sky, aarte pa ba ako? favorite ko kasi talaga ang fries eh.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kaniya, kanina pa siya naka headphone hindi ba sumasakit tenga niya diyan? Nakatingin pa sa'kin habang nakain ako, aba masarap ba ako o yung kinakain ko.
"Why are you asking?"
Ha?Nagtatanong lang naman eh, kasi hahatian ko siya kung wala siyang baon. Parang tanga si Sky oh kung ano na ata iniisip nito.
"Hati tayo gusto mo?" Tanong ko sa kaniya, kumunot naman ang noo niya saka umiwas ng tingin. Para bang nahihiya parang kwan naman si anteh.
"What?!" He sounded pissed off. Nakatitig kasi ako sa kaniya hinihintay ko sagot niya kung gusto niya hatian ko siya ng baon. Napakasungit talaga 'pag ikaw nakahanap ng katapat nako talaga.
"Edi 'wa-"
"Hey Luan, kamusta?"
"Hoy Rowyn?! Gagi akala ko lilipat ka na? Last semester kasi sabi mo aalis ka na" Bigla ako niyakap ni Rowyn, bestfriend ko since junior high. Bisexual siya, pero 80% na mas nagkakagusto siya sa babae.
"Gago baho mo"
"Arte Luan ha, may dala sayo" Sabi niya inabot sakin yung sundae, gago may sundae ako dito galing kay Sky. Napatingin naman siya sa sundae at fries na nasa desk ko sumenyas lang ako na wala 'yon tsaka siya inalok na kumain
"Tara share tayo sa food k-"
"You asked me first"
Napatingin naman ako sa nagsalita, si Sky he looked mad? inis? Hindi ko maexplain, nagkaroon ng emosyon pagmumukha niya eh kanina naman ay wala mukha ngang walang pakielam sa paligid eh.
Ano ba problema niya? Inalok ko naman siya ah tapos hindi siya sumasagot ang sungit pa, amats ampota.
"Oo nga pero di ka naman nasagot" Natatawang sagot ko sa sinabi niya nawalan naman siya ng emosyon tsaka ako natawa kasi bigla niyang kinamot yung bridge ng ilong niya.
"kaya you're asking for someone to join you eating your lunch?"
"why not?" Sagot ko naman, seryoso talaga siya. Ang bigat ng presensya niya dito dahil sa mga sinasabi niya hindi ko alam irereact ko, galit ba siya?
"why not huh? you're asking a random guy to eat with you"
"Rowyn is my bestfriend-"
"I am your bestfriend too."
Bigla tuloy tumibok puso ko nang mabilis, hindi ko maintindihan anong bestfriend? Naiinis na ako sa mga sinasabi niya, close ba kami para umakto siya ng ganan sa harap ng bestfriend ko? Seryoso?tf sarap niya kaltukan sa noo
"Huh?" Sagot ko, mukha na naman siyang naiinis. Umiwas siya ng tingin saka ako tinignan ulit tapos tinignan niya din si Rowyn na parang gusto na patayin.
"Ako yung nauna mong niyaya, bakit 'di mo hinihintay sagot ko"
"Ano ka Au?" Sagot ko natawa naman kaming dalawa ni Rowyn tapos sinamaan ko siya ng tingin na huwag siya tumawa.
"Ano bang problema mo?"
Hindi siya sumagot tunayo siya at umalis. Hindi ko alam kung anong problema niya bakitt umaakto siya na para bang galit siya ay Rowyn. Umupo naman si Rowyn sa upuan ni Sky saka kami nagtinginan at tinanong ako.
"Boyfriend mo?"
"tanga ka teh, transfer yon sa kanya galing itong sundae tsaka fries na nasa desk ko"
"Sana sinabi mo kaya pala nainis, nauna nga naman siya. Bigay niya 'yan? Wow ha gumaganern na ka na" Natatawang sabi niya saka binuksan yung lunch box ko at kinain yung sandwich na gawa ni Mama.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko, I mean anong mali bigyan ng pagkain?
"cluless lang???"
"Aba tumahimik ka na kain na tayo" Sabi ko aka kinuha yung fries na bigay sa akin ni Sky at kinain iyon. Si Rowyn naman ay kinakain ang breakfast na ni prepared ni mommy. Hindi ko na nakain yung breaktime kasi busy ako makipagchismisan kay Lorie sa kabilang section.
"Alin mas masarap, yung sa'kin or yung sa kaniya" Tanong ni Rowyn, tanga naman ng tanong. Tanga lang? Malamang pareho, pareho naman 'yan sundae at fries eh.
"May saltik ka ba" Tanong ko sa kaniya, tumawa naman siya nang malakas nanghahampas pa. Amatz.
"Nagtatanong lang, baka kasi mas masarap yung sa kaniya"
"Boba, ituklop mo nalang ang mouth" Sagot ko na siya naman ikinatawa niya nang malakas, ganito na talaga kami. Sobrnag komportable sa isa't-isa kahit napagkakamalan na magshota.
Nang matapos ang lunch namin ay next subject na may natitira pa kaming 2 subject bago mag-uwian. Hindi ko alam kung nasaan si Sky, time na namin pero wala pa rin siya. Bakit ba ako nag-alala? Bawal kasi ang ma-late mawawaringan agad. Pinakamababang parusa ay paglilinisin ka ng mababahong comfort room dito sa stem building. Hindi ba parusa talaga....
"Uy ano next sub?" Si Jordie
"Cnf yata, hindi ko sure tignan mo sa sched sa gc-"
"You two?! Are you listening?" Isa naming Prof na babae bigla ba naman sumigaw, problema niyan? Nagtatanong lang naman sa akin tungkol sa schedule parang engot.
"Yes maam" Sagot namin ni Jordie saka nginitian ang isa't-isa. Parang engot 'yon akala mo naman talaga may naiintindihan kami sa sub niya.
"Why are you late Mr. Salazar? Our class supposed to start 12:00. Do you know kung anong oras na?"
"Yes Miss. I am aware" Tinignan niya yung relo niya. "It's already 12:45"
"I know, I am asking you why are you lat-"
"If you want to give me disciplinary action just give me one.." Mahinang sabi niya, nag aalala ba ako? Bakit parang malungkot siya.
"I won't give you. Pumasok ka na"
Pumasok naman si Sky, umupo sa tabi ko. Hindi namamansin, may dala siyang maliit na voice recorder hindi ko alam saan galing 'yon. Pinatong niya lang iyon sa desk niya saka nakinig kay Prof. Shiela.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kaniya, hindi parin siya sumasagot kaya tinanong ko ulit siya. Ewan ko ba inugali ko na maging palatanong.
"Uy Sky saan ka galing?"
"Somewhere"
"Saan nga eh ano bang sagot iyan? Somewhere, may lugar ba na somewhere ang gulo mo naman kausap eh nagtatanong ako nang maayos tapos somewhere isasagot m-"
"Ingat mo kairita don ka nga"
"Bakit ka nga late??" Pangungulit ko sa kaniya nagawa ko pa iharap ang sarili ko sa desk niya para sagutin ang tanong ko.
"It's none of your business"
"Wala naman talaga akong business eh" Sabi ko sa kaniya umirap naman siya. Nakatuon lang ang paningin ko sa kaniya, hindi ko alam kung inis na ba siya o galit siya hirap kasi basahin ni Sky eh parang peke mga emosyon niya.
"Manahimik ka na please."
"Nagtatanong lang ako bakit na-late ka, 45 minutes ano ginawa mo tumae ka?" Tanong ko sa kaniya bigla naman siya ngumiti kaya napangiti na rin ako. Ano ba 'to?!
"Bakit ka ba nakangiti? Sagutin mo na kasi ang tanong ko ang dali-dali ng tanong e-"
"Ang cute mo"
Written by: grahammzil
All right reserved 2023
-
PLAGIARISM IS A CRIME