Episode 3

1416 Words
My Heavenly Body Tuesday April 25, 2023 - "Naririnig mo ba ako?" Si Lisha, pauwi na kasi kami. Maaga uwian namin ngayon kasi hindi na pumasok yung 2 namin na last subject wala naman na talaga kaming gagawin kundi ang umuwi nalang 2:00 na ng hapon ngayon kaya medyo mainit ngayon. Sa uwian lang kami p'wede magsabay ni Lisha SSG Secretary siya last year, nag-aasikaso sila para sa susunod na botohan kaya kailangan na maaga siya. "Tinatanong kita kung gusto mo tumakbo bilang Auditor ng Stem department?" Tanong ni Lisha, sino ba namang ayaw? Pero ayoko, hindi ko kaya humarap sa mga responsibilidad buong stem department magiging auditor ako? I mean maganda 'yon maraming benefits. "Ayoko" Sagot ko, bakit naman ako sasali? Ano ba 'yon?! Staka busy na ako sa pag-aaral dadagdag pa yung obligasyon na iyan. "Bakit ako" Tanong ko ulit sa kaniya, staka ano ba namang mga benefits makukuha ko bukod sa magiging maganda image ko. I know experience din 'yon pero ayoko talaga. "Sige pag-isipan mo muna" Sabi niya saka ngumiti."Tara sa Lifestyle" Sabi ni Lisha, wala naman ako gagawin sa bahay ngayon ang akala ni mama 4:00 pa uwian namin. Pwede muna na gumala ako wala naman ako gawain sa bahay. "Anong Lifestyle?" Tanong ko, hindi ako pamilyar dun eh. "Tanga, hindi mo alam 'yon?tambayan namin iyon after school" "Ano meron doon?" Tanong ko kay Lisha, inis siyang napasampal sa noo niya dahil sa tanong ko. Hindi naman kasi ako gala after school, diretso ako uwi or kaya sa computer shop. May sideline kasi ako doon nagpiprint ako nang mga pinapaprint ng mga nagpapaprint. 150 isang araw hehe okay na rin 'yon dagdag ko sa baon ko or kaya pang emergency ko lang na pera pag may babayaran sa classroom. Tapos minsan may sideline rin ako doon sa resto sa may tapat ng school japanese resto siya namimigay lang ako ng flyers sa mga dadaan 200 isang araw ang sahod ko doon. Kaso sarado sila ngayon kasi nagkaroon ng issue na mayroon daw ipis sa noodles tapos may nakaway yung customer nila na isang staff nila tapos nagsampa ng kaso yung customer. 'Di ba chismosa ang ganap ko. Naglalakad kami sa lifestyle walking distance lang pala akala ko naman sasakay pa kami para makapunta doon. Pagdating namin doon ay medyo maraming student sa loob nung starbucks sa b****a naman may mga upuan sa labas incase na mapuno sa loob hindi naman mainit kasi mahangin sa labas dahil may mga puno. Si sky ba 'yon? Nakaupo siya may hawak na notebook na purple mukhang may sinusulat at abalang abala tapos nakasuot ng headphone, tapos may guitara sa tabi niya and may canvas sa gilid niya may painting na 'yon babaeng nagpapakain ng lovebirds. tapos babaeng nakaupo sa sa bench pinapanood yung buwan. "Ang bagal mo maglakad" Si Lisha, nagmamadali dahil baka daw wala na kaming upuan sa loob ng starbucks. "Omg si Sky ba 'yon?" Si Lisha ulit, halatang nagulat pa pagdating namin sa 2nd floor sa tapat ng tindahan ng mga damit, katabi kasi nun ang starbucks. Mapapansin mo naman kasi agad si Sky dahil siya lang ang nakaupo sa labas pero kita rin na maraming tao sa loob. "Kilala mo siya?" Tanong ko kay Lisha, nakangiti pa ang gaga. Tumakbo siya palapit pero bumalik siya sakin saka ako hinila. "Sikat na painter 'yan, staka yung band niya medyo sikat na din. Hindi mo siya kilala?" Hinila niya yung kamay ko hindi na ako nakaimik, nagpunta kami sa gilid ni Sky hindi niya kami pinapansin. Pero maya maya inalis niya yung headphone niya. "Ang pogi niya?! Hindi ka ba kinikilig??" "Grabe araw-araw ako luluhod 'pag ganiyan kapogi" Tunog bastos ha, Lisha. "Ano?" Maikling sagot ni Sky, rumehistro naman ang gulat sa kaniya nang makita niya ako at umayos siya ng upo. Tinignan niya muna si Lisha bago niya ako tignan ulit staka umiwas ng tingin. "Ano kailangan niyo?" "Uh hi Sky, Lisha pala btw. Do you want to eat with me, instead na mag-isa ka diyan?" Nakangiti naman si Lisha. Nang tignan ko si Sky ay nakakunot ang noo at humigpit ang hawak niya sa ballpen na hawak niya at kinagat ang ibabang labi niya parang nagdadalawang isip pa siya kung papayag. "I am busy, hindi mo ba nakikita?" sungit. "Sige next time nalang-" "No more next time. I prefer eating alone ayoko ng may babae sa paligid ko" He said, umalis naman kaagad si Sky at naiwan kaming tulala ni Lisha. Nang makalayo na si Sky hinampas ako ni Lisha sa braso. "Kita mo 'yon?! Kinausap niya ako?!" She looked so surprised and excited anong masaya sa ginawa ni Sky? eh sinungitan nga siya "Oo nga pero mukhang napilitan" Sabi ko, hinampas niya ulit ako sa braso staka umupo sa inupuan ni Sky. "Ang harsh mo naman Luan" Nag sad face pa nga. "Tara na sa loob, libre mo ako ha" Si Lisha, Amputa papalibre pa sa akin eh wala akong budget. Nyeta. Pagpasok namin sa loob ang daming tao, halos puro student yung iba mukhang college na. Ang dami din nilang staff dito ang ang babait naman kasi ni welcome agad kami ng mga staff pagpasok namin nag offer sila ng table. Nang makarating kami sa dulong table, may tatlong lalaking nakaupo sa likuran ng table na uupuan namin mga naka hoodie staka naka shades. "Come on bro find yuri" Sabi nung isang naka black na hoodie "Ha?Bakit ako, ikaw na pinabayaan niyo sa labas eh" yung naka poloshirt na white tapos naka cap at nakashades na black "Pre hanapin mo na, tanga kapag 'yon dinumog na naman" yung naka gray na hoodie tapos naka shades na red. Pagbalik ni Lisha ay ngumunguso siya tinuturo yung mga lalaki sa likuran namin alam ko na 'yan basta pogi malinaw mata niya. "I'll go, ako na" Sabi nung naka black na hoodie "Ishang alam mo ba kaklase natin 'yon si Sky-" "Sky pare! Buti nandito ka na bakit ba ayaw mo pumasok dito huh?! Hindi naman tayo makikilala-" "SKY?!" "Lisha umupo ka nakakahiya" Bulong ko sa kaniya, si Sky nga tama at yung mga lalaki sa likod niya ay kasamahan niya. Yuri ang palayaw niya? yuri... I remember someone. "Miss pwede ba na huwag ka maingay baka makilala kami ng mga tao" "Kayo na naman?" Si Sky. He looked so irritated sa aming dalawa ni Lisha. Napansin ko yung dala-dala niyang purple na hoodie. Inaano ka ba namin? Ikaw nga daig mo pa may regla sa kasungitan mo. Akala mo naman gwapo. "Bakit nakatingin ka sa'kin?" Si Sky, pabalang niyang tanong sa'kin. Akala mo talaga, assumero talaga 'tong Sky na 'to. "Assuming something?Hindi ikaw. Yung hoodie mo" Sabi ko sa kaniya na sya namang kinakunot ng noo niya staka umiwas na para bang may tinatago. Tinago niya yunh hoodie sa likod niya saka umiwas ng tingin sa'kin. Akward silence... phew "Eto? Sa'yo 'yan eh" Si Sky. Pinagtampulan agad kami ng tukso ng mga kasama niya nang iabot sa'kin ni Sky ang hoodie. "Siya ba yung-" "Bro stop that nonsense" Sabi nung isang lalaking kanina pang nakaupo sa upuan nila, sobrang tahimik niya and kalmado lang din ang awra niya. Kanina niya pa kami tinitignan ni Lisha simula ng pag pasok mamin dito hindi ko lang yun sinabi kay Lisha. Hindi naman creepy yung pagtitig niya sa'min it's just may something na nakakairita. "Nonsense amputa" "Songs bro. She cursed" Sabi nung lalaking tumayo kanina para tawagin si Sky. They laughed. Anong nakakatawa? Tawagin ba naman kaming nonsense ni Lisha. "Alis" Sabi sa'kin ni Sky. Tinulak niya ako marahan dahil nakaharang ako sa daan. Agad nag-init ang ulo ko sa inis kaya susugurin ko sana si Sky ng hilahin ako ni Lisha palabas. Narinig ko pang nagtatawanan yung mga kaibigan ni Sky. "I think we got into a trouble" Si Lisha. "Wow tayo pa na trouble ha? Itulak ba naman ako ng Sky na 'yon" Hindi naman ako palaaway na tao. Pero yung itulak ako ang lawak-lawak ng daan kasya naman siya doon. Papansin talaga eh. Konti nalang iisipin ko na na crush niya ako. "Pano yung order natin?" Tanong ko kay Lisha, dito nalang siguro kami sa labas makakahiya naman I-cancel yung order namin. "Ay wait lang, may natawag sagutin ko lang" Lumayo agad si Lisha para sagutin yung phone call, naiwan ako nakatayo sa labas ng coffee shop. Maya-maya bumukas ang pintuan kaya umalis ako doon at gumilid. "Your order, Spanish Latte for Serenity" Written by: GrahammZil - PLAGIARISM IS A CRIME!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD