Alma Mater, Alaalang Hindi Malilimutan

300 Words
Sa lugar na ito, unti-unting tumatak sa aking isipan kung anong gusto kong maging paglaki ko. Sa lugar na ito, nabuo ang pagkakaibigang bukod tangi sa mundo. Sa lugar na ito, tulong-tulong kaming nagsunog ng kilay, umunawa at naging pariwara. Natuto akong lumiban sa klase para tumambay sa bilyaran sa likod ng paaralan. Natuto akong uminom ng alak, manigarilyo't sumali sa samahan. Mga sandali sa buhay kong kailanman may hindi ko pinagsisihan. Hindi mapakali sa silid aralan kapag wala si Maam. Hindi mapuknat sa kasisilip sa tarangkahan kung oras na ba ng labasan. Walang kaso sapagka't bakod kayang talunin naman. Ang oras ko sa aking sintang paaralan ay napakasaya. Naranasan kong maging malaya sa paningin nila. Nang lola kong ultimo pangangapitbahay ayaw niya. Kaya ng malayo ako pansamantala. Aming paaralan apat na barangay ang layo bago pa nila mapuna. Na ako'y pumasok sa eskwela at umuwi ng bahay na lasing pa. Naalala ko pa ng kami ay mapuna ng titser naming galit na galit sa aming nagawa. Anong balak niyong gawin sa buhay niyo? Anong gusto niyong mangyari! Patuloy na sigaw niya. Ikaw, Cecilia matalino ka pa naman pero reyna ka ng tanggera! Umukikil sa utak kong muntik na akong mapahinto ng Lola ko noong nakaraang taon. Kaya ng sandaling iyon pinili ko munang magpakatino at mag-aral. Lumipas ang buwan, sa fourth year aming pinagpatuloy. Gawaing cutting classes, inuman sa likod ng paaralan patuloy na umalagwa. Umuusok pa ang bibig ko mula sa sigarilyo . Nang mahuli ako ng Lola kong nakatambay sa labas ng eskwelahan. Habang inaalala ko ang aking pinagdaanan. Hindi naman ako nagsisi sa kabulustugang aking pinagdaanan. Sa alaala ko'y isa itong pambihirang karanasan. Na hindi ko makalilimutan kailanman. Awa ng Diyos nakatapos naman ako ng sekondarya pagbalik ko sa sumunod na taon na malaya at napakasaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD